You are on page 1of 1

MGA MUNTING TINIG

(BUOD)

Ang palabas na pinamagatang “mga Munting Tinig” o “Small Voices” sa Ingles, ay isang
pelikula tungkol sa isang ideyalistang guro na pumasok sa isang choral competition sa bayan kasama
ang kanyang mga estudyanteng bata. Ang pagkamit ng tagumpay ay hindi lamang upang makakuha ng
pondo para sa paaralan, kundi ang patunayan na kahit mga mahihirap at mga bata ay may karapatang
mangarap at umasa. Ang pelikula ay may tagline na “She gave them a reason to sing”, na ang ibig
sabihin sa tagalog ay si Binibining Melinda and siyang nagbigay ng ilaw at pag-asa para sa mga bata
upang sila'y mangarap at umasa sa pamamagitan ng pagkanta.

Ang pelikula ay gawa at sulat ni Gil Portes, na siya namang ginampanan ni Alessandra de Rossi
bilang binibining Melinda na siyang pangunahing tauhan sa kwento. Ilan sa mga iba pang
mahahalagang tauhan ay sina, Dexter Doria bilang si Mrs. Pantalan, ang punong guro ng paaralan,
Gina Alajar bilang chayong, Amy Austria bilang si Luz, Irma Adlawan bilang si gurong Fe, Bryan
Homecillo bilang si Popoy, at si Pierro Rodriquez bilang si Obet.

Nagsimula ang kwento sa paglisan ni Binibining Pilar na siyang dating guro ng mga bata sa
munting bayan ng Lucban, Quezon. Si Binibing Melinda ang siyang pumalit sa nasabing guro at
pansamantalang magtuturo sa mga bata. Sa simula palang nakita na ni binibining Melinda na maraming
mga problemang dinadanas ng mga bata, maliban kasi sa eskwelahan nilang tila tagpi-tagpi na ang
natira, ilan sa mga estudyante ay ayaw ng papasukin ng kanilang mga magulang dahil wala silang mga
katulong sa bukirin at gawaing bahay, dahil dito, naawa ang guro at nagsumikap na tulungan ang mga
bata kahit sa kaunting paraan. Isa na rito ang pagsali sa singing contest na siyang isinagawa ng isang
eskwelahan sa bayan. Sa pamamagitan ng determinasyon at pag asang namumuhay sa puso ng guro at
ng mga bata, sila'y nakasali sa singing contest, ngunit, isang trahedya ang kanilang sinangga, iyon ang
pagkamatay ng isa sa mga estudyante kasama ang kanyang ama at iba pang kasapi ng grupo dahil sa
putukan at labanan. Naging isang malaki itong problema at dahil dito, nawalan ng gana ang mga bata
na siya ring nagpahina ng loob kay binibing Melinda.

Sa kabila ng lahat, sila'y nagpatuloy sa paligsahan na siyang nagdala sa kanila ng tagumpay at


walang humpay na saya. Dahil dito, marami sa mga bata ang natulungan gayun nadin ang kanilang
eskwelahan, at napatunayan na kahit sino man, mayaman man o mahirap ay may karapatang mangarap
at umasa, lahat ay may karapatang maging masaya at matamo ang buhay na kanyang hinahangad at
pinapangarap basta’t may determinasyon at pagsisikap.

You might also like