You are on page 1of 1

Rebyu ng Pelikula

Kuwento/Banghay(Plot)
May isang gurong binigyan ng pagkakataon upang makapuntang Singapore bilang kapalit
nagpunta si Melinda Santiago sa Malawig Elementary School.Ang kanyang ina ay hindi sang ayon sa
desisyon ni Melindang magturo dahil ayon sa kanya mas malaki ang kita sa Amerika.Pagdating ni
Melinda sa Paaralang Elementarya Ng Malawig doon ay nakilala niya ang OIC na si Mrs.Imelda
Pantalan
at ang kapwa guro na sina Fe Daluz at Solita Samaniego gaynun din ang mga mag-aaral.Nakita
nito ang pagbebenta ni Mrs.Pantalan sa mga mag-aaral ng Ice Drop kahit wala pang kain o laman
ang tiyan.Si Popo yang naghatid kay Imelda sa bahay ni Aling Chayong.
Kinabukasan ay nakilala na din ni Bb.Imelda ang kaniyang magiging estudyante.Matapos ang
klase ay kinausap ng ina ni Ida si Imelda na hindi makakapasok ang anak dahil tag-ani.Si Adong ay
tumakas sa kaniyang ina para makapasok sa paaralan dahil gusto niyang matupad ang kaniyang
pangarap. Kinantahan pa nito ang guro ngunit kinagabihan ay napagsabihan ito ng kanyang ama
na hindi siya maaaring pumasok.
Dumating ang tag-ulan.KInabukasan ay basa lahat ng gamit ngunit hindi ito ang nagging
hadlang para sa guro.Habang binabasahan ng guro ng pabulang Ang Pagong at Ang Kuneho ay
dumating si Lino dala ang Ice Candy na itinitinda bi Ms.Pantalan .Tapos na ang klase ngunit nakita ni
Imelda ang iba pang estudyante ay kasama si Mrs.Soleta at doon nalaman niyang tuwing Miyerkules
ay nagpapalinis ito ng kanyang bahay.
Tinanong ng guro ang pangarap ng nga estudyante si Myko bilang doctor,si Adong bilang
Piloto na pinagtatawanan ng kapwa estudyante.May dumating na Superbisor sa paaralan na sila
ring nagpaalam sa maagganap na patimpalak sa pagkanta.Nagkaroon ng pagpupulongtngkol sa
magaganap na patimpalak at doon ay nakitang muli ng guro ang kanyang guro noon na Chairman
ng magaganap na patimpalak na si Arcadin Tibayan.
Nais ng guro na patunayan na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay kung
kayat kahit ang mga bata ay hindi pinayagan ng kani-kanilang mga magulang ay gumawa pa din
ito ng paraan.Sa huli sumang-ayon din ang mga ito.Nagkaroon ng paghahanda ngunit dumating
ang araw na nawala at sumakabilang buhay ang isang myembro dahil sa walang katapusang sigalot
sa lugar naiyon.Nawalan na nang pag-asa ang guro ngunit bumalik ito ng Makita niyang patuloy pa
ding naghanda para sa patimpalak.
At dumating na ang araw ng patimpalak inakala ng guro na hindi na makakapunta si
Obet ngunit ito ay humabol.Matagumpay silang nakaawit sa harap ng maraming tao.At sa di
inaasahan ay nakamit nila ang Unang Puwesto na talaga namang ikinagalak ng lahat.
Kinabukasan ay dumating si Bb.Pilar na siya namang araw ng pag-alis ni Bb.Imelda.At
doon umamin si Mr.Singh at naalala lahat ng guro ang magagandang ala-ala.
Tagpuan
-Mababang paaralan ng Malawig
Sinematograpiya
-Ang pelikulang Mga Munting Tinig ay masasabi kong pinaghandaang mabuti lalo na sa
paglalapat ng mga ilaw at kanta na naayon sa eksena.Ang bawat eksena ay parang ordinaryong
nangyayari sa buhay o sa pang-araw-araw lamang.Ang mga Aktor/Aktres ay naayon sa kanilang
tauhan at maging ang kasuotan nila.

You might also like