You are on page 1of 2

Ilocos Sur National High School

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Pagsusuri sa Tekstong Naratibo

Pangalan: Angelica R. Cheung Grade at Seksyon: 11- Citrine

I. Pamagat at Awtor

 Ang istoryang aking binasa ay pinamagatang “Crazy Beautiful Red” na isinulat ni Clikki.

II. Tagpuan

 Saint Joseph’s Academy (Paaralan nila Red at Yem)


 School Canteen
 Mall
 Gymnasium
 Mansion ng Saavedra
 Apartment ng magkakaibigan
 San Jose

III. Paksa

Ang paksa ng istoryang aking binasa na pinamagatang “Crazy Beautiful Red” ay pumapaksa sa pag-iibigan
at relasyon, pagkakaibigan, at mga posibleng hamon ng pag-ibig ng mga tauhan sa kani-kanilang buhay. Ito
rin ay nagpapakita ng komplikadong relasyon, emosyon, at karanasan ng mga tauhan.

IV. Pagpapahalagang Ginampanan ng mga Tauhan (5-10)

 Anna Miriam/Yem- Bunso sa magkakapatid at sa magkakaibigan,pinakamakulit, at nasa


ikaapat na taon na sa kursong Civil Engineering. Transferee sa SJA.
 Daddy Leo- Ama ni Yem na sobrang strikto sa pag-ibig
 Kuya Stefan- Panganay sa magkakapatid at maunawain
 Kuya Alonzo- Pangalawa sa magkakapatid, pinakachill lang sa buhay, strikto pero
bubble ang ugali
 Allysa/Ally- Roomate/Kaibigan ni Yem at nagtulak kay Yem na sumali sa Glee Club
 Maricris/Kris- Roomate/Kaibigan ni Yem, makulit at walang preno ang bunganga
 Red Alexander Saavedra- Mayamang member ng Campus Hottie sa SJA, madedma
pero masunurin sa mga pinsan
 Elton Guevarra- President at singer ng Glee Club at member din ng Campus Hottie
 Fuschia Saavedra- Pinsan ni Red na laging dumadamay at nandyan para sakanya
 Clarissa Gabor- Childhood bestfriend at first love ni Red na kilalang World’s Best Siren

V. Buod ng Nobela

Sa unang pagkikita palang ni Yem kay Red ay inakala na niya agad na bakla ito. At lalo pa siyang
nakumbinsi na totoo ang kanyang hinala dahil pinatunayan iyon ng sumunod pa nilang pagtatagpo. Ngunit
nang magkasama sila nito sa isang project ng Glee Club ay unti-unting nagbago ang tingin nila sa isat’t isa.
Hanggang sa isang araw, nagising na lang si Yem na nililigawan na siya ni Red. Ayos na sana ang lahat kung
hindi lamang magbalik ang isang taong mahalaga sa buhay ni Red. Paano na kaya si Yem? Sino na ang
magiging Darna ng buhay niya kung magiging Darna na siya ng iba?
VI. Suliraning Panlipunan (Bigyang patunay sa mga linya sa nobela)

 Problema sa pagkakaibigan- Umalis na lamang si Yem nang hindi nagpapaalam sa


kaniyang kaibigan.
 Komplikadong Relasyon- Si Yem ay nagkagusto sa lalaking hinihinalaan niya lang dati.
 Pamilyang nagproproblema sa kalagayan ng kamiyembro- Naging masyadong
istrikto ang ama at mga kapatid ni Yem sa paghahanap ng kasintahan kung kaya’t itinago
ito ni |Yem sa kanila.
 Pag-ibig- Umibig si Red kay Yem habang may hinihintay itong bumalik.
 Pang-aapi- Ang pang-aapi ni Yem kay Red na humantong sa maling akala.

VII. Katangiang Pilipinong Masasalamin (Patunay sa linya sa Nobela)

 Pagiging mapaniwala sa mga nakikita nang walang tamang impormasyon


 Pagiging matapang ni Yem na harapin ang kanyang mga problema
 Pagiging maunawain ng pamilya ni Yem sa kanya
 Pagiging mapasensya ni Red kakahintay kay Yem na bumalik sa kanya
 Pagtatanggap ng mga katotohanang hindi na maibabalik sa dati

VIII. Aral at Repleksyon

 Sarili- Sa aking opinion, ang kwentong “Crazy Beautiful Red” ay nagtulay sakin na
huwag basta basta magpadalos dalos ng desisyon, dahil sa galit at sa mga nalalaman.
Mahirap mabuhay na puro hinala at akala. Baka mali naman pala ang aking iniisip at
pinahihirapan ko lang ang sarili ko sawa wala.

 Pamilya- Ang tema ng ang aking binasa ay romance, hindi lamang nakapokus sa
magkasintahan ngunit sa pagmamahal din ng isang pamilya. Natutunan kong kahit anong
takot at pagsabi mo ng problema sa pamilya mo, sa huli ay maiintindihan ka rin nila,
susuportahan ka pa rin at gagawin ang lahat upang mapasaya ka lang.

 Kapwa- Itong kwento ay nagbibigay halaga sa pagtatanggap sa tao at paggalang sa sarili


niyang kapwa, mapakaibigan, kasintahan, o pamilya pa yan. Andyan sila upang damayan
ka sa oras na ikaw ay miserable.

 Lipunan- Nauunawaan ang pagpapahalaga ng mga isyu sa ating nasasakupan, hindi


lamang sa loob ng bahay, paaralan, bayan, ngunit sa ating bansa din. Ang pagmamahal ay
hindi tungkol sa pagpapalaya ngunit ito ay espesyal na emosyon na kung saan ito ay dapat
na isinasaalang-alang.

You might also like