You are on page 1of 5

MARICEL B.

RAGUINDIN
BAPS 2A

AKTIVITI
Suriing mabuti ang larawan. Ito ay ipininta ni G. Pablo Baens at pinamagatang
“Krista” (Female Christ) 1984 na matatagpuan sa Ateneo Art Gallery Collection.
Ang painting ay nalathala noong panahon ng Batas Militar. Dito ipinahayag ng ilang
mga Filipino ang kanilang saloobin hinggil sa kalagayang politikal nila noong
panahon na iyon. (20 pts)
Ayon sa larawan, ang babae at ang mga tao ay malinaw na nakakaranas sila ng matinding
paghihirap at kalungkutan. Dahil sa paghahalo ng itim na kulay sa lahat ng mga bahagi ng
larawan na ito ay lumilitaw na natural at matatag. Ang mga linya na ginamit sa larawan ay
lumikha ng isang pakiramdam, partikular ay ang paghihirap at paggalaw ng Pilipinas noon. Ang
isang pakiramdam ng tamang pagkakayari ay natamo habang ipinapakita ni Pablo Buens ang
pagpapahiwatig ng paghihirap ng mga tao sa panahon na iyon. Ang pangkat ng mga Pilipino sa
larawan ay nagpapakita ng paghihimagsik at pang-aapi. At ang babae sa larawan ay
pinapahiwatig ang sitwasyon ng Pilipinas, ang katotohanan at realidad. Ang larawan din ay
nagpapahiwatig ng nasyonalismo, censorship at ang malakas na impluwensya ng tradisyon ng
mga Katoliko sa Pilipinas. Laganap ang katiwalian at nasala sa lahat ng antas ng pamahalaan,
ang edukasyon sa publiko ay isang biro, ang antas ng kahirapan ay hindi napabuti, ang
pagkasira ng kapaligiran sa walang kontrol, at takot pa rin sa mga mamamahayag ang kanilang
buhay. Ang larawan ay sumisimbolo lamang ng kawalan ng karapatan at kalayaan na ipahayag
ang bawat saloobin, Hindi maratang pagbibigay ng desisyon sa bawat mamayan sa panahong
noong mayroong Batas Militar. Ito ay sumasagisag din sa di pagdinig sa daing ng bawat
Filipinong nahihirapan sa panahong nabanggit. Marami ang ibig sabihin ng larawang ito, nhgunit
sa aking kaalaman ay ito ay pagpakita ng saloobin na dinanas ng kapwa natin Filipino noong
kapanahunan ng batas militar. Lingid na sa ating kaalaman na mahigpit noon ang gobyerno
kaya’t ganun na lamang dumaing ang Filipino noon.
ANALISIS
1. Pagdugtu-dugtungin ang mga bahagi ng puzzle na makikita sa susunod na pahina
upang makabuo ng isang larawang pampulitika ng Pilipinas sa ilalim ng 1972 Batas
Militar. Isulat na lamang sa likurang pahina ang talatang iyong mabubuo. (15 pts)

Sa kanyang unang termino, Samantala, dahil pahirap nang


sinikap ni Pang. Marcos na pahira ang buhay at maliit na
mapabuti ang pananalapi ng kita ng mga manggagawa,
Pilipinas sa pamamagitan ng nagsimula ang maraming pag-
pinag-ibayong pangongolekta aaklas na sinuportahan ng mga
ng buwis, pangungutang sa aktibistang mag-aaral.
iba’t ibang dayuhang
institusyon ng pananalapi.

Ang mga manggagawa at Dito nagsimula ang


mag-aaral na halos ang laman Parliaments of the
ng mga lansangan upang Streets.
mag-rally o manghingi ng
pagbabago laban sa
pamanahalaang Marcos.
2. Ano ang iyong saloobin habang binubuo mo ang iyong puzzle at sinusuri ang talata?
(10 pts)
- Ito ay nagpapakita sa pagpapahirap ng administrasyon Marcos noon dahil sa sobra
sobrang pananalapi. Batay sa aking palagay, kaya ito nagawa ng dating pangulo na si
Ferdinand Marcos, ay para din lang naman ito sa ekonomiya ng Pilipinas at sa susunod
pang henerasyun. Kung ako ang nasa kalagayan nila noon ay talagang labis din akong
magagalit at makikilahok sa rally upang ilaban ang bawat karapatan ng isang
mamamayang Pilipino. Ito ay nagdulot ng malaking suliranin bawat mamayang Pilipino
dahil sila ang naghirap para sa kaban ng bayan at mapupunta lang sa wala ang kanilang
pinaghirapan. Sa ating kapanahunan ngayon, marami pa din ang galit sa pamilyang
Marcos sa markang naiwan ng kasaysayang nagawa nito sa para din lang naman na
ikakabuti at ikakaunlad ngekonomiya at bawat mamamayang Filipino.

Abstrak
Isang pelikula na halaw sa nobela ni Lualhati Bautista ang iyong panonoorin na
pinamagatang Dekada 70, pakinggnag mabuti ang mga ganap sa pelikula. Subukan
mong iugnay ang pelikula sa nabuong talata, sa larawan ni Pablo Baens pagkatapos
sagutin mo ang mga hinihingi sa ibaba.

1. Ilarawan ang papel na ginampanan ng mga sumusnod na tauhan sa pelikula.

Tauhan Paglalarawan sa Papel


(2 pts bawat isa)
1. Amanda Bartolome Maayos na nagampanan ni Vilma Santos
ang kanyang papel bilang si Amanda
Bartolome. Kahit na ang makikita nating
ekspresyon sa kanyang mukha bilang
Amanda ay halos puro pagiging seryoso,
at maayos niya iyong naipakita at hindi
siya nagkamali sa bawat ekspresiyon o
reaksyon na ipinakita niya. Makikita mo
sa kanyang pag-arte ang pagiging
matatag at palaban na ina bilang
Amanda.
2. Julian Bartolome Sr. Si Julian ang tumayong haligi ng isang
pamilyang nakasanayang magpahayag
ng damdamin, kaya nagkaroon siya ng
mga anak na mulat ang kaisipan sa mga
nangyayari sa kanilang lipunan at
maganda ang pagkakaganap ni
Christopher De Leon sa papel niyang
iyon. Naipakita niyang mabuti ang mga
katangian ng isang ama.
3. Julian “Jules” Bartolome Jr. Siya ang panganay na anak nila Amanda
at Julian. Sa simula ng palabas ay
makikita natin na hindi pa ganoon
kabukas ang kanilang isip sa mga
nangyayari sa kanilang paligid. Eskwela,
babae at paglilibang pa lamang ang
kanilang iniintindi pero ng si Jules ay
lumaki, sumapi siya sa isang kilusang
kontra sa pamahalaan. Doon naipakita
niya ang kanyang pagmamahal at
katapatan sa bayan. Kahit na siya’y
pinahirapan at pinarusahan ng
napakabigat, hindi pa din siya nagsalita
at pinanatili niyang tikom ang kanyang
bibig tungkol sa kanyang grupo.
Matagumpay na nagampanan ni Piolo
ang kanyang papel. Lalo na noong siya’y
nadakip at pinahihirapan, bakas sa
kanyang mukha ang pagiging matatag at
pagiging matapat, na talagang siya’y
may matibay na paninindigan at hindi
siya susuko hangga’t siya’y mamatay.
4. Isagani “Gani” Bartolome Ginampanan ni Carlos Agassi ang papel
ni Isagani na sa kanilang magkakapatid,
siya ang unang napasubo sa maagang
pag-aasawa. Siya’y pumunta ng Amerika
para sumali sa US Navy kahit na hindi ito
sinangayunan ng kanyang mga kapatid.
Naipakita lang mabuti ni Carlos Agassi
ang pagiging teenager ni Gani pero hindi
na masyado nung siya ay US Navy na.
5. Emmanuel “Em” Bartolome Si Marvin Agustin bilang Emman naman,
siya ang ikalawang anak ng mag-
asawang Amanda at Julian. Naging
manunulat at makita siya. Hindi siya
gaanong ipinakita sa palabas pero para
sa akin ay naipakita niya ang kanyang
dapat ipakita.
6. Jason Bartolome Danilo Barrios bilang Jason, siya naman
ay ang miyembro ng kanilang pamilya na
may pagkatamad ngunit mabait. Kahit na
ayaw niyang bumisita sa Kuya Jules niya
noong ito’y nasa kulungan, wala siyang
nagawa kundi ang sumama at
nagkausap pa sila ng Kuya niya doon.
Napansin ng kanyang Kuya Jules na si
Jason ay parang gusto ng bumilis ang
oras para siya’y lumaki na agad-agad at
magkaroon ng sariling kalayaan sa
pagkilos at paggawa ng kanyang mga
gusto. Si Jason nga ay yung tipo na
ngayon magaapura sa oras pero
pagdating ng panahon eh magbabago
din ang isip.
7. Benjamin “Bingo” Bartolome Ginampanan ni John Wayne Sace ang
papel ni Bingo o Benjamin. Siya ang
bunso sa magkakapatid. Angkop ang
pangalang Benjamin sa kanya dahil siya
nga ang bunso. Siya ay inosenteng bata
pa lamang noong mga panahon na
nakikipaglaban na ang kanyang mga
kuya sa lipunan.

2. Isa-isahin ang mga suliraning politikal na nakita sa pelikula at magmungkahi ng


maaaring solusyon sa mga nabanggit na suliranin. (15 pts)

Suliranin Solusyon
Ang politikal na suliranin na Para sa akin, korapsyon man
ating kakikitaan sa pelikula ay ang pinakamahirap na
isa na dito ang korapsyon sa labanan sa ating bansa. Ito ay
gobyerno at ganid na may lunas padin sa
katungkulan na pinagpapasa- pamamagitan ng
pasahan ang kapangyarihan kapangyarihan ng mga
para sila-sila lang ang nasa mambabatas at ang pangulo
posisyon. Pawang puro na alisin ang mga kurap na
magkakamag-anak ang mga opisyales at linisin ang mga
nasa posisyon at para sila lang nagkalat na silaw sa pera.
din ang makinabang.
Aplikasyon
Alam ko na marami kang naging realisasyon mula sa iyong napanood, nabasa at
narining noong panahon ng Batas Militar sa ilalim ng panunungkulan ni Pang. Marcos.
Pwede mong ipahayag ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng
pagpinta/pagguhit. Anumang midyum na gusto mong gamitin ay maaari. Lagyan ng
pamagat ang iyong iginuhit at maglagay ng dalawang pangungusap tungkol dito.

Habang pinapanuod ko ang Dekada 70 napagtantuhan kung ang batas militar


ay nagng mabigat ang naging dulot nito sa mga tao, kasama na ryan ang
sobrang pagpapahirap at pagkalugmok ng bansa sa utang. Rape, torture,
extrajudicial killings, at iba pa ay ang mga ilan lamang sa mga dulot nito sa mga
tao. Maaring sa ibang parte ng Pilipinas ay naging matagumpay ang Martial
Law pero sa ibang dako ay sobrang naabuso rin ito. Ang mga paraan ng
pagpatay sa mga biktima ay talagang nakakkilabot. Mga sundalong
nandadamay ng mga civilian kinukoryente at kung ano ano pang pagpapahirap
sa mga biktima ay talagang nakakadulot ng kirot sa puso. Sa mga biktimang
nanatiling buhay hanggang ngayon at nalagpasan ang martial law mananatili
itong nakabaon sa kanilang mga pusot isipan.

You might also like