You are on page 1of 2

PANGARAP

Nalulungkot si ken nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya dahil kanina a malungkot ang
kanyang sagot ay, “kasi po ang mga kamag -aral ko ay may papasko para sa aming guro. Ako lang po ang
wala.” Alam ng butihing ina na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil mahal nito ang kanyang guro.
Sa palagay naman niya, mauunawaan ng guro na sila’y dukha, at sa totoo lang, alam naman niyang hindi
naghihintay ang guro ng regalo kahitkanino. “Halika anak, at may ikukuwento ako saiyo. Kuwento ito ng
manunulat na si Pablo Cuasay. Kapag narinig mo ay malalaman mo rin ang dapat mong gawin.” At
nagkuwento ang ina.Dalawa na lamang araw at ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko.
Sapaaralan ay may punong-kahoy na pamasko na puno ng palamuti at mga ilaw. Ito’y puno ng mga
alaalang laan ng mga bata sa kanilang mga guro at kamag -aaral.Ang lahat ay maligaya. Ang buong
daigdig ay nadaramtan ng kaligayahan. Malapit nang isilang ang Mananakop ang lahat ay may ngiti sa
labi may awit sapapawirin.Ngunit may kaawa- awang nilalang na nalulungkot. Siya’y si anguelo. Bakit?
Ang lahat niyang kamag- aral ay may alaala sa pinakamamahal na guro subalit siya’y wala. Paanong di
gayo’y si angelo ay ulila sa ama at ang ina ay maralita. Ang ina’y walang kaya upang isunod sa
kagustuhan ng kanyang bunsong anak.

“Inang,” ang hikayat ni angelo, “Ako lamang ang walang alaala kay Bb. Mirasol. Ang lahat sina mark,
Florante, Ramon at Orlando ang bawat isa sa kanila aymay pamasko sa aking guro. Ako ay bukod tanging
wala.” “Angelo,” ang butihing ina ay sumagot, “makinig ka. Alam ng iyong guro natayo’y dukkha siya’y di
naghihintay ng alaalang galing sa iyo. Huwag mongikalungkot iyan talos kong si Bb. Mirasol ay
nakauunawa sa ating kalagayan.” Si angelo r ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit hindi
makatulog. Siya’y nag-iisip. Kung mayroon lamang siyang pagkakakitaan, kahit kaunting salapiupang ibili
ng kanyang papasko! Katapusang araw na kinabukasan.Si angelo ay nag-isip nang nag-isip. May gumuhit
sa kanyang gunita mayroon siyang naisip na maiaalay na alaala kay Bb. Mirasol. Ito kaya ay kasiya-siya?
Magustuhan kaya ng kanyang guro? Siya’y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa
malamlam na ilawan ay isinulat sa malinis na papel ang kanyang papasko. Pinagbuti niya ang
kanyangpagsulat, ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at ipinaloob sa sobre. Sinarhan niya ito,
ipinaloob sa isang aklat at nahigang muli. Mayroon na siyangalaala. Anong tuwa niya! At nakatulog siya
ng mahimbing. Kinaumagahan siya’y pinukaw ng ina, “Nestor, bangon na. Tatanghaliin ka sapagpasok.”
Si Nestor ay nagmamadaling nagbihis, kumain at tumungo sa paaralan. Hindiniya nalimutang dalhin ang
kanyang papasko sa kanyang guro.Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa! Mayroon na
siyangpapasko! Ito kaya ay mabuting alaala? Iyan lamang ang kanyang nakaya at galingsa kanyang puso.
Nang dumating siya sa silid-aralan ay kaydami nga ng batangnanonood sa Christmas tree. Buong-ingat
na ibinitin ni angelo ang kanyangpapasko sa guro.Nakinig siya sa lahat ng bilang ng palatuntunan ngunit
ang laging umuukilkil sa kanya ay ang tanong na, “Maibigan kaya ni Bb. Mirasol ang aking alaala?”

Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay pamumudmod ni Santa Claus ng mgapapask o. Sumasal ang
puso ni angelo nang katapusa’y ibinigay ni Santa ang sobre niya kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb. Mirasol
ang kayang sulat. Tinitiganang mga titik bago binuksan ang liham. Samantalang binabasa ang liham,
siNestor ay nagmamasid.Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral
nanagpaalam kay Bb. Mirasol. Angkahuli- huliha’y si Nestor na tinawag ng guro.“Angelo, pumarito ka.
Ako’y may sasabihin sa iyo.” “Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Ako’y
galakna galak pagkat iya’y tagapagpakilala na ako’y minamahal ng aking mga tinuturuan. Sa pumpon ng
mga alaala ay bukod at tangi ang iyo na pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala ay di pangkaraniwan.
Iya’y nagbigaysa akin ng labis na kagalakan.” Namangha si Angelo, di yata’t ang kanyang alaala ang
pinakamahalaga sa lahat!Ito ang sabi ng kanyang guro. “Salamat po, at maligayang pasko.” ang sabi ni
angelo bago siya umalis. Siya ay tuwang-tuwa.Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang
binasa muli ang liham. “Minamahal kong Guro: Inyo pong pakaasahang ako’y magpapakabuti. Susundin
ko po ang inyong mgautos. Ako’y mag -aaral ng leksyon tuwina. Pagpipilitan ko pong ako ay
magingpangunahing mag-aaral sa inyong klase. Ito pong pangakong ito ang papasko kosa inyo.
Nagmamahal, Angelo” “Ang ganda Nanay ng kuwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung anoang
dapat kong iregalo kay Bb. Padilla.” Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa
ng anak.Habang tinatanaw niya ang bata na naglalakad patungo sa paaralan, nag papasalamat siya sa
maykapal sa pagkakaroon ng isang mabait at maunawaing anak.

You might also like