You are on page 1of 3

Nisiryl V.

Calixterio
11-Lovelace

Pamagat: Sandigan

Tauhan•
Jhemark- isa sa mga pangunahing tauhan na
Nakararanas ng Problema sa kaniyang pamilya at sa paaralan.

Gottleib- isa sa mga tauhan na kung saan siya'y nagmahal at nasaktan

Prince- isang binatang nais mag architect ngunit ito'y hinahadlangan at tutol dito ang kaniyang
mga magulang.

Buod ng Pelikula•
Sina Jhemarck, Gottleib, at Prince ay matalik na magkakaibigan, ngunit sa kabila ng kanilang
pagkakaibigan nila'y bumabagabag sa kanila ang problemang kanilang pinagdaraanan. Si
Jhemarck na kung saan siya'y nakakaranas ng matinding problema sa kaniyang pamilya
hanggang sa hindi n'ya na ito makayanan dahil sa paulit-ulit na pagtatalo ng kaniyang mga
magulang. Si Prince, na nais maging architect dahil bukal sa kaniyang kalooban at kumpiyansa
siya rito, hindi n'ya ito masabi sa kaniyang magulang dahil siya'y natatakot. Ang kaniyang
magulang ay hindi tugon sa kaniyang nais sa kadahilanang balak nilang gawing pulis ang kurso
ng kanilang anak. Si Gottleib ay isang binatang abot langit ang pagmamahal kay Ariane at
maituturing n'ya itong magandang biyaya, ngunit sa kabila ng lahat ang ihip ng hangin ay
nagbago nang makita n'yang may kinakasama si Ariane na ibang lalaki, na humantong sa gulo.
Dahil sa mga pangyayaring iyon. Humantong sila sa mga bagay na hindi rin nila gugustuhin,
ngunit idinaan ito nina Gottleib at Jhemarck sa Inuman sabay sa pagdating ni Prince upang
magbigay ng paalala at payo para sa kaniyang mga kaibigan.

Banghay na Pangyayari•
Ang pelikula ay nagwakas kung saan sila'y magkakasama para kalimutan ang problema. Dahil sa
mga nangyari napagtanto nila na hindi sila nag iisa at hindi nila kaya kung wala ang isa't-isa
dahil sila-sila lang din ang magpapagaan at magpapalubag loob sa kanilang sarili.

a. Tagpuan.
Paaralan, bahay

b. Protagonista
Walang protagonista na naiangkop sa pelikula

c. Antagonista
ang tatlong magkakaibigan na sina Jhemarck, Prince, at Gottleib

d. Suliranin
Ang pangunahing suliranin dito ay ang pinagdaraanan ng bawat isa na dahilan ng kanilang
pagkalungkot at pagkawalan ng pag-asa.

e. Mga kaugnay na pangyayari o mga pagsubok sa paglutas ng suliranin.


ipinakita rito na nalutas nila ang kanilang suliranin sa pamamagitan ng kanilang pagdadamayan
na tanging sandigan para masolusyunan ang kanilang pinagdaraanan na naaangkop sa atin bilang
isang tao.

F. Mga ibinunga
Bunga nito ang kanilang matibay na pagsasamahan at magaan na pakikipagtunguhan sa isa't-isa

Paksa o tema
Ang magandang pagkakaibigan ay isang biyayang hindi matatawaran sa ating buhay. Ito'y
nagbibigay ng aliw, kasiyahan, at malasakit na nagmumula sa pusong handang magsilbing
tahanan para sa isa't isa. Sa isang magandang pagkakaibigan, natutunan natin ang halaga ng
tiwala, pag-unawa, at pagtanggap.
Sa magandang pagkakaibigan, ang bawat sandali ay puno ng tawanan, kwentuhan, at mga
masasayang karanasan. Ito'y nagbibigay saysay sa ating buhay at nagpapalakas sa ating
damdamin, lalo na sa mga oras ng pangangailangan. Sa pagkakaroon ng tapat at matibay na
kaibigan, nagiging mas madali ang pagharap sa mga hamon ng buhay.
Isang mahalagang bahagi ng magandang pagkakaibigan ay ang pagbibigay suporta sa isa't isa. Sa
oras ng mga pagsubok, ang magkaibigan ay nagiging tulay ng lakas at inspirasyon. Ito'y isang
pagpapakita ng diwa ng pagiging bukas at pagmamahalan sa kabila ng mga pagkakaiba. Sa
pamamagitan ng magandang pagkakaibigan, natutunan natin na hindi tayo nag-iisa sa laban ng
buhay.

a. Sinematograpiya
ipinakita sa pelikula ang naaangkop na kuha sa bawat parte nito na bumabagay sa naturang
eksena.

b. Musika
Ang musikang ginamit dito ay nagdagdag buhay at mood sa mga parte ng pelikula.

c. Visual Effects
Ang visual effect na nakita sa pelikula tulad ng slow motion na bumagay sa aksiyon ng bawat
tauhan upang mabigyang diin ang bawat detalye.

d. Set design
Nakita rin dito ang mga dekorasyon at mga set ng bawat struktura na naaangkop sa konteksto ng
pelikula.

Kabuoang Mensahe
Ang pelikula tungkol sa pagkakaibigan kahit may pinagdaraanan ay naglalarawan ng pag-usbong
at paglalakbay ng magkakaibigan sa kabila ng mga pagsubok at hamon ng buhay. Ito'y isang
masalimuot ngunit inspirador na kwento ng pagtutulungan, pag-unawa, at pagmamahalan sa
kabila ng mga pagkakamali at pagkukulang ng bawat isa.

Sa kabuuan, ipinapakita ng pelikula na ang totoong pagkakaibigan ay nagtataglay ng


kapangyarihan na magtagumpay sa anumang pagsubok. Ipinapakita nito ang halaga ng tiwala,
pagpapatawad, at pagkakaroon ng malasakit sa isa't isa. Sa gitna ng mga pagkukulang, nagiging
daan ang pagkakaibigan patungo sa pagbabago at pag-unlad.

Higit sa lahat, ipinapakita ng pelikula na ang magkakaibigan ay maaaring maging sandigan at


lakas sa isa't isa, lalo na sa mga oras ng pangangailangan. Ito'y isang pagpapakita ng kahalagahan
ng pagtutulungan at pagbibigay suporta, na naglalayo sa atin mula sa pagiging nag-iisa sa hamon
ng buhay.

You might also like