You are on page 1of 18

Tunay na Tagumpay kay Soleil

Taong dalawang libo’t dalawa ng ika-27 ng Setyembre may isang pamilyang ipinagdiwang

ang panganganak ng isang ina sa isang batang babae na pinangalanang Soleil bilang bunso sa

kanilang magkakapatid. Labis ang galak ng pamilyang Smith dahil sa wakas ay nadagdagan na

naman ang bilang ng babae sa kanilang angkan. Dahil ang pamilyang Smith ay matagal ng

pinapangarap na magkaroon ng anak na babae subalit sa nakaraang henerasyon ay puro lalake.

Sa kabila ng kanilang lahi, kilala rin ang kanilang pamilya sa pagiging relihiyoso o may matibay

na paniniwala sa panginoon. Habang bata pa si Soleil na wala pang malay sa pangyayaring

nagaganap sa.mundo ay palagi na siyang dinadala ng kanyang ina sa simbahan. Inaasam ng

kanyang pamilya lalo na ang kanyang ina na nagngangalang Dianna na magiging isang mabuting

dalaga paglaki nito. Dumaan ang apat na taon, sa murang edad ni Soleil may taglay na siyang

kakaibang ganda. Ang kanyang kutis ay morena. Ang kanyang buhok ay kay itim ng gabi. Ang

kanyang mga pilik mata ay makapal, mga kilay na umaarko, labi na kulay makopa at ilong na

katamtaman ang tangos nito. Siya’s mistulang parang manika na inalagaan ng mabuti. Sa

pagkilala ng pamilyang Smith palagi siyang sinasama ng kanyang ina sa kapilya naging malapit

na rin ang loob ni Soleil sa panginoon kabilang na rin ang mga salita ng Diyos ay kanyang

sinusunod.

Si Soleil ay lumaking malapit ang loob sa kanilang buong angkan. Lumaki siyang palaging

kasama ang kanyang mga kapatid na ang panganay ay nagngangalang Angelo at ang pangalawa

na nagngangalang Noah kabilang na rin ang kanyang mga pinsan sapagkat siya’y di lumalabas sa

kanilang tahanan at mga kalaro niyang bata ay sila ang lumalapit sa kanilang tahanan upang

makipaglaro. Dahil siya ay nagiisang batang babae palagi niyang nakakatungo ang kanyang

pinakamamahal na lola sa kanilang bahay, na si lola Soleng. Wala na ang asawa ni lola Soleng
dahil ito’y matagal ng pumanaw at di na naabutan ng batang si Soleil. May mga araw na

natutulog si Soleil katabi ng kanyang lola dahil tuwing gabi ay palaging nag-kwekwento tungkol

sa mga kwentong pambata o bible story na nakakaaliw sa isipan at minsan na rin umaawit ng

kanyang lola ng mga awiting tungkol sa pagmamahal ng ating panginoon. Sa papamagitan ng

kanyang lola siya ay natutong umawit sa kanyang murang edad. Sa pagsama ni Soleil sa kapilya

siya’y palaging umaawit at lahat sila’y nagagalak sa kanyang munting talento. Kaya si Soleil ay

nagsisilbing kasiyahan ng pamilya Smith kahit minsan siya ay nagiging pasaway hindi naging

hadlang para sa kanyang pamilya ang kasiyahang naidudulot niya.

Lumipas ang dalawang taon. Si Soleil ay nakamit niya ang anim na gulang kung saan siya ay

papasok sa unang baitang bilang mag-aaral sa malapit na paaralan sa kanilang baryo. Bagong

buhay ang turing ni Soleil sa kanyang sarili dahil sa panibagong pagsubok niya sa buhay bilang

isang mag-aaral at malayo sa kanyang pamilya di tulad na araw-araw siya noong nasa bahay na

naglalaro. Sa gulang ni Soleil natutunan niyang simpleng manalangin sa panginoon tuwing

kakain at tuwing siya’y matutulog. Sa pagpunta ni Soleil sa kapilya madami siyang natutunan na

nais niyang ibahagi sa kanyang mga kaklase pero nakita niya ang layo ng buhay niya sa mga

kabataan kung gaano siya kainosente sa kanyang sarili. May kakilala siyang mga kalaro niya

pero hangad niyang magkaroon pa ng maraming kaibigan pero mas nauna ang kanyang hiya.

Kalaunan nagpapasalamat siya sa kanyang kakilala dahil naroon sila para samahan at tulungan

siya para makipagkaibigan dahil hindi siya makasabay sa mga katuwaan ng kanyang mga

bagong kaibigan o kaklase. Dulot ng kanilang matibay na paniniwala at sinusunod na mithiin

base sa kanilang relihiyon. Tulad na lang ng pagiging mabuti sa pakikipag-usap at pagiging

konserbatibo sa panlabas na kaanyuan, hindi pagsusuot ng mga alahas upang mapanatili ang

natural na kagandahan. Masyadong nagulat si Soleil sa kanyang simpleng nadiskobre kung


gaano kalayo ang buhay niya. Madaming katanungan ang bumagabag sa kanyang isipan pero

kalaunan ito’y kanyang binalewala. Nagpatuloy ang kanyang araw na pumapasok siya sa

paaralan at ang pagsama niya sa kanyang pamilya tuwing pupunta sila sa kapilya. Sa malalim na

pag-iisip ni Soleil napansin niyang mapaglaro ang kanyang mga kababata kaya napagisipan

niyang seryosohin ang kanyang mga aralin. Nagtagumpay si Soleil sa kanyang kagustuhan na

makabilang siya sa honor roll. Sa mga taon na lumipas sa pag-aaral ni Soleil sa mababang

paaralan hindi naging maganda ang mga panyayaring kanyang na eenkwantro. Palagi siyang

nabubully dahil sa kagandahan at kabaitan niyang taglay. Para kay Soleil masakit sa kanyang

puso ang tratong kanyang natatanggap sa mga ibang kabataan, lumalalim ang kanyang kaisipan

na maging matatag tulad na lang ang payo ng kanyang nanay na “kahit anong mangyari huwag

hayaan ang mga bagay na walangagandang dulot sa iyong buhay upang sirain ang iyong

katinuan” kaya malakas ang loob ni Soeil sa likod ng unang pagsubok niya sa buhay bilang mag-

aaral. Sa murang edad namulat siya sa kanyang paniniwala sa buhay na walang madali lahat ay

pinaghihirapan. Naging parte ang paaralan ang responsibilidad nitong maging pangalawan

tahanan ni Soleil. Sa umaga, maaga siyang nagigising upang makatulong sa bahay sa mga

maliliit na gawain batay sa kanyang munting kakayahan pagkatapos papasok siya sa paaralan. At

sa tuwingPalaging magalang sa kanyang mga kapwa kabataa, at tuwing sumasapit ng hapon

siya’y nauuna sa paglinis sa kanilang paaralan ito niya naranasan ang pagkakaroon ng unang

problema o pagsubok niya sa buhay.

Hindi naging hadlang para sa kanya ang mga upang ipagpatuloy ang kanyang ang nais sa pag-

aaral.

Dumating na ang panahon na nasa ikalimang baitang na si Soleil. Sa talinong taglay ni

Soleil siya ay napiling magprisenta sa kanilang paaralan sa isang paligsahan na pagsusulit batay
sa paborito niyang asignaturamg agham. Dahil hindi naayon ang kanyang gulang sa kanyang

mga kalaban na mas matanda ng isang hindi niya inakala na makukuha siya bilang ika- 6 th placer

na panalo sa pagsusulit. Sa tuwang nakapaskil sa mukha ni Soleil hindi siya makapaniwala sa

kanyang kauna-unag pagsubok niya sa mataas na lebel ng pagsusulit makakamit niya ang

simpleng bagay na kanyang nagbibigay ng motibasyon sa kanyang sarili na mas maging

determinado siya sa pag-aaral.

Huling taon na niya sa mababang paaralan ng Nagrangtayan, Magacan E/S si Soleil bilang

nasa ika-anim na baitang. Napansin na niya ang bagbabago ng kanyang katawan dahil sa gulang

niyang ika-labing dalawa. Kumbaga siya’y nagdadalaga na. Natapos na niya ang unang anim na

taon na pag-aaral. Nagagalak ang kanilang pamilya sa layo ng narating ng kanilang nag-iisang

anak na babae. Kahit nag-aaral noon si Soleil hindi niya napabayaan ang pananampalataya niya

sa panginoon. Labis ang pasasalamat ni Soleil sa kaniyang pamilya. Marami din siyang

natanggap na regalo galing sa kanyang mga kakilala at mga kaibigan. Hinihiling ni Soleil na

matapos na agad ang inilaan ng kanyang pamilya na celebrasyon para sa kanya upang siya’y

makapagpahinga at simulan muli ang hinahangad niyang bakasyon kasama ang buong angkan

dahil tuwing sumasapit ang bakasyon doon umuuwi ang mga pinsan o ang buong angkan ng

pamilyang Smith upang sila’y mag-reunion at palagi ito ang hinihintay ni Soleil dahil sa samu’t

saring regalo, souvenir, at mga pasalubong lalong-lalo na ang tsokolate na paboritong-paborito ni

Soleil. Kahit si Soleil ay gahaman sa matatamis na pagkaim hindi niya napapabayaan ang

kanyang ngiti na may maayos at buong ngipin dahil siya’y masunuring bata palagi niyang

sinusunod mula pagkabata ang payo ng kanyang magulang na magsipilyo araw-araw. Si Soleil

ay hindi nagsisi sa pagiging strikto ng kanyang magulang pagdating sa kanya lalo na sa kanilang

paniniwala. Nagsidatingan ang kanyang buong angkan sa sumunod na linggo at ang una nilang
ginawa ay ang mag-picnic sa kilalang resort sa kanilang bayan. Itong resort na ito ay baybayin

lamang pero labis itong napakaganda at naalagaan ng maayos. Sabik na sabik si Soleil sa

mangyayaring picnic kinabukasa kaya gabi pa lamang ay nagimpake na siya sa mga

kailangannin niyang gamit at maaga na rin siyang natulog na may ngiti sa kanyang labi dahil

hindi niya maiwasan ang excitement para bukas. Pero hindi niya inaakala na doon na pala

magsisimula ang buhay na kanyang hindi inaasahan sa kabila ng buhay na kinikilala niya.

Kinaumagahan, nagiimpake na ang pamilyang Smith para sa outing nila mamaya. Tumuling

rin si Soleil sa kanyang mga tita sa paglukuto ng mga iba’t-ibang putahe oara sa dadalhin na

pagkain. Sa dami nila dalawa ang sasakyan ang naganip nila sa pagpunta sa resort. Pagkatapos

ng ilang minuto, nakarating din sila sa resort na kanilang napiling puntahan. Pagpasok nila,

napasinghap si Soleil sa tanawing bumati sa kanya. Pinuri ni Soleil ang panginoon sa kanyang

kalooban na Siya’y kung paano kamanghang-manghang makalikaha ng kay gandang tanawin.

Tulad na lang ang bilod na araw na tumitirik sa kulay nitong dilaw, ang dagat na kumikislap sa

kulay nitong mala kristal na asul sa tubig nito, at mga batuhan na naglalakihan ng sukat at na

habang ang tubing dagat ay hinahampas nito upang magbigay ng buhay ng ganda. Maraming

mga turista siyang nakita na umaakyat uoang kumuha ng mga litraro. Huminga ng malalim.si

Soleil at ipinikit niya ang kanyang mga mata, pagmulat niya’y siya’y ngumiti at bilang napatili

dahil sa nararamdaman niyang bugso ng kasiyahan na kanyang natatanaw na tanawin sa kanyang

mga mata. Napatingala siya sa langit at binulong ang pasasalamat niya sa panginoon sa araw na

iyon. Mabilis siyang tumungo sa nirentahan nilang pwesto at saglit siyang tumulong uoang

magayos ng mga pagkain at kagamitan bago aiya nagpaalam sa tabing dagat kung saan ang

kanyang mga kapatid at mga pinsan ay naroroon dahil nauna na ang mga itong tumampisaw sa

dagat dahil katulad ni Soleil sila’y hindi na makapagpigil na damahin ang lamig ng dagat.
Tinakbo ni Soleil ang distansiya patungo sa kanyang mga kapatid na naliligo. Saglit na

humintonsi Soleil upang ibalik ang tingin sa kanyang mga magulang at nakita niyang sila’y

masaya na nagkwekwentuhan. May napansin si Soleil sa hindi kalayuan sa kanyang tinatayuan

kung saan ang ina ay tunutulungan ang kanyang anak na lumangoy. Biglang napaisip si Soleil sa

kanyang sarili bagamat siya’y di rin marunong lumangoy sa mga malalim na parte pero

binaliwala na lang ni Soleil ang pag-isip dahil ang araw nito ay dapat siyang magsaya. Kalaunan

sumama na rin siya sa pagligo sa dagat. Maibgay na tawanan at kwentuhan ang nangyari.

Mamaya napagsisipan na umahon muna ang kanyang mga pinsan upang kumuha ng pagkain

nagpasya rin na sumama ang kanyang mga kapatid. Dahil iisang babae si Soleil at kaalaman nila

na hindinsiya matunong kumangoy binalaan siyang huwag lumayo sa tabing dagat. Kalaunan

habang nagsasaya si Soleil sa mga korales na kanyang nakikita hindi naramdaman ni Soleil na

siya’y lumalayo sa dalampasigan. Noong napansin niya na hanggang dibdib na niya ang tubig

sinubukan niya umahon pero prang lumalakas ang alaon sa kanyang kinaroroonan ng kumalma

ng ang dagat sinubukan niyang lumakad pero di niya inaasahan ang malaking alon na paparating

at bumagsak sa knanya dahil sa kaba siya’y natarantang umahon pero hindi niya mabuhat ang

kanyang katawan na parang siya’y hinihigop ng dagat pabalik sa malalim na parte.

Nagdilim ang kanyang paningin at parang siya’y mawawalan ng hininga dahil pilit niyang

inaangat ang kanyang sarili. Pigil ang kanyang hininga sa isipang siya’y malulunod ng walang

nakakaalam. Walang nakakapansin sa kanya dahil may mga sariling mundo ang mga ibang tao.

Naiiyak na siya, sa akalang siya’y mamatay. Napasigaw siya upang humingi ng tulong pero

natatabunan ng ingay ng dagat ang kanyang boses. Umiiyak na siya sa halong-halong damdamin

at sa dami ng iniisip. Tuluyan na siyang mawalan ng pag-asa ng may napansing siya papalapit

ang kanyang katawan sa isang malaking bato na pwede niyang panghawakan upang mailigtas
niya ang kanyang sarili. Labis ang tuwa at kaba ni Soleil. Na siya’y palapit sa malaking bato

agad niyang inabot ng kanyang kamay ang bato at labis ang kalabog ng kanyang puso sa

tagumpay. Inangat niya ang kanyang sarili sa ibabaw ng bato at agad na humilata. Umiiyak si

Soleil habang nakangiti at nakatingala sa kalangitan. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Agad

rin siyang bumangon at magsimulang maglakad sa mga matutulis na bato pero hindi niya ininda

ang sakit sa kagustuhan niyang makatapak sa buhangin. Bigla siyang napaupo sa buhangin at

huminga ng malalim na nakapikit ang mata uoang pakalmahin niya ang sarili.

Tahimik siyang bumalik sa kanilang inupaang pwesto at naabutan niyang nagkakasiyahan

habang kumakain ang kanyang pamilya. Napansin siya ng kanyang ina at siya’y sinabihan na

kumain na at tinanong kung saan siya galing dahil kanina pa itong hinahanap upang sila’y

kumain na. Ngumiti na lang si Soleil at sumang-ayon na siya’y kakain na. Napagdesisyonan ni

Soleil na huwag na niyang banggitin ang nangyari sa kanya upang hindi na mag-alala ang

kanyang pamilya. Pagkatapos kumain ni Soleil napagpasyahan na niyang maligo’t magbihis

dahil nawalan na siya ng gana upang makisalo sa kanyang mga pinsan na bumalik sa dagat

upang sila’y maligo. Napagpansyahan niyang maglakad-lakad muna at mamasyal sa buong resort

kaya siya’y nagpaalam muna sa kanyang mga magulang. Habang siya’y naglalakad sa tabing

dagat napansin niyang may kalayuan na ang kanyang kinaroroonan kaya’y siya’y umupo sa

buhangin at tahimik na nagmamasid si Soleil sa mga kaganapan sa kanyang paligin. Sa kabila ng

kasiyahan na kanyang nasasaksihan parang ito’y biglang naging tahimik kaya sinamantala niya

na damdamin ang kapayapaan. Hating oras siyang nagpangumbaba hanggag bumalik sa kanyang

ala-ala ang nangyari sa kanya. Masyado pa siyang bata para mamatay kung sakali man. Madami

pa siyang pangarap at gustong matuklasan sat makamit sa buhay. Wala pa siya sa kalahati ng

kanyang paklalakbay sa mundong ito. Tiningala niya ang langit at kusang dumaloy ang kanyang
damdamin at luha sa kanyang pisngi. Madaming katanungan ang oumasok sa kanyang isipan

tulad na lang ng “ Paano kung namatay ako?” “ Paano ang kanyang pinakamamahal niyang

pamilya?” “Magiging maganda ba ang aking desisyon kung bumigay na lang ako sa aking

sarili?” “ Ako ba o ang pamilya ko ang mahihirapan kapag nawala ako?”. Hindi niya napigilan

ang pagiging emosyonal upang siya’y umiyak ng umiyak. Bilang lumitaw sa kanyang isipan ang

salitang kanyang naririnig sa mga nakakatanda na “iisa lang ang buhay ng isang tao kaya’y

dapat natin pahalagaan habang tayo’y buhay pa”. Muling nagpasalamat si Soleil sa panginoon

dahil naligtas niya ang kanyang buhay sa kamatayan sa unang pagkakataon at mas naging

matibay ang kanyang relasyon sa panginoon. Ngumiti siya sa huli at napagpasyahan na niyang

bulaik dahil hapon na.

Natapos ang bakasyon ni Soleil sa pamamagitan ng pagpunta niya sa kapilya tuwing Sabado

at maging taong bahay upang tumulong siya sa kanilang pamilya. Sa taong labing dalawa ni

Soleil nawalan na siya ng ganang lumabas ng bahay upang makipaglaro. Pinagtuunan na lang

niya ng pansin ang kanyang sarili. Mas natutu siya sa mga gawaing bahay tulad ng pagsasaing at

magluto ng mga ulam tulad ng mga napriprito ng itlog, hotdog, o mga huki o pinamiling isda.

Natutu na rin si Soleil na kumain ng gulay katulad na lang ng ampalaya at mga nilutong

pinakbet, tinunong sili na may halong kamatis at asin, adobong kalabasa at marami pa pero ang

naging paborito ni Soleil ay ang preskong talbos ng dahon ng kamote dahil mula pagkaba

masaga ang kanilang kapaligiran ng talbosnng kamota at ito ang kauna-unang gulay na kanyang

natikman at siya’y nasarapan sa unang tikim. Sadyang biyaya ang kabuhayan ng pamilyang

Smith wala ng hihilimgin pang iba si Soleil. Kahit may parteng naging masalimuot ang naging

bakasyon niya hindi yun naging hadlang upang siya’y hindi umusad sa ibang araw. Habang

palapit ang pasukan naging excited si Soleul sa pagbili ng kanyang mga kagamitan. Pumunta
siya sa bayan kasama ang kanyang mga pinsan upang bumili ng kanyang mga kagamitan sa

darating na pasukan. Nang nabili na niya ang dapat niyang bilhin guhit ang pagtataka sa mukha

ng kaniyang mga pinsan pero natawa na lang si Soleil at itinaas niya ang kanyang mga kilay.

May iisang kulay lang ang mga binili ni Soleil at ang mga ito ay kulay lila sapagkat ito ay ang

kanyang paboritong kulay.

Dumating ang araw ng pasukan kung saan si Soleil ay nasa ika-pitong baitang nsa paaralang

Sanchez Mira Natinonal H/S na naroroon sa loob ng barangay nila kung saan ang paaralang ito

ay dinadayo ng mga taga kabilang bayan. Naninibago si Soleil sa kanyang nakikitang

napakalawak na espasyo sa gitna ng paaralan at naglalakihang straktura sa paligid nito na

nagsisilbing silid aralan. Napaisip si Soleil na “ Kung ganito kalaki ang mga strakturang

pinapatayo ng gobyerno siguro madami ring mga kagubatan ang sinisira at mga punong

nawawasak kung saan nagsisilbing tahanan ng mga hayop”. Napabuntong hininga si Soleil sa

kanyang inisip. Nabalot ng lungkot ng kanyang puso pero siya’y saglit na ngumisi at napailing

dahil sa kanyang naisip dahil sa mundong ito malayong may magagawa siya para sa mga ito.

Bago siya pumasok sa kanilang respektibong silid tumingala siya sa langit at nagpapasalamat

siya sa taglay niyang pag-iisip at para sa ikabubuti ng kanyang unang araw sa bago niyang

skwelahan.

Nasa ika-walong baitang na si Soleil. Sa nakalipas na isang taon madami siyang naging

kaibigan pero kasalungat ng kanyang pagiging mahinhin. Napansin niyang normal sa kanila ang

pagiging bulgar sa pananalita, pagiging normal sa kanila ang pagsasalita ng bad words at ang

pagiging mapanglait sa isa’t-isa. Napangiwi si Soleil sa kanyang mga nasasaksihan pero

maspinili niyang maging tahimik at humalubilo sa naayong alam niya. Sa pamamagitan ng mga

kaibigan ni Soleil mas dumami oa ang kanyang nakilala at gustong magoakilala sa kanya
karamihan ay mga lalake. Umuwi si Soleil na pagod pero maspinili niyang tumulong sa bahay

dahil siya’y nag-iisang anak na babae at gulang niyang labing apat mas naging matulungin

siyang anak sa kaalaman niyang sapat na ang kanyang kakayahan upang siya’y maging

responsableng anak na malayo sa batang si Soleil na labis na inaalagaan, iniingatan, at

minamahal.

Sa skwelahan, mas naging malapit ang loob ni Soleil sa kanyang mga kaibigan. Minsan

napapasama na siyang mamasyang pagdating ng araw ng Linggo. Sa kauna-unag pagkakataon

lumiban sa kapilya si Soleil upang isagawa ang proyektong kinakailangan ang presensiya at

tulong ng bawat isa sa kanilang grupo. Hindi matanggihan ni Soleil sapagkat siya lamang ang

nagiisang salungat sa paniniwala. Pero hindi inalintana ni Soleil ang kanyang pagliban.

Pagkatapos gawin ang proyekto nila nagpasya ng uwmuwi si Soleil pero siya’y pinilit ng

kanyang mga kaibigan at kaklase na rito muna upang sila’y hindi naman nakatanggi si Soleil

dahil naunahan siya ng kahiyaan. Ang pamamasyal ni Soleil kasama ang kanyang mga kaibigan

ay napapadalas. Sa dahilan ng kanyang mga magulang na kailangan ni Soleil na mamulat sa

mundo ay siya’y pinapayagan. Minsan may mga gabi na kung siya’y umuuwe at may mga

gabing siya’y nakikitulog sa kanyang mga kaibigan. Sa pag-uwe siya’y sinasabihan lamang.

Hapon na noong nakauwi si Soleil. Naging masaya ang samahan nila upang ito’y nagdulot ng

saya sa puso ni Soleil. Hindi siya makapaniwala na mararanasan niya ang kasiyahan sa mga

ibang tao.

Balik skwela si Soleil sa isang araw ng Lunes. Malaki ang ngiti ni Soleil ang bungad niya sa

panibagong umaga sa kadahilanang may nagkakagusto sa kanya sa gulang niyang labing pito sa

ika-labing dalawang baitang niya ang huling taon niya bilang isang studyante sa paaralang

sekondarya. Nagtapat sa kanya ang binata noong huling bakasyon at akalain na sila’y magiging
kamag-aral sa iisang paaralan. Walang pakealam si Soleil sa kanyang kapaligiran pero sa

kuryusidad niya pinagbigyan niya ang kanyang sarili upang tumuklas sa mga bagay-bagay.

Habang kaharap niya ang kanyang manliligaw grabe kung tumili ang kanyang mga kaibigan pero

nahihiya si Soleil na ngumiti sa binata at ng ngitian siya at sabihan ng matatamis na salita may

kakaibang emosyon ang kanyang natuklasan at para sa kanyang ito’y napakasarap sa puso.

Nagpatuloy ang mga araw nakakalimutan na ni Soleil ang sarili, napapadalas na ang hindi

pagpsama niya sa kapilya, nawawalan na siya ng oras sa pananampalataya sa Diyos, minsan may

mga araw na hindi siya nakikihalobilo sa kanyang pamilya. Nakalimutan na ni Soleil ang

panginoon na siya’y gumabagay sa kanya. Nakalimutan na rin ang kanyang pamilya na

nagmamahal sa kanya. Lumalayo na ang loob ni Soleil sa kanyang mga kapatid at pinsan.

Napapadalas na ang pagsama niya sa mga kaibigan niya upang gumawa ng mga aktibidades at

requirements pero minsan ginagawa niyang rason ito upang siya’y makagala o makapasyal.

Labis ang pagtataka ng kanyang pamilya sa kanya dahil hindi na nila mahanap ang dalagang

Soleil na palaging nasisislayan ang ngiti.

Dahil si Soleil ay aliw sa mga tanawin maagap siyang umo-o sa imbitaayon ng kaarawan

ng kanyang kaibigan sa resort kung saan pumunta ang buong pamilya ng Smith. Sa daratingbna

ligo pa lamang naman itong magaganap dahil may pasok pa sila sa paaralan kapag Lunes

hanggang Biyernes. Inabala lang ni Soleil ang kanyang sarili sa paaralan at sa kanilamg bahay.

Hindi pa siya nakapag-paalam sa kanyang mga magulang dahil siya’y nahihiya kaya naisipan

niya itong sumama sa kapilya sa darating na Sabado upang makuha niya ang loob ng kanyang

mga magulang at payagan siya. Sumapit ang araw ng Biyernes, tinanong siya ng mga kaibigan

niya kung pinayagan na ba siya at sinabi niyang himdi dahil hindi niya pa ito nasasabi sa

kanyang magulang. Ngumiti naman ang kanyang mga kaibigan sa kanya at pinilit-pilit na dapat
siya’y nandoon sa kaarawan ng kanyang kaibigan. Kagagaling lang ng buong pamilyang Smith

sa kapilya. Napangiti si Soleil dahil siya’y pinayagan pagkatapos niyang sabihin ang pupuntahan

niya kinabukasan pero sa hindi kaalaman ni Soleil may duda ang kanyang mga magulang sa mga

pinaggagawa nito sa kanyang pinupuntan.

Kinabukasan, alas nuebe palang ng umaga nandoon na sa resort si Soleil kasama ang mga

kaibigan niya. Sila’y nagsisisyahan, nag-usap-usap upang tungkol sa saan saan pagkatapos

pinagditiwang na nila ang kaarawan ng isa nilang kaibigan sa pagsapit ng tanghali. Sila’y

nagkatuwaan at kumain bago napagdesisiyonan nilang maligo sa dagat. Nagunahan sila

papuntang dagat upang maligo pero si Soleil ay naging mapagmasid sa kanyang kinaroroonan.

Hindi pa siya marunong lumangoy sa kailaliman kaya hanggang sa ibabaw lang pero sinamahan

siya ng isa niyang kaibigan. Sa hindi inakalang pagkakataon, nakita niya ang manliligaw niyang

nakamasid sa kanya at siya’y nginitian. Nagtataka si Soleil kaya napatingin siya sa kaibigan kaya

napasabi ang kanyamg kaibigan na may inimbita silang mga kalalakihan sa kanilang paaralan.

Tumango na lang si Soleil at siya’y gumanti rin ng ngiti sa binata dahil hindi niya maipinta ang

galak.na kanyang nararamdaman. Sumapit ang hapon, napagpasya ang kanyang mga kaibigan na

sila’y magiinuman. Walang imik si Soleil dahil hindi naman siya umiinom pero dahil mapaglaro

ang kanyang mga kaibigan siya’y pinilit. Hindi mapakali at nalilito si Soleil kaya wala siyang

naggawa kundi ang pumayag dahil minsan lang naman ito sa kanyang buhay. Tinungga ni Soleil

ang alak na inilahad sa kanya kaya nagsisigawan ang kanyang mga kasamahan. Biglang naginit

ang kanyang pisngi dahil sa alak agt sa mainit nitong dala sa kanyang katawan. Nagkasiyahan

sila ng kanyang mga kaibigan hanggag umabot sa anim ang kanyang nainom na alak. Hindi na

mawari ang wisyo ni Soleil dahil siya’y nahihilo kaya napagdesisyonan niya ng tumigil. Hindi

nila napansin na sumasapit na ang gabi habang si Soleil ay nasa sulok na nakaupo habang
nakapikit ang kanyang mga mata, dindama ang kanyang sarili. Tumayo siya at nagpaalam na

lumabas saglit para magpahangin, sumunod naman sa kanya ang kanyang manliligaw dahil sa

pag-alala kay Soleil.

Naglakad-lakad si Soleil hanggang naupo siya sa may tago na parte pero kalaunan dij umupo

rin ang kanyang manliligaw sa kanyang tabi. Ipinag walang bahala na lang niya ang kanyang

manliligaw dahil kilala niya naman itong mabait. Dahil sa hilo isinandal na ang kanyang ulo sa

balikat ng binata, napangiti naman ang binata sa nagyayare. Dahil sa alak naging madaldala si

Soleil kaya naibahagi niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkwekwento. Nasiyahan

naman ang binata sa pagtawa at pangiti ni Soleil. Gayun din si Soleil hindi niya maiwasang

mapatitig sa lalake hanggang lumalapit ang kanilang mukha sa isa’t-isa upang damahin ang isang

halik. Halos tumagal ng mga segundo ang kanilang halik hanggag may maramdaman na init si

Soleil pero agad din bumalik ang kanyang katinuan at tinigil ang halik. Nabigla siya sa

pangyayari ukaya agad siyang tumayo at napagdesisyonan na sila’y bumalik na dahil kailangan

na niyang umuwi dahil panigurado hinahanap na siya ng kanyang mga magulang. Noong

nakabalaik na sila agad na niyang nagpaalam umuwi. Ayaw pa ng kanyang mga kaibigan pero

sabi nila na huling inom na daw niya ng isang alak kaya tumango siya at nilagok ang inilahad

nilang alak. Nagtawanan sila pero hindi ni inaasahan ang susunod na pangyayare.

Nawala ang ngiti ni Soleil ng makita niya ang kanyang mga magulang na palapit. Kinabahan

siya ng buong puso. Saglit na tumahimik ang kanilang lugar hanggag sa makaabot na ang

kanyang magulang. Hindi ngumiti ang kanyang nanay nung ipag-paalam niya na ang kanyank

anak na si Soleil na sinusundo nila ito dahil gabi na. Mabilis namang tumango ang kanyang mga

kaibigan. Labis ang kaba ng puso ni Soleil dahil alam niyang labag ang ginawa niya sa pamilya
niya. Kabilin-bilinan ng kanyang ina na huwag na huwag siyang uminom ng alak dahil kailan

man ito’y hindi mabuti sa kalusugan ng isang babae.

Natagpuan na lang ang sarili ni Soleil na umiiyak dahil siya lamang ay pinapagalitan ay

sinisigawan siya sa unag pagkakataon ang kanyang ina. Sinusubukan niyang mangpaliwanag

pero labis ang galit ng kanyang ina habang ang kanyang ama ay malungkot lang na ngumiti.

Umiiyak si Soleil sa kanyang mga salita ng kanyang nanay at pigil ang hikbing gustong

kumawala sa kanyang puso. “Anong nagyayarin anak?!” “Hindi na ikaw ito Soleil” “Sabi ko

na nga ba hindi maganda ang dulot ng mga kibigan mong yan sayo eh!” “Lumalayo na ang

sarili mo sa amin anak!” “Miss na miss kana namin anak,, ang mga ngiti mo ang pagiging

masiyahin mo sa amin.” “Napalayo na ang loob mo sa amin anak lalo na sa panginoon.” Doon

napaisip si Soleil at lalong bumuhos ang kanyang luha. Bumalik ang kanyang mga ala-ala sa

nagdaang mga araw at taon niya sa sekondarya at doon niya lang napansin ang malaking

pagbabago sa kanyang sairili. Nakita niya ang pagkakamali niya, nakita niya ang landas na

kanyang tinatahak na ito’y nagdadala sa kanya malayo sa kabutihan. Grabe ang kanyang

pagsisisi sa kanyang sarili. Humingi siya ng tawad sa kanyang mga magulang at umiling lamang

ang kanyang ina tapos tahimik na umalis sa kanyang harapan.

Nagmukmok buong gabi si Soleil sa kanyang kwarto. Umiiyak siya sa pagsisusi at sa mga

daming ala-ala niyang hindi siya makapaniwala na nagawa niya sa kanyang buhay. Sa manbigat

na damdamin ni Soleil sa muling pagkakataon siya’y lumuhod at nanalangin siya sa panginoon.

Umiiyak si Soleil habang siya’y humihingi ng kapatawaran sa ikatataas. Buo ang kanyang puso

na humingi ng gabay at pagbabago sa kanyang para sa kanyang sarili sa panginoon. Tinapos niya

ang mahabang pakikiusap at panalangin niya sa Diyos pagkatapos noon gumaan ang kanyang

pakiramdam at mabilis na natangay ng antok dahil sa pagod.


Kinaumagahan, mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan ng kanyang mga magulang.

Natagpuan niya ang kanyang ina sa kanilang hardin sa bakuran nila. Mabilis na iniyakap ni

Soleil ang kanyang mga kamay sa kanyang ina upang sabihin ang mga katagang “Patawarin mo

ako inay, pinagsisihan ko lahat dahil sa paninibago ko sa mga kaibigan ko hindi ko namalayan

na nalalayo na ako sa inyo, nagagawa ko ang mga bagay na hindi naaayon sa ano ang tama.”

Umiyak si Soleil habang ngumiti lamang ang kanyang ina sa kanya. “Patawarin mo ako inay.”

Hindi napigilan ni Soleil ang umiyak ng umiyak noong sinabi ng kanyang ina na “Pasensiya na

anak kung nagalit si nanay, bata ka pa kaya alam kung madami kapang mararanasan sa buhay,,

madami kapang haharapin sa buhay pero palagi mong alalahanin na piliin mo kung ano ang

nakakabuti sa iyong sarili. Ipinangako ko sa panginoon na ikaw ay magiging mabuting anak at

ilalapit kita sa kanya dahil isa kang milagro at biyayansa aming buhay anak. Isa kang

matinding dasal na pinaunlakan ka samin sa panginoon na magkaroon kami ng anak na babae.

Sana mainyindihan mo anak na nan diyan palagi ang panginoon upang gabayan ka. Mahal ka

namin anak. Sana maintindihan mo kami.” Walang pag alinlangan niyan itinangonang sinabi ng

kanyang ina dahil naintindihan niya ang mga ito. Nagyakapan ang mag-ina pero dumating ang

mga kalakihan sa kanyang pamilya kaya nakiyakap na rin sa kanila at sila’y nagtawanan.

May gaganaping padiriwang ang paaralan na oinapasukan ni Soleil at napili siya bilang

kandidato para sa Mr & Miss SMNHS na gaganapin sa susunod na linggo. May isang linggo na

ang nakalipas nung sinimulan na ni Soleil na i-train siya kung paano rumampa. Sa una, hindi

sang-ayon si Soleil sa kadahilanan na hindi naayon sa kanyang mithiin at paniniwala na ang

amga babae ay kinikilalang mahinhin para sa pagsali sa mga ganyang pangkaraniwan na

kaganapan. Napilit lang siya ng kanyang mga magulang dahil sa kagustuhan ni lang makilala ang

kanilang anak sa taglay nitong talino pero sinabihan siya ng kanyang ina na “matalo man o
manalo anak, panalo ka parin sa amin”. Napangiti na lang si Soleil sa na engkwantro niya sa

mga magulang. Bumalik ang kinikilalang Soleil at nakita niya kung paano ang layo ang naabot

ng kabutihan sa sarili. Hindi na siya madalas na gumagala o sumasama sa mga kaibigan niya.

Hindi siya nagaalanganin na tumangii kung alam niyang hindi makatwiran ang rason upang

siya’y gumala. Hindi naman siya pinagbabawalan ng kanyang mga magulang sa kaalaman na

alam na niya kung anu ang mabuti at hindi sa kanya dahil malaki na siya para makapagdesisyon

sa kanyang sarili.

Napabuntong hininga si Soleil habang naglalakad siya pauwi galing sa skwelahan.

Pinagmamasdan niya ang tahimik na paligid at mga huni ng mga ibon. Napakapayapa ang araw

na ito kaya sinamantala niyang maging positibo. Bukas na gaganapin ang Mr & Miss. SMNHS

kaya pinili niyang bigyang kalayaan ang kanyang sarili malayo sa pag-iisip. Habang pauwi siya

napadaan siya sa nagtitinda ng ice cream . Bumili siya at pinili niya ang lasang ube. Busog ng

kasiyahan si Soleil nung umuwi siya pero mas nasiyahan siya sa sorpresang ginawa sa kanya ng

mga pamilya niya. Nandoon lahat sa lamesa ang kanyang mga tiya at tiyo maging ang kanyang

mga pinsan. Umuwi sila upang masilayahan si Soleil sa gaganaping pagdiriwang kinabukasan.

Nagsalo-salo sila sa hapag kainan sabay ang pagdilim sa pagsimula ng gabi.

Kinabukasan, maingay na hiyaw ang bumungad kay Soleil sa labas habang sila’y

naghahanda sa paglabas. Siya’y hindi mapakali at pilit na kinakalma ang kanyang puso sa

malakas nitong pagkabog. Napansin ni Soleil na parang may kulay sa paghahanda niya pikit

niyang iniisip hanggang makita niya ang silid kung saan papunta sa CR. Dali-dali niyang tinahak

ang daan papunta sa CR ng nakita niyang mag-isa siya sa loob sinara niya ang pint. Siya’y

huminga ng malalim, lumuhod at pinikit ang kanyang mata upang manalangin at humingi ng

gabay sa panginoon. Naging emosyonal at magaan ang pakiramdam ni Soleil habang nanalangin
siya. Ginhawa ang kanyang naramdaman noong lumabas siya. Taas noo siyang naglakad pabalik

sa linyang nailaan sa kanya.

Sa oras na siya’y lumabas sa pilpito upang ipakilala ang kanyang sarili. Nakita niya ang

kanyang pamilya sa my gilid malapit sa entamblado na humihiyaw at nagpapakita ng buong

suporta. Nakita niya sa mlapit ang dating manliligaw niya na kanyang kinausap na panatilihin na

lang muna ang pagiginv magkaibigan nila Ngumiti ang binata sabay pakita ng thumbs-up

tumawa na lang si Soleil at tumango. Sinigaw ni Soleil ang kanyang buong pangalan at ang

kanyang seksyon at baitang kasunid nito ay ang maingay na hiyawan at pagsabi ng pangalan niya

sa pamamagitan ng pagsuporta. Pero hindi nagpapahuli ang kanyang pamilya dahil sila’y

inilabas ang isang malaking plarawan niya na may nakasulat na pangalan niya at ang kanyang

numero bilang kandidato. Hindi maiiawasan ni Soleil na pasalamatan sila sa kalooban niya.

Naging mainit ang labanan pagdating sa question & answer. Magaganda ang kasuutan ng mga

kababaihan tulad rin ng kanilang mga sagot. Pilit niyang pinapanatag ang kanyang sarili hanggag

siya’y tinawag para sa Q&A. Bawat paghakbang niya palapit sa entablado suot ang kanyang

kumikinang na kulay gintong damit na may mahabang saya na hapit na hapit sa kanyang

katawan habang sa laylayan ay parang bulaklak na bumumusilak sa bawat hakbang niya.

Sinisigaw nila ang kanyang pangalan bupang ipadama ang suporta nila kay Soleil. Sa ganda ng

damit ni Soleil ay siyang ganda ng ngiti niya. Hindi niya maiwasang mamangha sa sarili na

mararanasan niya rin ang ganitong kaganapan na minsan napapanood niya sa telebisyon.

Tumahimik ang lahat ng siya’y tanungin. “If you were given a chance to choose between love

and your dreams, what would it be?”. Biglang naglabasan ang mga ala-ala ni Soleil mula sa

kanyang murang edad hanggang sa magkaroon siya ng pansin at malay sa mundong ito. Sa isang

iglap naka buo siya ng kanyang sagot dulot ng aral ng kanyang mga karanasan sa buhay.
Ngumiti si Soleil at binati ang mga manonood bago sinagot ang tanong na minsan hindi niya

inakalang makakapagsabi siya ng mga salitang maging inspirasyon sa lahat. “ Kung ako ang

pagpipiliin, I’ll choose my dreams before love. Dream is something we aim for our lifetime

career to live forward. We have only our dream at once for years to spent so don’t loose the

opportunity, take it and make it happen. We get old and time will move forward and never make

it to reverse. While reaching that dream, love is waiting. Love will always be there, love can

wait, so do you.”

Nakakabinging palakpakan at tiliian noong inanusiyo si Soleil bilang panalo sa Search for

MR.& MISS SMNHS. Sa sobrang tuwa niya hindi niya napigilang umiyak sa harap ng

napakaraming tao. Agad siyang dinaluhan ng kanyang pamilya at mga kaibigan upang siya’y

batiin. Pinaputok nila ang conffeti bilang pagdiriwang sa pagkapanalo ni Soleil. Itinaas ni Soleil

ang kanyang kamay at iwinagayway sa mga tao. Tumingala siya sa taas at binigkas niya ng

buong puso ang pasasalamat niya sa panginoon. Napagtanto ni Soleil na hindi lahat ng buhay na

maayos ay nakokonteto lamang sa pisikal na materyal at pansariling kasiyahan. Hindi lahat ng

mga bagay na natatanggap ng ating buhay maganda man o walang pakinabangan ay hindi ito

nagpapakita kung anong layo na ng ating narating. Lahat ay maroong ugat kung saan nagsimula

ang lahat iyon ay ang buhay. Buhay na siyang regalo natin galing sa panginoon na dapat natin

ipasalamat araw-araw dahil ang panginoon ay siyang ating buhay at tagumpay na nagbibigay ng

iba’t-ibang kulay na naghahatid ng rason upang tayo’y magpatuloy sa hinaharap at makamit ang

tunay na tagumpay.

You might also like