You are on page 1of 3

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO SA EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO
Paaralan KAYPIAN Antas 10 Rizal,Lapu-Lapu, SIlang, Bonifacio, Del Pilar, Mabini,
NATIONAL Luna, Aquino Jacinto, Gomburza
HIGH SCHOOL
Guro Lawrence A. Asignatur EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Chua a
Petsa July 11, 2019 Markahan First COT

I. LAYUNIN - Maunawaan ang kaugnayan ng Kulturang Pilipino sa konsensiya.


- Magkaroon ng matibay na pagpapahalaga sa Konsensiya
- Makabuo ng mga kalingang nagpapakita ng pagtangkilik sa Kultura at
Konsensiyang Pilipino
A. Pamantayang Pangnilalaman Niapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Konsepto ng paghubog ng Konsensiya
batay sa Likas na Batas Moral

B. Pamantayang Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasiya.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto KP 1:
(Isulat and code ng bawat Nakikila ang mga yugto ng konsensiya sa pagsusuri o pagninilay sa isang
kasanayan) pagpapasiyang ginawa.
KP 2:
Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginawa batay sa mga mga Prinsipyo ng Likas na
Batas Moral.
KP 3:
Napatutunayan na ang konsensiyang nahubog batay sa prinsipyo ng Likas na Batas
Moral ay nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos.
KP 4:
Nakagagawa ng mga angkop na kilos sa konsensiyang nahubog ng Likas na Batas
Moral.

II. NILALAMAN Modyul 3: Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas Moral


( Ang Kulturang Pilipino at ang Konsensiya)
III. KAGAMITANG PANTURO Modyul, Manila paper, pentelpen, colored paper, Bluetooth speaker
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro 27-35
2. Mga pahina sa Kagamitang 42-63
Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B. Iba pang kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o Ang mga mag aaral ay tatanungin hinggil sa kanilang nalalaman sa kanilang aralin
pagsisimula ng bagong aralin tungkol sa Mataas na Gamit ng Isip at Kilos Loob.
Tatanungin ang mga mag-aaral kung ano kahalagahan ng pag-iisip sa bawat
desisyong gagawin sa buhay.
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Iparirinig ang awiting “Tie a Yellow Ribbon” sa mga mag-aaral at sasagutin ang mga
sumusunod na katanungan
1. Ano ang nais ipahiwatig ng awitin?
2. Ano sa palagay ninyo ang saloobin ng kompositor ng awitin?
3. Ano ang mga simbolismong ginamit sa awitin?
4. Saang Parte ng kasaysayan ng ating Bansa nagamit ang nasabing awitin?
5. Kung ikaw ay babalik sa nasabing panahon, Ano ang iyong gagawin? O ano
ang magiging aral sa iyo nasabing pangyayari?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa Hinangaan tayong mga Pilipino sa pagiging mapagmahal natin sa bayan. Ano sa
bagong aralin palagay ninyo ang mga Kulturang mayroon tayo? Makikita natin sa Pisara ang ilan sa
mga kulturang makikita natin sa atin bilang Pilipno:
a. Utang na loob
b. Pakikisama
c. Bahala na
d. Hiya

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Ang mga mag aaral ay hahatiin sa apat na pangkat: Ipapakita nila ang mga
paglalahad ng bagong kasanayan#1 positibong epekto ng mga sumusnod na Kultura ng Pilipino:
a. Utang na loob ( Awit )
b. Pakikisama ( Paint me a Picture)
c. Bahala na ( Sabayang Pagbigkas)
d. Hiya (Skit)
e. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Ang mga bagay na ito ay maiiugnay natin sa ating mga Konsensiya bilang
paglalahad ng bagong kasanayan#2 pamantayan:
Utang na loob
- Ang pakiramdam na dapat na magpasalamat sa lahat ng bagay na
natatanggap
- Pagtanaw nf utang na loob sa Diyos, Magulang at pinagkaka utangan ng
loob.
- Pagbabahagi at pagkakaroon ng kapakumbabaan
Pakikisama
- Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging palakaibigan
- Ang pakikisama ay nakabubuti kung ito ay nagbibigay daan sa atin upang
gumawa rin ng mabuti sa ating kapwa.
- Ang pakikisama ay napakahalaga sa ating mga Pilipino at likas din sa atin
ang pagiging maasikaso sa mga panauhin at sa mga taong nakakasalamuha
natin
Bahala na
- Buha’t sa salitang BATHALA NA
- Ibig sabihin nitoý ibinibigay natin ang ating kalooban sa ating Lumikha
- Sikapin rin natin na kumilos at huwag pairalin ang katamaran sapagkat Nasa
Diyos ang awa ngunit nasa tao ang gawa.
Hiya
- Ang pagkakaroon ng hiya ay positibo kung ito ay magdudulot sa atin ng
pagkahiya sa paggawa ng masama.
- Hiya ay ang pakiramdam na umiwas sa masama sapakagkat may nakakakita
at makaalam ng ating gagawin.
- Nagiging masama ang hiya kung ikaw ay nahihiyang gumawa ng mabuti sa
kapwa

f. Paglinang sa Kabihasaan Ang mga mag aaral ay sasagutin ang mga katanungan.
(Tungo sa Formative Assessment) 1. Ano ang kahalagahan ng mga nasabing kultura na ating napag usapan sa
inyo bilang mga kabataan?
2. Bakit kailangang hubugin ang konsensiya ng kabataang Pilipino sa ating
panahon ngayon?
3. Kung ikaw ay mahaharap sa matinding pagsubok, susundin mob a ang
inuudyok ng iyong konsensiya?

g. Paglalapat ng aralin sa pang-araw- Iparirinig muli ang awiting “Tie a Yellow Ribbon”.
araw na buhay Tayong lahat ay may mga pinagdadaanan sa buhay. Maging matatag tayo at maging
mapagpakumbaba. Ang Diyos ay palaging handang tumulong at sumaklolo sa atin
kahit na tayo ay nalilisya kung minsan. Ang mahalaga ay matuto tayong lumapit at
tanggapin na tayo ay nagkakasala

h. Paglalahat ng Aralin - Mahalagang mahubog ang konsensiya ng isang Kabataan Pilipino


- Ang konsensiya natin ay dapat nating inilalapat sa positibong tinuturo ng
ating kultura
- Maging mapagmatyag tayo sa mga bagay nasa paligid natin. Bilang
kabataan kailangan nating paunlarin ang pagkakakilanlan natin bilang isang
Pilipino.
- Kailangan nating paunlarin ang ating konsensiya upangmalaman natin kung
itoý nagdidikta sa atin ng tama o maling desisyon sa buhay.

i. Pagtataya ng Aralin Sagutin kung tama o mali ang pahayag:


1. Ang konsensiya ay boses ng Diyos na nagsasabi sa atin na gawin ang
mabuti at umiwas sa masama..
2. Ang pagkakaroon ng hiya ay nagiging mali kung ito ay nagdudulot sa atin ng
hiya sa pagawa ng mabuti.
3. Ang Bahala na ay nagsasabi na Diyos lang ang asahan at di na kikilos
sapagkat ang Diyos lang ang makalulutas nito.
4. Ang pakikisama ay pagsunod sa dikta ng kaibigan kahit mali na ang
ginagawa nito.
5. Ang pagtanaw ng utang na loob ay pagkakaroon ng pagpapasalamat sa
lahat ng mabuting ginawa sa atin n gating kapwa.

j. Karagdagang Gawain para sa Sumulat ng sanaysay na kung saan ikaw ay nakonsensiya sa isang bagay nagawa
takdang aralin at remediation mo sa iyong :
a. Sa magulang
b. Kapatid
c. Kamag-anak
d. Kaibigan

V. Mga Tala

Inihanda ni: Binigyang pansin ni: Pinagtibay ni:

___LAWRENCE A. CHUA __FLORY SASPA JEAZ DC.


CAMPANO
Guro EsP Coordinator Punong Guro III

You might also like