You are on page 1of 2

Dekada ‘70

Gawa ni:
Andre Raphael V. Abacahin
9-Antonio
l. Panimula
Ang akda ng aklat nito ay si Lualhati Bautista. Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila
noong 2 Disyembre 1945. Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka
Ginawa? Nanalo siya ng iba’t ibang awards tulad ng FAP Awards, Philippines, Gawad Urian Awards, at
iba pa. Ang susuriing kong aklat sa kaniya ay ang Dekada ’70. Sa istoryang ito, ang mga tauhan ay ang
pamilyang Bartolome. Ang nanay ay si Amanda na magka-asawa ni Julian, ang mga anak nila ay si
Isagani, Jason, Jules o si Julian Jr., Emmanuel o si Em, Benjamin o si Bingo. Sila ay mararanasan ang iba’t
ibang pangyayari sa lipunan at ang paglaki ng kanilang pamilaya at ang mga trahedya nito din.

ll. Pagsusuri
Ang panimula ng kuwento ay nagsimula noong bata pa ang mga anak ni Amanda at Julian Sr.,
ang paglalaki nila sa kanilang anak ay mahirap para sa kanila dahil sa kaguluhan ginagawa nila sa mga
kapit-bahay nila. Sa paglalaki nila ay naapektuhan sila sa martial law, noong ito ay may malaki na siyang
mga bata, at sa paglalaki nila ay naiiba na sila at ang lipunan dahil sa pag-rebelyon ng mga Pilipino sa
gobyerno ni Marcos. Ang mga anak nila ay ibang iba sa pagkabata nila; si Jules ay nagmumula ng mga
isyung political dahil sa pagbasa niya ng mga political na mga magazine, si Isagani naman ay naging
manunulat, si Em namumuhay nang karaniwang buhay. Si Jason ay isang pag-saway na tao, Si Bingo
naman ay tahimik lamang sa kanyang pamilya dahil sa mga kaguluhan na nangyari. Sa bandang huli ay
namatay si Jason dahil nabiktima siya sa isang salvaging, nagsimula na ang kaguluhan at mga problema
ng mga pamilya. Sa huli, ay nagkasama na ang pamilya Bartolome at ayos na ang kanilang buhay kahit sa
mga masasamang pangyayari na naranasan nila sa buhay.

lll. Reaksyon at Rekomendasyon


Ako ay talagang nagulat sa kagandahan ng istoryang na nabasa ko dahil hindi ko alam na
ganoong interesado ang istorya nito at hindi ito lamang isang karaniwan na istorya. Ang pagkaisip ko sa
istorya at sa mga tauhan ay mabuting naisip dahil iba’t ibang personalidad at buhay ang nagaganap sa
bawat tauhan. Inirerekuminda ko ang aklat nito dahil ito ay para din sa lahat ng edad at nauugnay ang
pangyayari sa kuwento sa totoong buhay. Tayong lahat ay may nakaranasang masama sa ating mga
pamilya at itong aklat ay parang ganon. Ang aklat ay interasadong basahin dahil sa pagkaugnay sa
totoong buhay.

You might also like