You are on page 1of 3

Ako at ang Aking Kaklase

ni Ma. Luisa Lining

Unang araw ng klase ngayon kaya naman tuwang-tuwa si Lisa. Inihatid siya
ng kaniyang ina sa paaralan.
Maya- maya ay dumating na ang kanilang guro.
“Magandang umaga sa inyong lahat! Ako si Bb. Anna de Vega, ang inyong
guro,” masiglang bati niya.
Nang marinig ito ni Lisa ay lubos ang kaniyang kagalakan dahil nakita na
niya ang kaniyang bagong guro. Matapos nito, tinawag sila isa-isa ng kanilang
guro at nagpakilala sa unahan.
Nang lahat ay nakapagpakilala na, mayroong dumating na magulang kasama
ang isang batang lalaki. Pinapasok siya ni Bb. De Vega at nagpakilala rin sa
harapan. Pinaupo siya malapit kay Lisa.
“kumusta ka? Ako si Lisa”, wika niya.
“Mabuti naman ako, medyo kinakabahan lang bagong lipat kasi kami dito.
Ako naman si Jaypee,” sagot ng bata.

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO


PANGALAN: ________________________________PETSA: ______________
BAYTANG AT PANGKAT: __________________________ISKOR: _________

I.Makinig sa babasahing kwento ng guro at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot.

1. Sino ang bata sa ating kuwento?


a. Anna
b. Lisa
c. Ben

2. Ano ang mayroon sa araw na iyon?


a. unang araw ng pasukan
b. piyesta sa Nayon
c. kaarawan ni Lisa

3. Ano ang naramdaman ni Lisa sa unang araw ng pasukan?


a. kinakabahan
b. natutuwa
c. natatakot

4. Anong katangian ang ipinakita ni Lisa sa kanyang kamag-aral na si Jaypee?


a. pagiging palakaibigan
b. pagiging palaaway
c. pagiging suplada

5. Kung ikaw si Lisa, gagawin mo rin ba ang ginawa ni Lisa kanyang kamag-
aral na si Jaypee?
a. Hindi, hahayaan ko siyang mag-isa.
b. Hindi ko siya papakialaman
c. Opo, kakaibiganin ko rin siya.

II. Ano ang iyong magiging damdamin sa mga sitwasyon sa ibaba? Iguhit ang
masayang mukha at malungkot na mukha upang maipakita ang iyong damdamin.

____6. Nakita mo ang iyong kamag-aral sa unang baytang.


____7. May lumapit sa iyong bata at nagpakilala siya s aiyo.

____8. Umiyak ka ng ihatid ka ng iyong nanay sa loob ng silid-aralan.

____9. Binati ka ng iyong guro.


____10. Inaway ka ng iyong katabi.

III. Lagyan ng tsek kung dapat bang gawin at ekis naman kung hindi.

____11. Hayaang tumunog ang telepono.

____12. Ibaba agad ang telepono pagkatapos mong magsalita.

____13. Bumati nang may paggalang sa tuwing may kausap na tao kahit sa
telepono.

____14. Maging mahinahon sa pakikipag-usap sa iba.

____15. Making sa nagsasalita at huwag itong sabayan.

IV. Isulat ang tamang pagpapantig ng sumusunod na mga salita.

16. kalikasan _____________________

17. komunidad __________________

18. palatuntunan __________________

19. pahayagan ___________________

20. bestida ________________________

You might also like