You are on page 1of 3

Kagawaran ng Edukasyon

Sangany ng Lungsod ng Pasig


MATAAS NA PAARALAN NG RIZAL -SENIOR HIGH SCHOOL
Abenida ng Sr. Sixto Antonio, Brgy. Caniogan, Lungsod ng Pasig

RUBRIK PARA SA INDIBIDWAL NA GAWAIN BLG. 2 – PAGSUSURING


PAMPELIKULA

Para sa mga Mag-aaral:

Sikaping unawain at basahin ang nilalaman ng RUBRIK/PAMANTAYAN na ito upang


matiyak na makatamo ng mataas na marka. Ang hindi pagsunod sa nilalaman nito ay maaaring
magbunga ng mababa o hindi kaya ay zerong (0) marka sa gawaing ibinigay. Umaasa akong
paghuhusayan ang pagsasagawa ng naturang gawain alinsunod sa isinasaad ng gabay na ito.

Sumasainyo,

G. Reynante A. Lim
Guro, Komunikasyon at Pananaliksik…

GAWAIN: PAGSUSURING PAMPELIKULA - Four Sisters And A Wedding [2013]


sa Direksyon ni Cathy Garcia – Molina
PANUTO: Panoorin at unawain ang pelikulang Four Sisters And A Wedding at suriin ito gamit
ang balangkas na inihanda ng guro. Ilagay ang ginawang pagsusuri sa isang dilaw na
papel (kung sulat kamay) o Long Bond Paper (kung naka-computerize).

A. BALANGKAS NG PAGSUSURI
I . Pamagat:
II. Tauhan:
a. Pangunahing tauhan
b. Mga suportang tauhang nagpatingkad sa mga pangunahing tauhan
III. Lagom (Buod) ng Pelikula:
IV. Banghay ng Pelikula
a. Tagpuan
b. Protagonista (Bakit siya/sila?)
c. Antagonista (Bakit siya/sila?)
d. Suliranin
e. Saglit na kasiglahan
f. Tunggalian (Maaring higit sa isa)
g. Kasukdulan
h. Kakalasan
i. Wakas
V. Paksa oTema
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematorgrapiya
b. Musika
c. Genre ng Pelikula

PG at IG Blg.2
B. Gabay na tanong

1. Ano-anong kulturang Pilipino ang lumutang sa pelikulang napanood?


2. Naipakita ba ang pagkakaroon ng pagkakaiba-iba sa paggamit ng wika sa pelikulang
napanood? Ilahad ang patunay.
3. Ano-anong isyung panlipunan ang nailantad sa pelikulang napanood? Ipaliwanag kung
bakit.
4. Patuloy pa rin bang nakikita ang mga isyung panlipunan sa kasalukuyang panahon? Bakit
oo, bakit hindi?
5. Sa pangkalahatang pagtingin, paano mo nakita ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang
ng paggamit ng wika sa paglalapat nito sa isang pelikula? Ipaliwanag ang sagot.

RUBRIK (INDIBIDWAL NA GAWAIN BILANG 2)


Pamantayan 20 15 10 5
Nilalaman
*Malinaw na nailahad ang pagdidiskurso at paglalatag ng
lunsarang detalye sa bawat kasagutan.
*Makikita ang kaisahan ng kaisapan ng mga pangungusap
sa pagsagot sa bawat katanungan.
*Nakikita ang kaangkupan at ugnayan ng mga kasagutan
sa mga katanungan sa ginawang pagsusuri.
WIKA
*Nakabubuo ng makabuluhang pangungusap;
* Wasto ang pagkakabaybay ng mga salita, gamit ng mga
salita (tulad ng rin, din, raw, daw at iba pa katulad) at
bantas.
Kabuuan:

RUBRIK (GAWAING PASULAT BILANG 2)


Pamantayan 25 20 15 10
PORMAT
*Mahusay na nasunod ang ibinigay na pormat:
a. Nababasa ng maayos ang gawa (kung sulat kamay);
b. Nagamit at nasunod ang 8.5x13 na sukat, Times
NewRoman na font style, 14 na sukat ng tittle , 12
regular na sukat sa mga txt at naka-bold sa sub title,
1.5 na espasyo (spacing), Justify, at 1.5
kaliwax1x1x1 na margine (kung naka-typewritten).
WIKA
*Naiiwasan ang pagkakamali sa paggamit ng laki ng titik,
baybay ng mga salita, gamit ng mga bantas at gamit ng
mga salita.
*Malinis at maayos ang pagkakasulat (sulat kamay) at
malinis ang pagkakalimbag (kung naka-typewritten)

Kabuuan:

PG at IG Blg.2
Komento:
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PG at IG Blg.2

You might also like