You are on page 1of 2

Pagbabalangkas:

A. Pamagat ng may akda: Dekada 70


B. May akda ng nobela: Lualhati Bautista

C. Pinaglimbagan (Lugar):

D. Taon ng pagkakalimbag: 1983

E. Mga Tauhan: Julian “JULES” Bartolome, Amanda Bartolome, Julian Bartolome Sr. ,Isagani
“GANI” Bartolome, Emmanuel “EM” Bartolome at Jason Bartolome

F. Deskripsyon ng mga tauhan :

Julian “JULES” Bartolome - Siya ang panganay na anak nila Amanda at Julian.

Amanda Bartolome - Asawa kay Julian at ina ng limang anak na lalaki.

Julian Bartolome Sr. - Pinuno ng pamilya Bartolome na nais ang lahat ng kanyang mga anak na
maging matagumpay sa buhay.

Isagani “GANI” Bartolome - Ang pangalawang anak nila Julian at Amanda.

Emmanuel “EM” Bartolome - Ang pangatlong anak ng mga Bartolome na nagsusulat ng


pinagbawalang panitikan habang pinapanatili ang isang hindi magandang, malaswa sa panlabas
na pagkatao. Narinig din niya ang balita ng pagkamatay ni Jason noong 1977.

Jason Bartolome - ikaapat na anak siya ng Bartolome na nakikipag-date sa kanyang kasintahan


na si Bernadette. Pinatay siya at sinaksak ng maraming beses ng mga tiwaling pulis sa 1977, ang
kanyang pagkamatay ay sa wakas ay narinig ng kanyang kuya na si Emmanuel.

G.Kalakasan: Ang nobelang dekada 70 ay napakaganda dahil ditto ay matuto kang lumaban para
magkaroon ng hustisya ang iyong kalayaan.At kung paano ka magiging matatag para sa pamilya
mo sa gitna ng antas ng lipunan.

H. Kahinaan:
I. Kasukdulan: Ang pagpatay kay Jason ay pampagising kay Amanda sa bagay na ayaw niya
pabayaan ang mga anak nila at ito ay nagbigay sakanya ng lakas para kausapin si Julian sa
paningin niya kay Amanda na hindi sya isang housewife lang at gusto niya kumilos para kay
Jason.
J. Wakas: Nawala ang martial law, wala na rin si Jason.Wala ng magagawa ang pamilya
bartolome kung di tanggapin ang lahat.May kanya-kanya na silang buhay ,si Amanda at Julian
gayun din si Em at Bingo ay tahimik ng namumuhay at walang pangamba sapagkat alam nilang
ligtas si Jules kung nasaan man ito,at natitiyak din nilang mapayapa na si Jason kinaroroonan
nito ngayon.

K.Uri ng wakas:Masaya sapagkat nawala na ang Martial Law, at ang pamilyang bartolome ay
may kanya-kanya ng pamumuhay at walang pangamba ang nababalot sakanila sapagkat alam
nilang ligtas sila.

L. Aral: Ang natutunan ko dito ay kung gaano kahalaga ang kalayaan at demokrasya sa ating
bansa.

M. Pagpapahalagang Panglipunan: Ang pagpapahalagang panlipunan sa nobelang dekada 70 ay


ang bawat tao ay naghahanap pa rin ng kalayaan hindi lang noon kundi pati sa nangyayari sa
kasalukuyan.

N. Teoryang Pampanitikan: Ang Teoryang Pampanitikan na ginamit ditto ay magkahalong


eksistensyalismo at realism sapagkat ang mga tauhan ay patuloy na naghahanap ng kalayaan sa
kabila ng lipunang kanilang ginagalawan na tunay ngang nangyayari sa kasalukuyan.

You might also like