You are on page 1of 2

Raul Rogelio D.

Arriola

Dekada 70

Buod

Ang panahon ng martial law na naging dulot ng kahirapan sa buong Pilipino at naging lagap sa panahon
na yun ang ibat ibang klase ng krimen.Magkabilaan ang ga kaguluhan tulad ng rallies na kinasasangkutan
ng lahat ng estudyante upang makamit lamang ang kalayaan.Kaya ito ang bumabagabag kay Amanda
isang simpleng Pilipino na maybahay at ina ng limang lalaki.Isa sa limang magkakapatid ay si jules ang
panganay na anak ni Amanda at Julian na may liberal na pagiisip na naging isang komunista,di man nya
ito matatawag na isang tunay na propesyon ngunit dito nya natagpuan ang katuparan ng kanyang
pangarap.Pangarap na maging isang makatao sa lipunan para sa anak nila ni mara at sa lahat ng
kabataan na naghahangad ng magandang kinabukasan.Pangalawang anak nila Amanda at Julian ay si
Gani,maagang nagkaanak at nagasawa ngunit ay mabilis din sila nagahiwalay ng kanyang asawa na si
evelyn.At pagkatapos ng pangyayari na ito ay lumipad ito sa ibang bansa upang doon na maghanap ng
trabaho at manirahan kasama ang kanyang bagong asawa at pamilyang binuo.Sumunod ay si Eman
pinakamatalino sa limang magkakapatid at naging isang magaling na manunulat na tumatalakay sa
pangyayari sa martial law.Sumunod ay si Jason ang pinamakamalambing na anak ni Amanda ngunit sa
hindi inaasang pangyayari natagpuan ang kanyang labi sa isang basurahan hubo’t hubad at merong
labimpitong saksak sa katawan at may marka ng pinagtalian ng alambre sa kanyang pulso at halos talop
halos ang siko.Hindi malaman kung sino ang gumawa nito kay Jason ngunit ang kaso ng pagkamatay nito
ay hindi na rin nabigyan ng hustisya.At ang huli ay si bingo ang bunsong anak ni Amanda at Julian na
namulat na sa magulong mundo at walang katahimikan ngunit kahit ganun ang mundo na kinalakihan ay
malapit na ito makatapos ng kolehiyo.Sa loob ng dalawangput pitong taon na naging ina at asawa si
Amanda sa kanyang palagay ay hindi nya naramdaman ang pagunlad bilang isang tao.Naging isang ina
lang siya sa kanyang mga anak at naging bantay ng kanyang asawa .Ngunit si Julian naman ay naging
manhid at parang walang pakiramdam sakanyang asawa,naging palaging walang kibot sa mga problema
ng kanilang pamilya na kinakaharap.Kaya dumating si Amanda sa panahong gusto nalang nya
makipaghiwalay sa kanyang asawa na si Julian.Ngunit nagising si Julian ng sinabi ni Amanda ang kanyang
nararamdaman at nangako itong magbabago at ginawa naman nito ang kanyang pangako.Ngunit
dumadating din si Amanda sa panahong masarap balikan kung kelan maliliit pa ang kanyang mga anak at
masaya pang naglalaro.Ito ang nadama ni Amanda habang papunta sila sa burol ni willy ang kaibigan ng
kanyang anak na si jules sa NPA na namatay sa isang engkwentro.Mahirap para kay Amanda na
tanggapin ang kagustuhan ng kanyang anak na sumali sa NPA at ang pagkamatay ng anak na si Jason
hindi nya mapigilan ang kanyang sarili na alalahanin ang mga ito.Pati na rin ang pagkasira ng relasyon
nina gani at evelyn.Ang mga kabiruan at mga pagkakamali na nagagawa ng kanyang mga anak ay sa sarili
nalang nya sinisisi at iniisip niya na marahil mayroon siyang pagkakamali sa pagpapalaki sa mga
ito.Natamo na lamang ang kaganapan sa kanyang buhay sa pamamagitan ng pagtulong sa paggamot sa
mga sugatan na kasama ni jules.Pagtulong na bukal sa puso ang kanyang nararamdaman.Tuloy pa din
ang laban tungo sa kalayaan sa lahat ng tao tuloy pa rin ang laban na sinimulan ng ating mga ninuno at
hanggang sa ngayon dahil hindi ito matatapos hanggat may mga taong mapanglamang at gahaman sa
kapangyarihan.
Mga tauhan

1.Julian Bartolome Sr. pinuno ng pamilya Bartolome na nais ang lahat ng kanyang mga anak na maging
matagumpay sa buhay.

2.Amanda Bartolome asawa ni Julian at ina ng limang lalaki

3.Jules Bartolome panganay na anak nila Amanda at Julian at sumali sa NPA

4.Isagani “Gani” Bartolome pangalawang anak nila Amanda at Julian matapos ang pagpaplano na
magtrabaho para sa Navy ng Estados Unidos sa kabila ng mga pagtutol ni Jules dahil sa kakulangan ng
pagiging makabayan ng huli, si Gani ay naging pangalawang tagalikha ng pamilya at ang kanilang pag-asa
na itaas ang kanilang katayuan sa lipunan.

5.Emmanuel “Emman” Bartolome pangatlong anak nila Amanda at Julian na nagsusulat ng mga
nangyayari sa loob ng martial law

6.Jason Bartolome ikaapat na anak nila Amanda at Julian na nasawi ang buhay na walang natatanggap
na hustisya

7.Bingo Bartolome ang ikalimang anak nila Amanda at Julian na masayahing tao at lumaki sa magulong
mundo ngunit malapit na makapagtapos ng kolehiyo.

Paglalarawan ng panahon ng pelikula

Dekada 70 isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng bawat tao na nahagip sa kalagitnaan ng
mga gulo noong dekada 1970 Tinatalakay nito kung paano nakibaka ang isang mag-anak na nasa
gitnang antas ng lipunan, at kung paano nila hinarap ang mga pagbabago na nagbigay ng
kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos.

Mga aral/moral

Wag ka bigla bigla magdedesisyon sa buhay mo dahil magiging repleksyon mo ito sa tunay mong
tatahakin mas mabuting tiyakin kung ano ang makakabuti.At lagi itatatak sa isip na hanggat may
mga taong mapaglamang sa kapangyarihan ay hindi mawawala ang kaguluhan kaya dapat kang
handa sa lahat ng laban sa buhay.

You might also like