You are on page 1of 7

1

PANGGITNANG PAGSUSULIT
FILIPINO 2

PANGALAN: Regina L. Pegoro PETSA: 6/28/22 ISKOR:__________

Panuto: Basahin ang maikling kwento sa ibaba at sagutan ang mga katanungan.

Regalo sa Guro

Nalulungkot si Ben. Nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya ang kanyang
sagot ay, “kasi po ang mga kamag-aral ko ay may papasko para sa aming guro. Ako lang
po ang wala.”

Alam ng butihing ina na ang bagay na ito ay mahalaga sa anak dahil mahal nito ang
kanyang guro. Sa palagay naman niya, mauunawaan ng guro na sila’y dukha, at sa
totoo lang, alam naman niyang hindi naghihintay ang guro ng regalo kahit kanino.

“Halika anak, at may ikukuwento ako sa iyo. Kuwento ito ng manunulat na si Pablo
Cuasay. Kapag narinig mo ay malalaman mo rin ang dapat mong gawin.” At nagkuwento
ang ina.

Dalawa na lamang araw at ipipinid na ang pinto ng paaralan dahil sa pasko. Sa paaralan
ay may punong-kahoy na pamasko na puno ng palamuti at mga ilaw. Ito’y puno ng mga
alaalang laan ng mga bata sa kanilang mga guro at kamag-aaral.

Ang lahat ay maligaya. Ang buong daigdig ay nadaramtan ng kaligayahan. Malapit nang
isilang ang Mananakop. Ang lahat ay may ngiti sa labi – may awit sa papawirin.

Ngunit may kaawa-awang nilalang na nalulungkot. Siya’y si Nestor. Bakit? Ang lahat
niyang kamag-aral ay may alaala sa pinakamamahal na guro subalit siya’y wala.
Paanong di gayo’y si Nestor ay ulila sa ama at ang ina ay maralita. Ang ina’y walang kaya
upang isunod sa kagustuhan ng kanyang bunsong anak.

“Inang,” ang hikayat ni Nestor, “Ako lamang ang walang alaala kay Bb. Mirasol. Ang
lahat – sina Ador, Florante, Ramon at Orlando – ang bawat isa sa kanila ay may
pamasko sa aking guro. Ako ay bukod-tanging wala.”

“Nestor,” ang butihing ina ay sumagot, “makinig ka. Alam ng iyong guro na tayo’y dukha.
Siya’y di naghihintay ng alaalang galing sa iyo. Huwag mong ikalungkot iyan. Talos kong
si Bb. Mirasol ay nakauunawa sa ating kalagayan.”
2

Si Nestor ay walang kibo. Maaga siyang nahiga ngunit hindi makatulog. Siya’y nag-iisip.
Kung mayroon lamang siyang pagkakakitaan, kahit kaunting salapi upang ibili ng
kanyang papasko! Katapusang araw na kinabukasan.

Si Nestor ay nag-isip nang nag-isip. May gumuhit sa kanyang gunita. Mayroon siyang
naisip na maiaalay na alaala kay Bb. Mirasol. Ito kaya ay kasiya-siya? Magustuhan kaya
ng kanyang guro?

Siya’y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa malamlam na ilawan ay


isinulat sa malinis na papel ang kanyang papasko. Pinagbuti niya ang kanyang pagsulat,
ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at ipinaloob sa sobre. Sinarhan niya ito,
ipinaloob sa isang aklat at nahigang muli. Mayroon na siyang alaala. Anong tuwa niya!
At nakatulog siya ng mahimbing.

Kinaumagahan siya’y pinukaw ng ina, “Nestor, bangon na. Tatanghaliin ka sa


pagpasok.”

Si Nestor ay nagmamadaling nagbihis, kumain at tumungo sa paaralan. Hindi niya


nalimutang dalhin ang kanyang papasko sa kanyang guro.

Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa! Mayroon na siyang papasko! Ito
kaya ay mabuting alaala? Iyan lamang ang kanyang nakaya at galing sa kanyang puso.
Nang dumating siya sa silid-aralan ay kaydami nga ng batang nanonood sa Christmas
tree. Buong-ingat na ibinitin ni Nestor ang kanyang papasko sa guro.

Nakinig siya sa lahat ng bilang ng palatuntunan ngunit ang laging umuukilkil sa kanya
ay ang tanong na, “Maibigan kaya ni Bb. Mirasol ang aking alaala?”

Ang katapusang bilang ng palatuntunan ay pamumudmod ni Santa Claus ng mga


papasko. Sumasal ang puso ni Nestor nang katapusa’y ibinigay ni Santa ang sobre niya
kay Bb. Mirasol. Tila kilala ni Bb. Mirasol ang kayang sulat. Tinitigan ang mga titik bago
binuksan ang liham. Samantalang binabasa ang liham, si Nestor ay nagmamasid.

Matapos ang palatuntunan umalis na si Santa, pati lahat ng mag-aaral na nagpaalam


kay Bb. Mirasol. Ang kahuli-huliha’y si Nestor na tinawag ng guro. “Nestor, pumarito ka.
Ako’y may sasabihin sa iyo.”

“Nakita mo ba kung gaano karami ang mga alaalang tinanggap ko? Ako’y galak na galak
pagkat iya’y tagapagpakilala na ako’y minamahal ng aking mga tinuturuan. Sa pumpon
ng mga alaala ay bukod at tangi ang iyo na pinakamahalaga sa lahat. Ang iyong alaala
ay di pangkaraniwan. Iya’y nagbigay sa akin ng labis na kagalakan.”
3

Namangha si Nestor, di yata’t ang kanyang alaala ang pinakamahalaga sa lahat! Ito ang
sabi ng kanyang guro. “Salamat po, at maligayang pasko.” ang sabi ni Nestor bago siya
umalis. Siya ay tuwang-tuwa.

Dahil sa labis na kaligayahan ni Bb. Mirasol, kanyang binasa muli ang liham.

“Minamahal kong Guro:

Inyo pong pakaasahang ako’y magpapakabuti. Susundin ko po ang inyong mga utos.
Ako’y mag-aaral ng leksyon tuwina. Pagpipilitan ko pong ako ay maging pangunahing
mag-aaral sa inyong klase. Ito pong pangakong ito ang papasko ko sa inyo.

Nagmamahal, Nestor”

“Ang ganda Nanay ng kuwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung ano ang dapat
kong iregalo kay Bb. Padilla.”

Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa ng anak. Habang


tinatanaw niya ang bata na naglalakad patungo sa paaralan, nagpapasalamat siya sa
Maykapal sa pagkakaroon ng isang mabait at maunawaing anak.

Gawain 1
Gawan ng reaksyong-papel sa pamamagitan ng pagsunod sa mga gabay na detalye.
1. Ilahad ang buod o lagom ng maikling kwento.
Ang buod sa maikling kwento ng Regalo sa Guro ay tumutukoy sa Hindi basehan ang
estado sa buhay o pamumuhay para makapag bigay ng isang katanging tanging regalo
na makakapag paalala dito ng hustong pasasalamat at pag mamahal
2. Ibigay ang mga elemento ng maikling kwento
a. Tagpuan
Siya’y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa malamlam na ilawan ay
isinulat sa malinis na papel ang kanyang papasko

Sa lansangan ay gayon na lamang ang kanyang tuwa

Nang dumating siya sa silid-aralan ay kaydami nga ng batang nanonood sa Christmas


tree. Buong-ingat na ibinitin ni Nestor ang kanyang papasko sa guro.

b. Banghay
SIMULA - Nalulungkot si Ben. Nang itanong ng ina kung ano ang dinaramdam niya ang
kanyang sagot ay, “kasi po ang mga kamag-aral ko ay may papasko para sa aming guro.
Ako lang po ang wala.”
4

GITNA -Siya’y bumangon. Tinungo ang munting hapag sa silid at sa malamlam na


ilawan ay isinulat sa malinis na papel ang kanyang papasko. Pinagbuti niya ang
kanyang pagsulat, ulit-ulit na binasa at pagkatapos ay tiniklop at ipinaloob sa sobre.
Sinarhan niya ito, ipinaloob sa isang aklat at nahigang muli. Mayroon na siyang alaala.
Anong tuwa niya! At nakatulog siya ng mahimbing.

WAKAS - “Ang ganda Nanay ng kuwento ninyo. Ngayon po ay alam ko na rin kung ano
ang dapat kong iregalo kay Bb. Padilla.”
Tuwang-tuwa rin ang ina sa katalinuhan at kagalingan sa pag-unawa ng anak. Habang
tinatanaw niya ang bata na naglalakad patungo sa paaralan, nagpapasalamat siya sa
Maykapal sa pagkakaroon ng isang mabait at maunawaing anak.

c. Tauhan
PANGUNAHIN TAUHAN - Ben
PANTULONG NA TAUHAN - Nestor ,Bb Mirasol , Bb Padilla at ang ina ni Ben

d. Tema
Ang tema sa maikling kwento na ito ay maraming bagay ang pwede gawin para makapag
pasaya ng tao hindi lang sa pagbibigay ng material ng bagay
e. Istilo

tingen ko ang ginamit na Istilo ay Humanap ng Kalutasan sa Suliranin


Ang paglutas ng suliranin ay maaaring
· Bukas. Ang mambabasa ang makakatagpo ng kahulugan.
· Sarado. Nalutas ang suliranin sa katapusan.
· Balik lamang sa simula. Katulad ng naunang sitwasyon o imahen.
· Monologo. Magbibigay ng komento ang tauhan.
· Dayalogo. Mag-uusap ang mga tauhan.
· Literal na imahen o larawang diwa – tagpuan o aspeto ng tagpuan na
magiging kalutasan o katapusan ng banghay.
· Simbolikong imahen. Detalyeng kumakatawan sa kahulugan lampas
bas a kahulugang literal.
5

3. Ibigay ang pangkalahatang puna sa maikling kwento.


Ang pang kalahatang puna ko sa maikling kwento na nabasa ko ay isang uri ito ng
MELODRAMA PANG WAKAS dahil itoy naglalaman ng malulungkot na sangkap
subalit nagtatapos naman nang kasiya-siya para sa mabubuting tauhan
4. Ibigay ang mga aral sa maikling kwento.
Hindi hadlang ang kahirapan para mag pasaya ng tao.

Higit na mas matimbang ang kawang gawa kesa material na bagay.

Pag bigay gabay ng isang magulang

Ang hindi pagsuko at pagtuklas kung paano pagtatagumpayan ang kanyang


suliranin.

Gawain 2
Sumulat ng isang reaksyong-papel hinggil sa sumusunod na paksa. Pumili lamang ng
isa.
1. Pagsasara ng ABS-CBN
2. Pagbubukas ng klase kahit nasa
gitna ng banta ng pandemya
3. Tumataas na bilang ng mga may
COVID-19
4. Mga empleyadong nawalan ng
trabaho dahil sa pandemya
5. Mga empleyadong Work From Home
6. Mga nanalong pulitiko noong
nakaraang eleksyon

5. Mga Empleyadong Work from Home


6

Nitong mga nagdaang dalawang taon simula nang sumailalim Ang ating bansa sa
pandemya, marami ang nawalan nang trabaho at karamihan naman sa iba ay work from
home, mahirap mag trabaho sa bahay (work from home). Bakit kamo ? Ang bahay natin
ay Ang ating pahingahan pag kagaling sa trabaho, sama-sama ang pamilya, malaki ang
kaibahan dahil ang dating bahay na dapat pahingahan lang,pamilyang sama-sama
kumain,pamilyang oras-oras masaya at maingay, ngayon ay nag mistulang opisina
nang mga taong work from home, isa sa pagiging work from home maingay na
kapitbahay, mga asong nag tatahulan, mga mang gagawa (construction worker) na may
ginagawa sa tabi nang inyong bahay, mga batang umiiyak,naglalaro at nangungulit .
Malaki ang kaibahan nang work from home at opisina. Ang opisina ay sadyang para sa
mga taong nag tatrabaho, samantalang Ang bahay ay pahingahan,at isang lugar kung
saan matatagpuan Ang masayang pamilya .

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Pamantayan Puntos

Nilalaman / mensahe 20 puntos

Orihinalidad 15 puntos

Pagiging Mabisa ng Pagpapahayag 15 puntos

Kabuuan 50 puntos
7

You might also like