You are on page 1of 8

BAUAN NATIONAL AGRICULTURAL AND VOCATIONAL HIGH SCHOOL

Taong Panuruan: 2019-2020

Isang Suriang Pelikula sa Pelikulang

Mga Munting Tinig

Isang Komplisyon sa Ikaapat na Markahan sa Asignaturang Filipino II

Isinumite kay:

Gng. Romelyn A. Sanchez

Ipinasa ni:

Kryzel C. Maranan

ABM 11- Amethyst

Petsa:
I. Panimula

Ang pelikulang pinamagatang “Mga Munting Tinig” ay isang uri ng indie film. Ang
sinaryo sa bansang pinanggalingan ng pelikula nang isinagawa ito ay kahirapan ng mga
mamamayan at kahirapan sa pagkamit ng edukasyon ng mga kabataan. Sa aking
hinuha ang layunin ng pelikula ay ipakita ang kahirapang nangyayari sa bansa upang
maaksiyunan ng pamahalaan. Layunin din ng pelikulang ito na ipahayag na huwag
tayong mawalan ng pag-asa sa buhay at sa pag-aaral katulad ng mga batang mag-
aaral sa pelikula. Ang mga artistang nagsipagganap ay sina Alessandra de Rossi,
Dexter Doria, Gina Alajar, Amy Austria, Bryan Homecillo, Pierro Rodriguez, Irma
Adlawan, Malou Crisologo, Nomie Buencamino, Tony Mabesa, Lailani Navarro, Keno
Agaro, Sining Blanco, Christian Galindo, Hazel Logan, Jessie Diaz, James Alvaro,
Rowell Reyes, Aj Delos Santos, Jelly Cruz, Jocelyn Escobal, Gema Gonzales, Celina
Suntay, Myko Suntay, Nanding Josef, Sharmaine Buencamino, Connie Chua, Aleth de
la Cruz, Hamid Eton, Tessie Villarama, Jess Avardone, Jo Kristi Payet, Rey Mendoza,
Jasper Vinarao, Bong Rodriguez, Jun Galindo, Ramon Pedro Paterno at Menchu
Rodriguez Suntay. Ang direktor at sumulat ng pelikula ay walang iba kundi si Gil Portes.
Ang nagdisenyo ng produksyon ay si Ruben Arthur Nicdao at pinangunahan naman ni
Ely Cruz ang pagdidirehi ng photograpiya. Ang mga producers ay sina Cresencio
Bendijo, Marissa Dames at Eric Manlunas, at si Jose Almojuela naman ang associate
line producer.

II. Pamagat

Ang ipinapahiwatig ng pamagat ng pelikula ay ang mga bata o kabataang nais


ipahayag ang kanilang mga saloobin at pakinggan ng mga tao lalo na ng kanilang mga
magulang. Ang mensaheng nais ipahiwatig ng pamagat ay kahit anong katayuan natin
sa buhay, mayaman man o mahirap, kahit isang bata ka pa lamang ay may karapatan
kang ipahayag ang mga opinyon mo sa iba’t ibang bagay. May karapatang mabigyan
ng edukasyon ang mga kabataan at kahit na sila ay mahirap, may karapatan pa rin
silang mangarap at magtagumpay.

III. Karakterisasyon at Pagganap

A. Pangunahing Tauhan

Bb. Melinda Santiago- siya ay isang bagong dating na guro sa paaralan


ng Malawig. Siya ang pumalit sa dating guro na si Pilar. Si Melinda ay isang
napakabait at mapagmahal na guro. Hindi lamang estudyante ang turing niya sa
mga bata kundi parang kaibigan na rin ang pakikitungo niya. Si Alessandra de
Rossi ang gumanap bilang Melinda sa pelikula at mahusay niyang nagampanan
ang kanyang karakter. Nagpakita siya ng kalakasan sa bahagi ng pelikula kung
saan ipinaglaban niya kay Mrs. Pantalan ang pagsali ng mga mag-aaral sa isang
kompetisyon at naniniwala siyang kaya nilang magwagi. Nagpakita siya ng
kahinaan ng mamatay si Popoy at pinanghinaan na siya ng loob na sumali sa
kompetisyon.

B. Katuwang na Tauhan

Mrs. Pantalan- siya ang punong guro o ang Officer in Charge sa paaralan
ng Malawig. Nagtitinda siya ng ice candy sa mga bata upang kumita at
ipangtustos niya sa pag-aaral ng kaniyang anak sa Maynila. Si Dexter Doria ang
gumanap bilang Mrs. Pantalan at nagampanan niya ng maayos ang kaniyang
karakter. Nagpakita siya ng kahinaan sa pag-iisip na hindi kaya ng mga mag-
aaral ng Malawig na sumali sa kompetisyon sa bayan. Napakita ang kalakasan
niya ng unti-unti na siyang naniwala na may taglay na abilidad ang mga mag-
aaral.

Chayong- siya ang ina ni Pilar. Nagsilbi rin siyang parang ina ni Melinda
habang namamalagi si Melinda sa bahay nila. Siya ay mapagmahal na ina at
mabait na tao. Ginampanan ni Gina Alajar ang karakter ni Chayong at mahusay
niya itong nagampanan. Napakita ang kahinaan niya sa pangungulila niya sa
kaniyang anak na si Pilar na nagpunta ng ibang bansa at ito rin ang kaniyang
naging kalakasan dahil kahit malayo sa anak ay nanatili siyang matatag sa
buhay.

Fe- siya ay isang guro sa paaralan ng Malawig. Nagtuturo siya ng Ingles


ngunit hindi siya bihasa sa asignaturang ito. Si Irma Adlawan ang gumanap
bilang Fe at mahusay niya itong nagampanan. Naging kahinaan niya ang
kakulangan ng kaalaman sa Ingles at kahit anong gawin niya ay hindi siya
matuto.

Solita-siya ay isang guro sa paaralan ng Malawig. Mahilig siyang


magpalinis ng bahay sa kaniyang mga estudyante pagkatapos ng klase. Ang
gumanap bilang Solita ay si Malou Crisologo, na ginampanan naman ang
kaniyang karakter ng maayos. Naging kahinaan niya ang pang-aabuso sa
kaniyang katayuan bilang guro para paglinisin ang mga bata.

Luz- siya ang ina ni Popoy at Obet. Mabuti at mapagmahal siya sa


dalawang anak at sinusuportahan niya ang pangarap ng mga anak. Si Amy
Austria ang gumanap bilang Luz, nagampanan niya ang kaniyang karakter ng
mahusay. Napakita ang kalakasan niya sa pagiging matatag sa kabila ng
pagkamatay ng anak at asawa.

Pilar- siya ay anak ni Gng. Chayong na dating guro sa paaralan ng


Malawig. Siya ay mabait at mapagmahal ding guro ngunit dahil hindi sapat ang
sahod na kinikita ay pinili niyang pumunta ng ibang bansa upang doon
magtrabaho. Si Lailani Navarro ang gumanap bilang Pilar, maayos niya itong
nagampanan. Ang kalakasan niya ay ang didikasyon na magturo sa mga bata at
ang kaniyang naging kahinaan ay ang mas piliin niya na magtrabaho sa ibang
bansa.

Mr. Singh- siya ay isang Bombay na nagpapalit ng suweldo ng mga guro


ngunit may dagdag na sampung pursyento ng interes. Ang gumanap bilang Mr.
Singh ay si Hamid Eton at nagampanan niya ng maayos ang kaniyang karakter.
Naging kahinaan niya ang pagpapatong ng mataas na presyo sa kaniyang mga
paninda ngunit sa kabila nito ay mabait naman si Mr. Singh na nagsilbi niyang
kalakasan.

Popoy- siya ay isang mag-aaral sa paaralan ng Malawig. Nakababata


siyang kapatid ni Obet. Si Bryan Homecillo ang gumanap bilang Popoy at
mahusay niyang nagampanan ang karakter. Naging kalakasan niya ang pagiging
masayahing bata ngunit sa huli ay namatay siya sa murang edad.

Obet- siya ay kapatid ni Popoy at mag-aaral din sa paaralan ng Malawig.


Si Pierro Rodriguez III ang gumanap bilang Obet at nagampanan niya ito ng
mahusay. Naging mahina siya sa bahagi kung saan namatay si Popoy at ang
kanilang ama. Naging malakas naman siya nang ipagpatuloy niya ang pagsali sa
kompetisyon sa kabila ng pagkamatay ng mga mahal sa buhay.

Adong, Gela, lino, Ida, Ato, Carlos- sila ay mga mag-aaral sa paaralan ng
Malawig at sumali sa paligsahan ng pag-awit sa bayan. Si Keno Agaro ang
gumanap bilang Adong, Sining Blanco bilang Gela, Christian Galindo bilang Lino,
Hazel Logan bilang Ida, Rowell Reyes bilang Ato at Aj Delos Santos bilang
Carlos. Mahusay nilang nagampanan ang karakter ng bawat isa. Naging mahina
sila sa bahagi kung saan nawalan sila ng pag-asa sa kanilang pangarap dahil
sila ay mahirap lamang. Sa huli ay nagbago ang kanilang pananaw sa buhay
dahil sa tulong ni Bb. Melinda, naging malakas ang loob nilang mangarap,
lumaban sa kompetisyon sa bayan at magwagi.

IV. Uri ng Genre ng Pelikula

Ang genre ng pelikula ay drama sapagkat ang mga pangyayari na ipinakita dito
ay nakakaantig ng damdamin. Ang mga sitwasyon sa pelikula ay emosyunal at tunay na
nangyayari sa totoong buhay katulad na lamang ng kahirapan at pagbabanat ng buto
ng mga kabataan sa kanilang murang edad.
V. Tema o Paksa ng Akda

Ang tema o paksa ng akda ay hindi hadlang ang ano mang bagay o sitwasyon
kung nais mo talagang makamit ang iyong pangarap. Ang mensaheng nais iparating ng
pelikula sa mga manunood ay kung nais nating makamit ang isang bagay o ang ating
pangarap ay dapat magpursigi tayo at huwag sayangin ang oportunidad na makapag-
aral bagkus ay pagbutihin pa lalo natin dahil hindi lahat ng kabataan ay nabibigyan ng
ganitong pagkakataon. May mga hadlang at problema tayong pagdaraanan bago natin
makamit ang ating mga pangarap ngunit hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.

VI. Sinematograpiya

Ang mga shots na ginamit sa pelikula ay mahusay. Nagbigay daan ang mga
shots na ginamit upang maipakita ang maayos na pagkakasunod-sunod ng pangyayari
sa pelikula. Ipinahihiwatig ng mga shots sa kabuuan ng kwento ng pelikula ang relasyon
ng mga bagay o mga tauhan sa kapaligiran at upang maipakita ang mga detalyeng
dapat nating pagtuunan ng pansin. Nakatulong din ang mga shots at ilaw sa
pagsasalaysay ng kuwento ng pelikula.

VII. Paglalapat ng Tunog at Musika

Nailapat ang mga tunog sa mga bahagi ng pelikula ng malinaw at maayos na


nagbigay daan upang bigyang linaw ang mga pangyayari at maramdaman ng mga
manunuod ang sitwasyon, tagpuan at kalagayan ng pangyayari sa pelikula.

Ang paglalapat ng musika sa bahagi ng pelikula ay maganda at may kaugnayan.


Nagbigay daan din ito upang maantig ang damdamin ng mga manunuod sa mga
sitwasyon sa pelikula.

Ang mga boses ng mga tauhan sa pelikula ay nakaapekto sa mga pangyayari,


sitwasyon, kalagayan at estetika ng pelikula. Ang esensya ng paglalapat ng musika,
tunog at boses sa mga bahagi ng pelikula ay nagbigay daan upang mas lalong
maintindihan ng mga manunuod ang mga pangyayari at maramdaman nila ang
damdamin na nais iparating ng pelikula.

VIII. Editing

Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pelikula ay mahusay kaya


naintindihang maayos ng mga manunuod ang mensahe ng pelikula. Magkakaugnay din
ang mga pangyayari at nauunawaan ang mga sitwasyon sa pelikula dahil sa mahusay
na pagkaka-edit.
IX. Production Design

A. Ang lokasyon at mga props na ginamit sa mga eksena ng pelikula ay


makatotohanan at nagpadama sa mga manunuod ng totoong kahirapan ng
buhay.

B. Ang kasuotan ng mga artista, maging ang make-up ay mahusay na


naipamalas sa mga bahagi ng pelikula upang maipadama ang totoong kahirapan
na pinagdadaanan ng mga tauhan sa pelikula.

C. Ang mga tagpuan o lokasyong ginamit sa pelikula ay akmang-akma sapagkat


naipakita nito ang sitwasyong kinakailangan sa kuwento ng pelikula.

X. Direksyon

Nagampanan ng direktor ang kanyang tungkulin ng mahusay at naiparating nila


ang tunay na mensahe ng pelikula sa mga manunuod batay sa pagkakasulat ng iskrip.
Naipakita ang kagandahan at kahusayan ng kalidad ng isang tunay na pelikula dahil sa
matagumpay na paglalapat ng lahat ng elemento ng pelikula. Naipakita ng maayos sa
pelikula ang mga totoong sitwasyon na nangyayari sa ating bansa at nagkintal sa isip
ng mga manununod ng maraming aral dahil sa mahusay na direktor ng pelikula na si Gil
Portes.

XI. Buod o Synopsis

Isang araw, sa Mababang Paaralan ng Malawig ay nagpaalam ang gurong si


Pilar sa kanyang mga estudyante at kapwa guro upang pumunta sa ibang bansa at
doon magtrabaho. Dumating naman si Bb. Melinda Santiago upang pumalit kay Pilar.
Gaya ni Pilar ay mabait at mapagmahal ding guro si Bb. Melinda. Nais ni Bb. Melinda
na magturo at matuto ng lubos ang kaniyang mga estudyante ngunit hindi ito naging
madali para sa kanya. Nakita niya ang iba’t ibang suliranin at problema sa paaralan ng
Malawig. Makikita ang kahirapan dito kaya ang mga magulang sa lugar na ito ay
pinapatulong ang kanilang mga anak sa pagbubukid kaysa ang mag-aral o pumasok sa
paaralan. Para sa mga magulang ng mga bata ay hindi maaabot ng kanilang mga anak
ang kanilang mga pangarap dahil sa sila ay mahirap lamang. Ngunit matiyaga si Bb.
Melinda upang hingkayatin ang mga bata para pumasok. May paligsahan na gaganapin
sa bayan. Nalaman ito ni Melinda at gusto niyang isali ang mga mag-aaral ng Malawig
kaya naman isinangguni niya ito sa kanilang punong guro na si Mrs. Pantalan. Hindi
pumayag si Mrs. Pantalan dahil para sa kanya ay hindi mananalo ang mga bata at alam
din niya na hindi papayag ang mga magulang ng mga bata. Hindi nawalan ng pag-asa
si Melinda, pinuntahan niya ang mga magulang ng mga bata at nagpaalam sa mga
magulang ng mga ito upang sumali sa kompetisyon. Sa tulong ng nanay ni Obet at
Popoy na si Luz, na siyang tanging magulang na sumusuporta sa kaniyang mga anak
ay napapayag din nila ang iba pang mga magulang. Naghanda sila para sa
kompetisyon. Nag-eensayo sila tuwing hapon pagkatapos ng kanilang klase at pumili na
rin ng damit na isusuot para sa paligsahan. Ngunit isang araw, sumama si Popoy sa
kaniyang ama at nadamay sila sa labanan ng mga NPA, kung saan isa sa mga lider
ang ama ni Popoy. Namatay si Popoy at ang kaniyang ama na labis na ikinalungkot ni
Obet at Luz. Sa kabila ng kalungkutan ni Bb. Melinda at kamag-aral ni Popoy ay
ipinagpatuloy nila ang pagsali sa kompetisyon at sa huli ay nakamit din nila ang
matamis na tagumpay na ikinagalak ng lahat. Pagkatapos ng kompetisyon ay pumunta
si Bb. Melinda sa America at bumalik din makalipas ang isang taon sa Pilipinas. Itinuro
ni Bb. Melinda na kahit bata o mahirap ay kayang mangarap.

XII. Kuwento

Napaunlad ng manunulat ang kasaysayan ng pelikula dahil sa kaniyang


magaling na isipan at imahinasyon. Akma ang mga ginamit na tagpuan sa
kinakailangang sitwasyon sa pelikula. Ang mga suliraning umusbong sa pelikula ay
kahirapan, kawalan ng pag-asa at karahasan, na kinakailangan sa pelikula upang
ipakita ang reyalidad ng buhay. Nalutas ang mga suliranin sa pamamagitan ng
pagiging matatag ng mga karakter at pag-alis sa kanilang isipan na hindi nila
magagawa ang kanilang mga naisin dahil sila ay mahirap lamang. Ang lahat ng mga
tagpo ay kinakailangan upang mapaunlad ang kasaysayan ng pelikula. Nais iparating
ng pelikula sa atin na tayo ang may hawak ng ating kapalaran kaya kung may mga
pangarap tayong nais makamit sa buhay ay tayo ang kailangang gumawa ng paraan at
huwag nating ibatay sa katayuan ng ating buhay ang kalayaang mangarap at tupadin ito
balang araw. Ang aral na makikita natin sa pelikula ay kahit na anong pagsubok ang
ating kaharapin ay magpatuloy tayo ng may pangarap at pag-asa. Ipinamalas ang
kasukdulan ng pelikula nang makabagdamdamin at nagwakas naman ito ng may galak
sa puso ng bawat isa. Ang layunin ng gumawa ng pelikula ay kanilang nakamit dahil
nakabuo sila ng isang maganda at puno ng aral na pelikula.

XIII. Mga Kaisipan o Aral ng Pelikula

Maraming kaisipan o aral ang ikinintal ng pelikula sa ating isipan gaya na lamang
ng hindi hadlang ang pagiging mahirap upang mangarap at makamit ang mga ito. Kung
gusto mo talagang makamit ang isang bagay ay gagawa ka ng paraan upang makamit
ito at kailangan mong tanggalin sa iyong isipan na mahirap ka lang kaya hindi mo ito
maaabot. Itinuro sa atin ng pelikulang ito na magkaroon ng lakas ng loob upang harapin
ang mga pagsubok na dumadating sa ating buhay. Isipin nating masuwerte tayo
kumpara sa ibang tao dahil nakakakain tayo at nakakapasok ng eskwelahan. May
talento ang bawat isa na pwede nating gamitin upang mapaulad ang ating mga sarili.
Huwag tayong manlalamang ng kapwa sa halip ay maging mabuting tao. May iba’t
ibang opinyon din ang mga bata at matatanda kaya kailangan nating pakinggan ang
boses ng bawat isa.

XIV. Konklusyon at Rekomendasyon

Ang pelikulang ito ay maganda at maraming aral na ipinakita sa mga manunuod


na maaaring magbukas ng isipan ng mga tao sa reyalidad ng buhay. Nagbigay
inspirasyon din ito sa mga manunuod upang huwag mawalan ng pag-asa sa mga
suliranin ng buhay. Nararapat lamang na panoorin ito ng mga tao lalo na ng mga
kabataan. Sa aking palagay ay mas magiging maganda ang pelikulang ito kung mas
naging detalyado at naipaliwanag ng maayos ang bawat pangyayari sa pelikula.

You might also like