You are on page 1of 17

Filipino 10

Unang Markahan – Modyul 5


Nobela mula sa France
(Panitikang Mediterranean)

MARGIE S. MOSTALES
Tagapaglinang

Kagawaran ng Edukasyon ● Rehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera

1
Alamin
Ang France ay kilala bilang sentro ng edukasyon at
ideyalismo noong Age of Enlightenment. Kilala rin ang bansa sa
hindi maitatatwang kagandahan ng estruktura ng mga gusali.
Kakambal ng kagandahan ng bansa ang kagandahan ng kanilang
panitikan. Hindi mabibilang na aklat at nobela ang naisulat sa
France na likha ng itinuring na mga tanyag sa pagsulat ng
panitikan.

Sa araling ito, maipamamalas mo ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa nobela sa pinamagatang “Ang Kuba ng Notre
Dame”. Ito ay buod lamang na isinalin sa Filipino ni Willita A.
Enrijo. Ang nobelang ito ay isinulat ni Victor Hugo na itinuturing
na isa sa mahusay na manunulat sa mundo. Bahagi rin ng aralin
ang pagtalakay sa mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng mga
pahayag na makatutulong para sa malalim na pag-unawa sa
paksang nais ipabatid ng babasahing nobela.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo


ang mga sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)
a. Nagagamit ang angkop na mga hudyat sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari (F10WG-Ie-f-60)
b. Nasusuri ang binasang kabanata ng nobela bilang isang
akdang pampanitikan sa pananaw humanismo o alinmang
angkop na pananaw (FP10PB-Ig-h-68)
c. Nakikilala ang pagkakaugnay-ugnay ng mga salita ayon sa antas o
tindi ng kahulugang ipinapahayag nito. (clining) (F10PT-Ig-h-
67)

Subukin
Subukin muna natin ang iyong naimbak na kaalaman tungkol sa
paksa. Huwag ka munang titingin sa susi sa pagwawasto sa huling pahina
hangga’t hindi mo natatapos ang pagsagot.

PAUNANG PAGTATAYA
A. Sagutin nang tapat ang paunang pagtataya sa pamamagitan ng pagsulat
ng letra ng iyong sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Pananaw na sinasabing ang tao ang pinakasentro ng daigdig.


A. Pananaw Klasisismo C. Pananaw Feminismo
B. Pananaw Romantisismo D. Pananaw Humanismo

2
_____ 2. Ang mga nakatala ay ilan lamang sa mga pagsusuri ng panitikan
maliban sa isa. Alin sa mga ito ang hindi kabilang?
A. Pagkatao C. Tema ng akda
B. Pagkakasulat D. Mga pagpapahalagang pantao
_____ 3. Ito ay bungang isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos
pang-aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan
ng tauhan at diyalogo?
A. Maikling Kuwento C. Nobela
B. Talambuhay D. Epiko
_____ 4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalagang
pantao, batay sa binasang nobela?
A. Ang nakitang magkayakap ay ang mga kalansay nina Esmeralda at
Quasimodo.
B. Sa paghahanap ng pagkain, nasilayan ni Gringoire ang
kagandahan ni Esmeralda.
C. Lumusob sa Katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at
magnanakaw
D. Ang pagbibigay ni La Esmeralda ng maiinom na tubig kay
Quasimodo .
_____ 5. Batay sa mga salitang galit, muhi, poot, at ngitngit, ano ang ayos
ayon sa antas o tindi ng kahulugan nito?
A. galit, muhi, poot, ngitngit C. poot, galit, ngitngit, muhi
B. poot, muhi, galit,ngitngit D. ngitngit, galit, poot, muhi
_____ 6. Anong kakaibang katangian si Claude Frollo bilang kontrabidang
tauhan sa akda?
A. Siya ay umiibig
B. Siya ay tagapagtanggol ni Quasimodo
C. Siya ay isang paring nagkakamali
D. Siya ang kumupkop kay Quasimodo
_____7. Anong pagpapahalagang pantao ang itinuturo ni Quasimodo sa
nobela?
A. Ang kapangitan ay suliranin.
B. Ang kapangitan ay hadlang sa magandang samahan.
C. Ang pisikal na kaanyuan ay sukatan ng tunay na pag-ibig.
D. Ang pisikal na kaanyuan ay hindi sukatan ng tunay na pag-ibig.
_____ 8. Ano ang tawag sa maaaring maghudyat ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari o di kaya ay maghimaton sa pagkakabuo ng diskurso?
A. Panandang pananong C. Panandang pandiskurso
B. Panandang padamdam D. Panandang naghuhudyat
_____ 9. Alin sa mga sumusunod ang kabilang sa mga halimbawa
ng panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari?
A. Kung iisipin C. Sabagay
B. Kung tutuusin D. Pagkatapos
_____ 10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa
naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari?
A. Una C. Ang sumunod

3
B. Pagkatapos D. Sabagay
B. Piliin mo sa kahon sa ibaba ang angkop na salita batay sa
wastong gamit ng pagsusunod-sunod ng mga pangyayari o hudyat
na naghihimaton sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Letra
lamang.

_____ 11. ______________, si Quiasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng


palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan.
_____ 12. ______________ pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay
Esmeralda ang kasalanang hindi niya ginawa.
_____ 13. ______________, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay La
Esmeralda.
_____ 14. _____________ masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay
biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit biglang
naglaho ang may sala.
_____ 15. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at ayon sa kautusan ni ni Frollo
na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan _______ sa utang na
loob.

A. Pagkatapos D. Nang sumapit ang hatinggabi


B. Nang sumunod na araw E. Dahil
C. Habang

Ba
likan
Sa nakaraang kabanata, natunghayan natin ang katangian ng
pangunahing tauhan na si Mathilde, nakita natin ang pag-uugali ng
isang babaeng taga-France. Ngayon naman ay bubuo tayo ng character
mapping sa pamamagitan ng Word Hunt kung saan ilalarawan mo ang
isang tao na sa tingin mo ay maganda ang naging katangian.
Pagkatapos ay bumuo ka ng isang talata na naglalarawan sa kanya o
pangyayari na naikintal sa iyong isipan.

Gawain 1: Word Hunt


Atin namang balikan ang mga katangian o paniniwala ni
Mathilde bilang pangunahing tauhan sa maikling kwentong "Ang
Kwintas" na nagbigay ng malaking pagbabago at aral sa kanya at
sa mambabasa. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na tanong ukol
dito.

Panuto: Hanapin at bilugan ang mga salitang naglalarawan sa


katangian o pagkakakilanlan ni Mathilde sa maikling kwentong

4
"Ang Kwintas". Ang mga salitang naglalarawan ay nakatala sa
ibaba ng talahanayan.
L L S A N W J Y N U B
K S O S Y A L O L L O
M A M B I S Y O S A U
V N C L Q Q F N A Y U
X L E C F Q F K O A E
U R Q O C V C W X I Z
R F J U T N L Z B Q P
M A L U H O Z Z X N V
S I N U N G A L I N G
M A I N G G I T I N U
L G O I G X F I G P M

Mga salitang hahanapin:


ambisyosa sinungaling sosyal
maluho mainggitin
Tanong:
May maganda bang dulot sa tao kung taglayin niya ang mga
katangiang nabanggit? Ipaliwanag ang iyong sagot sa isang pangungusap.

Tuklasin
Basahin at unawain mo ang buod ng nobelang “Ang Kuba ng Notre
Dame” na isang akdang pampanitikan mula sa France. Humanda sa
pagsagot sa mga sumusunod na gawain.

Ang Kuba ng Notre Dame (Buod)


Ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkikita-kita ang
mamamayan upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng Kahangalan” na
isinasagawa sa loob ng isang araw taon-taon. Taong 1482 nang itanghal si
Quasimodo- ang kuba ng Notre Dame bilang “Papa ng Kahangalan” dahil sa
labis niyang kapangitan. Siya ang itinuturing na pinakapangit na nilalang sa
Paris. Nang araw na iyon, iniluklok siya sa trono at ipinarada palibot sa
ilang lugar sa Paris sa pamamagitan ng pangungutya ng mga taong
naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Naroroon si Pierre Gringoire ang
nagpupunyaging makata at pilosopo sa lugar. Hindi siya naging

5
matagumpay na agawin ang kaabalahan ng mga tao sa panonood ng
nasabing parada. Malaki ang kaniyang panghihinayang sapagkat wala man
lang nagtangkang manood ng kaniyang inihandang palabas. Habang
isinasagawa ang mga panunuya kay Quasimodo, dumating ang paring si
Claude Frollo at ipinatigil ang pagdiriwang. Inutusan niya si Quasimodo na
sumamasa kanya pabalik ng Notre Dame.

Sa paghahanap ng makakain, nasilayan ni Gringoire ang


kagandahan ni La Esmeralda- ang dalagang mananayaw. Ipinasiya niyang
sundan ang dalaga sa kaniyang pag-uwi. Habang binabagtas ni La
Esmeralda ang daan, laking gulat niya nang sunggaban siya ng dalawang
lalaki- sina Quasimodo at Frollo. Sinubukang tulungan ni Gringoire ang
dalaga subalit hindi niya nakaya ang lakas ni Quasimodo kung kayat
nawalan siya ng malay. Dagli namang nakatakas si Frollo. Dumating ang
ilang alagad ng hari sa pangunguna ni Phoebus- ang kapitan ng mga
tagapagtanggol sa kaharian. Dinakip nila si Quasimodo. Samantala,
hatinggabi na nang pagpasiyahan ng pangkat ng mga pulubi at
magnanakaw na bitayin si Gringoire. Lumapit si La Esmeralda sa pinuno
ng pangkat at nagmumungkahing huwag ituloy ang pagbitay sapagkat
handa siyang magpakasal sa lalaki sa loob lamang ng apat na taon,
mailigtas lamang ang buhay ni Grengoire sa kamatayan.

Nang sumunod na araw, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa


tapat ng palasyo sa pamamagitan ng paglatigo sa kaniyang katawan.
Matindi ang sakit ng bawat latay ng latigo sa kaniyang katawan. Inisip niya
ang dahilan ng kaniyang pagdurusa. Ang lahat ng iyon ay kagustuhan at
ayon sa kautusan ni Frollo- na kailanman ay hindi niya nagawang tutulan
dahil sa utang na loob. Kasabay ng sakit na nadarama niya ay ang
matinding kirot na nalalasap sa bawat panghahamak sa kaniya ng mga
taong naroroon. Nagmakaawa siya na bigyan siya ng tubig subalit tila bingi
ang mga taong nakatingin sa kaniya- na ang tanging gusto ay
lapastanganin at at pagtawanan ang kaniyang kahabag-habag na
kalagayan. Dumating si La Esmeralda. Lumapit ang dalaga sa kaniya na
may hawak na isang basong tubig. Pinainom siya. Samantala, sa di
kalayuan ay may babaeng baliw na sumisigaw kay La Esmeralda. Tinawag
siya ng babaeng “hamak na mananayaw” at “anak ng magnanakaw.”

Kilala ang babae sa tawag na Sister Gudule. Siya ay pinainiwalaan na


dating mayaman subalit nawala ang bait nang mawala ang anak na babae,
labinlimang taon na ang nakalilipas.

6
Makaraan ang ilang buwan, habang si La Esmeralda ay sumasayaw sa
tapat ng Notre Dame at pinagkakaguluhan ng maraming tao, napagawi ang
mga mata ni Phoebus sa mapang-akit na kagandahan ng dalaga. Nang
mapuna ni La Esmeralda si Phoebus ay napaibig dito ang DALAGA. Tila
siya nawalan ng ulirat nang kaniyang marinig ang paanyaya ng binata na
magkita sila mamayang gabi upang lubos na magkakilala. Si Frollo ay
nakatanaw lamang mula sa tuktok ng Notre Dame at nakaramdam ng
matinding panibugho sa nasaksihan. Ang kaniyang matinding pagnanasa
kay La Esmeralda ang nag-udyok sa kaniya na talikuran ang Panginoon at
pag-aralan ang itim na mahika. Mayroon siyang masamang balak. Nais
niyang bihagin ang dalaga at itago sa kaniyang selda sa Notre Dame. Nang
sumapit ang hatinggabi, sinundan niya si Phoebus sa pakikipagtipan kay
La Esmeralda. Habang masayang nag-uusap ang bagong magkakilala ay
biglang may sumunggab ng saksak kay Phoebus ngunit mabilis ding
naglaho ang may sala. Hinuli ng mga alagad ng hari si La Esmeralda sa
pag-aakalang siya ang may kagagawan ng paglapastangan sa kapitan.

Matapos pahirapan sa paglilitis, sapilitang pinaako kay La Esmeralda


ang kasalanang hindi niya ginawa. Pinaratangan din siyang mangkukulam.
Siya ay nasintensiyahang bitayin sa harap ng palasyo. Dinalaw siya ni
Frollo sa piitan at ipinagtapat ang pag-ibig sa kaniya. Nagmakaawa ang
pari na mahalin din siya at magpakita man lang kahit kaunting awa ang
dalaga subalit tinawag lamang siya ni La Esmeralda ng tiyanak na monghe
at pinaratangang mamamatay tao. Tumanggi siya sa lahat ng alok ni
Frollo. Bago ang pagbitay, iniharap si La Esmeralda sa maraming tao sa
tapat ng Notre Dame upang kutyain. Napansin ng dalaga ang anyo ni
Phoebus kaya isinigaw niya ang pangalan ng binata. Si Phoebus ay
nakaligtas sa tangkang pagpatay sa kaniya. Tumaikod si Phoebus na tila
walang naririnig at tinunton ang bahay ng babaeng kaniyang pakakasalan.
Ilang sandali’y nagpadausdos si Quasimodo mula sa tuktok ng Notre Dame
patungo kay La Esmeralda gamit ang tali. Hinila niya paitaas ang dalaga
patungo sa Katedral at tumatangis na isinigaw ang katagang “Santuwaryo”.
Si Quasimodo ay napaibig kay La Esmeralda nang araw na hatiran siya ng
dalaga ng tubig sa panahong wala man lang magnasang tumulong sa
kaniya. Matagal na niyang pinagplanuhan kung paano itatakas si La
Esmeralda sa naging kalagayan ng dalaga. Batid ni Quasimodo na ang
dalaga ay mananatiling ligtas hangga’t nasa katedral. Sa mga araw na
magkakasama ang dalawa, mahirap para kay La Esmeralda na titigan ang
pangit na anyo ni Quasimodo. Di nagtagal, naging magkaibigan ang
dalawa.

7
Lumusob sa katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at
magnanakaw. Sila ang kinikilalang pamilya ni La Esmeralda. Naroon sila
upang sagipin ang dalaga sapagkat narinig nila na nagbaba ng kautusan
ang parliyamentaryo na paalisin si La Esmeralda sa katedral. Samantala,
inakala naman ni Quasimodo na papatayin ng mga lumusob si La
Esmeralda kaya gumawa siya ng paraan upang iligtas ang dalaga.
Malaking bilang ng mga lumusob ang napatay ni Quasimodo. Habang
nagkakagulo, sinamantala ni Frollo na makalapit kay La Esmeralda. Nag-
alok siya ng dalawang pagpipilian ng dalaga: ang mahalin siya o ang
mabitay? Mas pinili ni La Esmeralda ang matibay kaysa mahalin ang isang
hangal na tulad ni Frollo. Iniwan ni Frollo ang dalaga na kasama si Sister
Gudule. Labis ang pagkakamangha ng dalawa nang mabatid nila na sila ay
mag-ina. Nakilala ni Sister Gudule si La Esmeralda dahil sa kuwintas na
suot ng dalaga. Ito ang kaniyang palatandaan na suot ng kaniyang anak
bago mawala. Ninasa ni Sister Gudule na iligtas ang anak subalit huli na
ang lahat.

Nang mabatid ni Quasimodo na nawawala si La Esmeralda, tinunton


niya ang tuktok ng tore at doon hinanap ang dalaga. Sa di kalayuan,
napansin niya ang anyo ng dalaga. Si La Esmeralda ay nakaputing bestida
at wala nang buhay. Naantig siya sa kanyang nasaksihan. Labis na galit
ang nararamdaman niya kay Frollo na noon pa man ay batid niya na may
matinding pagnanasa sa dalaga. Nawala sa katinuan si Quasimodo. Nang
mamataan niya si Frollo, hinila niya ito at sa matinding lungkot na
nararamdaman ay inihulog niya ito mula sa tore- ang paring kumopkop sa
kaniya. Inihulog niya sa kamatayan ang taong naghatid ng pagdurusa sa
babaeng kaniyang minahal- si La Esmeralda. Habang nakatitig sa wala ng
buhay na katawan ng dalaga, sumigaw si Quasimodo, “walang ibang babae
akong minahal.” Mula noon, hindi na muling nakita pa si Quasimodo.

Makalipas ang ilang taon, nang matagpuan ng isang lalaking


naghuhukay sa puntod ni La Esmeralda, ang nakayakap na kalansay ng
kuba sa katawan ng dalaga.

Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan


Panuto: Kilalanin ang antas o tindi ng kahulugang ipinahahayag
ng mga salita sa pamamagitan ng pagki-klino. Ihanay ang
mga salitang nakatala sa ibaba ayon sa antas o tindi ng
kahulugan nito sa pamamagitan ng pagpupuno sa
talahanayan. Ang unang bilang ay nagawa na bilang
halimbawa at maging gabay mo.

8
Salita Pinakamababang Matinding Pinakamatinding
kahulugan kahulugan kahulugan
asar inis galit poot
iniirog
lumbay
Pagpipiliang mga Salita:
hinagpis lungkot sinisinta minamahal pighati iniibig

Gawain 3: Pagsusuri sa Tauhan

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Piliin ang


tamang letra ng iyong sagot at isulat ito sa sagutang
papel.
1. Itinuturing na pinakapangit na tao sa Paris ngunit
may busilak na puso.
A. Quasimodo
B. La Esmeralda
C. Claude Frollo
2. Paano ipinakita ni Claude Frollo ang kanyang
Pagmamahal kay La Esmeralda?
A. May kapalit na kondisyon
B. Handang magpasakop
C. Hahamakin ang lahat
3. Paano ipinakita ni Quasimodo ang tunay niyang
pagmamahal kay La Esmeralda?
A. Binago ang kanyang itsura upang magustuhan ng
taong minamahal
B. Handang magsakripisyo maprotektahan lang ang
minamahal
C. Handang magpakababa para sa minamahal
4. Pinuntahan ni Claude Frollo si La Esmeralda upang
alukin ito ng kalayaan ngunit ang kapalit ay ang pag-
ibig ng dalaga. Anong katangian ni Claude Frollo ang
mababakas sa mga pangyayari?
A. Panggigipit
B. Pagpapakumbaba
C. Pagmamahal
5. Bakit tila hindi narinig ni Phoebus ang pagtawag ni La
Esmelda bago ito bitayin?
A. Dahil sa aksidente, nawalan siya ng alaala
B. Hindi tapat ang pagmamahal sa dalaga
C. Takot na matulad sa dalagang iniibig

Suriin
9
Binabati kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita. Halina at ating
talakayin kung ano ang nobela? Ano ang pananaw humanismo? At ano
ang mga ginagamit na panandang diskurso sa pagsunud-sunod ng mga
pangyayari.
Alam mo ba na...
Ang nobela ay bungang –isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang
halos pang-aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng
tauhan at diyalogo? Ito’y naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling
pangyayari na hinabi sa isang mahusay na pagkakabalangkas.

Ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na


nobela ay 1.) isang kuwento o kasaysayan 2.) isang pag-aaral, at 3.) paggamit
ng maikling guniguni.

Pangunahing layunin ng nobela ay lumibang, bagaman sa di-tahasang


paraan, ito’y maaari ring magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa
pamumuhay o sa lipunan, o magbigay ng isang aral.

Mga Pangyayari – Dahil binubuo ng mga kabanata, dapat na ang mga


pangyayari ay magkakaugnay. May panimula, papaunlad na mga pangyayari
na magsasalaysay ng tunggalian ng nobela, kasukdulan, at kakalasan na
patungo na sa wakas.

Paglalarawan ng Tauhan- Ang lalong mahusay na nobela ay naglalarawan


ng tauhan. Ito’y ginagawa nila sa isang paraang buhay na buhay, kayat parang
mga tunay na tauhan ang kinakaharap natin habang binabasa ang nobela. Sa
kanilang bukambibig, sa kanilang mga kilos, at sa mga sinasabi ng may-akda
tungkol sa kanila ay natutuhan nating kilalanin at pahalagahan ang mga
lalaki at babae ng isang katha na naiuugnay sa mga taong nakapaligid sa atin.

MGA PANANAW HUMANISMO


Pananaw- tumutukoy sa paniniwala o persepsiyon ng isang indibidwal o isang
pangkat
Humanismo – nagmula sa Latin na nagpapahiwatig ng mga “di-siyentipikong”
larangan ng pag-aaral tulad ng wika, panitikan, retorika, at iba pa.

 Ipinapakita na ang tao ang sentro ng mundo at binibigyang tuon ang


kalakasan at mabubuting katangian ng tao
 Maaaring ilapat sa maraming paniniwala, pamamaraan at pilosopiyang
nagbibigay tugon sa kalagayan at karanasan ng tao

Pinaniniwalaan ng humanismo na ang tao ay isang rasyonal na nilikha na


may kakayahang maging makatotohanan at mabuti. Sa madaling salita ang
humanismo ay naniniwala na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay, ang
siyang pinanggagalingan ng lahat. Mainam tingnan sa sumusunod ang
pagsusuri ng panitikan:
a. pagkatao
b. tema ng akda

10
c. mga pagpapahalagang pantao
d. mga bagay na nakaimpluwensiya sa pagkatao ng tauhan
e. pamamaraan ng pagbibigay solusyon sa problema

Kaya masasabi nating ang nobelang ang “Kuba ng Notre Dame” ay nasa
pananaw Humanismo sa dahilang ipinakikita dito ang iba’t ibang katangian o
pagkatao ng mga tauhan gaya na lamang ni Quasimodo na tinaguriang “Papa
ng Kahangalan” o pinakapangit na nilalang sa Paris at si La Esmeralda na
napakaganda ay maaari pa lang maging magkaibigan. Ipinapakita rito na ang
pisikal na anyo ng tao ay hindi sukatan upang maipakita ang tunay na pag-
ibig sa bawat isa.

Dagdag Kaalaman…….
Pagsasanib ng gramatika at Retorika
Narito naman ang iba’t ibang hudyat o panandang pandiskurso na
ginagamit sa pagsasalaysay ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
Mga panandang ginagamit sa pagsisimula ng pangyayari
 Una, sa umpisa, noong una, unang-una
Halimbawa:
Una, ang panganay na si Jules, may liberal na pag-iisip.
Mga panandang ginagamit sa gitna ng pangyayari
 Sumunod, ikalawa, ikatlo, pagkatapos
Halimbawa:
Sumunod ay si Gani, maagang nag-asawa’t nagkaanak
ngunit mabilis din silang nagkahiwalay ni Evelyn.
Bunga nito, siya’y nanirahan na sa abroad kapiling ng
kaniyang pamilya.

Ikatlo, ang pinakamalambing na si Jason ang kakulangan niya bilang


estudyante ay matagumpay na napagtatakpan na katangian niya bilang
anak.

Pagkatapos, ang bunsong si Bingo namulat sa mundong walang


katahimikan at walang katiyakan, ngayo’y magtatapos na ng
kolehiyo

Mga panandang ginagamit sa pagwawakas ng pangyayari

 Sa huli, sa wakas, sa bandang huli, sa kabuoan, Bilang pagtatapos


Halimbawa.:
Bilang pagtatapos, natutuhan niyang pangibabawan ang kahinaa’t
kahirapan

Ang mga panandang ito ay maaari ring gamitin sa pagsasagawa o


pagtuturo ng mga hakbangin halimbawa sa pagluluto o pagsasagawa

Pagsasanay 1

11
Panuto: Punan ng angkop na salita ang mga patlang batay sa wastong
gamit ng hudyat sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari batay sa mga
kaganapan sa buhay ni Quasimodo. Isulat ang kasagutan sa iyong sagutang
papel.
1. _______________ itinanghal na "Papa ng Kahangalan" si Quasimodo
dahil sa taglay naying kapangitan.
2. _______________ dinakip si Quasimodo sa salang pananakit kay La
Esmeralda.
3. _______________, si Quasimodo ay nilitis at pinarusahan sa tapat ng
palasyo ng paglalatigo sa kanyang katawan.
Pagyamanin
Sa bahaging ito, ating palalawakin ang iyong kaalaman ukol sa ating
paksa.
Gawain 4 : Isabuhay Mo !
Panuto : Tingnang mabuti ang larawan. Bilang isang mag-aaral, paano ka
magiging boses upang matugunan ang suliraning ito sa ating lipunan.
Magbigay ng hakbang gamit ang mga hudyat sa pagpapahayag ng
pagkasunod-sunod ng pangyayari. Magbigay lamang ng tatlong (3) hakbang.

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

Tayahin(Written Work)
Tayahin natin ang iyong natutunan sa modyul na ito sa pamamagitan
ng pagsagot sa pangwakas na pagtataya.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Sagutin nang tapat ang pangwakas na pagtataya sa
pamamagitan ng pagsulat ng letra ng iyong sagot sa patlang bago ang
bilang sa sagutang papel.
_____ 1. Ang tinutukoy kapag sinabing bungang isip/katha na nasa anyong prosa,
kadalasang halos pang-aklat ang haba na ang banghay ay inilalahad sa
pamamagitan ng tauhan at diyalogo.
A. Talambuhay B. Epiko C. Maikling Kuwento D. Nobela
_____ 2. Tawag sa maaaring maghudyat ng pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari o di kaya ay maghimaton sa pagkakabuo ng
diskurso.
A. Panandang padamdam

12
B. Panandang pananong
C. Panandang pandiskurso
D. Panandang naghuhudyat
_____ 3. Ang mga nakatala ay ilan lamang sa mga pagsusuri ng panitikan
maliban sa isa. Alin sa mga ito ang hindi kabilang.
A. Pagkatao
B. Tema ng akda
C. Pagkakasulat
D. Mga pagpapahalagang pantao
_____ 4. Nagpapakita ng pagpapahalagang pantao batay sa binasang
nobela.
A. Sa paghahanap ng pagkain, nasilayan ni Gringoire ang kagandahan
ni Esmeralda
B. Ang pagbibigay ni La Esmeralda ng maiinom na tubig kay Quasimodo
C. Lumusob sa Katedral ang pangkat ng mga taong palaboy at
magnanakaw
D. Ang nakitang magkayakap ang mga kalansay nina Esmeralda at
Quasimodo
_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang na naghuhudyat ng
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
A. Pagkatapos
B. Ang sumunod
C. Sabagay
D. Una

B. Panuto: Tukuyin kung Tama o Mali ang ipinapahayag ng bawat


bilang. Isulat ang T kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at M
naman kung mali ang isinasaad ng pahayag. Isulat ang kasagutan sa
patlang bago ang bilang.

_____ 6. Ang pananaw ay tumutukoy sa paniniwala o persepsiyon ng


isang indibidwal o isang pangkat.
_____ 7. Kung iaayos ang mga salitang galit, muhi, poot at ngitngit mula sa
pinakamasidhi patungo sa di masidhing pagpapakahulugan ay
magiging poot, muhi, ngitngit, galit.
____8. Pinaniniwalaan ng humanismo na ang tao ay isang
rasyonal na nilikha na may kakayahang maging
makatotohanan at mabuti.
____9. Ang pananaw Humanismo ay nagpapakita na ang tao ang
sentro ng mundo at binibigyang tuon ang kalakasan at
mabubuting katangian nito.
____10. Ang panandang pandamdam ay maaaring maghudyat ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o di kaya ay
maghimaton sa pagkakabuo ng diskurso.

13
Isagawa (Performance Task)
I. Kaya Mong Gawin!

PANUTO: Gamitin ang mga mekaniks sa ibaba sa pagbuo ng isang


mahusay na katha sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

Tandaan ang mga sumusunod na mekaniks:


•Una, pumili ng isang gawaing kaya mong gawin na nagpapakita ng
pagkasunod-sunod ng pangyayari. (hal. pagluluto, paggawa ng
origami, anumang gawaing bahay at iba pa)
•Ikalawa, ilahad ang pagkasunod-sunod na isasagawa sa napiling
gawain.
•Ikatlo, gamitin ang mga hudyat sa pagkasunod-sunod ng mga
pangyayari na natutuhan sa paglalahad ng kaisipan.
•Sunod, isulat sa sagutang papel ang nabuong pagkasunod-sunod na
isasagawa o pangyayari. Huwag kalimutang salungguhitan ang mga
hudyat sa pagkasunod-sunod ng pangyayari na nagamit sa
pagsasalaysay.
•Pagkatapos, ipasa ang sagutang papel sa araw ng pagsusumite nito.
•Panghuli, isaalang-alang ang pamantayan sa ibaba.

Pamanta- Napaka- Mahusay Katam- May Pag- Pasimul


yan husay 9 taman unlad a
10 8 5 6
A. Wastong Nakagamit Nakagamit Nakagamit Nakagamit Nakagami
gamit ng ng limang ng apat na ng tatlong ng t ng isang
hudyat sa (5) hudyat (4) hudyat (3) hudyat dalawang (1) hudyat
pagkasunod sa sa sa (2) hudyat sa
sa
-sunod ng pagkasunod pagkasunod pagkasu- pagkasu-
pagkasu-
pangayayari -sunod ng -sunod ng nod-sunod nod-sunod nod-
pangayayari pangayayari ng ng sunod ng
pangaya- pangaya- pangaya-
yari yari yari
B. Wastong Lahat ng May isang May May May apat
pagkasunod pagkasu- (1) hindi dalawang tatlong (3) (4) na
-sunod ng nod-sunod angkop sa (2) hindi hindi hindi
pangyayari/ ng pagkasunod angkop sa angkop sa angkop sa
hakbang pangyayari -sunod sa pagkasu- pagkasu- pagkasun
sa pagsasala- nod-sunod nod- od-sunod
pagsasalay- say ng sa pagsasa- sunod sa sa
say ay pangyayari laysay ng pagsasa- pagsasala
wasto pangya-yari lasay ng -say ng
pangyaya- pangyaya
ri ri
KABUOAN 20 puntos

14
SUSI SA PAGWAWASTO
PAUNANG PAGTATAYA Gawain 1: Word Hunt:
Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan:
1. D 6. C 1. D
Salita Pinakamababang Matinding Pinakamatinding
2. B 7. D 2. A kahulugan kahulugan kahulugan
1. iniirog sinisinta liniliyag minamahal
3. C 8. C 3. B 2. lumbay lungkot hinagpis pighati
4. D 9. D 4. C Gawain 3: Pagsusuri sa Tauhan: Pagsasanay 1:
1. A 1. Una
5. B 10.D 5. E 2. A 2. Ikalawa
3. B 3. Nang sumunod na araw
4. A
5. C
Gawain 4: Isabuhay Mo:

ISAGAWA/PERFORMANCE TASK:
Ang mga kasagutan ay batay sa pamantayang nakalagay

TALASANGGUNIAN

Ambat, V.C., et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City:
Vibal Group, Inc. pa.74-84.

Halimbawa ng Pandiskurso- Kahulugan at Iba Pa. Nahango noong


Pebrero 26, 2021 mula sa
https://philnews.ph/2021/02/26/halimbawa ng panandang-
pandiskurso

https://www.mytasteph.com/r/paano-magluto-ng-masarap-na-pork-
adobo-72607103.html

Panandang Pandiskurso. Nahango sa https://.google.com/search?


client=firefox-b-d&q=panadang-pandiskurso

https://bullyingfake.blogspot.com/2020/02/stop-bullying-cartoon-
images.html

15
BAGUIO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
CN: TAONG PANURUAN 2021-2022
SAGUTANG PAPEL SA FILIPINO 10 – ARALIN 1.4 (Nobela)

Pangalan: ___________________________Petsa: __________


Seksiyon: ______________________ Guro:
_____________________
PUNTOS:
Written: __________
I. PANGWAKAS NA PAGTATAYA:(written output)
Performance: ______
A. 1. ________ B. 6.________
2. ________ 7. _______
3. ________ 8. _______
4. ________ 9. _______
5. ________ 10. _______
II. ISAGAWA (Performance Task)
PANUTO: Sundin ang mga panuto sa pahina 14 ng iyong modyul upang
masagutan ito. Maaaring gumamit ng karagdagang papel kung kinakailangan.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

16
Puna ng guro: Puna ng magulang:
___________________________________ ___________________________________

___________________________________ ___________________________________

Pangalan at lagda: Pangalan at lagda:

17

You might also like