You are on page 1of 50

MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA PANGARAP

Regalo sa Guro
Nalulungkot si Ben. Nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya ang
kanyang sagot ay, “kasi po ang mga kamag-aral ko ay may papasko para sa
aming guro. Ako lang po ang wala.”

Alam ng butihing ina na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil mahal nito
ang kanyang guro. Sa palagay naman niya, mauunawaan ng guro na sila’y dukha,
at sa totoo lang, alam naman niyang hindi naghihintay ang guro ng regalo kahit
kanino.

“Halika anak, at may ikukuwento ako sa iyo. Kuwento ito ng manunulat na si


Pablo Cuasay. Kapag narinig mo ay malalaman mo rin ang dapat mong gawin.”
At nagkuwento ang ina.

Dalawa na lamang araw at ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko. Sa


paaralan ay may punong-kahoy na pamasko na puno ng palamuti at mga ilaw.
Ito’y puno ng mga alaalang laan ng mga bata sa kanilang mga guro at kamag-
aaral.

Ang lahat ay maligaya. Ang buong daigdig ay nadaramtan ng kaligayahan.


Malapit nang isilang ang Mananakop. Ang lahat ay may ngiti sa labi – may awit sa
papawirin.

Ngunit may kaawa-awang nilalang na nalulungkot. Siya’y si Nestor. Bakit? Ang


lahat niyang kamag-aral ay may alaala sa pinakamamahal na guro subalit siya’y
wala. Paanong di gayo’y si Nestor ay ulila sa ama at ang ina ay maralita. Ang ina’y
walang kaya upang isunod sa kagustuhan ng kanyang bunsong anak.
“Inang,” ang hikayat ni Nestor, “Ako lamang ang walang alaala kay Bb. Mirasol.
Ang lahat – sina Ador, Florante, Ramon at Orlando – ang bawat isa sa kanila ay
may pamasko sa aking guro. Ako ay bukod-tanging wala.”

“Nestor,” ang butihing ina ay sumagot, “makinig ka. Alam ng iyong guro na
tayo’y dukha. Siya’y di naghihintay ng alaalang galing sa iyo. Huwag mong
ikalungkot iyan. Talos kong si Bb. Mirasol ay nakauunawa sa ating kalagayan.”

Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit hindi makatulog. Siya’y
nag-iisip. Kung mayroon lamang siyang pagkakakitaan, kahit kaunting salapi
upang ibili ng kanyang papasko! Katapusang araw na kinabukasan.

Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip. May gumuhit sa kanyang gunita. Mayroon


siyang naisip na maiaalay na alaala kay Bb. Mirasol. Ito kaya ay kasiya-siya?
Magustuhan kaya ng kanyang guro?

Siya’y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa malamlam na ilawan


ay isinulat sa malinis na papel ang kanyang papasko. Pinagbuti niya ang kanyang
pagsulat, ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at ipinaloob sa sobre.
Sinarhan niya ito, ipinaloob sa isang aklat at nahigang muli. Mayroon na siyang
alaala. Anong tuwa niya! At nakatulog siya ng mahimbing.

Kinaumagahan siya’y pinukaw ng ina, “Nestor, bangon na. Tatanghaliin ka sa


pagpasok.”

Si Nestor ay nagmamadaling nagbihis, kumain at tumungo sa paaralan. Hindi


niya nalimutang dalhin ang kanyang papasko sa kanyang guro.

Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa! Mayroon na siyang


papasko! Ito kaya ay mabuting alaala? Iyan lamang ang kanyang nakaya at galing
sa kanyang puso. Nang dumating siya sa silid-aralan ay kaydami nga ng batang
nanonood sa Christmas tree. Buong-ingat na ibinitin ni Nestor ang kanyang
papasko sa guro.

Nakinig siya sa lahat ng bilang ng palatuntunan ngunit ang laging umuukilkil sa


kanya ay ang tanong na, “Maibigan kaya ni Bb. Mirasol ang aking alaala?”
Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay pamumudmod ni Santa Claus ng mga
papasko. Sumasal ang puso ni Nestor nang katapusa’y ibinigay ni Santa ang
sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb. Mirasol ang kayang sulat. Tinitigan
ang mga titik bago binuksan ang liham. Samantalang binabasa ang liham, si
Nestor ay nagmamasid.

Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral na


nagpaalam kay Bb. Mirasol. Ang kahuli-huliha’y si Nestor na tinawag ng guro.
“Nestor, pumarito ka. Ako’y may sasabihin sa iyo.”

“Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Ako’y galak
na galak pagkat iya’y tagapagpakilala na ako’y minamahal ng aking mga
tinuturuan. Sa pumpon ng mga alaala ay bukod at tangi ang iyo na
pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala ay di pangkaraniwan. Iya’y nagbigay
sa akin ng labis na kagalakan.”

Namangha si Nestor, di yata’t ang kanyang alaala ang pinakamahalaga sa lahat!


Ito ang sabi ng kanyang guro. “Salamat po, at maligayang pasko.” ang sabi ni
Nestor bago siya umalis. Siya ay tuwang-tuwa.

Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang binasa muli ang liham.

“Minamahal kong Guro:

Inyo pong pakaasahang ako’y magpapakabuti. Susundin ko po ang inyong mga


utos. Ako’y mag-aaral ng leksyon tuwina. Pagpipilitan ko pong ako ay maging
pangunahing mag-aaral sa inyong klase. Ito pong pangakong ito ang papasko ko
sa inyo.

Nagmamahal, Nestor”

“Ang ganda Nanay ng kuwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung ano
ang dapat kong iregalo kay Bb. Padilla.”

Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa ng anak.


Habang tinatanaw niya ang bata na naglalakad patungo sa paaralan,
nagpapasalamat siya sa Maykapal sa pagkakaroon ng isang mabait at
maunawaing anak.

Aral:

 Ang pagiging mabuting mag-aaral ang pinaka-mainan na regalong maari


mong ibigay sa iyong guro.
 Hindi mahalaga kahit gaano pa kamahal ang regalong ibibigay mo sa isang
tao. Ang pinakamahalaga ay bukal sa iyong puso ang pagbibigay mo ng
regalong iyon sa taong tatanggap.
 Matutong mangapa sa sitwasyon ng pamilya bago mag-isip ng mga bagay
na pansarili o ibibigay sa iba.
 Karangalan sa mga magulang ang batang marunong sa buhay.

Ang Inapi
Isa sa walong magkakapatid si Rona na dahil sa kahirapan ay nanuluyan sa
kanyang tiyahin sa Metro Manila. Labing-tatlong taong gulang lamang siya noon
ngunit ipinasa na sa kanya ang halos lahat ng mga gawaing bahay: paglilinis,
paghuhugas ng pinggan, pagsasaing, paglalaba, pamamalantsa, pamamalengke
at kung anu-ano pa.

Lima ang anak ng tiyahin, isang babae at apat na lalaki na animo’y senyorita at
senyorito mula nang pumisan sa kanila si Rona. Ang panganay na si Evelyn,
gayong dalawampung taong gulang na, ay nagpapahilod pa ng kili-kili at likod
tuwing maliligo. Pati sarili nitong underwear ay si Rona pa ang naglalaba. Ang
tatlong lalaki naman, maliban sa isa, ay gayon na lamang kung mag-utos, laging
pasigaw o pagalit. Kapag naglilinis ng sahig si Rona ay di man lamang mag-alis
ng sapatos ang mga pinsan kapag dumarating. Animo’y nang-iinis pa na dadaan
sa harapan ng nakaluhod at nakayukong si Rona na nagpapahid ng floor wax.
Kadalasan ay pabalibag pang ihahagis ang pantalong de maong kay Rona at
pasigaw na “O, labhan mo ‘yan! Pag natuyo, plantsahin mo ha?!!
Bakasyon noon.

Halos araw-araw ay ganyan ang gawain ni Rona: linis, saing, laba, plantsa. Ang
bibigat pa mandin ng mga pantalong de maong ng mga pinsan. Ginawa siyang
taga-laba ng mga ito.

Si Rona ay hindi itinuring na kamag-anak. Kapag may mga dumadalaw na


kaibigan ang mga pinsan, atsay o katulong ang pakilala sa kanya.

Sa hapag kainan, si Rona ang taga-silbi. Hindi siya isinasabay sa pagkain, laging
huli, gayong mahaba naman ang mesang kainan. Kung ano ang matira ay iyon
lang ang makakain niya. Apat na beses sa isang linggo ay tinapang isda ang ulam
nila. Ulo lamang ng tinapa ang pwedeng kainin ni Rona. Iyon ang laging itinitira
sa kanya ng tiyahin.

Sa murang katawan ni Rona, ang hirap ng trabaho at salat na pagkain sa piling


ng tiyahin ay hindi niya inalintana. Siya ay alilang-kanin. Ang mahalaga’y patuloy
siyang nakapag-aaral sa Pasig High School. Lagi niyang nilalakad pauwi ang Pasig
at Pateros na halos ay apat na kilometro ang layo. Wala siyang pocket-money,
walang snack, laging nagugutuman. Pagdating ng bahay, kahit pagod at gutom,
kailangan niya munang maghugas ng mga kaldero’t pinggan na nakatambak sa
lababo bago siya makakakain. Kadalasan, matutulog na lang siya ay pasigaw pa
siyang uutusan ng mga pinsan.

“Hoy, plantsahin mo muna yung maong! ‘yung polo!”

Dalawang taon nahirahan at nanilbihan si Rona sa tiyahin. Nang makatapos ng


high school ay kinuha siya ng kapatid at dinala sa Cebu City. Nagpatuloy ng pag-
aaral si Rona, naging academic scholar at nagtapos ng edukasyon nang may
karangalan – Magna cum laude. Muli siyang nag-aral tatlong kurso ang natapos
niya at naging Doctor of Education. Nakapag-asawa siya ng isang abogado.

Ngayon ay isa nang matagumpay na educator at businesswoman si Rona. Isa na


siyang milyonarya at maligaya sa piling ng tatlong anak at mapagmahal na
kabiyak.
Sino ang mag-aakalang ang dating inapi ay isa nang matagumpay, at
respetadong tao sa mataas na lipunan? Ang mga pinsan nasa kanya ay nang-api
ay walang natapos na pinag-aralan, ganoon pa rin ang buhay hindi umasenso.
Ang iba ay nakapag-asawa ng mga hirap din ang buhay.

Aral:

 Maging matiyaga at sikaping makapagtapos ng pag-aaral anuman ang


kalagayan sa buhay.
 Ang taong masipag at nagsusumikap sa buhay ay may matagumpay na
hinaharap.
 Huwag gantihan ang gumagawa sa iyo ng hindi maganda. Ipagpasa-Diyos
na lamang sila at magpatuloy ka sa iyong buhay.

Ang Batang Maikli ang Isang Paa


Mula sa kanyang pagsilang ay maliit na ang isang paa ni Mutya. Malambot iyon
at nakabaluktot. Nang siya ay lumaki-laki, pinasuri siya ng kanyang mga
magulang sa mahuhusay na mga doctor. Ang sabi ng mga doctor ay wala na
iyong remedyo. Habambuhay na raw magiging lumpo si Mutya. Labis na
nalungkot at naawa sa kanya ang mga magulang.

Lumaki si Mutya na laging tinutukso ng mga kalaro. Lalo siyang naging tampulan
ng panunukso nang magsimula na siyang mag-aral.

“O, hayan na si Pilantod! Padaanin ninyo!” tukso ng mga pilyong bata kay Mutya.

Sa kabila ng lahat, hindi napipikon si Mutya. Hindi siya umiiyak sa panunukso sa


kanya. Lumaki siyang matapang at matatag. Pinalaki kasi siya ng kanyang ina na
madasalin. Mayroon siyang malaking pananalig sa Diyos kaya naman nagawa
niyang tanggapin ang kalagayan nang maluwag sa loob niya.
Habang nagdadalaga ay nahihilig si Mutya sa musika. Nakakatugtog siya ng iba’t
ibang instrumento. Marami ang humahanga sa taglay niyang galing sa
pagtugtog.

Upang lalo pa siyang naging mahusay, pinag-aral siya ng kanyang ina ng


pagtugtog ng piyano. At natuklasan ni Mutya na kulang man siya ng paa, sobra
naman siya sa talino sa musika. Maraming mga guro sa musika ang humanga sa
kanya. Lahat ay gusto siyang maging estudyante.

Pagkaraan pa ng ilang taon, ibang-iba na si Mutya. Isa na siyang kilalang


piyanista. Nakarating na siya sa ibang bansa tulad ng Amerika at Espanya.
Tumugtog siya doon. Naanyayahan pa nga siya sa palasyo ng hari ng Espanya
para tumugtog sa hari. Hindi na siya tinutukso ngayon. Hindi na pinagtatawanan.
Sa halip, siya ay hinahangaan na dahil lahat ay nagkakagusto sa kanyang
pambihirang kakayahan sa pagtugtog.

Aral:

 Anuman ang iyong kalagayan sa buhay, matutong manalig at tumawag sa


Panginoon.
 Huwag makinig sa negatibong sinasabi ng iba tungkol sa’yo. Huwag mo na
lang pansinin ang pangit na sinasabi nila, sa halip ay ipagpatuloy na
linangin ang iyongb kakayahan upang makamit ang iyong pangarap.
 Ang bawat tao ay may angking kakayahan na kung pagsusumikapan ay
maaring maging mahusay ka sa larangang ito.

Ang Babaing Maggagatas


Isang araw ang babaing maggagatas ay nagpunta sa palengke na may bote ng
gatas sa kanyang ulo. Maganda at mabuti ang panahon ng araw na iyon. Habang
siya ay naglalakad sa maruming lansangan, siya ay nagsimula ng mangarap kung
ano ang kanyang gagawin sa perang mapagbibilihan niya ng gatas.
“Marahil,” sabi niya, “bibili ako ng manok sa aking kapitbahay at kapag ito’y
nangitlog, ipagbibili ko at ang perang mapagbibilihan ko ng itlog ay ibibili ko
nang magandang damit na may laso. Baka bumili rin ako ng isang pares ng
sapatos. Pagkatapos ay pupunta ako sa Pistang Bayan at ang lahat ng mga lalaki
doon ay magtitinginan sa akin at ako’y susuyuin ngunit hindi ko sila papansinin at
iismiran ko pa sila.”

Nakalimutan niya na may bote ng gatas sa kanyang ulo, kaya’t paggalaw niya sa
kanyang ulo, ang mga bote ay nagsibagsak. Ang mga ito ay kumalat sa
kapaligiran. Ang kanyang mga pangarap ay nagsilaho kasabay ng mga bote ng
gatas.

Lungkot na lungkot siyang umuwi at hindi niya malaman kung saan siya kukuha
ng kakainin para sa araw na iyon.

Aral:

 Ituon ang pansin sa kung ano ang kasalukuyang ginagawa ng sa gayon ay


magawa ito ng maayos.
 Hindi masama ang mangarap ng mga magagandang bagay pero mas
bigyan halagang at unahin kung ano ang pinakakailangan.
 Huwag magbilang ng sisiw kung hindi pa napipisa ang itlog.

Si Mariang Mapangarapin
Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya.
Ano pa’t masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang
pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang
siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang
gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman
nagalit si Maria bagkus pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit
sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok.
Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng
nag-iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa
mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka
niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa
ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating
ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng
maraming itlog.

Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nangitlog ang
lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng
mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na
ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang
linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.

At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nabuo
ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si
Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay
nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang
itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng
magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong
pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!

Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan.


Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng
pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.

Aral:

 Hindi masama ang mangarap. Ngunit mas mabuti kung bigyang pansin
ang kasalukuyan at mag-pokus upang makamit ang pangarap na ninanais.
 Huwag magbibilang ng sisiw hangga’t hindi pa napipisa ang itlog.
Kapuri-puring Bata
“Nais ko pong ipabili sa aking ina para sa aming notse buena yaong pagkaing
pinananabikan ko, katulad ng mansanas at fried chicken…” Tugon ito ni Ralph,
Grade III – 1, ng Paaralang Bagong Barangay, nang siya ay tanungin ng kanyang
guro sa Journalism kung ano ang kanyang gagawin sa kanyang tatlong
alkansiyang puno ng mga barya. Ito ay natipon niya sa pagiging batang-
basurero.

Namumukod si Ralph, 10 taong gulang, sa mga ininterbyu ni Gng. Aida Escaja,


isang tagapayo ng pahayagang pampaaralan. Dalawang palagiang trabaho ang
ginagampanan ni Ralph. Ipinagtatapon niya ng basura ang mga nakatira sa
Bagong Barangay Tenement at errand boy sa palengke ng may bibingkahan sa
kanilang pook.

Napili ng kanyang guro ang sinulat ni Ralph, “Kumita Habang Nag-aaral” para sa
kanilang pamaskong isyu. Si Ralph ay isa sa mga batang sinasanay ng kanilang
guro upang maging kagawad ng patnugutan pagtuntong niya ng ikaanim na
grado. Matalino siya pagkat lagi siyang kasama sa “Top Ten” ng kanilang klase
mula pa noong Grade 1.

May kabutihan ding nagagawa ang kahirapan sa mga bata. Maaga pa’y
nalalantad na sila sa pakikibaka sa buhay kaya nagiging matatag sila sa pagharap
sa mga suliranin sa buhay. Hindi sila nagpapanik na tulad ng mga sanay sa
ginhawa. Nagiging malikhain sila sa paghanap ng mapagkakakitaan.

Kasama ni Ralph sa pagtatapon ng basura sina Topher, 11 taong gulang, Grade III
din, at si Jun-jun, 6 na taong gulang at nasa unang baitang.

Tumatanggap sila ng mula biyente sentimos hanggang dalawang piso, ayon sa


rami ng basurang kanilang itinatapon. Tuwing alas-dos naroroon na sila na may
dalang sako.

Nagkaisa sila sa hatian ng kanilang kita: 45 porsiyento para kay Topher na malaki
at malakas; 35 porsiyento para kay Ralph at 20 porsiyento para kay Jun-jun.
Magkakapit-kwarto ang kanilang tinitirhan at tsuper ang kanilang mga ama.
Kapuri-puri ang tatlong batang ito na maagang nagising sa katotohanang sa
iyong pawis manggagaling ang iyong ikabubuhay.

Ayon sa kanilang magulang, may isang taon nang nangungulekta ng basura sa


tenement house ang tatlong batang ito. May recycling pa silang ginagawa,
ipinagbibili nila ang mga nakukuha nilang papel, plastik, bote, at bakal bago nila
ito’ tuluyang itapon.

Isang errand boy si Ralph ng may-ari ng bibingkahan. Siya ang nagpapagiling ng


bigas sa may palengke at siya pa rin ang kumukuha ng isang sakong bao sa
palengke.

Sa puspusang pag-aaral at paggawa dapat imulat ang mga bata. Ito ang
panuntunang sinunod ni Rizal sa kanyang munting paaralan sa Dapitan.
Naniniwala ang ating bayani na maaga pa ay dapat nang ituro sa mga bata ang
pagmamahal sa paggawa.

Maliit pa sina Ralph, Topher at Jun-jun ay may direksyon na ang kanilang buhay.
Sa pamamagitan ng pagbabanat ng buto at pagpapatulo ng pawis, sila ay
kumikita na. Hindi na sila matitigil sa pag-aaral. May tiyak na silang mababaon,
may kaunti pang maibibigay sa magulang at may maihuhulog pang barya sa
alkansiya.

Aral:

 Bagama’t mahirap man ang kalagayan sa buhay, huwag nawa itong


maging hadlang para abutin ang iyong pangarap o minimithi balang araw.
 Kung nanaisin, maraming mabuting paraan upang umunlad sa buhay.
Gamitin ng wasto ang katalinuhan at lakas na kaloob ng Diyos upang
umunlad sa kasalukuyan at sa hinaharap.
 Matutong mag-impok upang sa oras ng pangangailangan ay may
madudukot.
 Huwag mong sabihing bata ka. Sa mura mong edad at kaisipan ay marami
kang magagawa at maari kang magsilbing inspirasyon para sa iba.
MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA PAG-IBIG

Si Wigan at si Ma-I

Dalawang libong taon na ang nakalilipas, may alitan ang bayan ng Banaue at
Mayaoyao. Itinuturing noon na isang karangalan ang makapatay ng kalaban. Sa
panahong ito nabuhay si Wigan, anak ng hari ng Banaue na si Ampual.

Minsan, si Wigan ay nangaso sa kagubatan. Nang magawi siya sa isang talon


upang magpahinga, nakakita siya ng isang dalagang naliligo. Naakit siya sa
kagandahan nito ngunit napansin niyang ito ay isang dayuhan at walang
karapatang maligo sa lupain ng Banaue.

Papatayin na sana ni Wigan ang dalaga nang pigilin siya ng isang ahas. Nakilala
niya na ang ahas ay si Lumawig, ang diyos ng kalangitan.

Sa halip na ipagpatuloy ang naunang balak, sinamahan ni Wigan ang dalaga


pauwi.

Nalaman niyang ang pangaian nito ay Ma-i, anak ng hari ng Mayaoyao na si


Liddum. Sa kanilang mahabang paglalakbay, nabuo ang kanilang pag-iibigan.

Pagdating sa lupain ng Mayaoyao, agad na dinakip si Wigan. Siya na ngayon ang


dayuhan sa lupain ni Ma-i.

Nakiusap si Ma-i sa kanyang ama. Isinalaysay niya ang pangyayari.

“Maaaring pinaslang niya ako nang mahuli niya akong naliligo sa kanyang lupain
ngunit siya ay nahabag. Sa halip, sinamahan pa niya ako pauwi nang ligtas sa
anumang kapahamakan. Mahabag ka sa kanya. Ama, tulad ng pagkahabag niya
sa akin,” nagmamakaawang sabi ng dalaga.
Nag-isip si Liddum. Ang kahilingan ng kanyang anak ay taliwas sa nais ng mga
mamamayan ng Mayaoyao.

“Siya ay mamamatay kung hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili,”
pahayag ng hari. “Mga mamamayan ng Mayaoyao, piliin ninyo ang
pinakamahusay nating mandirigma upang makatunggali ng binatang mula sa
Banaue. Ang magwawagi sa labanan ang siyang magiging asawa ng aking anak.”

Sumang-ayon ang mga mamamayan ng Mayaoyao. Pinili nila ang


pinakamagiting nilang mandirigma upang makalaban ni Wigan. Nagsimula na
ang paghaharap ng dalawa.
Mula naman sa Banaue, dumating ang isang daang mandirigma na naghahanap
sa anak ng kanilang hari. Nakita nila si Wigan na nakikipaglaban. Humanda silang
maipaghiganti ito kung sakaling magagapi ito.

Sa kabutihang palad, nanalo si Wigan at naiwasan ang sana’y madugong


pagtutuos ng mga maiidirigma ng Banaue at Mayaoyao.

Isang canao (handaan) ang sumunod. Si Ma-i ang namuno sa sayaw ng kasalan.
Tuluy-tuloy ang pagtunog ng gansa. Umabot ang kasayahan sa loob ng siyam na
araw.

Sina Wigan at Ma-i, kasama ang mga mandirigma ng Banaue, ay naglakbay


pabalik sa Banaue. Habang naglalakbay, naisip ni Wigan ang kanyang ama.
Matanda na ito at marahil ay naghihintay na rin itong magkaapo. Ngunit nag-
asawa siya nang walang pahintulot ng ama. Sasang-ayon kaya ito sa kanyang
ginawa?

Sa hagdan-hagdang palayan nagtagpo sina Wigan at Ampual. Hinanda na ng


binata ang kanyang sarili.

“Sa simula ng paggawa ng ikawalong baitang ng palayan, iyon ang magiging


taon ng aking pag-aasawa. Ama, narito na si Ma-i, anak ng hari ng Mayaoyao.
Ang kanyang amang si Liddum at mga mamamayan nito ay naging mabait sa
pagtanggap sa akin.”
Tiningnan ni Ampual si Ma-i. Hindi man nagsalita ay alam ni Wigan na
naunawaan siya ng ang ama. Habang naglalakad ay nag-iisip si Ampual ng
sasabihin niya sa mga nasasakupan. Masayang sumalubong naman ang lahat.
Nagwika ang hari sa mga taga-Banaue.

“Ako ay matanda na. Hindi magtatagal at makakapiling ko na rin ang ating mga
ninuno. Bago ito mangyari ay nais kong makita ang aking anak na mag-asawa at
handa nang pumalit sa akin. Narito ang dalaga mula sa Mayaoyao. Mga dalaga
ng Banaue, piliin ninyo kung sino sa inyo ang pinakamaganda na maaari nating
itapat sa panauhing padala ni Lumawig. Mula sa dalawa, pipiliin namin ng aking
anak kung sino ang higit na maganda.

Ang mapipili ay mapapangasawa ng aking anak at ang hindi ay mamamatay.


Bilang gantimpala sa magwawagi, ang kanyang karanasan ay magiging alamat sa
ating mga anak.”

Pumili ang mga mamamayan ng Banaue ng dalagang itatabi nila kay Ma-i. Nang
sila ay makapili, lahat ay sumang-ayon na iyon na nga ang pinakamaganda sa
mga taga-Banaue.

Nagtabi na ang dalawang dalaga. Tunay ngang di-pangkaraniwan ang mga


kagandahang nasa harap ni Wigan ngayon.

Nagtanong si Ampual.

“Ano na nga ba ang pangalan ng dayuhan?”

“Ma-i,” tugon ni Wigan.

“Sumasang-ayon ka ba na si Ma-i ang higit na maganda?”

“Opo,” sagot ni Wigan na nagagalak sa desisyon ng ama.

Inihayag ng hari na nagwagi si Ma-i. Nagalak ang mga tao. Sa kasiyahang ito,
nagwika si Ma-i.
“May isang kahilingan po ako, dakilang pinuno ng Banaue. Hayaan niyong ang
dalagang aking nakatapat ay manatiling buhay nang walang kahihiyan. Ito’y
upang ang kanyang karanasan ay magsilbing alamat ng ating mga anak.”

Pinagbigyan ni Ampual ang kahilingang ito ni Ma-i. Sinimulan na ang ikawalong


baitang ng hagdan-hagdang palayan at naganap muli ang kasalan nina Ma-i at
Wigan. Ito ang naging simula ng kapayapaan sa pagitan ng Banaue at Mayaoyao
na umabot hanggang sa kasalukuyan.

Aral:

 Ang maayos na pakikipag-usap ay nagdudulot ng kapayapaan. Gulo


naman ang hatid ng hindi pagkakaunawaan.
 Mas maiging piliin ang kapayapaan kaysa karahasan.

Ang Nawawalang Prinsesa

Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit walang makapagsabi kung saan siya
pumupunta. Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan
tumitigil ang anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at,
kung binata, ay ipakakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang
magbabantay, pupugutan siya ng ulo.

Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang


matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Ang lahat ng mga ito ay
nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-
gabi.

Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng


isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng
binatang napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito.
Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. “Maganda pong
talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya.”

Binigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa mga


balikat niya ay hindi siya makikita ninuman. Binindisyunan siya ng matanda at
pinagbilinang magpakaingat bago siya nagpaalam.

Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang
magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang
napakagandang binibini.

May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod ang prinsesa
ay kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy agad ang mga dahon
ng halaman.

Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin. Nang


maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya ang mahikang
balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan palang tagong pintuan ito na
palabas sa palasyo.

Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. Di nito alam ay kasama


ang binata dahil hindi niya nakikita ito.

Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga kahuyan


huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipag sayaw siya sa mga gitanong
nagkakaipon doon at nagsasaya.

Sa likod ng isang puno, tinanggal ng binata ang kanyang balabal at naglagay ng


maskara.

Nilapitan niya ang prinsesa at sila’y nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw
hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng sapatos.

Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila’y
bumalik sa palasyo.
“Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-gabi?” tanong ng
hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.

“Opo, Mahal na Hari! Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi-gabi.


Ito po ang katunayan. Itong halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang
pinagtapunan matapos na makasayaw siya.”

Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang


nagpakita ng katunayan.

Balak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa ang binata, ngunit nang
ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na kinagiliwan nang nagdaang
gabi.

Tumugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng


prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.

Aral:

 Maging masunurin sa magulang at iwasang gumawa ng mga bagay na


ikalulungkot o ikagagalit nila.
 Huwag aalis ng bahay ng hindi nagpapaalam o walang nakakaalam kung
saan ka pupunta. Marami nang napahamak sa ganitong gawain.
 Kilalanin muna ang isang tao bago ito husgahan. Ang mabilis na paghatol
sa iba ay maaring magdulot ng sakit sa kalooban nila.

Si Ederlyn
Isinulat ni Arriane Arlie Antonio
Si Alex, isang mag-aaral sa kolehiyo na nagmahal ng isang babaeng
nagngangalang Ederlyn De Vivarre. Hindi naman niya inasahan na magkakasama
pala sila sa iisang klase, kaya sa hindi inaasahang pagkakataon, sila ay naging
malapit sa isa’t isa.
Lalong nahulog ang loob ni Alex kay Ederlyn.

Patapos na ang ikalawang semestre noon. Kung kaya’t hindi mapiglan ni Alex na
gumawa ng paraan upang ipagtapat na kay Ederlyn ang kanyang nararamdaman.
Gumawa siya ng sulat at inipit ito sa aklat na nasa mesa ni Ederlyn habang break
time ng mga estudyante.

Pag uwi sa bahay, hindi mapakali si Alex dahil nag-aalala siya sa kung anong
mangyayari matapos basahin ni Ederlyn ang sulat. Kinabukasan, hindi siya
pinapansin o kinakausap manlang ni Ederlyn. Ganito nang ganito ang pangyayari
sa dalawang araw matapos niyang ibigay ang sulat. Sa sobrang lungkot na tila ba
gumuho na ang mundo ni Alex, hindi na siya nakapagpigil na lapitan at kausapin
si Ederlyn. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, may iniabot si Ederlyn na
maliit na papel sa kanya sabay alis na wala manlang siyang narinig na anumang
salita mula dito. Nang buklatin niya ang papel, isa pala itong imbitasyon sa isang
piging na gaganapin sa bahay nila Ederlyn.

Kinabukasan ay pumunta siya sa piging. May kalayuan at liblib pala ang lugar
nitong si Ederlyn. Pagkarating niya doon, agad na may sumalubong sa kanya na
isang karwahe. Lulan ng sasakyang ito si Ederlyn. Iniaabot ni Ederlyn ang kanyang
kamay kay Alex upang pasakayin sa karwahe.

Pagkarating nila sa isang malaking hardin, napansin ni Alex na tila siya lamang
ang naiiba sa kanilang lahat dahil ang lahat ng taong nandoon ay pawang mga
dugong bughaw. Ang kulay ng kanilang mga buhok ay ginto. Lahat sila ay
mapuputi at anyong mayayaman.

Hindi naman niya naramdamang siya ay naiiba sakanila pagkat ang mga tao
doon ay mababait at may pakisama sa kaniya. Kahit pasulyap-sulyap lamang siya
kay Ederlyn, ang gabing iyon ay maituturing niyang pinakamasaya sapagkat
nakasama niya at nakilala ang pamilya ni Ederlyn.

Ngunit, biglang nawala ang lahat at tila ba naglaho na parang bula ang mga tao
sa paligid maging si Ederlyn. Nagising siya sa isang kwarto na tila ba pamilyar sa
kanyang paningin. Nakita niya ang kanyang ina na tuwang-tuwa at
nagpapasalamat dahil nagising na ang kanyang anak.
Matapos magising sa katotohanan, ikinwento ng kanyang ina ang lahat ng
nangyari sa kanya sa loob ng isang linggo.

Sinabi ng kanyang ina na isang linggo na raw siyang wala sa sarili. Wala siyang
kilala kahit isa sa kanyang mga kamag-anak at lagi raw siyang nakatulala.
Nagsimula raw ito matapos siyang matagpuan ng isang lalaki na nakahandusay
sa gitna ng kalsada sa isang di-kilalang lugar.

Nagising na lamang daw siya nang may isang batang hindi taga-roon ang nag-
abot ng isang maliit na papel sa kanyang ina. Binigay ng ina ang sulat kay Alex.
Binuksan niya ito at nakasulat ang mga salitang…

Kami man ay marunong ding magmahal.


– Ederlyn
Aral:

 Kilalaning mabuti ang taong iibigin. Kadalasa’y mas mabuti kung maging
magkaibigan muna kayo bago pumasok sa isang relasyon. Sa ganitong
paraan, unti-unti mong makikilala ang taong nais mong pag-alayan ng
iyong pag-ibig.
 Ugaliing manalangin sa lahat ng panahon at pagkakataon. Hingiin sa Diyos
na patnubayan ka sa lahat mong ginagawa upang hindi ka mabiktima ng
mga di-maipaliwanag na elemento sa mundong ito.

Wala na Siya
Mula sa website na limarx214.blogspot.com
“Wala na po siya!” Tugon ng nurse na nasa information counter ng Santisima De
Dios Hospital nang tanungin ni Ralph kung nasaan ang pasyenteng si Donna na
nakaconfine sa Room 214.

Si Donna ay girlfriend ni Ralph for 8 years at napagkasunduan na nga nilang


dalawa na magpakasal na sa susunod na taon. Ang magnobya ay punong-puno
ng matatayog na pangarap. Kahit dalawang taon na silang nagsasama, maigi
nilang pinagplanuhan ang pagpapamilya, sa katunayan ay nagtiis at nagpigil sila
na mabuntis si Donna sa takot na mapurnada ang magagandang plano at
pangarap nilang ito.

Ngunit ngayon ngang wala na si Donna, paano na ang kanyang mga bukas na
darating? Sino na ang kasama niyang bumuo ng pangarap na sa tagal
makumpleto ay tila jigsaw puzzle na may mga maliliit na piraso? Paano ba siya
gigising sa umaga kung wala na ang kaisa-isang dahilan ng kanyang pagbangon?
Sino na ang kasama niya tuwing gabi na bumilang ng mga bituin sa langit?
Paano ba siya bubuo ng tahanan kung ang haliging susuhay rito’y ipinagdamot
ng tadhana?

Sapo-sapo ni Ralph ang kanyang noo tila ba mahuhulog ito kasabay ng mga luha
niyang bigla na lamang pumatak nang marinig niyang wala na nga si Donna.
Napasandal siya sa pader at
walang lakas na napaupo at napahagulgol sa labis na galit at kalungkutan. Kung
bakit naman kasi sa dinadami ng mga araw ay ngayon pang araw nawalan ng
power ang battery ng kanyang cellphone. Marahil ay tumatawag sa kanya ang
mga kapatid ni Donna nang mga sandaling nag-aagaw buhay ito, nakausap man
lang niya sana ito kahit sa huling sandali. Marahil ay galit sa kanya ang ina ni
Donna dahil sa pag-aakalang pinabayaan niyang bawian ito ng hininga habang
pangalan niya ang hinahanap at tinatawag.

“Bakit kinakailangang ilabas agad nila ng ospital si Donna ng hindi ipinaalam sa


akin?”

Magulo ang isip ni Ralph. Naghahalong emosyon ang namamayani sa kanyang


puso.

Kung gaano siya kasaya kaninang umaga, napalitan ito ng kawalan ng pag-asa.

Sana hindi na siya pumasok sa opisina. Kaya pala nagdadalawang-isip siya ng


umagang iyon, kaya pala tila may bumubulong sa kanyang isip na siya’y
magdiretso na sa ospital. Kung alam niya lang na sa wala mauuwi ang kanilang
pagsasama at pagluha ang katumbas ng lahat ng kanyang pagsisikap, hindi na
sana niya pinanghinayangan ang anumang kanyang kikitain at lahat ng ito’y
ginastos at ginamit niya upang mapaligaya ang kinakasama. Para saan pa ang
kanyang mga naipon? Sino na ang paglalaanan niya nito?

Alam ni Ralph maghahari na ang kalungkutan sa kanilang bahay na kailan lang ay


halakhak nilang dalawa ang namamayani. Magiging kalbaryo ang kanyang bawat
araw. Magiging madilim ang kanyang gabi at pati na ang umagang darating.
Matagal bago muling mabuo ang pangarap na gumuho. Matagal bago muling
makabangon mula sa pagkakadapa. Hindi niya batid kung kailan
sisilay muli ang napingasan niyang ngiti. Hindi niya alam kung kailan muling
makakakita ng liwanag ang kanyang matang nahilam ng luha.

Kagabi lang galing siya sa ospital. Masaya pa silang nag-uusap ni Donna at halos
hindi na nila na naging paksa ang kanyang karamdaman dahil tuluyan nang
bumaba ang platelets ng nobya,
sensyales na pawala na ang dengueng apat na araw nang nagpapahirap sa
kinakasama. Pinag-usapan nila ang detalye ng kanilang kasal sa susunod na taon
at planong pagbubuntis ng taon ding iyon, ang napipintong promotion ni Donna
sa trabaho bilang manager ng Logistics Department sa kompanyang pinapasukan
nito at ang balaking pagdu-Dubai ni Ralph sakaling may dumating na
magandang oportunidad.

Kaya hindi sukat akalain ni Ralph na sa kisapmata’y wala na si Donna! Wala na


ang kanyang buhay, wala na ang kanyang bukas. Marami nang dengue case kasi
ang humantong sa ‘di inaasahan at tumuntong sa biglaang kamatayan kahit
sabihin pang bumuti na umano ang lagay ng biktima. Pag-aakalang umokay na
ang pasyente ngunit sa kabila ng nakaantabay na mga nurse at doktor,
availability ng mga medical equipment ng ospital ay hindi pa rin naisalba ang
buhay ng dengue victim.

“Sir, sir…” tinatapik-tapik ng nurse si Ralph na nakatungo ang ulo, nakasalampak


sa sahig at nakasandal sa pader. Mugto ang nga mata, sumisinok-sinok na
halatang galing sa isang pag-iyak. Narinig niya ang nurse ngunit wala siyang
pakialam sa sasabihin nito, bahagyang iniangat niya ang kanyang ulo.

“Sir, ang ibig ko pong sabihin ng ‘wala na siya’ ay nadischarge na po siya, si


Ma’am Donna. Gusto na raw po niyang umuwi dahil gusto niya raw pong i-
celebrate ang anniversary ninyo. Heto nga po ‘yung waiver na pinirmahan niya
kanina.” Mahabang paliwanag ng nurse.

Tulala si Ralph dahil sa narinig niya mula sa nurse.

Hindi niya alam kung ano ang kanyang magiging reaksyon.

Anniversary nila kahapon.

Aral:

 Kung ikaw ang nurse at sa iyo ay may magtanong, mangyaring ipaliwanag


ng mabuti ang mga sagot sa taong nagtatanong upang hindi mabigyan ng
ibang kahulugan ang sagot na iyong ibinigay. Hindi na sana naging
malungkot ang emosyon ni Ralph kung antimano ay naintindihan niyang
nakauwi na pala si Donna at hindi ang inaakala niyang patay na ito.
 Mabuti sa tao ang may pangarap. Mas maganda kung may kasama ka na
makakatuwang upang maabot iyon. Ngunit kung sakali mang ikaw na lang
mag-isa ang aabot sa pangarap na iyon, wag mo itong susukuan at huwag
na huwag kang magpapakain sa matinding lungkot. Maaring may mga
bagay na hindi mo maabot sa paraang nais mo ngunit kung magtitiwala ka
sa Diyos ay siguradong may mas maganda siyang nakalaan para sa iyo.
 Maging positibo sa lahat ng pagkakataon.

Tren
Isinulat ni eyeshield7788 mula sa Symbianize.com
Im forgiven, because you were forsaken
Im accepted, you were condemned
Matagal na akong nagtatrabaho sa isang kumpanya ng isang tren. Bilang
inhenyero, buong buhay ko ay ginugol ko sa kumpanyang ito. Sa edad na
animnapu’t tatlo ay nasaksihan ko na ang madaming mukha na paroo’t parito sa
istasyon ng tren, pati ang samu’t saring kwento ng buhay ay aking natunghayan.
Mula sa simpleng pagmamasid sa mga pasahero hanggang sa pakikipag-usap sa
kanila, nalalaman ko ang mga pinagdadaanan nila.

Ang tren na to ay nagdadala ng ibat-ibang uri ng tao. May mga lulong sa bisyo,
manloloko, mga gumagamit ng bawal na gamot, mga kabataang rebelde,
mamatay tao, magnanakaw, at marami pang iba. Sila ang mga taong kadalasan
ay may gustong takasan, gustong takasan ang buhay, lugar, alaala, at mga taong
kanilang sinira.

Ang huling proyektong nahawakan ko ay isang tulay na daraanan ng tren. Ang


tulay na ito ay nagdurugtong sa dalawang bahagi ng lupa na pinaghihiwalay ng
malawak na ilog na dinaanan din ng barko. Kaya hindi permanente ang tulay na
ito, itoy dinudugtong lamang kapag paparating na ang tren. Dito ko nakilala si
Dave, siya ang nagsilbing Bridgemaster o tagadugtong ng tulay. Natapos ang
proyekto nung ako’y apatnapung taon pa lamang at pagkatapos nun ay dito na
ko namalagi para mangalaga at mangasiwa ng tulay. Si Dave ang lagi kong
kasama at naging magkaibigan kami.

Si Dave ay may siyam na taong gulang na lalaking anak na lagi nyang dinadala
doon. Masayahin ang bata, at tuwang tuwa ito sa tren. Malapit si Dave sa anak
niya at makikitang mahal na mahal nya talaga ito. Sabi nga ni Dave makita nya
lang ang ngiti ng anak nya nawawala lahat ng pagod at problema niya.

Mahilig maglaro ang anak ni Dave sa may riles at sa twing paparating ang tren ay
kakaripas ito ng takbo sa may operating dock upang pagmasdan ito. Tuwang-
tuwa siya at pinagmamasdan nya ito hanggang sa pinakadulo. At masaya naman
akong pinagmamasdan sya sa bintana ng aking opisina.

Ngunit isang araw noon, paparating na ang tren at nakapwesto na si Dave sa


Bridge Operating Room para idugtong ang tulay. Ngunit sa bintana ng silid niya
habang inaabangan ang tren ay narinig nya ang iyak ng anak nya. Sinilip nya ito
at ito pala ay nahulog sa isang hydraulic box na bahagi ng mekanismo ng tulay.
Kapag dinugtong ni Dave ang tulay ay maiipit ang bata at mamamatay. At kung
di naman nya dinugtong ay mamamatay ang libo-libong taong sakay ng tren.
Halos natulala si Dave ng masaksihan ko ay tumakbo ako paalis sa opisina ko,
ngunit napakalayo nito. Nakita ko hawak ni Dave ang knob habang tumutulo ang
luha sa mga mata nya.

Paparating na ang tren, nasa baba na ko ng gusali ng aking opisina at nakita ko


lamang na nakababa na ang tulay at nakadaan ng ligtas ang tren. Nakita ko si
Dave na tumakbo pababa ng tower nya papunta sa anak nya. Lumuhod sya at
walang tigil na tumangis.

Pinagmasdan ko ang dumadaan na tren. Mula sa bintana nito ay nakikita ko ang


mga tao. May natutulog, nag-uusap, nagkukuwentuhan, nagtatawanan,
nagkakainan at nag-iinuman.

Im alive and well


Your spirit lives within me
Because You died ang rose again

Amazing love, how could it be


That you my King would die for me…

Amazing love…
Note: Ang orihinal na kwento ay hango sa isang YouTube video na may pamagat
na “A Father’s Love”.
Verses are from the lyric of the song “Amazing Love (You Are My King)” by
Newsboys
Aral:

 Ang pag-ibig na ipinakita dito ay ang klase ng pag-ibig ng Diyos atin.


Iniaalay niya ang kanyang kaisa-isang anak upang tayo ay maligtas sa isang
tiyak na kapahamakan. Maaring hindi tayo karapat-dapat sa ganitong klase
ng pag-ibig, ngunit ang tiyak ay minamahal Niya tayo kaya kahit ang
bugtong Niyang anak ay handa niyang isakripisyo.
Halaman ng Pagmamahal
Isinulat ni L. Salvador
Ang tagpuan ng magkasintahang Malvar at Rosa ay isang malaking puno ng
duhat. Sa lilim nito sila’y nagkukwentuhan. Sa tabi ng puno may isang balon na
yari sa mga batong adobe. Ang labi ng balon ay halos pantay sa lupa. Bawal sa
mga bata ang tumayo o maglaro sa tabi nito.

Isang araw, sa buwan ng Abril, nakita ni Malvar ang maraming bunga ng duhat.
Kumikintab ang maitim na balat ng mga hinog. Kay lalaki pa! Umakyat si Malvar
upang pagdating ni Rosa ay may ipapasalubong siya. Maraming mga hinog na
duhat sa dulo ng maliliit na mga sanga. Sa pagnanasa ni Malvar na mapitas iyon,
napayapak siya sa isang sangang marupok. Nahulog siyang tuloy-tuloy sa balon.
Nawalan siya ng malay tao. Kaya, kahit na mababaw lamang ang tubig sa balon,
si Malvar ay nalunod.

Di nagtagal dumating si Rosa. Dati-rati ay dinaratnan niya si Malvar na laging


nauuna sa kanya. Bakit ngayon ay wala pa siya? Nakita niya ang maraming duhat
na nakakalat sa lupa. Mukhang bagong pitas. Tumingala siya. Wala namang
nakaakyat.

“Pupulutin ko nga,” ang sabi ni Rosa sa sarili. “Makatas ito at matatamis.”

Kumuha muna siya ng dahon ng saging. Kapag puno na ang kanyang mga
kamay, inilalagay niya ang mga duhat sa dahon ng saging. May mga duhat na
nahulog sa tabi ng balon. Lumapit doon si Rosa. Nang yumuko siya upang
damputin ang mga bunga napansin niya ang tao sa ilalim ng balon.

“Panginoon ko!” ang sigaw niya, “Si Malvar! Si Malvar!” Hinimatay siya. Sa
kasamaang palad, sa bunganga ng balon pa bumagsak ang katawan ni Rosa.

Nang hindi umuwi ang dalawa, naghanap ang kanilang kamag-anak at mga
kapitbahay. Kinabukasan natuklasan ang mga bangkay. Doon na rin sa balon sila
inilibing. Pinuno ng lupa ang balon.

Pagkaraan ng may isang taon may tumubong halaman sa ibabaw ng balon.


Walang bulaklak ngunit napakabango ng mga dahon.
“Nabuhay na muli sina Malvar at Rosa,” ang sabi ng mga taong nakakaalam sa
mga nangyari, “Sila’y naging isang halaman.”

Ang halaman ay tinatawag nilang Malvarosa. Ang mabangong dahon nito ay


isinasama sa rosas na isinasabit sa kasuotan ng mga dalaga.

Aral:

 Laging mag-iingat. Kung sa simula’t mula pa’y may malaking palatandaan


na “Bawal Tumambay” na nakalagay malapit sa lugar kung saan namatay
sina Malvar at Rosa, hindi na sana nagkakaroon ng malagim na pangyayari.
 Mas mainam sana kung sa mas ligtas na tagpuan na lamang nagkita sina
Malvar at Rosa. Sa ganitong paraan ay maaring naiwasan sana ang maaga
nilang pagkamatay.
 Laging magpaalam sa mga magulang o “guardian” kung saan kayo
pupunta at kung sino ang inyong kasama upang mas madali kayong
mahanap kung sakaling bigla ang inyong pagkawala.

Ang Lugar sa Habang Panahon


Isinulat ni Ms. Necang mula sa Facebook
Isang dapit hapon sa araw ng Biyernes, may isang lalake ang nakatayo sa tapat
ng simbahan at tila malalim ang iniisip. Di anu-ano’y may isang babae ang
bumunggo sa kanya, sa lakas ng pagkakabunggo ay napaupo silang dalawa sa
sahig. Agad namang tumayo ang lalake at itinayo niya ang babae. Nang
makatayo ang babae ay agad naman itong humingi ng tawad sa lalake. Ngunit
walang reaksyon ang lalake kaya nagpakilala ang babae.

“Ako nga pala si Audrey. Ah… Alam mo kasi nagmamadali ako ngayon e. Pero
may masakit ba sayo o kung ano man?”

“Ah… Wala naman,” sagot ng lalake ngunit wala pa ring reaksyon ang kanyang
mukha.
“Sigurado ka? Pasensya na ha!? Di ko talaga sinasadya,” wika ni Audrey na
halatang nag-aalala. Tumango lang ang lalake pero wala pa ring reaksyon ang
mukha. Paalis na si Audrey ng maalala niya na di pa pala niya naitanong ang
pangalan ng lalakae.

“Ah! Ano nga palang pangalan mo?” napakunot ang noo ng lalake.

“Ako nga pala si Terrence,” wika nito pero halata mo na nagtataka ito. Ngumiti si
Audrey at tuluyan ng nagpaalam kay Terrence.

Araw ng lunes nagmamadali si Audrey pumasok sa eskwelahan. Nang makapasok


na siya ay agad siyang pumunta sa silid aklatan. Nang makarating siya doon may
nakita siyang pamilyar na tao. Nilapitan niya ito at tinitigan ng mabuti at naalala
niya na si Terrence yon. Gusto niya sanang kausapin ngunit nabatid niya na
marami itong ginagawa kaya di na lang niya ito inabala. Umupo si Audrey sa
kalapit ng nagbabantay ng silid aklatan.

Maya-maya, napansin ni Audrey si Terrence na tila di ito magkandaugaga kung


paano niya dadalhin ang napakaraming libro kaya na isip niya na tulungan ito.
Nilapitan ni Audrey si Terrence,

“Tulungan na kita” wika nito ng nakangiti.

“Hindi na kaya ko naman ito, salamat na lang.” Pagtanggi ni Terrence sa alok ni


Audrey.

Ngunit nagpumilit pa rin si Audrey kaya wala ng nagawa si Terrence, hinayaan na


lang niya si Audrey. Simula noon lagi na sila magkasama sa loob ng eskwelahan,
hanggang sa mahulog ang dalawa sa isa’t isa.

Sa di inaasahang pagkakataon nadulas si Audrey at na amin niya ang


nararamdaman para kay Terrence, ngunit parang walang narinig si Terrence at
agad na iniba ang kanilang pinag-uusapan.

Nagulat si Audrey sa ginawang iyon ni Terrence pero inisip na lang nya na mas
maganda na iyon kesa sa iwasan siya nito. Kinabukasan, nagtataka si Audrey
kung bakit miski anino ni Terrence ay wala, inisip niya nalang na baka may
inasikaso na napaka-importante.

Isang linggo na ang nakalipas ngunit di pa rin pumapasok si Terrence.

Halos lahat ng mga guro nito ay hinahanap na siya gayon din ang mga taong
nakakakilala dito. Mas lalong nag-alala si Audrey dahil halos tatlong linggo nang
di pumapasok si Terrence kaya minabuti na nitong magtanong-tanong pero iisa
lang ang sagot sa kanya, “Hindi ko alam”.

Hanggang isang estudyante ang lumapit sa kanya at sinabi kung saan nakatira si
Terrence. Agad namang nagpasalamat si Audrey at pinuntahan ang lugar. Laking
pagtataka ni Audrey ng walang sumasagot sa loob ng bahay nina Terrence.
Mabuti na lang lumabas ang kapitbahay nina Terrence, “Ay wala pong tao dyan”
pagbibigay alam nito kay Audrey.

“Ah… Ganon po ba!? Lung ganon po asaan po kaya ang mga tao dito?”
Pagtatakang tanong ni Audrey.

“Eh, sino bang hanap mo?” Pagtatanong ng kapitbahay.

“Si Terrence po,” sagot ni Audrey.

“Ah! Terrence ba kamo!? Nasa ospital siya ngayon balita ko nga malala na ang
lagay. Kawawa nga ang batang iyon ang bait pa naman,” pagsisiwalat ng
kapitbahay.

Agad na umalis ai Audrey at pumunta sa ospital kung saan naroon si Terrence.


Nang makarating si Audrey kung nasaan ang kwarto ni Terrence, tila nag-iiyakan
ang mga tao doon. Nang buksan na ni Audrey ang pinto ay nagtaka siya ng
walang pasyente ang nakahiga roon, puro mga tao lang na nag-iiyakan ang
naroon.

Isang may edad na babae ang nagtanong sa kanya, “Ikaw ba si Audrey na


kaibigan ng aking anak?”
“Opo, ako nga po si Audrey.” Pagsang-ayon ni Audrey sa babae.

Agad siyang niyakap ng babae at nagwika, “Ako ang kanyang ina, kasalukuyan
siyang nawawala at sa ngayon ay di namin mahanap. Tulungan mo kami, alalang-
alala na kami sa kanya. Di na namin alam ang gagawin, may sakit pa naman siya.”
Humahagulgol na sagot ng babae.

“Ano po bang sakit ni Terrence?” Pagtatanong ni Audrey na ngayon ay


humahagulgol na din.

Umalis sa pagkakayakap ang babae, “Si Terrence ay may sakit sa puso. May butas
ang puso niya, di namin namalayang lumalaki na ng lumalaki ang butas sa puso
niya. Kailan lang namin nalaman at dapat bukas na siya ooperahan ngunit
nawawala siya.” Mas lalong lumakas ang paghagulgol ng babae.

Natulala na lang si Audrey sa mga narinig niya. Sa ngayon ay tulala pa rin siya at
di niya namalayang dinala siya ng mga paa niya sa tapat ng simbahan kung saan
sila nagkita ni Terrence. Pumasok siya sa loob ng simbahan at laking gulat nito ng
makita niyang nakaupo si Terrence malapit sa may altar.

Nilapitan niya ito at tinanong, “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!?


Mahahalata mo sa boses ni Audrey ang labis na pag-aalala.

“Bakit ka umalis sa ospital? Terrence may sakit ka at kailangan mo ng ma-


operahan” dagdag pa nito.

Ngunit laking pagtataka ni Audrey ng ngumiti lang sa kanya si Terrence at niyaya


pa siya nitong umupo sa tabi niya.

“Alam mo Audrey sa simbahang ito una akong nanirahan. Iniwan ako dito ng
tunay kong mga magulang, buti na lang dumating ang ina’t ama ko ngayon at
kinupkop nila ako pero ni minsan di ko naramdaman na di nila ako tunay na
anak,” wika ni Terrence habang nakatingin sa altar ng nakangiti.

“At isa pang dahilan kung bakit mas lalong naging mahalaga sa akin ang lugar na
ito. Ay yung dito ko nakilala ang babaeng mamahalin ko at ikaw yon Audrey.
Patawad kasi noong sinabi mo yung nararamdaman mo sakin nagbingibingihan
ako, natatakot lang ako noon na baka masaktan ka lang. Ang gusto ko lang ay
maging masaya ka pero nakikita kong nasasaktan kita,” dagdag ni Terrence.

Mas lalong tumulo ang luha ni Audrey. “Terrence ano ka ba!? Halika na bumalik
na tayo sa ospita baka kase makasama pa sayo kung di pa tayo babalik doon,”
akmang tatayo na si Audrey ng hawakan ni Terrence ang kamay niya.

“Ayaw ko ng bumalik doon, nakikiusap ako sayo Audrey,” pagmamakaawa ni


Terrence.

Wala nang nagawa si Audrey kaya tumango na lang siya. Hinigpitan ni Terrence
ang pagkakahawak niya sa kamay ni Audrey.

“Audrey ipangako mo na aalagaan mo ang sarili mo at tutuparin mo lahat ng


pangarap mo. At syempre, huwag mong kakalimutang dalawin ako kapag
natupad mo na lahat yan,” wika ni Terrence ng nakangiti.

“Ano bang…”

Di na natapos ang sasabihin ni Audrey ng biglang magsalita si Terrence.

“Dito ako nagsimula kaya gusto ko dito rin ako magtapos kasi lahat ng nandito
ay mahalaga para sa akin. Kaya sa tuwing maaalala mo ako, dito ka lang pumunta
o kaya kapag nalulungkot ka, nandito lang ako pangako. Huwag mong
kakalimutan yan ha!? Ipangako mo,” wika ni Terrence at unti-unti niyang
ipinatong ang ulo niya sa balikat ni Audrey.

Tumango naman si Audrey na umiiyak pa din. Naramdaman na lang ni Audrey na


unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak nito.

Lumipas ang maraming taon nakatapos ng pag-aaral si Audrey at ngayon ay


nagtatrabaho na sa malaking kumpanya. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng
simbahan kung saan una silang nagkakilala. Pumasok siya sa loob ng simbahan at
bigla na lang ngimiti ang mga labi niya at muli siyang naupo sa malapit sa altar
kung saan sila nakaupo ni Terrence dati.
Nagdasal muna si Audrey ng taimtim sa Panginoon.

“Terrence ito na, natupad ko na yung pangako ko sayo. Ilang taon na din na hindi
kita kasama sobrang na mi-miss na kita. Alam mo….” Nangingiyak nyang sabi ng
putulin siya ng isang tawag mula sa kanyang likuran.

“Audrey”.

Laking gulat niya ng makita ang lalaki at agad niya itong niyakap.

“Terrence nagbalik ka, ang tagal mong nawala” nagagalak na wika ni Audrey.

“Sabi naman sayo nandito lang ako.” Wika ni Terrence habang yakap-yakap ng
mahigpit si Audrey.

Bumitaw sa pagkakayakap si Terrence at sinabing,

“Salamat nga pala kase kung hindi dahil sayo wala sana ako dito, hindi sana ako
na idala sa ibang bansa, na operahan, gumaling at sana hindi ko na makikita ang
magada mong ngiti. Dahil pinaalam mo kung nasaan ako noong araw na yon.”

Ngumiti si Audrey kay Terrence. Nagulat siya ng biglang lumuhod si Terrence,

“Will you marry me?” Tanong ni Terrence.

“Oo,” sagot ni Audrey na naiiyak na naman at niyakap si Terrence.

Sa mismong simbahan na iyon ikinasal sina Terrence at Audrey.

Aral:

 May tamang panahon ang lahat ng bagay, at may tamang panahon din
para sa pag-ibig. Matiyagang maghintay para dito. Sa ngayon, mag-aral
kang mabuti at trabahuhin mo ang iyong pangarap upang kapag dumating
ang tamang tao na pag-aalayan mo ng iyong pag-ibig ay nakahanda na
ang lahat.
Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong


kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang
kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung
makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging
pamilya nila.

May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga


nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng
datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na
kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging
tagapagmana niya.

Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan
ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan.
Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho,
natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu
kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang
itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya
ang dalawang dalaga.

Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at


napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa.
Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin
niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan
upang magmukhang bata ang asawa.

“Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang


kasinggulang ko lamang siya.”

Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu,


binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling
nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.
Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida
ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting
buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda.

Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu,
palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa.

Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang


datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad
siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang
manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili.

“Kalbo! Kalbo, ako!” sigaw ng datu.

Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Aral:

 Kung talagang mahal mo ang isang tao, matutong tanggapin ang lahat sa
kanya.
 Huwag lang pisikal ang iyong gawing batayan sa pagmamahal. Higit na
mahalaga ang mabuting ugali kaysa panlabas na kagandahan.
MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA KALIKASAN

Ang Bulkang Taal

Nahulog sa dagat ang gintong singsing ni Prinsesa Taalita kaya’t nag-utos ang
amang si Datu Balindo sa mga kawal na hanapin ito. Isang linggong nilangoy ng
mga matipuno at matapat na alagad ng barangay ang lawa ng Bunbon ngunit
wala isa man sa kanilang makakita sa singsing.

Hindi pa rin nagtugot ang datu dahil ang singsing daw ay napakahalaga hindi
lamang dahil ginto ito kundi dahil makasaysayan ito sa buhay niya. “Iyang
singsing na iyan ay nagpasalin-salin sa kamay ng aking mga ninuno na pawang
mga raha at lakan. Iyan pati ang piping saksi nang pagbuklurin ang puso naming
mag-asawa.”

“Patawarin ninyo ako, mahal kong ama,” luhaang sabi ni Taalita. “Alam ko po ang
kahalagahan niyan. Minamahal ko ang singsing nang higit sa buhay tulad ng
pagmamahal ko sa nasira kong ina, subalit…”

“Huwag kang lumuha, anak,” sabi ng ama. “Hayaan mo’t makikita pa rin iyan.”

Sa mga naghahanap ng singsing, isang binata ang di naglulubay sa pagsisikap na


makita ito. Hiningi niya ang tulong ng langit at di nga nagtagal ay nakita ang
hinahanap. Nalunok pala ito ng isang malaking isda.

Ibinalik niya ito sa prinsesa at sa laki ng utang na loob ng mag-ama naging


malapit sa kanila ang binata. Hindi naglaon at naging magkasintahan si Taalita at
Mulawin. Pumayag naman ang ama sa pag-iisang-dibdib nila dahil alam niyang
mabait, matapat at mapag-kakatiwalaan ang lalaki.

Masaya ang buhay ng mag-asawa, at nang matanda na ang raha, si Mulawin na


ang namahala sa barangay. Madalas na ang ginagawa nilang pasyalan ay ang
lawa. Namamangka ang mag-asawa at natutuwang minamasdan ang mga isda at
ibang nabubuhay sa dagat.
Isang araw, sa pamamangka nila, natanawan ni Taalita ang isang di-karaniwang
bulaklak na nakalutang sa tubig. “Kay ganda ng bulaklak na iyon. Kukunin ko,” at
bago napigilan ng asawa ay nakatalon agad sa tubig. Hinintay ni Mulawin na
lumitaw ang asawa ngunit hindi ito pumapaibabaw. Dagling tumalon din ang
lalaki para saklolohan ang asawa, ngunit pati siya ay nawalang parang bula.

Laking pagluluksa ng buong barangay sa nangyari sa kanilang mahal na Raha


Mulawin at Prinsesa Taalita. Hindi naglaon, may lumitaw sa gitna ng lawa sa
kinalinuran ng magsing-irog na isang pulo.

Iyan ang Bulkan ng Taal, ngalang ibinigay ng amang datu para laging ipagunita
ang nawalang mga anak.

Ayon sa mga mangingisda, madalas daw nilang marinig kapag napapalapit sila sa
bulkan ang masayang awit ng mag-asawang Mulawin at Taalita, na kahit sa
kabilang-buhay ay masaya at nagmamahalan.

Aral:

 Maging matapat sa pinagagawa sa iyo. Huwag agad susuko, tandaan


“Kapag may tiyaga, may nilaga.”
 Maging maingat sa lahat ng oras. Huwag padalos-dalos sa mga desisyon
dahil maaari itong magdulot ng kapahamakan.

Ang Araw at ang Hangin

Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway
itong dalawang ito noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.

Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas


malakas ako kaysa iyo?”
Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun,
may lalaking dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng
suot niyang polo, siya ang
kikilalaning mas malakas.”

“Payag ako. Ngayon din, magkakasubukan tayo,” malakas na sagot ng hangin.

“Ako ang uuna,” dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging pangalawa sa
anumang labanan.

Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila nagustuhan


ng tao ang hihip ng hangin kaya naging masigla at bumilis ang lakad nito.

Nilakasan ng hangin ang pag-ihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones hanggang
sa may leeg ng kanyang polo. Inubos ng hangin ang buong lakas sa pag-ihip.
Lalo namang pinakaipit-ipit ng mga braso ng lalake ang damit dahil tila
giniginaw na siya.

Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa pag-ihip niya ay talagang hindi


niya makuhang mapaalis ang damit ng lalaki.

“Sige,” sigaw niya sa araw, “tingnan naman natin ang galing mo. Marahil, hindi
mo rin naman mapapahubad ang taong iyon.”

Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang
pawis ng lalaki.

Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya at ang lalake ay nagkalas ng


mga ilang butones sa baro.

Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at
tinanggal nang lahat ang mga butones ng polo at hinubad ito.

Panalo ang araw! Mula noon, di na nagyabang uli ang hangin.


Aral:

 Iwasan ang pagiging mayabang. Kadalasan ay wala itong mabuting


naidudulot kanino man.
 Mas mainam sa tao ang may kababaang loob at hindi nagmamalaki. Higit
siyang kapuri-puri kaysa taong maraming sinasabi ngunit kulang sa gawa
at wala namang silbi.
 Maging matalino sa bawat desisyong gagawin. Pag-isipan muna ng mabuti
at makailang beses bago gumawa ng desisyon upang hindi ka magsisi.

Ang Aral ng Damo

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang
lahat ng nilalang sa kagubatan ay nasisiyahan.

“Ginoong Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.

“Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Binibining Bulaklak, ikaw


ba’y maligaya sa iyong paligid?”

“Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia
sa banda roon. Siya’y umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng
hangin ay kahali-halina!”

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. “Ano
ang masasabi mo sa iyong halimuyak?”

“Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya’y
natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!”
Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, “Ginoong
Saging, kumusta? Ikaw ba’y nasisiyahan sa iyong sarili?”

“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag
malakas ang hangin lalo’t may bagyo, ako’y nababali! Nais ko sanang matulad sa
narra!”

Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, “Anong palagay mo sa iyong


matibay na puno?”

“Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay
matutulis. Ang mga ito’y nagsisilbing proteksiyon!” pakli ng narra.

Ang anghel ay nagpunta sa damo. “Kumusta ka? Ano ang nanaisin mo para sa
iyong sarili?”

“Masaya ako!” sagot ng damo. “Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang
bunga. Ayaw ko rin ng matibay na puno. Gusto ko’y ako’y ako… Hindi nananaghili
kaninuman pagkat maligaya!”

Aral:

 Makuntento sa kung anong meron ka. Lahat tayo ay nilikha ng Diyos na


may kanya-kanyang katangian. Huwag maging mainggitin sa iba.
 Maaring ang kahinaan mo ay maging kalakasan ng iba. Gamitin ito upang
makatulong sa kapwa.
 Ang sikreto sa masaya at payapang pamumuhay ay ang pagiging kuntento.
Huwag laging tingalain ang iba. Sa halip ay pagyamanin mo kung anong
meron ka at matutong maging masaya para sa iba.

Pagatpat
Isinulat ni Gloria V. Guzman
Isang gabing namamahinga na sila, nabanggit ni Dindo ang napuna nito sa
dulong hilaga ng pulo. “May mga latian pala po sa gawing hilaga ng pulo,” sabi
niya kay Mang Pisyong. “At marami po akong nakitang isang uri ng punongkahoy
na ngayon ko lang nakita. Malalaki po ito, at may mga sumusulpot na kung
anong matutulis na bagay sa tabi nila, parang maliliit na puno, pero medyo
namumuti-muti.”

“Pagatpat ang tawag sa mga punongkahoy na ‘yon,” sabi ni Mang Pisyong. “Nasa
putikan sila, at ang sinasabi mong matutulis na tumutubo sa paligid ay tinatawag
na air roots, bahagi rin ng mga punong iyon. Nakatutulong sa paghinga ng mga
puno dahil nasa putikan nga sila. At ang mga uring ugat na ‘yon ay nagagamit sa
mga lambat upang lumutang ito sa tubig. Nagagawa ring cork o tapon sa mga
bote.”

“Parang may mga bunga rin po,” sabi pa ni Dindo.

“Mayroon nga,” ayon ni Mang Pisyong. “At nakakain din ang mga bungang iyon,
medyo lasang keso, puedeng pagkapitas sa puno ay kanin, o kaya ay iluluto. At
nagagamit ding gamot, na pampaampat sa hemorrhage o labis na pagdugo.”

“Hindi ko po yata alam ang punong sinasabi n’yo,” sabi ni Kiko.

“Kasi, ang mga kilala mong mga puno ay yaong tumutubo sa bundok,” sabi ni
Mang Pisyong. “E, ito ngang pagatpat, sa mga latian at putikan matatagpuan.”

“Ano po naman ang silbi ng pagatpat?” tanong ni Inday. “Nagagamit din po ba


ang kahoy noon?”

“Puwede ring magawang haligi, pinto, sahig, dingding at kahit sa mga pantalan at
tulay, nagagamit din,” paliwanag ni Mang Pisyong. “Kaya lamang, mahirap
lagariin, at saka ang kahoy ay may taglay na asin, dahil nga tumutubo nang
malapit sa dagat o kaya ay mga ilog na malapit sa dagat. Ang mga pakong
kailangan sa kahoy na ito ay dapat na yari sa tanso at dahil masyadong matigas
ang kahoy, kailangan pa rin ang mga turnilyo.”

“Pambihira namang uri ng kahoy iyon,” buong paghangang sabi ni Kiko.


“Ang mapupuna ninyo sa ating mga punongkahoy, iba-iba ang silbi sa
kapaligiran,” pagpapaliwanag pa ni Mang Pisyong. “tulad nitong pagatpat,
nabubuhay nga sa tabi ng mga latian at mapuputik na tabing-dagat. At sa
gayong paraan, naililigtas nila ang lupa sa pagkaagnas. Nakatutulong din sa
paligid ang kanilang mga ugat na sadyang ginagamit nila upang makahinga sa
maputik na kinaroroonan.”

“Kung susuriin po,” sabi ni Inday, “talagang mapupuna natin ang Kamay ng Diyos
sa iba-ibang tanim, puno, ibon, hayop at maging mga tao. Iba-iba ang silbi
natin… At kung iisipin lamang ng mga tao ang kabutihan ng Diyos sa pagbibigay
ng buhay sa atin at sa ibang mga bagay sa ating kapaligiran, makikiayon tayo sa
kalikasan.”

“At laging may kaparusahan ang tao sa mga maling gawa,” malungkot na dagdag
ni Kiko. Nagbuntong-hininga, “Noong araw, hindi ko naiintindihang masama pala
ang pagkakaingin. Kainginero ang aking ama, at sa simula ng kanyang
pagtatanim ng palay sa bundok, maganda ang ani, pero habang lumalaon,
humina na nang humina. At napilitang maging mangingisda ang aking Kuya, at
ako po naman, Mang Pisyong, nakita n’yo, lumikas na rin ako mula sa lupang
binungkal ng aking ama pagkaraang silaban niya ang mga puno upang
magkaroon ng kaingin.”

“Ang sinisikap nga natin ngayon, mapaunawa sa mga nagsisipagkaingin pa rin na


hindi mabuti iyon,” sabi ni Mang Pisyong. “At ang kabutihang nagagawa ng mga
NGO para sa kanila, sila mismo, ang mga kainginero, ang kinakatulong sa
pagtatanim sa mga gulod na panot.”

“Ang kaso po,” mapait pa rin ang tinig ni Kiko, “maraming mga makapangyarihan
sa ating mga kababayan, mayayaman, mga nasa kongreso at matataas ang
puwesto sa pamahalaan ang siya pang nakasisira sa ating mga kagubatan. Sila
ang mga illegal loggers. Mas higit po ang pinsalang nagagawa nila kaysa mga
kainginerong tulad ng tatay ko.”

“Totoo rin ang sinasabi mo. Kiko,” malungkot ding ayon ni Mang Pisyong, “at
hanggang hindi nasasawata ang pamiminsala ng mga illegal loggers, hindi
mawawala ang panganib sa ating kapaligiran.”
“Kung sana po naman, mabilanggo ang mga mayayamang taong nagkasalapi
dahil sa pamiminsala sa ating mga bundok,” sabi ni Inday.

“Kaya nga, tayong lahat, dapat laging magsuri sa pagkatao ng mga ibinoboto
natin, sa mga taong hahawak ng pamahalaan, iyon ang una sa lahat,” sabi ni
Mang Pisyong. “Kapag tapat sa tungkulin ang mga pinuno ng barangay, alkalde,
gobernador, kongresman, senador at pangulo ng ating bansa, matatakot
gumawa ng masama ang naninira ngayon sa ating kapaligiran”

Aral:

 Ang bawat nilalang ng Diyos ay may kanya-kanyang katangian at ambag sa


pamayanan.
 Walang mabuting naidudulot ang pagpuputol ng mga puno at
pagkakaingin. Iwasan ito upang hindi magkaroon ng masamang epekto sa
kapaligiran at mga tao.
 Gamitin ang talino upang iluklok ang tamang tao/pulitiko sa gobyerno.
Kung bulok ang mga pinuno ay tiyak na walang magandang pakinabang
ang mapapala ng mga tao, bagkus ay mas uunahin ng mga ito ang
kanilang sarili kaysa sa kapakanan ng taumbayan.

Araw, Buwan, at Kuliglig

Noong unang mga panahon, laganap pa sa kapaligiran ang mga punong siyang
maaaring panirahan ng mga kuliglig. Kakaunti pa ang tao sa mundo, masagana
ang kabukiran.

Isang araw, ang Buwan at ang Araw ay naglalakbay sa alapaap. Masaya ang mag-
asawang ito. Gwapo ang Araw at maganda ang Buwan. May anak silang lalaki.
Mahal na mahal nila ang anak nilang ito. Masaya silang namumuhay na mag-
anak.
Ang kasayahan nilang mag-anak ay ginulo ng isang alitan. Nagsimula lamang
iyon sa isang munting pagtatalo, hanggang sa magpalitan na sila ng mabibigat
na mga salita. Nagalit si Buwan. Inihampas ang walis sa pisngi ni Araw. Umalis si
Araw dahil sa malaking galit sa asawa.

Isang araw, habang pinaliliguan ni Buwan ang kanilang anak biglang dumating si
Araw. Isinaboy niya sa mukha ni Buwan ang dalang mainit na tubig. Napasigaw si
Buwan. Nasira ang magandang mukha nito. Dahil sa kabiglaan ni Buwan sa
nangyari sa kanya, nabitiwan niya ang kanyang anak at nahulog ito sa lupa.

Sinasabing ang anak na ito ang naging kuliglig. Umiiyak ito tuwing lumulubog na
ang araw sa kanluran. Nais niyang makita ang kanyang mga magulang na
matagal nang nawalay sa kanya. Dahil naman sa pagkakagalit ng mag-asawa
hindi na sila nagsamang muli. Kung araw lamang makikita si Araw, kung gabi
naman makikita si Buwan.

Aral:

 Huwag nang palakihin ang maliit na pagtatalo. Ang pagpapakumbaba ay


higit na mahalaga upang ang pagsasama ay lalong maging matibay at
maligaya.
 Palaging iisipin kung ano ang magiging bunga ng mga desisyong inyong
gagawin. Kaawa-awa ang maaring mangyari sa mga taong maaring
maapektuhan ng mga maling desisyong iyong nagawa.

Ang Kalabasa at ang Duhat

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto niyang


makita kung papano magsilaki ang mga ito.

Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki pataas
na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na itong mamunga.
“Sabik na sabik na akong mamunga,” wika ni Duhat.

Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito nang
gumapang, hanggang sa ito’y nakatakda nang mamunga.

Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang ipagkakaloob
niya sa dalawang ito.

Matamang nag-isip si Bathala.

“Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin ang kanyang
bunga. At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at walang kakayahang
tumayo, nararapat lamang na ang mga bunga nito’y maliliit lamang.” Wika ni
Bathala.

Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng banga. Agad


niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga sanga nito dahil sa
bigat ng bunga. Si Kalabasa nama’y hindi bagay dahil maliit ang bunga. Di
pansinin ang mga bunga nito lalo’t natatakpan sa malalapad na dahon.

Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya nasiyahan.

Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At napatunayan


niyang tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa, mahinog man ito’y
hindi malalaglag dahil ang puno ay gumagapang lamang. Samantalang ang
duhat, malaglag man ay magaan, hindi masisira at ginawa naman niyang kulay
berde ang kalabasa sa dahilang ito’y malayo sa araw. At kulay itim naman ang
duhat. Pagkat ito’y malapit sa araw.

At sa kanyang ginawa’y nalubos ang kasiyahan ni Bathala.

Aral:

 May kanya-kanyang natatanging katangian ang lahat. Maging masaya sa


kung ano ang ipinagkaloob sa iyo ng Diyos dahil siguradong may dahilan
kung bakit ganyan ang katangiang mayroon ka.
Ang Dalawang Magtotroso at ang Engkantada

Isang hapon may isang magtotroso na nagtungo sa kagubatan upang pumutol


ng isang puno upang gawing panggatong. Pinili niya ang isang mataas at tuwid
na puno sa tabi ng isang lawa. Sinimulan niyang putulin ito ng kanyang palakol.
Ang ingay na nilikha ng palakol ay umalingawngaw sa buong kagubatan.

Mabilis ang pagkilos ng lalaki sa dahilang ayaw niyang abutan siya ng dilim.
Nang di sinasadya, ang talim ng palakol na kanyang tangan ay tumilapon sa lawa.

Agad niyang sinisid ang lawa ngunit sa kasawiang palad nabigo siyang makita
ang kanyang hinahanap. Naupo siya sa paanan ng puno at nag-isip kung ano
ang susunod niyang gagawin. Nang biglang lumitaw sa kanyang harapan ang
isang engkantada, “Ano ang problema mo?”

“Ang talim ng aking palakol ay nahulog sa tubig, tugon niya. Hindi ko alam kung
ito’y makikita ko pang muli.”

“Tingnan natin kung ano ang aking maitutulong sa iyo,” wika ng engkantada
sabay talon sa lawa.

Paglitaw ng diwata ay may hawak siyang talim ng palakol na lantay na ginto. “Ito
ba ang hinahanap mo?” tanong ng engkantada.

Pinagmasdang mabuti ng magtotroso ang palakol. “Hindi, hindi sa akin iyan,” ang
tanggi ng magtotroso.

Inilapag ng diwata ang gintong talim sa may pampang at sumisid na muli ito sa
lawa.

Di nagtagal ay muli siyang lumitaw na hawak ang pilak na talim ng palakol. “Ito
ba ang talim ng iyong palakol?”

“Hindi, hindi sa akin iyan.”


Inilapag ng engkantada ang pilak na talim sa tabi ng gintong talim at pagdaka’y
muli itong sumisid sa lawa.

Nang muling lumitaw ang diwata tangan niya ang isang bakal na talim, “Ito ba
ang iyong hinahanap?” tanong niya.

“Oo, iyan nga ang aking nawawalang talim,” masayang sagot ng lalaki.
“Maraming salamat sa iyong pagtulong sa akin.”

Ibinigay ng engkantada ang kanyang talim pati na ang ginto at pilak na mga
talim at ito’y nagsabing:

“Ako’y humahanga sa iyong katapatan. Kaya’t bilang gantimpala, ipinagkakaloob


ko sa iyo itong ginto at pilak na mga talim.”

Nagpasalamat ang lalaki at lumakad na siyang pauwi sa taglay ang kagalakan.

May kapitbahay ang lalaki na isa ring magtotroso na nakakita sa mga talim na
ginto at pilak, at ito’y nag-usisa. “Saan mo nakuha ang mga talim na ‘yan?”

“Mangyari’y pumuputol ako ng isang punongkahoy sa tabi ng isang lawa sa


gubat nang matanggal at nahulog sa tubig ang talim ng aking palakol. May
tumulong sa aking isang engkantada at ako’y binigyan pa niya ng dalawa.” May
pagmamalaking salaysay nito.

“Sabihin mo sa akin kung paano ako makakarating doon. Nais ko ring subukin
ang aking kapalaran,” wika ng magtotrosong kapitbahay.

Hindi naman nahirapan sa paghahanap ang lalaki sa naturang lawa at sinimulan


niya ang pagputol ng isang puno. Dinig na dinig sa buong kagubatan ang ingay
na nilkha niya. Hindi nagtagal at ang talim ng palakol na sadya niyang niluwagan
ay natanggal at nahulog sa tubig. Sumisid siya at nagkunwaring naghahanap.
Naupo siya sa pampang at kunwa’y nalulungkot sa kanyang sinapit.

Maya-maya’y lumitaw ang isang diwata at nagtanong. “Ginoo, tila yata


malungkot ka?”
“Mangyari’y nawala ang pinakamahalaga kong pag-aari,” hinagpis ng
magtotroso.

“Ano ang nawala at paano nawala ito?” tanong ng diwata.

“Pinuputol ko ang punong ito, malungkot na wika ng lalaki, Nang biglang


natanggal ang talim ng aking palakol at nahulog sa tubig. Naglagay ako ng
panibagong talim at nagtatrabahong muli ngunit nahulog din ito sa lawa. Sinisid
ko, ngunit hindi ko natagpuan,” nagpatuloy sa pag-iyak ang lalaki.

“Huwag ka nang umiyak,” wika ng dalaga, “at titingnan ko kung ano ang aking
maitutulong.”

Nang lumitaw ang diwata ay tangan niya ang isang gintong talim. “Ito ba ang
iyong nawawalang talim?” tanong ng diwata.

Kinuha ng lalaki ang gintong talim at nagsabing, “Oo, ito nga ang aking gintong
talim. Maraming salamat sa iyo. Mayroon pa akong isang talim na nawawala.”

“Susubukin kong hanapin din iyon,” wika ng diwata at pagdaka’y sumisid muli sa
lawa.

Ngayon, naisip ng lalaki, magiging kasing yaman na ako ng aking kapitbahay.

Ilang sandali pa’y lumitaw ang diwata na may hawak na pilak na talim. Iniabot
niya ito sa lalaki at nagtanong, “Ito ba ang isa mo pang talim na nawawala?”

Iniabot ng lalaki ang talim na pilak at nagwika, “Oo, oo! Iyan nga ang isa pa.
Hanga ako sa iyo, napakagaling mong sumisid. Maraming salamat sa ginawa
mong pagtulong sa akin.”

Ngunit hindi pinagkaloob sa kanya ng diwata ang talim at nagwika ito, “Hindi
mapapasaiyo ang mga ito. Ang mga matatapat lamang ang aking
pinagkakalooban ng tulong. Ang mabuti pa’y umalis ka na sa kagubatang ito
kung hindi ay magsisisi ka!” Pagwika nito ay naglaho na ang diwata.
Nahihiyang lumakad nang pauwi ang lalaki. Ngayon nawala pa ang aking bakal
na talim, wika niya sa sarili. “Sana naging matalino ako.”

Aral:

 Maging matapat sa lahat ng pagkakataon. Kung hindi sa iyo ang isang


bagay ay huwag itong angkinin.
 Huwag maging sinungaling. Ikapapahamak mo lang ang pagsisinungaling.
 Huwag maging ma-iinggitin. Maging masaya sa nakakamit na tagumpay
ng iba at huwag mo silang kainggitan.
 Kung nais mong yumaman, magsumikap ka. Magsipag. Trabahuhin mo ang
iyong pangarap at huwag kang umasa sa iba.
 Maging matalino sa paggawa ng desisyon. Isipin ng maraming beses ang
maaring maging bunga ng desisyong gagawin at kung ito’y hindi
magdudulot ng mabuti sa iyo at sa iba ay huwag na lamang gawin.

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian.


Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid
at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat
na Kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

“Tingnan ninyo ako,” wika ni Santol. “Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga
bata.”

“Daig kita,” wika ni Mangga. “Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa
bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga.”

“Higit akong maganda,” wika ni Kabalyero. “Bulaklak ko’y marami at pulang-pula.


Kahit malayo, ako ay kitang-kita na.”
“Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,”
wika ni Niyog.

“Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga.


Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-
awa.”

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya


nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas
ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng
mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang
sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

Aral:

 Ang kayabangan ay nagpapababa sa dangal ng tao. Kaya huwag maging


mayabang.
 Maging tulad ng kawayan na mapagpakumbaba. Bagaman hindi siya
kasing gaganda at kasing-tikas ng ibang mga puno, siya naman ay higit na
matatag sa oras ng pagsubok.

Bakit Itim ang Kulay ng Uwak?

Noong unang panahon, pinarusahan ng Bathala ang mundo. Ginunaw Niya ito sa
pamamagitan ng napakalaking baha. Walang nalabing buhay maliban kay Noah
at sa mga kasama niya sa malaking arko. Ang arkong ito ang ipinagawa ng
Bathala bago pa man maganap ang pagbaha.

Kasama ni Noah sa kanyang arko ang dalawang ibon, ang uwak at ang kalapati.
Ang mga ibong ito ay parehong kulay puti. Kapwa rin sila may magandang tinig.
Nang humupa ang baha, inutusan ni Noah ang uwak.

“Lumabas ka ng arko at alamin kung maaari na tayong bumaba sa lupa.”

Agad na tumalima ang uwak sa utos ni Noah. Labis siyang nagimbal sa nakita
niya. Nagkalat ang mga bangkay ng tao at mga hayop. Bumaba siya sa isang
patay na kabayo. Dahil marahil sa pagod ay nagutom ang uwak. Kumagat siya sa
katawan ng patay na kabayo at sa iba pang patay na hayop.

Nainip si Noah sa tagal ng uwak. Inutusan niya ang kalapati.

“Humayo ka sa labas ng arko upang tupdin ang dalawang utos ko sa iyo. Una,
tingnan mo kung ano na ang nangyari sa uwak at ikalawa, alamin mo rin kung
maaari na tayong bumaba sa lupa.”

At umalis na ang kalapati. Tulad ng uwak, nalungkot siya sa mga nakahambalang


nabangkay sa lupa. Napag-alaman din niyang ligtas nang bumaba sa lupa.
Pabalik na sana siya sa arko nang may mapansin siyang gumagalaw sa ibaba.
Lumapit siya ng kaunti. Kitang-kita niya ang uwak na patuloy parin sa pagkagat
sa mga bangkay ng hayop.

Dali-daling nagbalik ang kalapati sa arko. Ibinalita niya kay Noah ang nasaksihan.
Natuwa si Noah sa katapatan ng kalapati subalit nagalit siya sa inasal ng uwak.

Ang sabi ni Noah:

“Dahil sa iyong katapatan, kalapati, ikaw ay magiging simholo ng kalinisan,


katapatan at kapayapaan at ang uwak naman ay magiging kulay itim. Papangit
ang kanyang tinig at kaiinisan siya ng mga tao at ibang hayop. Ang kanyang tinig
ay mapapaos.”

Magmula nga noon ang uwak ay naginging itim. Pumangit siya, ang kanyang
tinig ay naging paos. At ang tanging salitang lumalabas sa kanyang bibig ay
“Uwak, uwak, uwak.”
Aral:

 Gawin sa lalong madaling panahon ang pinag-uutos sa iyo. Mag-pokus at


tapusin kaagad ang iyong nakatakdang gawain.
 Kapuri-puri ang taong masunurin at gumagawa ng tama.

You might also like