You are on page 1of 3

kwentong bayan-Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang santol,
mayabong ang mangga, mabulaklak ang kabalyero, tuwid at mabunga ang niyog. Ngunit sa isang tabi ng
bakuran ay naroroon ang payat na kawayan.

Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa
aking mga sanga.

Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit malayo, ako ay
kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika ni Niyog. Tekayo,
kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang
kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang
paghilip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at
nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang
sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta.

kwento ng tauhan-KABULUHAN NG BUHAY

ni Emmar C. Flojo
Description: http://www.varsitarian.net/files/images/8010/diploma.jpg Labis ang pagsisisi ni Jose
habang kumakain sa hapag ng agahan. “Bakit! Bakit pa ba ako isinilang—kung ganito lamang ako sanay
namatay na lang ako,” sambit nito sa kanyang sarili habang pilit na isinusubo ang kaning may ilang butil
ng asin sa kanyang plato. Mariing pinagmamasdan ng kanyang inay na kararating pa lang upang kunin
ang paglalabhan sa kabilang bahay.

“Ano ba naman ‘yan Jose, ang kanin matatapon! Umayos ka, nagpapakahirap na nga ako sa
paglalabada’y pinaglalaruan mo lamang ang kaning ‘yan. Tandaan mo anak, ang bawat grasyang
nakahain diyan sa hapag ay galing sa aking pawis. Sanay maawa ka naman,” pagpapaliwanag ng kanyang
magulang.

Magkailang linggo na ring naririnig ang pangaral ng kanyang inay simula nang namatay ang
asawa nito. “Ano ba naman ‘yan inay, sawa na ako sa buhay na ito. Sanay namatay na lamang ako ng
pinanganak mo ‘ko, Boyset na buhay to oh!”

“At ganun...! Pagkatapos kitang palakihin ganito pa ang isusumbat mo sa akin, wala ka talagang
kwentang anak.”

“Mas mabuti pa ang aking mga kaibigan naiintindihan ako, eh ikaw nay, neh wala ka ngang oras
para sa akin. Basta lang mapakain mo lang ang iyong anak ay tama na yon sayo ‘yon.” Tumayo si Jose at
kinuha nito ang bag sabay nilisan nito ang bahay papuntang eskwelahan.

Labing-anim na taon na si Jose, nag-iisang anak ni Aling Lumen sa asawa nitong kamamatay pa
lamang kamakailan lamang. Mag-isa na lang kumakayod siya kaya’t sa pagpapaaral nito sa kaisa-isa
niyang anak sa kolehiyo ay masyadong napakahirap. Wala siyang maaasahan kundi ang sarili nyang
pagpupunyagi sa buhay.

Sa bukanan pa lamang ng eskuwelahan ay nakasalubong ni Jose sina Brando at mga kaibigan


nito. “Hali kana pare, sumama ka na sa amin” wika ni Brando. Walang pag-aalinlangan tumugon siya sa
paanyaya nito dahil sa nangyaring pagtatalo nito sa kanyang inay. Gusto niyang makalasap ng ibang ihip
ng hangin na magdadala sa kanya ng pagkalimot sa nangyari sa kanilang mag-ina. “Teka, Saan ba tayo
tutungo?” ika niya. “Basta sumunod ka na lang sa amin!” tugon ni Brando.
Isang madilim at lumang establisyemento ang pinuntahan nila, nakita ni Jose ang mga
nagsisipaghintay na mga lalaking nagsisipagkwentuhan. Madilim ito at malayo sa mga tao, sulung-sulo
walang makaririnig sayo kundi ang mga taong naroroon lamang.

“Brod! Nandito na pala ang ating hinihintay” wika ng isang kasamahan ni Brando. “Tamang-tama
‘yan, mabibinat na naman ang bisig ko” sambit ng isa pa. Nagulat na lamang siyang binigyang galang ng
isa nilang kasamahan ang taong naroroon.

“Master Magandang Umaga po” sabay yuko ng ulo nito.

“Oh bakit ‘di ka nagbibigay-galang Jose kina Master”

“Sino bang Master ang sinasabi mo?’’aniya.

“Bakit, sino ba sila? Hindi naman sila mga magulang ko para bigyan ko ng galang.”

“Ah ganun ba! Ganun…”sabay suntok sa kanyang katawan.Napadapa ng tuwiran si Jose sa pagkakasuntok
ng lalaking yaon. “Sige pahubarin na ninyo ang mga iyan.”Agad itong sinunod ng kasamahan ni Brando.
Hinubad nito ang short at ang tira’y kanilang panloob na pananamit.

“Pahubarin na rin ang isang ‘yan Brod!” “Oh bakit ganyan ang isang ‘yan, ‘di pa nga nagsisimula
nahimatay na agad, pambihira! Tawanan ang mga kasamahan nito.

“Sige pahubarin na ‘yan.” Piniringan ang mga mata ni Jose at saglit pa’y naramdaman na niya ang
pagdampi ng matigas na bagay sa kanyang katawan. Paulit-ulit niya itong naramdaman hanggang
humantong ito sa kanyang paghihina. Narinig niya ang mga kasamahan ni Brando nanagkikisay sa sakit
na dulot ng paghagupit ng bagay na iyon.

Doon siya natutuhan sa pagkakataong iyon, ang mga agam-agam at hinanakit niya sa buhay.
“Masarap pa ring mabuhay kahit minsay naghihirap ka.” Iyan marahil ang pumasok sa kanyang isipan
buhat ng maranasan niya ang sakit na idinulot ng pagsuway niya sa kanyang magulang. Naisip din niya
ang mga bagay na mula noon na doon na naunawaan ang tunay na kabuluhan ng buhay. Ang paulit-ulit
na panambitan ng kanyang isipan sa pagkakatayo na tinatahak niya ang daan tungo sa kamatayan.

You might also like