You are on page 1of 2

Naging klasiko ang kuwentong ito na isinulat ni Genoveva Edroza-Matute na

inaaral din ng mga estudyante sa paaralan. Bagaman sa unang mga kaganapan


sa kuwento ay hindi ito mababatid na kuwento ito ng pag-ibig.

Nagsasalaysay kasi ang isang mag-aaral tungkol sa kaniyang guro, kaniyang


naging paboritong guro. Mabuti ang naging taguri sa guro dahil mahilig siyang
magbanggit ng salitang ito.

Magiliw at masiyahin ang guro sa klase kaya naman hindi rin nakapagtatakang
idolo siya ng marami sa kaniyang mga estudyante.

“Mabuti… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa
bahaging ito… Mabuti… Mabuti!” –Mabuti
Ito ang lagi raw sambit ng guro kapag mag-uumpisa ang klase. Simple lang
naman daw talaga ang guro. Ngunit talaga namang tumatak sa kanilang mga
mag-aaral ang madalas niyang pagbanggit sa salitang mabuti. Kapag daw
nakalilimutan niya ang salitang gustong sabihin, ang mabuti na ang ipinapalit
niya sa kaniyang nais banggitin.

“Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang
iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga
salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling
pag-aalanganin.” –Estudyante ni Mabuti
Pero sa kabila ng mahusay na pagtuturo at pakikisama, at magiliw na
personalidad ng guro, isang araw ay hindi inaasahang nakita ng mag-aaral ang
guro sa isang silid.

Umiiyak din ang problemadong mag-aaral sa silid nang hindi niya inaasahang
makita ang kaniyang guro na naroon din sa silid, at katulad niyang may
dinaramdam din.

“Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga


nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid
ay tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang
aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.” – Estudyante ni Mabuti
Hindi isinalaysay ng guro ang kaniyang pinagdaraanan sa kaniyang mag-aaral.
Bagaman batid nitong may problema ang guro dahil sa nasaksihang pagluha
nito, lalo niyang hinangaan ang nag-iisang si Mabuti. Naging mapagmasid siya sa
gawain at kilos ng guro.

Pero katulad ng mga nakaraang araw, masigla pa rin at masiyahin ito. Walang
pagbabago. Tila walang suliraning dinadala. Kaya naman nahirapan siyang
mabatid kung ano ang dahilan ng pagluha ng guro.

Madalas mabanggit ni Mabuti ang tungkol sa kaniyang anak sa klase. Marami


siyang magandang kuwento. Ngunit minsan lang niyang nabanggit ang tungkol
sa ama nitong doktor. Nang mabanggit pa niya ito ay halos mangiyak-ngiyak si
Mabuti.

Ngunit may nabalitaan ang mag-aaral ni Mabuti tungkol sa guro. Batid niyang
pumanaw na ang ama ng bata, ang ama ng anak ni Mabuti. Pumanaw ang doktor
ngunit hindi ito binurol sa kanilang bahay, ngunit sa isang bahay kung nasaan
naroon si Mabuti.

“Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot din balang
araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay
na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang
lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon ay naunawaan
ko ang lahat.” Estudyante ni Mabuti
Ito ay kuwento ni Mabuti na nagpapakita ng pag-ibig. Hindi lamang sa pag-ibig
sa kaniyang kabiyak kung hindi pagmamahal sa sarili.

Batid ni Mabuti na mabuti ang buhay kahit pangalawang asawa lamang siya,
kahit hindi niya totoong pag-aari ang lalaking minamahal. Sa taong tunay na
nagmamahal, lahat ng pag-ibig na makukuha ay totoo, lahat ay mabuti.

Gintong Aral
Sa isang taong nakadarama ng totoong pag-ibig, walang masama, lahat ay
mabuti. Kahit minsan ay suliranin ang dala, kapag totoong pag-ibig ang
nakukuha, kahit mali sa mata ng iba ay makapagbibigay ng ligaya.

You might also like