You are on page 1of 17

Dekada ‘70

ni Lualhati
Bautista
Lualhati Bautista
Lualhati Bautista
• Pilipinong Nobelista, manunulat sa
pelikula at telebisyon at maikling kwento.
• Ipinanganak sa Tondo, Manila
• Kumuha ng Kursong Journalism sa
Lyceum of the Philippines University
• Katugon ng damdamin (kanyang unang
maikling kwento)
Nakamit na mga parangal

• Gapo – Palanca Awards (1980)


Grand Prize winner. Nalathala noong
taong 1992.
• Bulaklak sa City Jail – Metro
Manila film festival (1984) Best
Story, Best screenplay.
Dekada ‘70
ni Lualhati
Bautista
Dekada 70
• Isang Nobelang Pilipino na isinatitik ni
Lualhati Bautista.
• Nailimbag sa Palimbangang Carmelo at
Bauermann noong 1988.
• Ito ay pagsasalaysay ng mga pangyayari sa
buhay ng isang pamilyang nahagip sa
kalagitnaan ng magulong dekada ng 1970.
• Papel ng isang ina at gampanin nito sa
kanyang pamilya.
Pagkakabuo ng Nobela
• “Kailangan ay nakakarelate ka sa mga tauhan na
nilikha mo bilang manunulat, kailangan ay
makisimpatya ka at mahalin mo ang mga tauhan na
nilikha mo dahil kundi mo sila mamahalin, wag mo
rin asahan na mamahalin sila ng mga mambabasa na
tumatangkilik sa iyong kwento. Pagkakapantay-
pantay ng Lalaki at Babae sa loob ng tahanan. Mag-
umpisa ang mataas na pagtingin ng babae sa babae,
at pagtingin sa ating sarili bilang babae.” – Lualhati
Bautista (2018, Author Interview of Anvil TV)
Kinalaman sa lipunan
• Ang paglaban ng pamilya Bartolome para sa kalayaan at
Karapatan noon 1970 sa pamamahalang Marcos.
• Ang Papel ni Jules na pagkahilig sa kilusang paglaban sa
Gobyerno noong Panahon ng pamumuno ng tinatawag na
diktador na dating pangulo na si Ferdinand Marcos
sinasabing bawal ang mga ganitong kilusan sa panahon ni
Marcos dahil ito ay isang uri ng pagkalaban sa
Pamahalaan.
• Ang gampanin rin ng isang babae sa lipunan dahil noon
bawal silang magtrabho at ang tangi lamang nilang
tungkulin at obligasyon ay pangalagaan at asikasuhin ang
pangangailangan ng kanilang pamilya.
Mga Tauhan sa Nobela
• Ang Dekada ’70 na akda ni Lualhati
Bautista, ay pinagbibidahan ng pamilya
Bartolome; ang mag-asawang Julian
Sr. at Amanda Bartolome at ng kanilang
limang mga anak na lalaki na sina Julian
o Jules, Isagani o Gani, Emmanuel o Em,
Jason, at Benjamin o Bingo Bartolome.
Mga Tauhan sa Nobela
• Julian Bartolome Sr. – pinuno ng pamilya Bartolome
na nais ang lahat ng kanyang mga anak na maging
matagumpay sa buhay.
• Amanda Bartolome – Asawa kay Julian at ina ng
limang anak na lalaki.
• Julian “Jules” Bartolome- siya ang panganay na anak
nila Amanda at Julian. Matapos matuklasan nina
Amanda at Julian ang kanyang pagkahilig sa kilusang
paglaban, hinarap nila ang kanilang anak tungkol sa
kanila, at dapat niyang aminin ang kanyang desisyon. 
Mga Tauhan sa Nobela
• Isagani “Gani” Bartolome-  ang
pangalawang anak nila Julian at Amanda.
Matapos ang pagpaplano na magtrabaho para
sa Navy ng Estados Unidos sa kabila ng mga
pagtutol ni Jules dahil sa kakulangan ng
pagiging makabayan ng huli, si Gani ay
naging pangalawang tagalikha ng pamilya at
ang kanilang pag-asa na itaas ang kanilang
katayuan sa lipunan.
Mga Tauhan sa Nobela
• Emmanuel “Em” Bartolome -  ang pangatlong anak ng
mga Bartolome na nagsusulat ng pinagbawalang
panitikan habang pinapanatili ang isang hindi
magandang, malaswa sa panlabas na pagkatao. 
• Jason Bartolome - ikaapat na anak siya ng Bartolome.
Pinatay siya at sinaksak ng maraming beses ng mga
tiwaling pulis sa 1977.
• Bingo Bartolome – ikalimang anak siya ng mag-asawang
Bartolome. Siya ay nagsisilbing taga-panuod sa lahat ng
mga problema na kinakaharap ng kanyang pamilya.
Alternatibong Wakas (Para sa akin)
Ang wakas ng Kwento ay isang nakakalungkot
ngunit talaga namang nakakahanga. Ang
wakas nito ay nang malaman nila ang marahas
na pagkamatay nang ikaapat nilang anak na si
Jason ay natututo na rin silang ipaglaban ang
kanilang kalayaan at karapatan. Sumama sila
sa mga Rally o mga kilusan na tumutuligsa sa
Pamumuno ni Ferdinand Marcos.
Alternatibong Wakas (Para sa akin)
• Kung ito ay bibigyan ko ng isang maganda at
kaaya-ayang wakas. Sisimulan ko hindi
pagkawala ng kanilang ikaapat na anak na si
Jason sa kamay ng mga kapulisan, at ang
kaaya-ayang wakas na aking gagawin ay
kumpleto at sama-sama ang pamilyang
Bartolome sa paglaban para sa kanil-kanilang
karapatan at kalayaan.
Aral na mapupulot sa Nobela
Ang aral na itinuturo ng Nobela na Dekada 70 (para sa
akin, bilang mambabasa at nasa Kasalukuyang
henerasyon) ay ipaglaban ang ating karapatan bilang
tao, bilang isang mamamayang Pilipino. Matuto rin
tayong tratuhin ang ating kapwa bilang isang kapwa
tao, ako bilang isang babae at mayroong Anak na
babae. Natutunan ko na pangalagaan ang aking
pamilya at sila’y gabayan. Natutunan ko rin sa
kwento na bilang isang babae ay may tungkulin din
tayo hindi lamang sa loob ng tahanan kundi bilang
isang mamamayan g bansa na may obligasyon at
karapatan.
Uri ng Teoryang
Pampanitikan
• Teoryang Humanismo
• Teoryang Realismo
• Teoryang Feminismo
• Teoryang Sosyolohikal
• Teoryang Moralistiko

You might also like