You are on page 1of 3

Dekada 70 : Ang Buod

Ang panahon ng Martial Law ay nagdulot ng sobrang paghihirap sa mamamayang Pilipino.


Ang pagkakaroon ng isang di-makatao at di-makatarungang pamahalaan na nagbibingi-
bingihan sa daing ng mamamayan ay labis na nagpapahirap sa kanila.

Sari-saring klase ng krimen ang nararanasan gaya ng rape, kidnapping, murder at iba pa.
Laganap din ang mga rally ng mga estudyanten na imbes mag-aral ay isinugal ang sariling
kapakanan makatulong lang para makamit ang kalayaan.

Ang ganitong sitwasyon ay patuloy ding bumabagabag kay Amanda Bartolome, isang
simpleng maybahay at ina ng 5 anak na pulos lalaki. Buong buhay niya ay nauubos sa
pagiging ina at asawa at pinilit niyang makontento sa ganito kahit alam niyang may kulang
sa kanya. Mayroon siyang mga pangarap ngunit hindi na niya natupad kaya’t bilang ina
iniisip na lang niya na ang katuparan ng pangarap ng mga anak ay katuparan din ng sa
kanya.

Si Jules ang kanyang panganay na mayroong liberal na pag-iisip. Naging isang komunista si
Jules at kahit hindi man ito maipagmamalaki ay dito niya nahanap ang pangarap na isang
makataong lipunan para sa anak nila ni Mara na s iRev at sa iba pang kabataan
naghahangad ng mabuting kinabukasan. Sumunod ay si Gani, maagang nag-asawa’t nagka-
anak ngunit mabilis din silang nagkahiwalay ni Evelyn. Siya’y nanirahan na sa labas ng
bansa kapiling ng kanyang bagong pamilya. Ang pangatlo si Em, pinakamatalino sa
magkakapatid naging isang magaling na manunulat sa isang lingguhang pahayagan na
tumutuligsa sa Martial Law.

Sumunod ang pinakamalambing na si Jason, ang kakulangan niya bilang estudyande ay


matagumpay na napagtatakpan ng katangian niya bilang anak. Isang araw sa di-inaasahang
pagkakataon, natagpuan ang kanyang bangkay sa isang basurahan, hubo’t hubad, labimpito
ang saksak, tagos sa baga ang iba tuhog pati puso. May marka din ng itinaling alambre sa
pulso, talop halos ang siko, tastas pati hita’t, tuhog, basag pati bayag. Malagim at malupit
ang pagkamatay ni Jason, salvage dahil kung bakit at kung sino ang maygawa walang
makapagsabi. Ang kaso ng pagkamatay ni Jason ay hindi na nagkamit ng hustisya. Ang
bunsong si Bingo namulat sa mundong walang katahimikan at walang katiyakan, ngayon ay
magtatapos na ng kolehiyo. Iba’t iba ang kinahinatnan ng buhay ng mga anak ni Amanda. Sa
loob ng 27 taon ng pagiging asawa at ina, sa kanyang palagay hindi siya ganap na umunlad
bilang tao.

Nagsilbi na lang siyang bantay sa paghahanap at pagkatagpo ni Julian ng katuparan niya


bilang tao, sa paglaki ng kanyang mga anak at pagtuklas ng kanilang kakayahan at
kahalagahan. Si Julian naman ay naging manhid at parang walang pakialam sa kakulangan
nadarama ng kanyang asawa, naging walang kibo sa mga problemang kinakaharap ng
kanilang pamilya. Kaya minsan napag isip-isip ni Amanda na makipaghiwalay na dito, sa
kauna-unahang pagkakataon nagawa niyang ipaalam kay Julian ang pagkukulang niya sa
kanyang pamilya, lalo na kay Amanda.

Pinigilan siya ni Julian at nangakong magbabago at kanya namang tinupad ang pangakong
iyon.Paulit-ulit na binabalikan ni Amanda ang masasayang alaala ng kabataan ng kanyang
mga anak. Masarap ang maging ina habang maliliit pa ang mga anak mo, habang wala pa
silang sinasaktan sa’yo kundi kalingkingan ng paa mo na natatapakan nila sa kasusunod at
kapipilit magpakarga pero hintayin mo ang panahong kasintaas mo na sila, iyong panahon
ng pagkakaroon niya ng sariling isip at buhay, buhay na hiwalay na sa iyo, at matitikman
mo sa kamay niya ang mapapait na kamatayan habang inihahanda mo ang kasal na hindi
niya gusto.

Habang nagpuputukan sa tapat ng kongreso sa isang pagkakataong hindi pa siya umuuwi.


Habang binabasa mo ang balitang nasugatan siya sa isang sagupaan. Habang ibinibigay nila
sa’yo ang selyadong kabang ng batang kailanma’y di mo malilimutan hinugot mula sa tiyan
mo.
Ito ang nadama ni Amanda nang pumunta sila sa burol ni Willy, kaibigan at kasamahan ni
Jules sa NPA na napatay sa isang engkwentro.Naging mahirap para kay Amanda na
tanggapin ang pagkamatay ni Jason at ang pagsali ni Jules sa NPA, hindi niya mapigilan ang
sarili sa pagaalala sa kalagayan nito na minsan pa nga ay nagdadala ng mga kasamahang
sugatan sa kanilang tahanan upang ipagamot sa ina. Maging ang pagkasira ng relasyon nila
Gani at Evelyn. Ang pagkakamali at mga kabiguan ng kanyang mga anak ay nagagawa
niyang isisi sa sarili, iniisip niya na marahil meron siyang pagkakamali sa pagpapalaki sa
mga ito.Natamo niya ang kaganapan ng kanyang pagkatao sa pagtulong na kanyang
ginagawa sa mga sugatang kasama na dinadala ni Jules.

Pagtulong na bukal sa kanyang puso, tungkulin hindi naman iniatas sa kanya ninuman o
isang obligasyon, na kahit gaano man kapanganib ay nagawa pa rin niyang gampanan.Tuloy
pa rin ang laban tungo sa kalayaan, nakaalpas man tayo sa pagmamalupit ng diktador, tuloy
pa rin ang laban na sinumulan pa ng ating mga ninuno at hindi ito matatapos hanggang
may mga taong gahaman sa kapangyarihan. Marami pang buhay na handang ibuwis at
marami pang tulad nila Jules at Mara na handang makipaglaban upang makamtan ang
kalayaan ng ating bayan. Natutunan niyang pangibabawan, kahinaa’t kahirapan. Sa mga
kamay ng kaaway o sa larangan man. Magiting siyang naindigan.

You might also like