You are on page 1of 1

Wild Little Love

(Isang Rebyu o Pagsusuri)


I. Tauhan
Mga Pangunahing Tauhan:
 Andrea Brilliantes- Sam
 Seth Fedelin- Jake
 Alfred Vargas- Luis
 Carmina Villaroel- Cristina
Iba pang Tauhan:
 Criza Taa- Dhimples
 Victor Neri- Joel
II. Buod:
Kilala si Sam na ligaw na anak ng Rosehill Academy. Siya ay sikat at maganda, pakiramdam niya
ay nasa tuktok siya ng mundo. Sunod-sunod na kalokohan at binu-bully niya ang kanyang mga
kasamahan na alam niyang mas nakakataas siya. Hanggang sa magpasya ang kanyang ama na si
Luis na turuan ng leksyon ang kanyang anak. Inilipat niya si Sam sa isang pampublikong paaralan.
Kung wala ang kanyang mga pribilehiyo, sinisikap ni Sam na patunayan sa kanyang ama na kaya
niyang mabuhay ng isang buong taon sa bagong kapaligirang ito, ngunit hindi magiging ganoon
kadali ang buhay sa Quiapo. Pagkatapos ay dumating si Jake, ang batang lalaki mula sa kanyang
bagong paaralan.
Naging mabuting magkaibigan sina Sam at Jake. Tinulungan ni Jake si Sam na mag-adjust sa
public school, tinuruan niya ito ng mga diskarte at ipinaliwanag ang mga bagay na bago sa kanya.
Nakikita naman ni Luis ang mga pagbabago kay Sam. Nagkausap ng masinsinan sina Luis at Sam,
itinanong ni Luis kung bakit siya naging pasaway. Ipinaliwanag ni Sam na noong labindalawang taong
gulang siya ay may journal siyang gustong ipakita sa kaniyang ama ngunit may kausap itong
importante at sinabihan ito ng ama na kung importante ba ang kanyang sasabihin. Doon napagtanto
si Sam na mapapansin siya ng kanyang ama kung may magawa siyang pagkakamali. Humingi ng
tawad si Luis at ipinaalam niya sa kaniyang anak kung gaano ito ka importante at kamahal niya.
III. Paksa/Tema
Ang pelikulang ito ay nagtatalakay sa ugnayan ng anak at ng isang ama. Kung maayos ba nila ang
hindi nila pagkakaunawaan.

IV. Cinematograpiya
Ang pananalita ay maganda naman, ngunit mayroong konting pagmumura kung sila ay nagsasalita.
Ang kanilang kasuotan ay ang pangkaraniwang sinusuot ng mga mayayaman at karaniwang mga
tao. Naipapakita din ang mga lugar na matatagpuan sa bansa. Hightec na ang mga kagamitan na
ginagamit sa paggawa ng pelikula.

V. Mensahe
Ang problemang ikinaharap sa pelikulang ito ay nararanasan rin ng maraming mga magulang at
kanilang anak. Nadadala tayo sa pelikula dahil sa mga emosyon at matinding dialogues na
ipinapakita dito upang maramdaman ng mga manonood ang mga mensaheng nais iparating ng mga
karakter. Nagkakaroon ng mga hindi pagkakaunawaan ang mga magulang at kanilang anak kung
kulang ito sa komunikasyon. Dahil lamang sa hindi pagpansin ng ama sa kaniyang anak ay
nakaapekto ito ng malaki sa kaniyang anak. Nagdulot ito na nagfing isang suliranin sa lipunan ang
kanyang anak. Ipinakita rito ang pamumuno ng isang ama at paghahanap ng solusyon upang
maisaayos muli ang buhay ng kaniyang anak. Sa pagtatapos ng pelikung ito, nagbigay ito ng
mensahe na lahat ng mga magulang ay mahal ang kanilang anak at mayroon silang pagkakamali na
hindi nila napapansin na kailangan din nila ng tulong ng kanilang mga anak.

You might also like