You are on page 1of 3

Pagsusuri ng Movie Trailer

Ipinasa ni Jose Torren D. Flores

Ipinasa kay Jayfel L. Balingasa


Petsa ng pagpapasa: Enero 27, 2020

A. Becquerel

Ang mga karakter sa Movie Trailer ay nagampanan ng ayos sapagkat ang mga

gumanap sa mga karakter ng nobela ay akma sa kanilang ginanapan na karakter. Ang

mga tauhan ay nagampanan ng ayos ang nakaatas na karakter sa pagbibigay ng

damdamin at kabuluhan sa Trailer na nagawa. Halo-halong damdamin ang

nangibabaw sa Trailer, nanguna ang pagiging masaya at mapagmahal. Napakita ang

pagsasama ng dalawang nag-iibigan, ang kanilang mga pinagsamahan at ang pagalala

nila sa isa’t - isa. Biglang lumabas ang pagiging mapangapi ng mga Kastila at ang

pagiging superyor sa mga Indio. Dito na lumabas ang mga masasamang pangyayari

na nagiiwan ng bakas ng isang hindi malilimutang pangyayari na magiiba sa kanyang

pagkatao. Ang mga lugar na kanilang pinagganapan ay angkop sa tema. Naipakita ang

makalumang estruktura noong panahon ng mga Kastila. Ang iba sa mga kanilang

kasuotan ay akma, tulad na lang ang mga baro’t saya at mga kasuotang

pang-Katipunero. Ang kasuotan naman ni Ibarra ay hindi akma sapagkat bumalik siya

sa Pilipinas na iniinda pa rin ang sakit sa pagkamatay ng kanyan Tatay. Kahit na ito’y

masaya kasama si Maria Clara, ay hindi pa rin nawawala sa isip ang kanyang Tatay.

Ang mga kuha ng camera at anggulo ng pagkuha nito ay napakahusay. Naipapakita

nito ang damdamin at ang mga importanteng detalye. Ang mga transisyon na ginamit

ay akma at hindi napagsasawaan.


B. Bohr

Ang mga gumanap sa Movie Trailer ay akma sa mga karakter na kanilang

ginanap. Naipakita ang tamang damdamin sa karakter. Ang nangingibabaw na

damdamin ay ang mapagtaas at makapangyarihang tao.Ipinapakita ang malupit na

pamamahala ng simbahan at pamahalaan.Sila ang kumokontrol sa halos sa lahat ng

bagay sa Pilipinas noon. Ang mga lugar na kanilang ginanapan ay akma at maganda.

Naipapakita rito ang mga karangyaan ng mga Kastila at ang kahirapan ng mga Indio o

Pilipino. Ang kanilang kasuotan ay magaganda’t akma sa panahon na ginanap ang

Movie Trailer. Ang kasuotan ni Ibarra ay hindi angkop sapagkat ang kaniyang iniinda

na damdamin sa pagkamatay ng kanyang tatay ay hindi naipapakita. Ang mga

nakuhang anggulo sa paggawa ng Trailer ay akma at ang mga transisyon ay maganda

at akma sa damdamin ng eksena.

You might also like