You are on page 1of 2

I. Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

May isang batang nagngangalang Jose. Galing siya sa isang simple ngunit masayang pamilya.
Siya ay siyam na taong gulang at nasa ika-apat na baitang na. Araw araw niyang nilalakad
ang daan papuntang paaralan dahil ito’y malapit lang sa kanilang bahay at para na rin
makatipid siya. Isang araw, habang siya’y naglalakad, napansin niya ang isang matandang
lalaki na nakaupo sa daan malapit sa basurahan. Ito’y mukhang malungkot at hinang-hina na
nilapitan niya ito at kinausap. “Lolo, bakit po kayo nandito? Marumi po rito,” tanong niya.
“Napagod lang ako iho kaya naupo ako rito.” sagot ng matanda. Iniabot ni Jose ang kanyang
baong tinapay. “Kain po kayo oh. Ingat po kayo ha” Tumakbo na si Jose dahil siya ay
mahuhuli na sa klase ngunit sumulyap muli ito sa matanda at nakita niyang binuksan nito ang
balot ng tinapay at kumain na. Sumunod na araw, nakita na naman ni Jose ang matanda.
Binigay niya uli dito ang kanyang baon. At naulit ito ng mga sumunod pang mga araw.
Nagtataka ang nanay ni Jose kung bakit gutom ito palagi pag-uwi ng bahay. “Anak, bakit
gutom na gutom ka? tanong ng kanyang nanay. “Sadyang marami lang po kaming ginagawa
sa paaralan at hindi ko po nakain ang aking baon dahil ibinigay ko sa matanda na nakaupo
malapit sa paaralan. Mukha po siyang maysakit at gutom na gutom,” paliwanag ni Jose. Nang
pumunta uli si Jose kinabukasan sa kinaroroonan lagi ng matanda, wala na ito doon. Ngunit
nang sya’y lumingat, nakita niya ito na maayos ang bihis at may kasamang babae na
mukhang mayaman at mas bata ang edad. Tinawag ng matanda si Jose. “Iho, ito pala ang
anak ko, sinusundo na niya ako. Uuwi na kami. Nanatili ako rito ng ilang araw dahil
nakalimutan ko ang daan pauwi sa amin. Mabuti at nahanap nila ako. Hinding hindi ko
makakalimutan ang kabutihang ginawa mo sa akin. Sa mura mong edad, naiisip mo nang
tumulong sa kapwa. Nawa’y pagpalain ka pa ng panginoon,”masayang wika ng matanda.
“Walang anuman po iyon, lolo. Maninibago po ako na hindi ko na po kayo makikita
pagpasok ko po sa paaralan,” pabiro ngunit naluluhang sambit nito. “Salamat sa
pagmamalasakit mo sa aking tatay. Kung may kailangan ka, ito ang papunta sa aming
bahay,” wika ng anak ng matanda pag-abot nito ng papel. Mahigpit na niyakap ng matanda si
Jose at binigyan niya ito ng munting regalo.

1) Sino ang batang pinag-uusapan sa kuwento?


2) Ilarawan ang katangian ni Jose?
3) Ano ang napansin ni Jose habang siya’y naglalakad?
4) Ano ang ginawa niya sa matanda?
5) Bakit niya ibinahagi ang kanyang baon sa matanda?
6) Anong pag-uugali ang taglay ni Jose?
7) Kung ikaw si Jose, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
II. Basahin nang mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon. Ipaliwang kung ano
ang dapat mong gawin. Isulat ang sagot sa papel.

1) Dumating ang malakas na bagyo sa inyong lugar nasira ang bahay ng inyong
kapitbahay. Ano ang gagawin mo?
2) Isang araw, walang baon ang iyong katabi ngunit ikaw ay maraming baon. Bibigyan
mo ba siya? Bakit?
3) Nasunugan ang iyong kamag-anak. Wala silang naisalbang gamit. Ano ang gagawin
mo?
4) Mag-isang naglilinis ng CR ang iyong kaklase ng dumating ka sa silid-aralan dahil
wala pa ang kanyang mga kapangkat. Tutulungan mo ba siya? Bakit?
5) May namamalimos na isang batang madungis sa inyong bahay. Mukhang gutom na
siya at may sakit. Ano ang gagawin mo?

You might also like