You are on page 1of 4

1

Maryhill College, Inc.

Mga Munting Tinig

Isang Kritikal na Pagsusuri Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa Ikatlong

Markahan ng Filipino 10

Isinumite kay:

Gng. Mary Grace C. Ransuyo

Isinumite ni:

Ocfemia, Nathaniel Jan A.

10-Humility
2

Maryhill College, Inc.

I. PANIMULA
Isang baguhan at batam-batang substitute teacher si Melida Santiago
(Alessandara De Rossi) sa Malawig Elementary School. Salat sa kabuhayan
ang mga pamilya ng mga mag-aaral sa lugar na ito, kaya’t ang mga bata ay
inoobliga ng kanilang mga magulang ng responsibilidad sa bahat at sa
paghahanap buhay. Ang ganitong kalagayan ay nakaapekto sa pananaw ng
mga kabataan sa pangarap, edukasyon, katarungan, at kababaihan na
ikinabahala naman ni Belinda. Ang sitwasyong ito ay nagsilbing hamon sa
kanya, at nasubok ang kanyang pakikihamon nang sumali ang paaralan sa
isang choral contest. Bagamat nakitaan niya ng interes at kakayahan ang mga
mag-aaral ay hindi naman naging madali sa kanya ang paghimok sa mga
magulang nito na payagan silang sumali sa paligsahan. Tanging sina Luz
(Amy Austria) na ina nina Popoy (Bryan) at Obet (Piero) ang bukas ang isipan
ukol dito at tumulong kay Melinda na humukin ang iba pang mga magulang.
Subalit nadamay at napatay ang batang si Popoy sa isang enkwentro ng NPA
at military nang minsan siyang sumama sa kanyang ama na isang sa mga lider
ng NPA. Dahil sa trahedya ay tumamlay ang dating masiglang paghahanda ng
mga bata para sa paligsahan.

II. PAMAGAT
Mga Munting Tinig

III. KARAKTERISASYON AT PAGGANAP

Ang pelikulang “Mga Munting Tinig o Small Voices” ay idinirehe ni Gil


Portes. Siya rin mismo ang nagsulat nito kasama sina Adolfo Alix, Jr. at
Senedy Que. Ang pelikulang ito ay isang pelikulang produkto ng magagaling
na talento sa ating industriya ng sining at nanlinang sa masusing
pagpapatnubay ng tanyag na director na si Gil Portes. Una sa lahat ay ang
bidang karakter na si Alessanda De Rossi bilang Melinda at Jo Kristi Payet
bilang batang Melinda. Masisilayan dito ang mga titser na sina Dexter Doria
bilang Mrs. Pantalan, Malou Crisologo bilang Solita, at Irma Adlawan bilang
Fe. Ang mga batang gumanap naman sa pelikula ay sina Bryan Homecillo
bilang Popoy, Pierro Rodriguez III bilang Obet, Keno Agaro bilang Adong,
Sining Blanco bilang Gela, Christian Galindo bilang Lino, Hazel Logan bilang
Ida, Rowell Reyes bilang Ato, at Aj Delos Santos bilang Carlos.
Katatampukan din dito sina Gina Alajar bilang Chayong, Lailani Navarro
3

Maryhill College, Inc.


bilang Pilar, Hamid Eton bilang Mr. Singh, Amy Austria bilang Luz, Nonie
Buencamino bilang Fidel, Nanding Josef bilang tatay ni Adong, Shamaine
Buencamino bilang ina ni Adong, Connie Chua ina ni Gela, Aleth de la Cruz
bilang ina Ida, Jess Evarone bilang ama ni Melinda, Rey Mendoza at Jasper
Vinarao bilang mga kapatid ni Adong, Bong Rodriguez bilang Ka Andres at
Juan Galindo na mga NPA. Sa pinakahuli ng pelikula matutunghuyan sina
Tony Mabesa bilang Mr. Tibayan, Tessie Villarama ang Emcee sa paligsahan,
Ramon Pedro P. Paterno at Menchu Rodriguez Suntay bilang mga superbisor
ng Central School. At idagdag pa ang mga gumanap naman na Malawig Choir
Kids na sina Jelly Cruz, Jocelyn Escobal, Gema Gonzales, Celine Suntay, at
Myko Suntay. Ang kumpanyang gumawa at nagpakalat ng pelikulang ito ay
ang Teamwork Productions na ipinalabas rin ng Warnes Bros. Pictures sa
ibang bansa.

IV. GENRE NG PELIKULA


Ang pelikulang ito ay maihahanay sa drama dahil sa mamapait na pangyayari.

V. TEMA O PAKSA NG PELIKULA


VI. SINEMATOGRAPIYA
VII. PAGLALAPAT NG TUNOG AT MUSIKA
VIII. EDITING
IX. DIREKSYON
X. BUOD
XI. MGA KAISIPAN AT ARAL NG PELIKULA
XII. KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
4

Maryhill College, Inc.

You might also like