You are on page 1of 9

Schools Division of Marinduque

Santa Cruz East District


DEVILLA ELEMENTARY SCHOOL
Devilla

Ang Kwento ng
Buhay ni Monic

Kuwento ni:

MELINDA R. QUEZADA
Grade V- Teacher
Devilla Elementary School
Schools Division of Marinduque
Santa Cruz East District
DEVILLA ELEMENTARY SCHOOL
Devilla

Ang Kwento ng Buhay ni Monic

Sa malayong lugar sa isang nayon, may isang pamilyang naninirahan

doon. Tatlo lang silang magkakasama sa bahay si Mang Larry, Aling Elsie at

ang bunsong anak na si Monic. Siyam na magkakapatid sina Monic pero siya

na lang naiwan sa mga magulang dahil sa Maynila na naninirahan ang iba pa

niyang mga kapatid. Pagsasaka at pagkokopra ang ikinabubuhay ng mag-

anak. Madaling araw pa lang ay gising na ang mag-asawa upang pumunta sa

bukid.

Bata pa lang si Monic ay kakikitaan na siya na isang batang may

pangarap sa buhay bagamat mahirap lamang ang kanilang pamilya.

Pinapangarap niyang maging isang guro upang makatulong sa mga batang

mag-aaral. Sa murang edad niya ay natuto na siya ng mga gawaing bahay.

Katu-katulong na siya ng mga magulang sa mga gawain.

Nagsimula siyang mag-aral Hunyo 1989 bilang isang saling pusa. Dahil

madali siyang natuto, pinasa na siya ng kanyang guro. Habang nag-aaral ng

elementarya ay naging responsable siya dahil sa tuwing pag-uwi niya sa

bahay galing sa paaralan siya na ang gumagawa ng mga gawaing bahay.

Maaga din siyang gumigising sa umaga para magluto at upang maaga ding
Schools Division of Marinduque
Santa Cruz East District
DEVILLA ELEMENTARY SCHOOL
Devilla

makapasok sa paaralan. Habang gumagawa siya ng mga gawain ay ganito ang

kanyang nasa isip, “Kapag nakatapos na ako ng pag-aaral at maging isang

guro, ipagpapatayo ko ng bahay ang aking mga magulang at may sarili akong

kuwarto”. Taong

Marso 1995 nang makatapos si Monic ng elementarya at nagkamit ng

ikalawang karangalan. Masayang masaya ang kanyang mga magulang”. Ang

galing mo anak ah, aakyat na naman tayo sa stage”, wika ng ina niya. Bilang

pasasalamat sa mga guro, naghanda ng kaunting makakain ang magulang ni

Monic para sa kanila.

Sadyang napakalayo ng kanilang bahay sa kalsada kaya nang papasok

na siya ng sekundarya ay nagpasiya ang kanyang mga magulang na kausapin

siya, “Anak, ang mabuti pa ay magboard ka na lang malapit sa iyong

pinapasukan para hindi ka mahirapan lalo na kapag tag-ulan,” ang sabi ng

nanay ni Monic. “Sige po inay, bukod sa malayo ay mahal ang pamasahe mas

makakatipid tayo at hindi na rin ako masyadong mapapagod”, ang sagot ng

anak. Pumasok si Monic ng sekundarya Hunyo 1995, naging mahiyain si

Monic dahil nanibago siya sa kanyang mga kaklase na galing sa iba’t ibang

paaralan. Tahimik lang siya sa silid-aralan pero marami rin naman siyang

mga kaibigan.
Schools Division of Marinduque
Santa Cruz East District
DEVILLA ELEMENTARY SCHOOL
Devilla

Tuwing Biyernes ng hapon, umuuwi siya sa bahay nila sa Devilla.

Maaga siyang gumigising tuwing Sabado para maglaba at maglinis ng bahay

gayundin ang kanilang bakuran.Pagkatapos niya sa mga gawain, nag-iisip

siya ng pwede niyang pagkakitaan upang may pandagdag siya sa kanyang

pambaon. Madalas siyang gumagawa ng walis tingting at mantika ng niyog at

ipinagbibili niya ito sa mga tindahan. Bago bumalik sa boarding house sa

Malabon si Monic ay

palagi niyang sinisigurado na malinis ang bahay at wala ng mga labahan

upang hindi na ito gawin ng kanyang ina. Naging masakitin na kasi ang

kanyang nanay dahil sa sobrang sipag sa pagbubukid. Minsan, pinagsabihan

ni Aling Elsie ang anak, “ Monic magpahinga ka naman madilim pa gising ka

na, natapos mo na lahat ng gawain baka magkasakit ka naman niyan”, ani

Aling Elsie. “Opo nanay, ayaw ko lang po na nagpapagod kayo alam nyo

naman na masasakitin ka na”,sagot ni Monic sa ina.

Palaging pumapasok si Monic na halos pampamasahe lang ang dala

niyang pera. Sa tuwing recess, nag-uunahan ang kanyang kaklase papunta sa

kantina para bumili ng kanilang meryenda. Samantalang si Monic ay

nagkukunwaring nagbabasa lang sa upuan dahil wala siyang pambili ng

meryenda. “Mabuti pa ang mga kaklase ko ang dadami ng baon, samantalang

ako wala. Magsisikap ako para balang araw hindi na danasin ng mga

magiging anak ko kung ano mukha”.


Schools Division of Marinduque
Santa Cruz East District
DEVILLA ELEMENTARY SCHOOL
Devilla

Dala ng kahirapan, hindi siya sumasali sa mga extra-curricular

activities pero matataas naman ang mga grado niya sa academic. Kaya nang

dumating ang Marso 1999, araw ng pagtatapos sa sekundarya, hindi siya

napasama sa top 10 dahil nga sa wala siyang extra-curricular activities.

Subalit hindi naging hadlang ito sa kanyang pangarap. Dati rati ay guro ang

nais niya pero nang

natapos siya ng sekundarya ay nabago ito, computer programming na ang

gusto niyang kurso.

Kumuha siya ng scholarship entrance exam sa isang paaralan sa bayan

at pinalad niya itong mapasahan. Abril 1999, humanap siya ng matitirhan at

makakatulong sa kanya upang papag-aralin siya dahil alam niya na hindi siya

kayang pag-aralin ng kanyang mga magulang. Nakahanap siya kaagad ng

mabait na magpapaaral sa kanya, si Ate Merly. May limang anak ang mag-

asawa isang anim na buwan, tatlong taon, anim na taon, walong taon at

labing dalawang taon. Inaalagaan niya ang mga bata, nagluluto at naglilinis

ng bahay ang mga ginagawa niya sa bahay.

Mag-aayos na sana si Monic ng mga papel para sa dalawang taon kurso

sa napasahan niyang scholarship nang pinayuhan siya ng kanyang ate Merly,

“Ineng, huwag ka ng magsayang ng dalawang taon, magtitser ka na sigurado

ka don”, ani Ate Merly. Napaisip siya sa sinabi nito kaya kinausap niya ang
Schools Division of Marinduque
Santa Cruz East District
DEVILLA ELEMENTARY SCHOOL
Devilla

kanyang mga magulang. “Sige anak, maganda ang payo sa iyo ni Ate Merly

mo. Magtitser ka na at may magpapaaral naman sa’yo”, ang payo ng kanyang

nanay Elsie. “Pasensiya ka na anak hindi ka naming kayang pag-aralin alam

mo naman ang buhay natin”, paliwanag ni tatay Larry. “Okey lang po yun

basta ipinapangako ko na magsisikap ako at makakatapos ako ng pag-aaral.

Sige po, titser po ang kukunin kong kurso”, ang sagot ni Monic.

Mayo 1999, nag-enrol siya sa Marinduque State College Matalaba.

Marami na siyang naging kaibigan at kakilala kaya nagustuhan na din niya

ang maging isang guro. Habang bakasyon, nasa bahay lang si Monic. Maaga

siyang gumigising sa araw-araw para magluto, maglinis ng bahay at magdilig

ng mga halaman. Pagkatapos papakainin at papaliguan niya ang apat na

magkakapatid. Dumating ang unang araw ng pasukan sa kolehiyo, Hunyo

1999. Nahuli siya sa klase dahil sa dami ng kanyang ginagawa bago pumasok.

Halos araw-araw siyang nahuhuli sa klase, kaya naiiyak na lang siya kapag

pumapasok sa silid-aralan. Sinikap ni Monic na pagtiisan ang sitwasyon ng

tatlong taon dahil napakabuti sa kanya ng mag-asawa.

Nang nasa ika-apat na taon na siya ng kolehiyo, Hunyo 2002 nagpasiya

si Monic na magpaalam na kay Ate Merly niya dahil nahihiya siya kasi full

load ang iskedyul niya. Umiyak si Ate Merly niya dahil ayaw sana siyang

payagan nito na iwan sila. Wala na daw siyang makikita na katulad ni Monic

na masipag, mabait at maalaga sa kanyang mga anak. Patunay lang ito sa


Schools Division of Marinduque
Santa Cruz East District
DEVILLA ELEMENTARY SCHOOL
Devilla

kabutihang ipinakita ni Monic sa mag-anak. Napilitan din siyang payagan ng

kanyang tinitirhan dahil sa sitwasyon niya sa pag-aaral. Lubos ang

pasasalamat niya gayundin ang mga magulang niya dahil sa kabaitan at

pagpapaaral nila kay Monic. Nangako siya na kahit umalis na siya sa bahay ni

Ate Merly ay babalik pa rin siya tuwing Sabado para maglinis at mag-alaga ng

mga bata dahil sa

napamahal na rin naman sa kanya ang mga bata. Ganun nga ang ginawa ni

Monic, binibigyan naman siya ng kanyang Ate Merly ng pera kapag umuuwi

na siya sa bahay nila.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang ikaapat na taon sa kolehiyo sa tulong

ng kanyang mga kapatid. Nakapagpatayo na rin ng maliit na bahay ang

kanyang mga magulang sa malapit sa kalsada kaya hindi na siya

mahihirapan sa paglakad galing sa pagpasok sa araw-araw. Nag-pratice

teaching siya sa Matalaba ES, naging mabait naman sa kanya ang mga naging

cooperating teachers at gayundin ang mga kasamahang practice teachers.

Marami ang natutunan niya sa nasabing paaralan.

Taong Abril 2003, dumating ang araw ng pagtatapos, masayang-masaya

ang lahat dahil nakaraos na ang apat na taong pagsisikap at pagtitiyaga.


Schools Division of Marinduque
Santa Cruz East District
DEVILLA ELEMENTARY SCHOOL
Devilla

Habang naghihintay ng board exam, pumasok sa review class sa MSC si

Monic bukod pa don ay nagself review din siya. Maaga pa lang ay nagbabasa

na siya ng kanyang reviewer na umaabot pa ang boses niya sa kapitbahay.

Dumating ang araw ng pagsusulit, Agosto 2003 halong saya at kaba ang

kanyang naramdaman. Abot-abot ang kanyang panalangin “ Diyos ko sana po

maipasa ko ang pagsusulit para maging isang ganap na lisensyadong guro

ako,

pero po kapag hindi ako nakapasa ay hindi po ako para sa pagtuturo”, ang

dasal niya.

Oktubre 2003, habang nasa Manila si Monic lumabas ang resulta ng

licensure examination for teachers isa sa mga nakapasa si Monic. Nauna pang

makaalam ang nanay niya na nakapasa siya dahil pinatingnan niya ito sa

isang computer shop. Dagling tumawag ang nanay kay Monic, “Anak nandito

ako sa computer shop sa bayan, nakapasa ka sa board exam, maestra ka na!

Mauwi ka na dine sa probinsya at magaasikaso ka ng mga papeles mo”.

Masayang-masaya ang ina ni Monic samantalang hindi makapagsalita at

napabulong na lang siya sa sarili, “Panginoon maraming salamat po, siguro

nga para sa akin ang pagtuturo sa mga bata”.

Nagturo sa kinder si Monic Hunyo 2004 hanggang Agosto 2006.


Schools Division of Marinduque
Santa Cruz East District
DEVILLA ELEMENTARY SCHOOL
Devilla

Naging ganap na guro si Monic Agosto 2006, pagkalipas ng isang taon

nakapagpatayo siya ng bahay na kanyang pinapangarap. Sa wakas nabigyan

niya ng kaganapan ang kanyang mga pangarap sa likod ng mga hirap at

pagsubok na kanyang naranasan sa buhay.

Kuwento ni:

MELINDA R. QUEZADA
Grade V- Teacher
Devilla ES

You might also like