You are on page 1of 4

KABANATA 1 Pagkatao

Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng isang lipunan sapagkat lahat ng makikita natin
sa lipunan ay nag-ugat sa pamilya. Tinuturo sa atin ng mga nakakatanda sa ating pamilya kung
ano ang tama at mali batay sa mga kultura at tradisyon sa lipunan. Ngunit, magulo na minsan ang
kapaligiran natin gawa ng mga digmaan, pagtatalo ng magkabilang kampo, pagtatapon ng mga
basura kung saan-saan, pagnanakaw ng ari-arian ng iba, pagpatay sa katauhan ng ibang tao gaya
ng panggagahasa sa mga kababaihan at paghihiganti sa kapwa tao, pagsisinungaling at mga
pressures sa buhay. Ang lahat ng itoy nagsisimula sa mga simpleng problema sa pamilya na
pinapalala at pinababayaan imbes na solusyunan ito. Natatakot minsan ang isang pamilya na
harapin ang problema dahil alam nilang kapangyarihan gaya ng pera lamang ang makakasagot sa
lahat ng problema o kayay nakikita natin ang lipunan na may hindi kagandahang kultura at
tradisyon. Kapag naniwala tayo sa isang katotohanan na taliwas sa mga pamantayan ng lipunan,
kinikimkim na lang ito sa ating mga sarili imbes na ibahagi ito sa iba nang umunlad ang estado
ng lipunan sapagkat alam nating napakaraming gagawa ng masama sa atin gaya ng pagbaril sa
ating mga likod. Bawat araw ay may posibilidad na magbago ang pamantayan ng tama at mali sa
lipunan sapagkat nagbabago ang takbo ng buhay ng bawat tao na nakatira dito. Iba ang
henerasyon ng ating mga ninuno, magulang o nakakatanda sa atin sa mga kabataan. Dahil
magkakaiba ang henerasyon sa paglipas ng panahon, magbabago rin ang basehan ng tama at mali
sa ating lipunan na minsan at tataliwas pa sa nakaraang henerasyon. Ang pagbabago sa ating
lipunan ay nakadepende sa mga aplikasyon ng mga natutunan ng mga tao sa kanilang mga
desisyon sa buhay at ang mga desisyong ito ay nakabase sa mga nangyayari sa ating pamilya.
Ang buong nobelang ito ay nakapokus sa mga pangyayaring naganap sa buhay ni Adrian
Joven Yu Dizor o AJ sa eskwelahan mula high school hanggang kolehiyo pero bago ang lahat,
alamin muna natin ang kanyang personalidad at buhay sa tahanan. Si AJ ay isang lalaking
punung-puno ng imahinasyon at pangarap sa buhay na kadalasan ay tungkol sa kanyang pagibig. Tahimik siyang tao sapagkat natatakot siyang bulyawan o iwanan ng mga taong mahal niya
sa buhay. Dahil sa madami siyang iniisip, nakakalikha ito minsan ng mga katotohanan sa buhay
na hindi alam ng nakararami ayon sa kanyang obserbasyon sa kanyang lipunan. Iinisip nga niya
minsan na may pagkababae siyang puso dahil sa mga kahinaan niya sa buhay pero may
napupusuan siyang babae. Gusto rin niya magkaroon ng maraming kaibigan kahit hindi siya
gaano nagsasalita kapag may kausap siya. Nais din niya gawin ang lahat ng bagay na kayang
gawin ng mga taong kilala niya sa buhay niya para masabi siyang may silbi sa lipunan at sa
kanyang pamilya. Mahilig din siyang maglaro at manood ng mga video games sa YouTube at
malakas siyang magpatugtog kapag ginagawa niya ang mga ito lalo na sa kanyang tahanan. Yu
ang kanyang middle name dahil siyang may lahing Chinese. May lahing Chinese ang kanyang
lolo na si Antonio Yu, Sr. o Antonio. Bago pa man pinanganak si AJ, namatay na si lolo
Antonio kaya hindi niya namasdan ang itsura at ugali nito. Naghahanda ang pamilya kapag
anibersaryo na ng kamatayan ni lolo Antonio.
Ang kanyang tirahan ay nasa Block 66, Lot 18, Phase 2, Golden City Subdivision,
Barangay Dila, Santa Rosa, Laguna. Tinayo ito dahil sa pagsasama ng mag-asawang Rosie Yu
Dizor o Rosie at Rey Dolendo Dizor o Rey na naging nanay at tatay ni AJ. Hindi gaano alam ni
AJ kung ano eksakto ang trabaho ni tatay Rey pero alam niyang nasa California sa United States
of America (USA) siya nagtatrabaho mula nung umalis siya ng bansa noong Marso 3, 2001,

tatlong buwan bago ipanganak ang bunso niyang kapatid na si Alyssa Rosemarae Yu Dizor o
Alyssa. Kahit noong Hunyo 2001 pinanganak si Alyssa, ang kaarawan niya ay sa Mayo 25. Si
nanay Rosie naman ay nagtatrabaho sa City Medic sa Santa Rosa, Laguna bilang isang
boluntaryo na nars. Hindi matandaan ni AJ kung kalian nagsimula magtrabaho si nanay Rosie sa
City Medic ngunit kolehiyo na siya nun nung nagsimula ang nanay niya doon. Nagpapadala si
tatay Rey minsan ng kanyang sweldo sa tirahan nila para sa mga bayarin sa buhay nilang
magpapamilya. Nagpapadala nga si tatay Rey minsan ng mga kagamitan, pagkain at inumin
noon at ang isa sa mga ito ay ang Play Station Portable (PSP) noong Setyembre 2008. Dito
madalas nagtatalo noon sina AJ at ang kanyang tita na naninirahan na sa bahay nila na si Leny
Dela Cruz Yu o Leny. Nakikipagtalo rin kay tita Leny si Alyssa at ang isa pa niyang kapatid na
si Mark Joseph Yu Dizor o Mac-mac. Akala noon ng magkakapatid ay makasarili si tita Leny
sapagkat hindi siya dati tumitira sa bahay nila AJ at napapansin ng magkakapatid na sa PSP
madalas nagagalit si tita Leny sa kanila. Halos maghapon kasi naglalaro ng PSP araw-araw ang
magkakapatid nun na pinababayaan na ang kanilang pag-aaral. Dahil dito, tinatago nila nanay
Rosie, tita Leny at ang asawa niyang si Antonio Yu, Jr. o Boy kapag may mababa silang marka
sa eskwelahan. Si tito Boy ay naninirahan na rin sa bahay nila AJ gaya ni tita Leny. Bumibisita
lamang sina tita Leny at tito Boy noon sa bahay kasama ang mga pasalubong sa kanila at mabait
sila nun sa pamilya. Nang lumipas ang panahon, nauunawaan na ng magkakapatid ang mga ito at
medyo nagbabago na ang kanilang mga gawain sa bahay sa araw-araw. Ngunit dahil
nakasanayan na ng magkakapatid, may mga video games pa rin silang nilalaro hanggang sa
ngayon.
Si AJ ay panganay sa tatlong magkakapatid at ang pinakamatagal na nakasama ni tatay
Rey. Malikot si AJ noong bata pa siya kaya pinapagalitan ito minsan ni tatay Rey. Dahil sa takot
na may mangyaring masama sa kanya, inaawat ni Juliana S. Polidario o Juling si tatay Rey. Si
Juling ay lola nila AJ, Mac-mac at Alyssa at nanay nila nanay Rosie at tito Boy na naninirahan
din sa bahay nila AJ. Si lola Juling ang asawa ni lolo Antonio. Si lola Juling din ang nag-alaga
kina AJ at Mac-mac noong bata pa sila. Naging apostolado din siya mula noong 2004 sa
simabahan ng Our Lady of the Most Holy Rosary malapit sa bahay nila subalit sa kabilang
banda, gusto niya maglaro ng mga baraha na may tayang pera kasama ang mga kasamahan sa
bahay at nagagalit siya kapag natatalo siya sa laban. Mabilis din siyang magduda sa mga bagaybagay kaya minsan ay nagagalit sa kanya ang mga kasamahan niya sa bahay. Ang kanyang anak
naman na si tito Boy ay kasalukuyang nagtuturo sa mga taong kakilala niya sa labas ng bahay ng
mga taktika at mga batas sa paglalaro ng chess. Kadalasan sa mga taong ito ay mga bata, binata
at dalaga na may hilig sa paglalaro ng chess. Dahil dito, gabi na siya madalas umuuwi ng bahay.
May pagkakatamaran si tito Boy pagdating sa gawaing-bahay sapagkat madalas ay ang kanyang
laptop ang kaharap niya at nagagalit pa siya minsan kapag inuutusan siya ni tita Leny. Ganito din
minsan sina AJ at ang kanyang mga kapatid kapag inuutusan sa bahay pero sumusunod naman
sila kahit puro sila reklamo. Kabaligtaran sila ni tita Leny na masipag sa gawaing bahay at
marami pang kakilala sa mga kalapit nilang bahay sa subdivision. Si nanay Rosie naman ay
naglalaro madalas ng larong Crossfire kapag wala siyang duty o ibang gagawin sa bahay at
umaabot siya minsan ng madaling araw dito. Natuto siya maglaro nito kay Mac-mac noong 2012
na naglalaro rin ng Defense of the Ancients (DotA) at League of Legends (LoL). Si Mac-mac
lang sa pamilya ang mahilig maglaro ng DotA at LoL. Natuto si Mac-mac maglaro ng Crossfire
dahil naturuan siya nito ni Orlando Polidario Yu o Itoy sa bahay nila sa Novaliches, Quezon
City. Si Itoy ay isa rin sa mga tito nila Mac-mac, AJ at Alyssa na anak ni lola Juling. Siya lang sa

pamilya ang naninigarilyo at maraming kasingtahan. Ang orihinal na asawa niya ay si Neressa
Daz o Neri pero naghiwalay sila dahil nahuhuli ni tita Neri minsan na may ibang babae si tito
Itoy at dahil nagkakadamutan sila sa pera. Gaya ni nanay Rosie, sina Mac-mac at tito Itoy ay
umaabot din ng madaling araw sa paglalaro ng mga ito. Dahil dito, pati si AJ ay nahawa na sa
ganitong gawi at naglalaro na rin ng Personal Computer (PC) hanggang madaling araw mula
nung 2014 kapag wala siyang pasok sa paaralan. Si tito Itoy ay bihira lang bumisita noon sa
bahay nila AJ pero naninirahan na ngayon dahil nais niyang ipakilala sa pamilya niya ang bago
niyang kasingtahan na naninirahan na din sa bahay, si Joy. Kahit naninirahan silang dalawa sa
bahay, may sama ng loob sina nanay Rosie, tito Boy, tita Leny at lola Juling kay Joy dahil hindi
naman nila ito kadugo at may nababalitaan sila na pineperahan lang ni Joy si tito Itoy. Sa
katunayan, alam ni tito Itoy ang issue na ito dahil nagpag-uusapan ito kasama ang apat na
nabanggit ngunit walang pakialam si tito Itoy dito.
Pumupunta minsan sina nanay Rosie, tito Boy at tita Leny sa Novaliches, Quezon City
para bisitahin nila ang mga kamag-anak nila doon. Isa na dito ay si Linda Yu Jacusalem o
Linda na siyang isa sa kapatid nila nanay Rosie, tito Boy at tito Itoy at isa sa mga tita nila AJ,
Mac-mac at Alyssa. Nagtitinda si tita Linda dati ng peanut butter sa mga kakilala niya sa lugar
nila. Bumibisita din si tita Linda dati sa bahay nila AJ lalo na ang isa sa mga anak niya na si Kris
Joy Yu Jacusalem o Boneneng. Kapag wala si Boneneng sa bahay nila AJ, nakakainip at
tahimik sa bahay sapagkat mapagbiro siya sa mga taong nakatira dito. May kanya-kanyang
mundo kasi ang bawat miyembro sa bahay. Si lola Juling ay madalas nanonood ng telebisyon
kahit may problema na siya sa pandinig at paningin. Naglalaro sina AJ, Mac-mac at Alyssa sa
magkakaibang gadget gaya ng cellphone at tablet. Ngunit kahit ganito ang buhay ng pamilya,
nagkakasiyahan naman sila at nagkakaroon din minsan ng salu-salo kapag may nangyari sa isa sa
mga miyembro sa bahay gaya ng kaarawan, pasko at pagtatapos sa isang antas ng pag-aaral.
Pinanganak si AJ noong Hulyo 12, 1995 sa Manila kaya kapag ika-12 na ng Hulyo, naghahanda
sila para sa kaarawan ni AJ. Magkalapit sila ng kaarawan ni tito Boy na Hulyo 25. Si Mac-mac
naman ay pinanganak noong Enero 12, 1999 kaya kapag ika-12 na ng Enero, naghahanda sila
para sa kaarawan nito. Ang kaarawan ni Mac-mac ay palaging tatlong araw ang nakalipas
matapos ang pagdiriwang ng itim na Nazareno. Magkalapit sila ng kaarawan ni tita Leny na
Enero 29. Ang petsa naman kung kalian pinanganak si nanay Rosie ay Setyembre 16, 1972,
limang araw bago dineklara ang Martial Law sa Pilipinas. Ang petsa naman kung kalian
pinanganak si tatay Rey ay Abril 25, 1961. Malapit ito sa araw ng pagsibol ni lola Juling na Abril
2, 1938. Ang kaarawan naman ni Boneneng ay Disyembre 20, limang araw bago ang Pasko.
Minsan, tumatawag si tatay Rey sa bahay para kamustahin ang pamilya niya sa Laguna. Kapag
may nababalitaan siyang masama sa pamilya gaya ng mababang grado ng kanyang mga anak,
pinagsasabihan nito si nanay Rosie kung anong dapat gawin sa kanila at minsan ay nagsasagutan
ang mag-asawa. Sa kabila ng mga ito, nagkakabati naman ang mag-asawa kaagad kahit minsan
ay nagdududa si nanay Rosie sa mga nangyayari kay tatay Rey sa California, USA dahil sa
kakuriputan nito. Bihira lang bumisita si AJ sa bahay nila tita Linda at tito Itoy at ang huling
bisita niya doon ay noong elementarya pa siya.
Minsan sa buhay, nagkakaroon ng mga problema ang pamilya sa buhay gaya ng pamilya
nila AJ na akala natin na hindi mareresolba ang mga ito o hindi na magiging masaya muli ang
pamilya. Nakakalimutan natin na hindi nawawala ang pag-asa sa mundo na siyang gagawa ng
solusyon para matapos ang mga problemang ito. Huwag nating kalimutan na ang mga

problemang ito ay mga pagsubok lamang sa buhay para mahanap natin ang ating sarili. Huwag
nating tignan ang dami ng problema natin para hindi natin maramdaman ang poot sa ating mga
sarili. Tumingin tayo sa mga magagandang nangyari at natanggap natin sa buhay para
maramdaman natin ang kagandahan ng ating buhay na sa ganun ay makita natin ang aral dito na
maaaring ibahagi sa iba. Dito na nagtatapos ang mga pangunahing impormasyon tungkol sa
pamilya ni AJ, ang unang kabanata ng nobela. Dumapo na tayo sa buhay-estudyante ni AJ, ang
pinakapokus ng nobelang ito, na magsisimula na sa susunod na kabanata.
MGA TAUHAN SA UNANG KABANATA:
1. Adrian Joven Yu Dizor taong nais gawin ang lahat ng bahay na ginagawa ng mga
kakilala niya
2. Antonio Yu, Sr. lolo ni Adrian Joven Dizor na namatay bago ipinanganak ang
panganay na anak ni Rosie Dizor
3. Rosie Yu Dizor nanay ni Adrian Joven Dizor na mahilig maglaro ng Crossfire
4. Rey Dolendo Dizor asawa ni Rosie Dizor na nagtatrabaho sa California, United States
of America
5. Alyssa Rosemarae Yu Dizor bunsong kapatid ni Adrian Joven Dizor na pinanganak
nung umalis na sa bansa ang kanilang tatay
6. Leny Dela Cruz Yu tita ni Adrian Joven Dizor na madalas nagagalit noon sa
magkakapatid na Adrian Joven Dizor, Mark Joseph Dizor at Alyssa Rosemarae Dizor
dahil sa maghapong paglalaro ng Play Station Portable
7. Mark Joseph Yu Dizor kapatid ni Adrian Joven Dizor na mahilig maglaro ng Defense
of the Ancients at League of Legends
8. Antonio Yu, Jr. asawa ni Leny Yu na naninirahan sa bahay nila Adrian Joven Dizor
9. Juliana S. Polidario asawa ni Antonio Yu, Sr. na nag-alaga kina Adrian Joven Dizor at
Mark Joseph Dizor nung bata pa lang sila
10. Orlando Polidario Yu kapatid ni Rosie Dizor na naninigarilyo at maraming
kasingtahan
11. Neressa Daz asawa ni Orlando Yu na nakahuli ng ibang babae ni Orlando Yu
12. Joy kasingtahan ni Orlando Yu na naninirahan sa bahay nila Adrian Joven Dizor
13. Linda Yu Jacusalem kapatid ni Rosie Dizor na nagtitinda ng peanut butter sa kanyang
lugar sa Novaliches, Quezon City
14. Kris Joy Yu Jacusalem anak ni Linda Jacusalem na nagbabakasyon sa bahay nila
Adrian Joven Dizor

You might also like