You are on page 1of 6

MARICEL B.

RAGUINDIN
BAPS 2A

AKTIVITI

Ikaw ba ay dadaing na lang


Kimi’t magmumukmok
Habang nagpapakasasa
Ang mga trapong bulok
Gisingin ang puso
Galitin hanggang pumutok.

1. Basahin at unawaing mabuti ang berso ng awiting “Di Niyo Ba Naririnig?”.


Gumuhit ng isang paglalarawan ayon sa iyong pag-unawa sa bahaging ito ng awitin.
ANALISIS
Tunay na ang Pilipinas bilang nasyon ay dumaan sa samu’t saring
pakikibaka katulad ng pananakop, pagpapahirap sa ilalim ng mga dayuhan,
kahirapan, mga tradisyunal na pulitikong nangungurakot sa kaban ng bayan,
kapitalismo, at marami pang isyung nagpapahirap sa mga mamamayan.
Punan ang pangalawang hanay ng epekto ng mga sumusunod na isyu.

Isyung Panlipunan Epekto


(2 pts bawat isa)
1. Kahirapan Isa sa mga epekto ng kahirapan ay ang
malnutrisyon at pagtaas ng iba’t ibang
kaso ng krimen.
2. Korupsyon Hindi uusad ang ating bansa kung may
korupsyon na nagaganap o walang pag-
angat na mangyayari.
3. Globalisasyon Ang masamang epekto naman ng
globalisasyon sa atin ay ang mabagal
na pagtaas ng ekonomiya, pag-unlad ng
pamumuhay, kultura at kapaligiran ng
isang bansa.
4. Diskriminasyon Pagkawala ng kumpiyansa na maaaring
magtulak sa isang tao na gumawa ng
masama o di kaya’y maisipan niyang
kitilin ang sariling buhay dahil na rin sa
nararanasang diskriminasyon.
5. Militarisasyon Matinding kahirapang pang-ekonomiya
at pagkawala ng paglaban sa
karapatan.
ABSTRAK
Jean Valjean

Siya ay ikinulong dahil sa pagnanakaw ng tinapay dahil awang-awa


siya sa anak ng kaniyang kapatid at hinatulan siya ng 18 taon na
Bilanggo
pagkakakulong. Siya ay isang mabuting tao at handa niyang isugal
ang kaniyang sarili para lamang sa kapakanan ng iba kahit alam
niyang ikakasama niya ito.

Siya ay isang magiting na kaibigan kung saan tinupad niya ang


Kaibigan pangakong kaniyang tinayuan at ito’y kaniyang napagtagumpayan.
Siya rin ay matulungin sa kapwa kung kaya’t matapang rin ito’t
ipinagtatanggol niya ang naaapi at nasasaktan.

Siya ay walang inuurungan kapag siya ay inaapi. Palaban siyang tao


Kaaway
lalo na kapag alam niyang siya’y nasa tama.

Siya ay isang huwarang ama at lahat ay gagawin niya para lamang sa


ikakaligaya ng kaniyang anak. Hindi man ito nagkaroong ng anak ay
Amain
naranasan naman nito kung paano maging isang mabuting ama sa
paraang pagkupkup nito kay Cosette na kaniyang inibig bilang isang
totoong anak at ginawa lahat para ito’y lumaking isang mabuting
dalaga.
Pumulot ng mga pangyayari o bagay na mayaman sa simbolo mula sa
pelikula.

Pangyayari Simbolo
(2 pts bawat isa) (2 pts bawat isa)
1. Ang pagkakulong ni Valjean ng 18 Ito ay sumisimbolo lamang ng
taon dahil sa pagnanakaw niya ng pagkawala ng kalayaan at karapatan
tinapay. ng mga tao.
2. Naghanap siya ng trabaho ngunit Sumisimbolo ng pagiging kalmado at
naging mailap ang kapalaran sa kanya mahina.
dahil sa kanyang rekord, walang
makuhang trabaho si Jean.
3. Siya ay kinupkop ng Bishop at ito’y Ito ay sumisinombolo ng kabaitan at
kaniyang pinakain at pinatulog ng pagmamalasakit ng obispo kay Jean.
mahimbing sa isang kama subalit sa
kabilang banda, habang lumalalim ang
gabi ay kanyang ninakaw ang mga
mamahaling bagay sa kumbento, at
habang siya ay tumatakas siya ay
nahuli ng mga kapulisan, subalit sa
halip na sang-ayunan ang mga pulis,
dinagdagan pa ng Bishop ang mga
dalahin ni Jean at sinabing nakalimutan
ni Jean na isama ang ibang mga
mamahaling gamit, kaya’t pinakawalan
ng mga gendarmes si Jean.
4. Ang kaniyang pagbabago ay naging Sumisimbulo ito ng pagbabagong-
dahilan para umunlad ang buhay ni buhay at pagkakaroon ng pag-asang
Jean, nagkaroon siya ng pabrika ng aayon din ang tadhana sa kaniya.
rosaryo at kumikita siya ng malaki at
maraming trabahador ang natutulungan
niya.
5. Noong malapit nang mamatay si Ito ay simbolo ng pagiging mabuting
Fantine kaniyang ipiinagbilin na tao, pagmamahal at pagrespeto sa
hanapin ang kaniyang anak na babae ibinigay na tiwala ng isang kaibigan.
at kaniyang tutulungan. Pinangako ni
Jean na pupuntahan at kukupkupin
niya si Cosette at kaniyang nakita at
tinupad nga nito ang kaniyang
pangako.
Tukuyin kung sino sa pelikula ang hinahanap ng mga nasa kahon.

Inapi Nang-aapi

Pinagsamantalahan Nagsamantala

Nagtagumpay Pinagtagumpay
an

APLIKASYON

Sumulat ng repleksyon ng iyong natutunan gamit ang gabay na paksa.


“Ang tunggalian ng mahirap at mayaman, ng maliit at malaki, mahina at
malakas, inaapi at makapangyarihan.”

Sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman sa Pilipinas ay ating mapapansin na


kapag ikaw ay isa sa mga mahihirap ay inaasahang mamumuhay ka sa isang
walang tinatahanan na gusali o sa mga lansangan at walang lahat ng mga
pangunahing mapagkukunan upang mabuhay, sa kabilang banda kung ikaw naman
ay isang mayaman ay pawang naninirahan ka sa luho, at naninirahan ka sa isang
marangyang buhay, sa isang malaking gusali at maaaring magkaroon ng mga bagay
na ang tanging mga taong mayaman lamang ang makakakuha at makakatamasa.
Bahagi tayo sa isang bansa na puno ng mga pinuno na nag-uusap lamang sa
pagtulong sa mahihirap ngunit hindi kailanman gumawa ng anumang bagay at
aksiyon upang malutas at bawasan ang mga problema ng mga mahihirap na
pamilya na nakakaranas ng kahirapan kundi ang problema ay nagpapanatili lamang
sa pagdaragdag ng bawat taon. Maramang mga ibang ng lider sa Pilipinas ay iniisip
lamang kung paano mapapanatili ang kanilang yaman at wala ng iba, ang kanilang
mga trabaho ay mas mahalaga kaysa sa pagtulong sa mga taong nangangailangan.
Napansin ko rin na ang mga mahihirap na tao ay mga instrumento lamang para sa
mayayaman. Ang bawat solong bagay tungkol sa mga dukha at mayaman ay hindi
tama, kung bakit sisihin ang mga mahihirap kapag ang tunay na problema ay ang
mga taong sarili lamang nila ang kanilang iniisip. Dahil lamang sa ikaw ay mahirap
ay hindi nangangahulugan na ikaw ay dapat tratuhin nang may kawalang-galang at
hindi rin ito nangangahulugan na kung ikaw ay mayaman, ikaw ay dapat
pakitunguhan nang may wastong paggalang na kung ikaw ay isang diyos. Lahat tayo
ay pantay na indibidwal, kung kaya’t ang tanging kaibahan lamang ay ang ating
katayuan sa lipunan, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi natin dapat
pakitunguhan ang iba na may paggalang, lahat tayo ay mga tao na may damdamin,
hindi lamang mga kasangkapan lamang na gagamitin pagkatapos ay itatapon din sa
huli.

You might also like