You are on page 1of 3

“Sarap ng dating Pangarap”

Tahimik na mag-aaral, ngayo’y isang mangangaral

“ Love yourself,” ang katagang tumatak sa isipan ng isang


binatilyong maestro.

Biglang naging maliwanag ang gabi ng isang mag-asawang


naninirahan sa Camuning Road, Maniki Kapalong Davao del Norte nang
mailuwal ang isang batang lalakeng pinangalanang Steward Niel
Lorenzo Gubac. Labis na lamang ang kanilang saya’t pasasalamat dahil
sa isang napakalaking biyayang dumating sa kanilang buhay. Inaruga at
pinalaki nila siya ng maayos sa kamay ng kaniyang mga magulang.

Tulad ng isang karaniwang bata, namuhay siya sa isang simpleng


pamayanan kasama ang kaniyang ina na si Olivia at ama na si Arnel .
Naging kasangga din niya sa mga problema ang kaniyang mga kapatid
na lalake na sina Arviel at Jeffrey. Sa mura niyang edad, ay kinaya
niyang makipagsapalaran sa edukasyon sa Blessed Children Learning
Center. Kinaya niya ang unang hakbang ng mga pagsubok sa pag-aaral
at di kalauna’y nagsimula siyang pumasok ng kaniyang elementarya sa
Maniki Central Elementary School Sped Center. Hindi naging madali sa
kaniya ang pakikipaghalubilo sa kaniyang mga kaklase dahil sa
kaniyang pagiging matahimik. Marami ring nangungutya sa kaniya
marahil sa kaniyang pananamit at mukha. Minsan nga’y napagalitan siya
ng kaniyang guro dahil sa kaniyang isinuot na damit. Minsan narin
siyang nahuli ng kaniyang guro na nandadaya sa pagsusulit. Ginusto
niyang sumayaw ngunit hindi siya binigyan ng pagkakataon ng kaniyang
mga guro na maipakita ang kaniyang natatagong talento. Hindi man
siya nagkaroon ng masyadong magandang buhay sa elementarya,
nakapagtapos parin siya bilang isang estudyanteng may mataas na
parangal.

Tinahak niya ang kaniyang highschool journey sa mataas na


paaralan ng Kapalong. Ano mang mga pagbabanat ng buto ay hindi
umubra at hindi niya nagawang mapasama sa mga estudyanteng may
matataas na parangal. Sa pagtatapos niya ng highschool ay
nakapagdesisyon siyang mag-aral sa Uniiiversity of Southeastern
Philippines at roon ay nagsimulang lumiwanag ang kaniyang ilaw. Sa
una ay hindi naging madali ang pamimili niya ng kurso, ngunit ihinatid
siya ng tadhana upang maging Bachelor of Secondary Education Major
in English. Nagsimulang lumakas ang kaniyang loob at naging bida sa
isang Malatugtuging dula na pinamagatang Mamma Mia. Sineryoso
niya ang kaniyang pag-aaral at naging isang outstanding student. Nang
dahil sa kaniyang pawis, hirap at pagpupursige, natapos ang kaniyang
kolehiyo bilang Cum laude.

Di naglao’y nagtake siya ng pagsusulit ng Licensure Examination


for Teachers. Sa tulong ng Poong Maykapal, siya ay nakapasa at labis
na lamang ang kaniyang pagkatuwa.

Nagsimula siyang magturo sa university of Mindanao ngunit di rinn


nagtagal ay lumipat din siya sa Mataas na Paaralan ng kapalong.

Kamakailan lamang ay nakapagtapos siya ng kaniyang master’s


degree sa St. Mary’s College.
Ngayon ay unti-unti niya nang naabot ang kaniyang mga pangarap
kabilang na ang makapunta sa ibat-ibang lugar at magkaroon ng
trabaho.

Sa kasalukuyan, siya ay patuloy na nagtuturo sa Mataas na


Paaralan ng Kapalong at patuloy parin na nangangarap na makapag-
aral sa ibang bansa at makapundar ng sariling bahay at kotse.

Sadyang mapagbiro nga talaga ang tadhana, ang dating baduy at


tahimik na mag-aaaral noon ay isang nang guro ngayon.

You might also like