You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

President Ramon Magsaysay State University


Sta. Cruz Kampus Sta. Cruz Zambales
Unang Semestre, 2022-2023

FILN3
Sinesosyedad/Pelikulang Panlipuan

Pinal na Proyekto:
Isang Pagsusuring Pampelikula sa Pelikulang
“_______”

Ipinasa nina:
(Pangalan)
Kurso
 

Ipinasa kay

Shiryl M. Abejon , MA.Ed


Guro

Pebrero 11,2023
PANUNURING PAMPELIKULA
I. Nilalaman ng Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula – Anak
B. Director - Rory B. Quintos
C. Mga Pangunahing Tauhan:
 Vilma Santos bilang Josie (ina at OFW na nagtatrabaho sa Hong Kong)
 Claudine Barretto bilang Carla (Panganay na anak ni Josie)
 Joel Torre bilang Rudy (Asawa ni Josie)
 Baron Geisler bilang Michael (Pangalawang anak ni Josie)
 Sheila Mae Alvero bilang Daday (Bunsong anak ni Josie)
D. Tema ng Pelikula
Ang tema ng pelikula ay tungkol sa isang Ina na nakipagsapalaran sa bansang Hongkong upang
matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak at umasang magbago at guminhawa
ang kanilang buhay. Naglalayon ito na ipabatid na hindi madali ang kanilang nagiging buhay sa
ibang bansa at hindi sila umaalis uang takasan ang kanilang mga responsabilidad at obligasyon.
Ipinahahatid lamang nito na handang gawin ng isang ina ang lahat para sa kanyang mga anak
kahit pa masakit ito sa kanyang kalooban.
E. Maiksing Balangkas
Si Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic worker na may
anak na isang lalaki at dalawang babae, ay mahaharap sa isang matinding suliranin tungkol sa
kanyang sariling pamilya sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas. Si Carla (Panganay na anak ni
Josie) dahil sa matinding galit sa kanyang ina ay nagsimulang magrebelde sa akalang pinabayaan
na sila ng kanilang ina at natuto ng mga masamang gawain tulad ng paninigarilyo, paglalagay ng
tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. Si Michael (Pangalawang anak ni
Josie) ang pinakamatalino sa mga magkakapatid ngunit dahil napabayaan niya ang kanyang pag-
aaral ay mawawala sa kanya ang kanyang iskolarship. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso
sa mga magkakapatid at lumaking hindi kasama ang ina kaya nita ito nakilala. Sa kabila ng mga
hinarap na suliranin ni Josie ay nakuha niya paring maging matatag nag makuha ang loob ng
mga anak, dahil alam natin na walang ina ang kayang tiisin ang kanyang mga anak. Kaya
nagkaayos ang mag-ina at nagsimula ng bagong buhay ang mga tauhan bilang isang buong
pamilya.
B. Istilo ng Paglalahad – Pagsasalaysay at Paglalarawan (Matayutay/ Simbolismo)
Ang pelikula ay nasa anyong pasalaysay sapagkat inilahad ito sa wastong pagkakasunud-sunod
ng kwento. Ipinakita rin kung paano nagsimula ang kwento sa pamamagitan ng pagpapakita sa
mga karaniwang ginagawa ng isang Domestic Helper (Josie) sa ibang bansa (Hongkong). Ang
pelikula ay isinalaysay ni Josie (Ina) at Carla (panganay na anak ni Josie).
C. Mga Tayutay o Simbolismo
1. Mga Halimbawa
 Pamamangka sa dalawang ilog - Pagkakaroon ng dalawang taong iniibig. Pagkakaroon ng
ibang karelasyon maliban sa asawa.
D. Sariling Reaksyon
1. Mga pansin at puna
a. Mga Tauhan/ Pagganap ng mga Artista b. Ang Tagpuan
c. Iskrip /Istilo ng manunulat/ Istilo ng direktor/ Balangkas o galaw
a. Mga Tauhan/ Pagganap ng mga Artista
Ang mga tauhang nagsiganap ay sadyang hindi matatawaran dahil sa galing nilang gampanan
ang bawat karakter nila sa anumang mukha ng buhay o sitwasyon na kanilang kinahaharap sa
buong pelikula..
b. Ang tagpuan
Ang tagpuan ng pelikula ay maganda,halatang pinaghandaan nila ito at ginastosan ng malaking
halaga para maging maayos ang kinalabasan nito.
c. Iskrip /Istilo ng manunulat/ Istilo ng direktor/ Balangkas o galaw
ng mga pangyayari
Ang mga pangyayari ay maayos at hindi nakalilitong nabalangkas mula sa simula hanggang sa
wakas ng pelikula sa kagandahan ng pagkakabuo ng pelikula,ito ay nanalo ng maraming
karangalan patunay lamang na ito ay isang makabuluhang palabas ay makagawa pa ng iba pang
pelikula na may ganito kagandang produksyon at pagkakaganap ng mga tauhan. 2)Iskript:May
mga pagkakataon na nagmumura ang karakter ngunit ito'y nagdadala sa mas mataas na antas ng
tunggalian sa pagitan ng mga karakter mga salitang mga ginamit ay hindi malalalim na naghatid
sa mas malalim na pag-unawa ng mga manunuod ipinahahayag ng mga tauhan ang kanilang
saloobin ng walang paligoy-ligoy.
2. Mga Aspektong Teknikal o Sinematograpiya at Kabuuang Produksyon
a. Musika/ Kagamitan o Props/ Pag-iilaw o Lightings/ Pag-eedit/
Sa mga ganitong klaseng pelikula, nangangalaingan ito ng mga musika upang mas maantig ang
damdamin ng mga manunuod. Ang mga eksena ay hindi putol-putol, sunod-sunod ang
pagkakalahad ng mga impormasyon. Mayroon ring koordinasyon sa ilaw at tunog kaya't hindi ito
magulo tingnan. Ang Editing ay napakahusay sapagkat sunod sunod ang pagkakadugtong mga
mga pangyayari at ito ay nakabuo ng maganda at epektibong pelikula.
Ang mga anggulong kinunan ay angkop sa bawat pangyayari. Ang pagpalipat-lipat ng anggulo at
fokus ng camera ay mas nagbigay ng kulay sa buong kwento. Katulad rin ng visual effects. mas
napaigting nito ang bawat pangyayari, mas nagkakaroon ng malawak na 'access' sa mga
pangyayari. Na-adjust rin ang mga camera upang mabigyan ng diin ang mga ginagawa ng bawat
karakter at para narin masundan ang mga aksyon na kanilang ginagawa.
b. Kabuuang Komento sa Pelikula
Maganda ang pelikula dahil maraming magagandang asal ang makukuha mula sa pelikula. Base
sa aking reaksyon sa pinanood na palabas, ang puso ko ay naantig at naging emosyonal sa mga
piling pagkakataon. Ang bawat
 Tunay at wagas ang pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak.
 Ang Ina ay handang tanggapin at mahalin ang kanyang mga anak maging anu pa man ang mga
kamaliang nagawa nito.
 Ang lahat ng tao ay may kakayahang magbago at magbalik-loob sa tamang landas.
 Ang lahat ng tao ay may dahilan kung bakit sila ay nagsasakripisyo para sa ibang tao.
 Ang pagpapakatatag ng tao sa pagharap sa kanyang mga problema ay mahalaga upang
malagpasan ang mga pasakit ng buhay.
Mensahe
Bilang isang anak matuto tayong respetuhin at intindihin ang ating mga pinakamamahal na ina o
magulang dahil hindi natin alam kung gaano kahirap ang kanilang ginagawang trabaho para lang
mabigyan tayo ng mabuting buhay. At bilang kapalit ng kanilang hirap,mag-aral tayo ng mabuti
hindi tong nagrerebelde tayo at gagastusin sa walang kwentang bagay ang pinaghirapan nilang
pera

You might also like