You are on page 1of 4

PAGSUSURI NG NOBELA/AKLAT

I. BALANGKAS NG NOBELA

Dekada 70

Lualhati Torres Bautista

Nobelista: Lualhati Bautista


Kapanganakan : Disyembre 2, 1946 sa Tondo, Maynila
Ama: Esteban Bautista
Ina: Gloria Torres
Iba pang Akda: Gapo at Bata, Bata... Pa'no Ka Ginawa?
II. BUOD
Pangunahing Tauhan:
Amanda Bartolome
Julian Bartolome Sr.
Julian Bartolome Jr. (Jules)
Isagani Bartolome
Emmanuel Bartolome
Jason Bartolome
Benjamin Bartolome
Iba pang Tauhan:
Willy
Evelyn
Anna Lissa
Rev
Lieutenant Liboro
Colonel Valderama
Tagpuan:
a. Lugar
Sa bahay ng pamilya Bartolome at sa Presinto
b. Panahon
Panahon ng Batas Militar
Pangyayari
a. Pasakalye/ Simula - Si Amanda Bartolome, sa simula ng nobela, ay isang karaniwang
maybahay at ina, na walang inatupag kundi pangalagaan at asikasuhin ang kanyang mga
anak at asawa.Nakita ni Amanda ang mga pagbabago ng mga anak habang lumalaki ang mga
ito, lalo na si Jules. Ang pagkahilig ni Jules sa mga awiting nagsasaad ng pagkamakabayan
ay nagtulak dito upang sumapi sa mga kilusang laban sakatiwalian ng gobyerno. Sinabi niya
ito kay Julian ngunit nagwalang bahala lamang ito. Hindi nakatiis si Amanda.Sinigawan niya
si Julian na takang-taka sa inasal niya.
b. Simula ng Problema - Unang linggo ng Mayo, taong 1974, nang nag-empake siJules.
Pupunta raw siya ng Bikol. Napasigaw si Amanda nang itinanong niya kung ano ang
gagawin nito sa Bikol.Napatanga si Jules. Nagulat ito sa pagsigaw ng ina. Kinutya nito ang
ina na makabubuting sumama ito at bakasakaling mamulat ito. Nasampal ni Amanda si
Jules.
c. Pananabik / Pataas na aksyon - Nahuli si Jules at dinala sa Kampo Crame. Dinalaw nila ito
at doon narinig ni Amanda ang mga kabuktutang ginagawa ng mga sundalo sa kanilang mga
nahuhuli. Nagpasya si Jason na huminto na sa pag-aaral. Dahil sa wala itong
pinagkakaabalahan, halos nagpapa-umaga ito sakalye. Isang gabi, ay nakatanggap ng tawag
sina Amanda atJulian. Nahulihan si Jason ng marijuana. Nagtanung-tanong sila sa mga
presinto. Nalaman nilang pinalaya na ito ngunit hindi umuwi sa kanilang bahay.
Pinaghahanap siya ni Em, na isa pa rin sa mga anak ni Amanda. Lasing naumuwi si Em at
ibinalita sa mga magulang na napatay si Jason.
d. Kasukdulan / karurukan - Ilang gabi nag-iiyak si Amanda. Napagtanto niyang walang silbi
ang kanyang buhay. Nagpasiya siyang humiwalay na kay Julian. Ngunit hindi siya umalis.
Naisip niyang marami pa silang dapat pag-usapan ni Julian. Simula iyon ng ng kanilang pag-
uusap, ng kanilang pagkakaunawaan. Pinalaya si Jules. Ngunit ang kanyang pagkakalaya ay
hindi nagpabago ng kanyang simulain. Ibinalik siya sa Kampo Crame. Nang ideklara ang
pagbawi ng martial law.
e. Wakas Hindi natuloy ang plano ni Amanda na makipag hiwalay kaya, sa huli, tagumpay na
nalagpasan ng pamilya Bartolome ang mga pagsubok na nananatiling buo angugnayat
samahan sa isat isa. Nakita natin kung gaano kahalaga ang pagiging matibay ng pundasyon
ng isang pamilya upang makayanan ang lahat ng banta ng problema.

III. PAGSUSURI
Problema
Umikot ang nobela sa suliranin ng pagkakasangkot ni Jules sa mga kilusang laban sa
gobyerno dahil sa pagkahilig nito sa mga kanta na tumutuligsa pamahalaan hanggang sa nagyari
na nga ang kinatatakutan ni Amanda ng mahuli si Jules ng mga Militar. Na kung saan
tinanggalan siya at kanyang mga kasama ng karapatang pang tao. Pangalawang suliraning
maituturing ang. maagang pagpapa-kasal ni Gani kay Evelyn dahil sa kapusukan nila at
panandaliang nabuhay ang anak nila at nag resulta din sa pagdesisyon ni Evelyn na maghiwalay
nadin sila.
Pahiwatig
Sa linyang Its a mans world but . . . Its a womans world too! nais ng umakda na
ipahayag na dapat bigyan din ng importansya ang mga kababaihan. Isang detalye na madaling
sabihin ngunit mahirap at hindi makita noong panahon ng batas militar.
Simbolismo
1. Pagkakaiba nila Gani at Jules na isang NPA, makabayan at anti-
government/American tapos si Gani naging US Navy, nadestino sa ibang bansa at
doon na talaga nanirahan, in short parang gatas at kape ang pagkakaibe ngkanilang
mga pninindigan. Ipinapakita lang nito na noong panahon ng batas militar ay kahit
na mismongmagkapatid ay nagiging magkalaban, nagkakasakitan, nagkakaaptaayan
at yan ang kinakatukan ni Amanda.
IV. Noong nakita ni Amanda na tila paiyak na si Bingo dahil lumipad ang kanyang mga kalapati ay bigla na
langniyang naisip ang pagkakatulad ng ibon at mga bata. Tulad ng mga kalapati, ninanais din nating
mga kabataanang tumuklas ng mga bagay-bagay sa sarili nating paraan, nang walang tulong ng
mga magulang.
V. KONGKLUSYON
Nagustuhan ko ang akdang ito dahil minulat nito ang mga mata at diwa ko ukol sa mga naganap
noong panahon ng martial law. Kung paanong na apektuhan ng martial law ang buhay ng bawat
pamilya noon. Bukod pa rito, maliban sa pagpapaalaala sa ating mahalagang bantayan ang ating
kalayaan at gampanan ang ating mga pananagutan dito, naniniwala akong wala itong tunay mabigat na
mensaheng pulitikal. Sa katunayan, nauunawaan kong tama naman na dito ituon ang mga pangunahing
tema ng akda: sa kahalagahan ng pamilya, sa ikabubuti ng isang mas malaking komunidad, katulad ng
sarili nating bansa. Sa ganitong paraan, hindi nakakahon at naka kulong lamang sa isang dekada ng
ating kasaysayan ang mensahe nito. Para naman sa ating Perlas ng Silanganan, nagsisilbi itong hamon
sa tanang mamamayang Pilipino nanaway huwag sayangin ang dugot pawis na inialay
ng dating pilit na kinalaban ang mapang-abusong epektong masalimuot na lipunan sa ilalim ng batas-
militar.

VI. REAKSYON

Talaga nga namang napakaraming naiambag ng Dekada 70 sa aking kamulatan. Nabuhay ang aking
damdaming nasyonalismo dahil sa impluwensya ni Jules na kahangahanga ang pagmamahal sa lipunan.
Nabuhay din ang aking pagpapahalaga sa pamilya na kahit na nga hindi ganun kaganda ang aming
samahan ay kahit napapaano ay nabatid kong kami-kami rin ang mag dadamayan sa lahat ng unos ng
buhay.
Karapat-dapat lang na irekomenda ang aklat na ito upang sa ganon aymagkaroon din ng
pagkakataon ang ibang mambabasa na malaman ang gustongiparating ng akdang ito.
Ang aking aral na natutunan sa akda ay bawat tao ay may kani-kaniyang pangarap at
paninindigansa buhay. Importante ang pagrespeto ng mga magulang sa paniniwala ng anak at ganun
din para sa paniniwala ng kanyang magulang.

Cavite State University

Indang, Cavite
DEKADA 70
Lualhati Bautista
(BOOK REVIEW)

You might also like