You are on page 1of 9

Dekada ‘70

Lualhati Torres Baustista


Paksa
Ang likhang – sining ni Lualhati Bautista na “Dekada ’70” ay ukol sa
mga tunay na pangyayari noong panahon ng panunungkulan ni
Marcos o sa kasagsagan ng Batas Militar kung saan binigyan – diin sa
pamamagitan ng pamilyang Bartolome. Ipinapakita nito ang
kahalagahan ng pamilya para sa ikauunlad ng isang bansa sapagkat
ito ang itinuturing na binhi ng kung anong klaseng mamamayan ang
susunod na henerasyon. Ang nagku kuwento sa nobela ay isang
asawa’t ina na sa una’y walang pakialam sa kapaligiran subalit sa
kadahilanang nasasangkot na ang kapakanan ng kaniyang mga anak
ay dahan –dahang naliwanagan at natuto na ring maging isang
babaeng marunong magsalita’t maglabas ng nadarama habang
umuunawa’t nakikinig na sa katotohanan.
Mga
o
Tauhan
Amanda Bartolome – ina ng limang anak na lalaki, asawa ng isang inhenyero
o Julian Bartolome Sr. – asawa ni Amanda, maprinsipyong Ama at lalaki
o Julian Bartolome Jr. (Jules) – panganay na anak, isang kabataang aktibista na
sumapi sa rebeldeng New People’s Army (NPA)
o Isagani Bartolome (Gani) – pangalawang anak, naging kambing ng pamilya,
asawa ni Evelyn, ama ni Anna liza
o Emmanuel “Em” Bartolome – pangatlong anak, pinakamatalino sa limang
magkakapatid
o Jason Bartolome – ikaapat na anak, kasintahan ni Bernadette, naging biktima
ng salvaging
o Benjamin Bartolome – bunsong anak, bata pa’y nagmamasid na sa mangyayari
o Willy – matalik na kaibigan ni Jules
o Evelyn – kabiyak ni Gani,
o Anna liza – anak nina Gani at Evelyn
o Domeng – nage – espiya sa kilusan
o Mara – kasamahan ni Jules sa kilusan, naging kabiyak ni Jules
o Rev – anak nina Jules at Mara
o Rene – napasabak umano sa engkwentro sa pagitan ng militar at mga kasapi ng
kilusan
o Ronnie – kaibigan ni Jason
o Lieutenant Liboro – isang militar sa detention career
o Colonel Valderama – hiningan ng tulong ni Amanda
o Colonel banal – colonel ng Judge Advocate General’s office
o Marela – batang iniuwi ni Em
Tagpuan
o Sa Bahay ng Pamilya Bartolome
- Sala
- Library
- Kwarto nina Amanda’t Julian
o Presinto
Buod
Nag – umpisa ang nobela sa pagpapakilala sa mga tauhan at nabigyang – pansin
na ang nagku kuwento na si Amanda ay isang uri ng asawang alipin ng
makalumang paniniwala sa tungkulin ng babae at laaki. Una’y di niya binigyang
pansin ang mga pangyayari sa kaniyang kapaligiran subalit ng magsimula nang
manaig ang damdaming aktibista ni Jules at ang pagka – mapusok ni Gani ay
nabahala siya ng lubusan. Unti – unti ay nagkaroon siya ng kuryosidad kung ano
nga ba ang dahilan ng ipinaglalabang prinsipyo ni Jules na katagalan nga’y
tulungan nang sumapi sa kilusang kalaban ng pamahalaan. Bunga nito’y
nagkaroon ng lamat ang relasyong magpapamilya. Pati na rin ang iba pang anak
na sina Em, Jason at Bingo ay nakaranas ng suliranin bunga ng batas militar.
Kinalaunan, dumaluhong ang iba’t – ibang pagsubok sa pamilya Bartolome tulad
ng pagkakakulong ni Jules, pag – aawa’t maagang ‘paghihiwalay ni Gani at Evelyn,
pagbubulakbol ni Jason sa pag – aaral, pagtatanong ni Bingo sa nangyayari at ang
pagiging mapusok na manunulat ni Em.
Katagalan di’y di inaasahang namatay si Jason, biktima ng salvaging
kaya nagkaroon ng pagtatalo sina Amanda at Julian na halos umabot
pa sa puntong nakikipaghiwalay siya dito. Salamat naman at di
natuloy ang binalak gawin ni Amanda at dahil doon ay patuloy na
hinarap na magkasama ng mag – asawa ang lahat ng suliraning bunga
ng batas militar. Sa huli, tagumpay na nalagpasan ng pamilya
Bartolome ang mga pagsubok na nananatiling buo ang uganaya’t
samahan sa isa’t – isa. Nakita natin kung gaano kahalaga ang
pagiging matibay ng pundasyon ng isang pamilya upang makayanan
ang lahat ng banta ng problema. Nagsilbi ang nobla na magandang
halimbawa ng pamilyang Pinoy na kayang lagpasan ang lahat, na atin
pa ring maiuugnay sa kasalukuyang panahon kahit na nangyari ito
noong Dekada ’70.
Aral
oPag mamahal sa bansa.
oPagmulat ng isip sa realidad na mayroon ang isang
bansa at pamahalaan nito.
o Pahalagahan ang pamilya sapagkat kayo kayo din
ang magdadamayan sa lahat ng unos ng buhay.
Unawain niyo ang isa’t isa dahil ditto niyo makikita
ang lipunang inyong ginagalawan.

You might also like