You are on page 1of 4

Tsinelas

Isinulat ni Maria Veronica Gonzaga

Pen Name: Skylier

Matatanaw ang matatayog at matatarik na kabundukan sa bayan ng Esrael.


Kaya naman hindi maipagkakaila na ang bayan na ito ay dinarayo bilang pasyalan dahil
sa ganda ng kalikasan. Dito makikita ang sigla at mapayapaang buhay, buhay na di
nakikita ng mga nakatira sa matataas at magandang bahay sa kamaynilaan. Isang
pamilya ang nakatira sa liblib na kabundukan kung saan ang tanging pinagkukuhanan
nila ng pangtustos sa kanilang pangangailangan ay ang kanilang tanimang gulay at
prutas gaya ng talong, sitaw, okra, talbos, kamoteng kahoy at sagingan. Ang kwentong
ito ay tungkol sa pamilyang Dela Cruz, Napinangungunahan ng isang haligi ng tahanan
na si tay Felipe at kanyang asawa na si Gloria, ang kanyang asawang si gloria at
panganay nitong anak na Jose ang laging kasama ni tay Felipe sa pangangakal ng
kanilang tanim na gulay at prutas. Ang dalawa nyang anak na si Josie at Julius ay
kasalukuyang nag aaral sa kabayanan, araw araw silang naglalakad at sumasakay sa
kawayang ginawang bangka ng kanyang itay upang makarating sa kanilang paaralan.
Nagsusumikap ang dalawang magkapatid upang makatapos sapagkat gusto nilang
maiahon ang kanilang buhay sa kahirapan.

Isang araw, pinagmamasdan ni Julius ang kanyang kuya sa bintanang gawa sa


kawayan na si Jose habang nagtatabas ng damo na pagtataniman ng talong nang
biglang dumating ang kanyang ina na si Gloria.

“ Anak, bakit ang lalim ng iyong iniisip?”

“wala po ito Inay, iniisip ko lang po si Kuya dahil sa sakripisyo nya sa amin ni Josie hindi
sya nakapagtapos ng pagaaral”.

“ Oo nga anak, maging ako ay naaawa sa kuya mo dahil obligasyon namin ng tatay mo
na paaralin kayo upang maabot nyo ang inyong mga pangarap”.
“ huwag ka pong magalala inay pagbubutihin po namin ni Josie ang pag aaral,
makakapagtapos kami at hindi na tayo maghihirap pa”.

Hindi na nagsalita ang ina at niyakap na lamang nya ang kanyang anak.

Kinabukasan maagang naghain ang kanyang Ina ng pagkain, naamoy ni Julius


ang paboritong pagkain na niluluto ng kanyang Ina na nilagang kamote at daing na
isda kaya naman napabangon sya agad upang maghanda ng kanilang susuotin
pampasok sa eskwula. Pagkatapos mag asikaso at kumain, nagmamadaling
nagpaalam na ang magkapatid na si Julius at Josie upang may makasabay sila sa
paglalakad. Kaya naman sinamahan sila ng kanilang ama upang itawid sila sa kabilang
ilog sa pamamagitan ng kawayang de Agos na ginawa ng kanyang ama nang sagayon
ay hindi sila mabasa at makatawid agad sa ilog. Habang naglalakad ang magkapatid
papasok sa eskwulahan biglang naputol ang tsinelas ni Josie na tinusukan ng tagpi
tagping alambre, magkaibang pares na kulay at manipis na swelas ngunit sa hindi
inaasahang pagkakataon ay nasira na ito ng tuluyan at hindi na magagamit pa dahil sa
nipis at putol na alambre na syang dagdudusong sa paa ni Josie . Walang magawa si
Julius kaya naman pinasan nya ang kanyang bunsong kapatid at nagpatuloy sa
mahaba habang lakarin, paghatid sa silid ni Josie ay ibinigay ni Julius ang kanyang
stinelas sa kapatid upang may magamit ito. Pumasok si Julius sa kanyang silid na
walang suot na sapin sa paa, pagkatapos ng klase nya ay agad nyang nilabas ang
stinelas ng kanyang kapatid upang ayusin ito. Nang biglang, kinuha ang tsinelas at
pinagpasa pasahan ng kanyang mapag asar na klaklase. Sinubukan nyang agawin iyon
ngunit hindi nya nagawa dahil sa maliit sya at walang laban sa malalaki at malulusog
nilang pangangatawan, Tumakbo si Julius papalayo habang unti unting pumapatak ang
kanyang luha sa madilaw nitong suot na uniforme. Hinitay na lamang ni Julius ang
labasan ng kanyang bunsong kapatid at naglakad silang malungkot dahil maging ang
kanyang bunsong kapatid ay nakakaranas din ng diskriminasyon. Ayaw silang lapitan
ng iba nilang kamag-aral dahil hindi sila makasabay sa mga luho nitong bagong bag,
sapatos at kung ano anong kagamitan sa eskwulahan, wala din silang maganda at
makukulay na lapis pang kulay. Ang dalawang magkapatid ay punong puno ng
kalungkotan dahil sa naraaranasan paglalait ng kanilang mga kaklase.

Kinabukasan, habang hinihintay ni Julius ang kanilang Guro ay patuloy pa rin


syang inaapi ng kanyang mga kaklase halos rinig na sa kabilang silid ang kaingayan.
Napayuko na lamang si Julius na para bang walang narinig, nang pumasok na ang
kanilang guro pinatayo at pinapunta sya sa harapan ng klase. Batiin natin si Julius dahil
sya ang nangunguna sa inyong Klase ang lahat ay nanahimik at walang pumalakpak,
hindi malaman ni Julius ang mararamdaman nya kung masaya ba o malulungkot dahil
hindi masaya ang kanyang mga kaklase na sya ang hinirang na nangunguna sa
kanilang klase. Sa pagbati ng kanyang Guro na may masayang pag ngiti, niyakap nya
ito at inisip na lamang ang kanyang mga magulang. Naiyak si Julius sa harap ng
kanyang guro dahil sa sinabi nito “ Anak, isa kang mahusay at mabait na bata
ipagpatuloy mo ang iyong sinimulan hanggat matupad mo ang iyong pangarap para
sayo, sa mga kapatid mo at lalong lalo na sa magulang mo na ginagawa ang lahat para
sa inyo”. Ramdam na ramdam ni Julius ang pagmamahal ng kanyang guro sa kanya,
ipinangako ni Julius sa kanyang sarili na tutuparin nya ang pangarap nya at babalik sya
sa kanyang guro sakay sakay ng mamahaling sasakyan kasama ang kanyang
magulang. Ito ay hindi paghihiganti dahil sa pang aapi, ipapakita nya na walang
imposible sa taong nagsusumikap at may pangarap sa buhay.

Lumipas ang maraming taon, nakapagtapos si Julius sa pagaaral bilang isang


Summa Cum Laude sa kursong Civil Engineering sa isang Unibersidad, nakapagtapos
sya sa isang Unibersidad na walang pangungutya at pagmamaliit dahil sa katalinuhan
at kasipagan nya sa pag aaral maraming nag presintang tumulong upang
makapagaaral sya sa nasabing Universidad. Nang nakapasa sya bilang “ Licensed CIvil
Engineering “Agad syang bumalik sa bayan ng Esrael upang ipabalita sa kanyang
mahal na magulang at kapatid. Habang tinatahak ni Julius ang mahabang lakarin na
nilalakad nila ni Josie noon ay bumabalik ang masasayang alaala. Mga alaalang
sumampal sa kanya patungo sa katotohanan, kagaya na lamang ng tsinelas napuno ng
tagpi tagping alambre, magkaibang pares ng kulay nito at manipis na swelas na kahit
anong panget tignan nito ay matuto tayong magpahalaga ng mga bagay at makuntento,
hindi basihan ang mga bagay na bago at maganda sa paningin ng tao upang
makapaglait o magmaliit ng tao bagkus itrato mo sila ng pantay at makatao. Ang
stinelas na kahit sira na ay patuloy maglalakbay at gagamitin hanggat pinapahagahan
mo ito. Si Julius ay isang halimbawa ng batang nagsusumikap marating lamang ang
nais nyang marating hindi para sa kanya, kundi para sa kanyang mga magulang nya at
kapatid.

Nang matanaw ng kanyang nanay si Julius ay agad nitong niyakap, nagiyakan


silang lahat sa labis na pagtuwa dahil nagbunga ang lahat ng sakripisyo nila. Inabot nya
sa kanyang kuya na nagsakripisyo din upang makapgtapos sya, niyakap nya ito at
sinabing “ Nagawa ko na kuya, salamat sa lahat”. Nagyakapan ulit sila at sinabi nya sa
kanyang mga magulang na “ Ma, Pa, nagawa ko na. Makakaahon na tayo sa hirap,
hindi na kayo magtatanim nila kuya at itay, makakapagaral na din si Josie sa
magandang unibersidad, Maraming salamat sa inyomg lahat mahal ko kayo”.

Makalipas ang isang taon ay bumisita sya sa kanyang Guro sakay sa isang
puting kotse sakay sakay ang kanyang mga magulang at kapatid, nagpasalamat sya
dito dahil ito ang nagbigay sa kanya ng kalakasan ng loob, na kaya nya at magaling
sya. Mga salitang nagbigay sa kanya ng inspirasyon upang lumaban at ipakita sa mga
taong nagmamaliit sa kanya na kaya nya at magagawa nya. Ngayon nakatira na ang
pamilya ni Julius sa Maynila dahil sa sunod sunod nitong proyekto, nag aaral na din si
Josie sa magandang Unibersidad at ang kanyang kua ay nagpatuloy ulit sa pagaaral sa
TESDA. Ang kanyang mga magulang naman ay binigyan nya ng pagkakakitaan,
binigyan nya ng puhunan at 10 ektaryang lupa upang gawing farm nang sagayon ay
mapagpatuloy nila ang kanilang kahiligan sa pagtatanim. Kumuha din sila ng tauhan
upang mas organisa, hindi na din mapapagod ang kanyang magulang sa pagtatanim at
pagsasaayos. Para kay Julius isang magandang karanasan ang lahat ng kanyang
pinagdaan dahil dito mas lalo syang nagkaroon ng determinasyon upang magsumikap
sa buhay at iangat ang kanilang buhay sa kahirapan.

You might also like