You are on page 1of 1

Pagpapakita ng Pamantayan ng Pagpili ng Bayani

Sa dinami-rami ng tong tumayo sa harap ng maraming tao para maipagtanggol ang sariling bayan, ang
bansang Pilipinas maraming tao ang nagtatanong 'Bakit si Rizal ang napiling Pambansang Bayani?' 'Bakit
hindi si Bonifacio?' ang totoo nyan hindi lang si Bonifacio ang gusto nilang maging Bayani, may iba pa
silang mga pinagpipilian tulad nila Marcelo Del Pilar,

Potograpiya ang napiling konsepto ng proyektong pangintegrasyon. Sa pamamagitan nito, mas lalo pang
maiaangat ang katauhan ni Jose Rizal bilang isang natatanging bayani. Maaaring alam ng madla na si Jose
Rizal ang ating pambansang bayani ngunit lingid sa kaalaman ng karamihan ang dahilan. Hindi na rin
nakapagtataka na marinig ang pagkukumpara kay Andres Bonifacio at Jose Rizal sa usapin ng pagiging
pambbansang bayani. Ang hindi alam ng nakararami ay mayroong pamantayan sa pagpili o paghirang ng
pambansang bayani. Una, ang napiling katauhan ay dapat isang Pilipino at walang ibang lahi. Pangalawa,
ang kandidato dapat na patay o namayapa na. Ikatlo, kinakailangan na may matayog na pagmamahal sa
bayan at patriotismo. Huli at ika-apat, kinakailangan na ang kandidato ay mayroong mahinahong
damdamin at hindi bayolente. Ang ika-apat na pamantayan ang dahilan kung bakit hindi napili si Andres
Bonifacio hilang pangunahing bayani. Salungat sa pagkakaroon ng mahinahong damdamin, gumqmit ng
dahas si Bonifacio upang labanan ang mga Español. Si Rizal naman ay hindi gumamit ng dahas at sa halip
ay pluma at tinta ang ginamit na sandata laban sa banyagang mananakop. Sa pagpapalawig ng apat na
pamantayan sa pamamagitan ng proyekto, mas uunlad ang imahe ni Rizal sa pananaw ng tao. Mailalahad
sa madla na maraming pamantayan ang pinagdaanan ni Rizal bago maging pangunahing bayani. Ang
proyekto ay ang paggawa ng isang album na kung saan ilalagay ang mga litrato na naglalarawan kay Rizal
sa bawat pamantayan. Ang mga litrato ang magsisilbing paalala sa mga tao na hindi nillalambang ang
paghirang ng isang pambansang bayani. Ipinapakita sa proyekto ang mga walang katulad na katangian ni
Rizal at ang kanyang legasiya. Ito ay magiging epektibong pamamaraan sapagkat gumamit ang proyekto
ng medium na napapanahon (photography). Kay Rizal umiikot ang proyekto at naglalayong mas
paunlarin ang imahe at pagkatao ni Rizal bilang ang ating pambansang bayani. Magagamit ang mga
natutunan sa asignaturang Buhay at mga Gawa ni Rizal sa pagsasagawa ng proyekto at maituturing na rin
na pagbubuod ng mga kaalaman na nakalap sa pag-aaral ng nasabing asignatura. Sa malikhain at kawili-
wiling pamamaraan na ito, maipopromote hindi lamang si Rizal kundi ang mga katangian niya.

You might also like