You are on page 1of 2

I.

Pamagat: Dekada 70 Direktor: Chito S. Roo May Akda: Lualhati Bautista Storya: Si Amanda Bartolome (Vilma Santos) ay isang babaeng nagsisikap matunton at maunawaan ang tunay na kahulugan ng pagiging isang babae sa gitna ng masalimuot na kalagayan ng bansa noong dekada '70 sa ilalim ng Batas Militar. Siya ay kumikilos bilang isang ina (sa limang anak na pulos lalaki) at asawa ayon sa dikta ng lipunan at ng asawa niyang si Julian (Christopher de Leon). Bagama't tradisyonal, umiiral sa pamilyang Bartolome ang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin kung kaya't lumaki ang kanilang mga anak na mulat ang kamalayan sa nangyayari sa lipunan. Dahil dito'y sumali sa kilusang makakaliwa ang kanilang panganay na si Jules (Piolo Pascual), naging makata at manunulat naman si Emman (Marvin Agustin), at nahilig sa musikang rock n roll si Jason (Danilo Barrios). Si Gani (Carlos Agassi) naman ay malayang pinasok ang pagiging US Navy bagama't taliwas ito sa paniniwala ng mga kapatid. Nanatiling matatag ang pamilya Bartolome sa kabila ng napakaraming pagsubok ng panahon. Dito rin nasubok ang katatagan ng pagsasama nina Amanda at Julian, kung saan si Amanda ay nagnais na matunton ang sarili bilang isang babae, malayo sa dikta ng lipunan at ng asawa. Script: Mga Nagsiganap

II.

Vilma Santos - Amanda Bartolome Christopher de Leon - Julian Bartolome Sr. Piolo Pascual - Julian "Jules" Bartolome Jr. Marvin Agustin - Emmanuel "Em" Bartolome Carlos Agassi - Isagani "Gani" Bartolome Danilo Barrios - Jason Bartolome John Wayne Sace - Benjamin "Bingo" Bartolome Kris Aquino - Student Leader Ana Capri - Mara Dimples Romana - Evelyn Philip Salvador - Carlos Bartolome Sr. Jhong Hilario - Willy Carlo Muoz - Rene Tirso Cruz III - Evelyn's Father Orestes Ojeda - Dr. Rodrigo

Asley Fontanoza - Carlos Bartolome Jr./Cocoy/Caloy Marianne de la Riva - Evelyn's Mother Manjo del Mundo - policeman Kakai Bautista - rallyist III. Buod: IV. Pagsusuri a. Kahusayang teknikal b. Kahalagahang pampanitikan: AngDekada '70 ay isang pelikulang puno ng kahulugan, lalim at pagtatanong sa tunay na kahulugan at kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Bagama't maliwanag na ang manunulat na si Lualhati Bautista ay nagmumula sa feministang pananaw, hindi naging radikal ang kanyang pagtrato sa isyu ng kababaihan. Sa halip mas pinaigting pa ng pelikula ang kahalagan ng papel na ginagampanan ng isang ina sa pamilya. Mamumulat ang mga magulang na makakapanood ng Dekada '70 sa tunay na papel na kanilang ginagamapanan sa mga anak. Sa kabilang banda'y mas mauunawaan ng mga anak ang kanilang mga magulang na nagsusumikap na maging gabay sa anumang kanilang naisin sa buhay. Sinasabi ng pelikula na walang perpektong magulang o anak sa anumang panahon, ngunit mananatiling matatag ang isang pamilyang may tunay na pagmamahal at pagmamalasakit hindi lamang sa kanilang sarili kundi maging sa ibang tao at sa bayan. c. Talinong Pampelikula

You might also like