You are on page 1of 5

Kabanata 1:Ang Kubyerta

Sa kabanatang ito ay inilarawan ang itaas na bahagi ng bapor tabo o ang tinatawag na ibabaw ng kubyerta. Sa
bahaging ito matatagpuan ang mga mayaman at makapangyarihang pasahero ng bapor. Mas Komportable at
maaliwalas kaysa sa ibabang bahagi ng kubyerta.Dahil sa makitid ang ilog pasig,hinarapan ang bapor tabo na
umabante lalo na ng sumadsad ito sa maputik na bahagi.Ang pagsadsad na iyon ang naging usapan ng mga tao sa
ibabaw ng kubyerta.Bawat isa ay merong sariling kuro-kuro sa kung paano mapapalalim ang ilog pasig. Ngunit sa
lahat ng mga mungkahi, ang kay Simoun ang siyang may kabuluhan kaya lamang hindi tinatanggap ng mga prayle
sapagkat iyon ay nagmula sa Ibarra.

Naging makatotohanan din ang pagtutulad ni Dr.Rizal sa pamahalaan at sa bapor tabo.Ang pamahalaan na binubuo
ng lipunan ay nahahati sa dalawa:mayaman at mahirap.Isang masakit na katotohanan ngunit ang mga tao ay sadyang
inuuri ayon sa estado sa buhay.Kaya naman sa bapor tabo, ang mga mayayaman nasa itaas at mga mahihirap ay nasa
ilalim sapagkat higit na marami sila kaysa sa mga mayaman. Idagdag pa ang mga gamit ng lahat ng mga pasahero na
doon din sa ilalim nakalagay.

Kabanata 2:Sa Ibabaw ng Kubyerta

Sa kubyerta,hianti ito sa dalawang kategorya ayon sa katayua o estado sa buhay at ito ay ang itaas ng kubyerta at
ang ilalim ng kubyerta.Sa itaas ng kubyerta,andoon ang mayayaman na mayroong kalayaan at sapat na espasiyo.Sa
ilalim naman ng kubyerta ay naroroon ang mga mahihirap at ang iba’t ibang bagahe ng lahat na sumasakay sa
bapor.Humamak ang mga taong naroroon sa itaas ang mga taong naroroon sa ibaba ng kubyerta dahil sila raw ay
mga Indio.Ang mga kabataan ay masigasig sa kanilang mga balak. Humahanap sila ng mga paraan upang
maisakatuparan ang kanilang mga adhika.Lipos ng pag-asa ang mga kabataan.

Sinisimbolo ng ilalim ng Kubyerta ang diskriminasyon ng lipunan, na ang mahihirap ay laging nasa ilalim.Ang hindi
nila batid ay walang pinipiling katayuan sa buhay ang pagiging mahusay at kapakipakinabang.Sapagkat inilalagay
ng mga taong naroroon sa itaas ang mga Indio sa ilalim ng kubyerta kung saan ay masyadong masikip at walang
espasiyo kaya hirap makagalaw.Mas ibinibigay ang malaking espasiyo sa mga mayroong maraming salapi kaysa sa
mga nangangailangan.

Ipinahayag rin sa kabanatang ito ang pagkalimot sa importansya sa sariling wika.Dahil hindi na namalayan nina
Basilio at Isagani na hindi na nila ibinibigay ang sariling wika na wikang Filipino ng tugon dahil sa pagtatayo ng
sarili nilang akademiya na magtuturo ng wikang Kastila.

Kabanata 3:Ang mga Alamat

Sinasabi sa isang alamat na sa kahihintay ni Donya Geronima sa kanyang kasintahan ay tumandang dalaga ito.Ang
alamat na ito ay nagpapakita ng katapatan ng mga Pilipina sa sinumpaang pagmamahal. Ang kabanatang ito ay
naglalayon na ipakita na sa lipunan na ang lahat ng bagay o nangyayari sa ating lipunang ginagalawan ay may
pinagmulan. Atin lamang hanapin kung saan ito nag-ugat upang matukoy ang solusyon sa bawat problemang ating
kinahaharap.

Makikita rin sa kabanatang ito ang alamat ng Malapad na Bato na kung saan ay pinaniniwalaan na tinitirahan ng
mga masasamang espiritu.Kagaya ng mga paniniwala ng mga Pilipino noong unang panahon sa bansang
Pilipinas.Ngunit ng dumating ang mga espanyol sa ating bansa naniwala sila na walang masamang espiritu.Sapagkat
wala namang nangyayaring masama sa mga ito. At mga kastilang ito pa ang siyang nagpahirap at nanakit sa mga
taong naninirahan dito.

Ipinakikita ng kabanatang ito na ang lahat ng nangyayari sa lipunan ay may pinagmulan.Kagaya ng isang alamat na
kung saan ay may pinag-uugatan ang pag-usbong o pag sulpot ng isang bagay o pangyayari.Matuto lamang tayong
manaliksik at magmasid upang matukoy ang mga pinagmulan ng bawat bagay.Sa pamamagitan nito matuto tayong
lumutas ng mga problema para na rin sa ikaaayos ng ating sarili at ng ating lipunan.

Kabanatang 4:Kabesang Tales

Maraming aral ang makukuha natin sa kabanatang ito.Ang pagiging matiyaga ang isa sa mga aral na makukuha
natin dito.Ang Katulad ng ginawa ni Kabesang Tales dahil sa kanyang pagtitiyaga ang nagbunga ang kanyang
pinaghirapan at siya ay nagkaroon ng kabuhayan. Ang pangalawa ay ang matuto tayong ipangtanggol ang ating mga
sarili kapag tayo ay inaapi at ipaglaban kung ano ang meron tayo ang pagpapahalaga sa mga naipundar natin katulad
ni Kabesang Tales ng inaangkin nang mga prayle ang kanyang mga lupain ay ipinagtanggol niya ang kanyang sarili

Kabanata 5:Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Sa kabanatang ito masasalamin na ang bawat kakulangan at pagkakamali ay may katapat na parusa.Tulad na lamang
ng Kutserong si Sinong na makailang beses na pinarusahan ng mga guwardiya sibil dahil sa mga bagay na hindi niya
nagawa:ang pagdala ng kanyang sedula at pagpapalit ng ilaw ng kanyang parol. Kung hindi niya nakaligtaan na
dalhin ang kanyang sedula, hindi sana siya bubugbugin ng mga sibil.Gayun din ng mapansin ng mga ito ang
kanyang parol na tila walang liwanag.Ang mas nakakalungkot pa ay kapwa niya Pilipino ang siyang naggawad ng
kanyang parusa.Nang mga panahong iyon, ang mga Pilipinl ay naninilbihan bilang mga guwardiya sibil.

Ang lahat ng ipag-uutos ng kanyang pinuno ay kanilang susundin kahit pa ang kapwa Pilipino nila ang
makatatanggap ng pananakit o ng kaparusahan.Dahil ang mga Pilipino noong panahon ay nasapailalim sa
kapangyarihan ng mga kastila,nawalan sila ng kapangyarihan na pangalagaan at ipagtanggol ang kanilang kapwa
Pilipino. Ang Kutserong si Sinong ay isa lamang sa mga Pilipinong nakaranas ng bagsik ng mga guwardiya
pagdating sa paggawad ng parusa.Ayon sa alamag ni Bernardo Carpio, pinaniniwalaan na sa pamamagitan ng lalang
ng mga kastila ay naipit ng nag-uumpugang bundok sa Montalban sa Rizal si Bernardo Carpio ngunit unti-unti nang
nakakawala at sa panahon ni Sinong ay kanang paa na lamang ang di naiaalpas.Pagnakawala raw si Bernardo Carpio
ay siya ang mamumuno sa mga Pilipino sa paghihimagsik laban sa mga kastila.

Kabanata 6:Si Basilio

Ang pag papaalila ni Basilio upang makapag aral ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa karunungan.Maging ano
mang uri ng gawain basta't marangal ay kailngang pasukan upang makatapos ng pag aaral at makamit ang mga
mithiin sa buhay kaylangan ng pag titiis, pagtitiyaga,at pagsusumigasig upang matuto tayo. Sa kabanatang ito rin ay
napabulaanan ang kasabihang kung anu ang puno ay siya ang bunga. Si Basilio ay may mabubuting katangian
kabaligtaran sa kanyang ama.

Kabanata 7:Si Simoun

Ang kabanatang ito ay tungkol sa lihim ni Ibarra na nabunyag ng mapagtanto ni Basilio na si Simoun at

Ibarra ay iisa. Sa kabila ng natuklasan ito ni Basilio, hindi nagbago ang kanyang paggalang sapagkat
meron siyang utang na loob dito may labintatlong taon na ang nakararaan. Kasabay ng pag amin ni
Simoun na siya ay si Ibarra, isinalaysay nito na ang pakay niya sa pagbabalik ay upang pabagsakin ang
pamahalaan na kinagisnan nila. Sadya raw niyang pinalala ang pag-iimbot at pagmamalabis ng taong
pamahalaan at simbahan upang gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik.

Gayun pa man, masasabi ko na ang pagkakatuklas ng totoong katauhan ni Simoun ay magdudulot ng


maraming pagbabago. Batid ng lahat na sa oras na matuklasan ng mga prayle na buhay pa si Ibarra siya
ay tutugisin ng mga ito hanggang sa siya ay magapi. Ngunit ang pagkakaroon niya ng panibagong
katauhan bilang ang mayamang si Simoun ay hindi basta basta masusukol ng mga prayle sapagkat
sinadya niya na magkaroon ng hawak sa mga ito. Ang mga donasyon na ibinibigay niya sa simbahan at
ang lahat ng mga pribilehiyo ng mga paring indibidwal na natatanggap mula sa kanya ay magdudulot sa
kanila ng pagdadalawang isip kung siya ba ay uusigin o hindi.
Kabanata 8:Maligayang Pasko
Dito makikita na ang pasko ay talagang lubhang pinahahalagahan ng mga Pilipino noon pa man, sa
matatanda nagbibigay sila ng paggalang sa pamamagitan ng pagmamano sa mga ito, kapansin pansin din
na mayroong nakalaang simpleng regalo na pinahahalagahan nila tulad ng matatamis na prutas o kahit na
anong bagay na buong pusong iniaalay ng sino mang nagbibigay. At sa mga walang wala naman ay ang
paghahain ng matamis at malamig na tubig mula sa isang maralita at isa pa sa pinahahalagahan biyaya na
di matutumbasan sa balat ng lupa. Ang pasko ay pagbibigay. Hindi mahalaga kung ang handog ay maliit
o malaki man. Sa maliit na regalong ibinibigay kailangang kalakip dito ang pusong nagmamahal.
Ang isa pang aral sa sa kabanatang ito ay huwag mawalan ng pag-asa magpakatatag at isiping lahat ng
problema ay malalampasan,Katulad nalang ng ginawa ni Juli, wala mang himalang nangyari katulad ng
hiling niya sa mahal na birhen, Sinabi na lamang niya sa kanyang srili na kahit siya ay magpakaalila ay
makikita parin naman niya ang bahay at makakauw parin siya dito, Bago pa nga siya umalis ng bahay ay
nagbilin pa siya sa kanyang lolo na sabihin sa kanyang ama na matutupad daw ang mga pangarap nito
mag-aaral daw siya sa isang magandang eskwelahan at magsasalita rin sa wika ng Cervantes na inlidolo
niya sabi pa niya mura lang ang matrikula sa paaralang gusto niyang pasukan at di na kaylangang mag-
araro ng lupa ang kanyang ama.
Bigyang laya ang mga kabataan sa mga gusto nila, lalo na sa pananamit, hayaan natin sila na maging
kumportable sa kanilang mga isusuot upang makagalaw sila ng ayos, hayaan nating eenjoy nila ang
kanilang pagkabata.Huwag nating ipagawa ang mga bagay na ayaw nilang gawin, may sarili silang isip
basta lagi lang sa kanilang ipaalala ang tama at mall.

Kabanata 9: Si Pilato
Ang mga tao noong panahon noon ay lubhang mapanghusga. Masasalamin ang pag-uuri ng mga tao batay
sa kanilang katayuan sa buhay. Nakakalungkot mang isipin na biktima tayo mula sa mga kaugaliang
kastila na pilit ipinapamukha sa atin ang kababaang uri. Ang mga prayle na nagmamayari ng simbahan at
ng sambayanan.

Kabelang si Kabesang Tales na biktima sa biktima ng mapanghusgang lipunan. Ang masamang


kaugaliang iyon ay nagdudulot ng pasakit at pagkadurog ng katauhan. Kasama na rin mula sa kanyang
ama at anak na biktima ng mapagsamantalang lipunan. Ang paghihirap ng mga Pilipino noong panahong
iyon ay mapapansin dahil sa turing nilang mga alipin tulad ni Huli.
Ika nga ni Dr. Jose Rizal " Walang Alipin Kung Walang Magpapaalipin". Ibigsabihin matuto tayong
bumangon at makipaglaban para sa ating karapatan at huwag manahimik na lamang. Kaya ginawa ni Dr.
jose rizal ang nobelang El FILIBUSTERISMO upang gisingin ang natutulog na damdamin nating mga
Pilipino.
Sa mga katauhan ni Simoun at Ibarra na
pilit ipinaglalaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mapang aliping Prayle na tila mga Diyos na
sinusunod ng mga Pilipino. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal "Walang Alipin kung Walang Magpapaalipin"
Ibigsabihin matuto tayong tumayo sa sariling paa at Ipaglaban ang ating mga karapatan sa ating sariling
bayan.
Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan
Ang aral na makukuha sa kabanatang ito ay mayroong dalawang mukha ang lipunan: karalitaan at
kayamanan.
Sa dalawang mukha ng lipunan, kapwa may kabutihan at kapahamakang dulot. Sa pagiging maralita,
madaling matutukso ang tao na gumawa ng masama upang makuha ang nais niya sa buhay. Tulad na
lamang ng nangyari kay Kabesang Tales. Matapos na makita ang lahat ng mga alahas na pagmamay-ari ni
Simoun ay naisip na ang mga alahas na iyon ay makatutulong ng malaki upang matubos niya ang nag-
iisang anak na si Huli mula sa pagiging bayarang utusan na makapagdudulot ng kapanatagan sa kanyang
amang si Tandang Selo upang ito ay gumaling mula sa pagkakapipi nito. Gayun pa man, ang kanyang
karalitaan din ang nagtutulak sa kanya para ipaglaban ang kanyang karapatan sa kanyang lupaing
pagmamay-ari. Ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas para pagsikapan na maitaguyod ang kanyang
pamilya at ipaglaban ang kanyang karapatan laban sa pang-aapi at pang aangkin ng mga taong hindi
naman naghirap sa pagpapayaman ng lupaing ito.

Samantala, sa pagiging mayaman madaling gumawa ang tao ng paraan para isailalim sa kanilang
kapangyarihan ang iba. Tulad na lamang ng ginawa ni Simoun kay Kabesang Tales na naakit niyang
gawing pansamantalang tirahan at bahay kalakalan ang tahanan nito. Dala na rin ng labis na kahirapan,
pinayagan ni Kabesang Tales si Simoun na mamalagi sa kanyang tahanan sapagkat meron Itong sapat na
pagkain para sa kanilang pamilya. Ang pagiging mayaman din ni Simoun ang nakatulong sa kanya para
makabalik sa bayan ng San Diego. Dahil sa kanyang kayamanan nagkaroon siya ng kapangyarihan na
unti-unting maisakatuparan ang kanyang mga plano ukol sa paghihimagsik. Ang kanyang mga alahas na
naging daan niya upang magkaroon siya ng koneksyon sa mga maimpluwensya at kilalang tao sa bayan
ng San Diego na tulad ng alperes, kapitan heneral, kura, at marami pang iba.

Kabanata 11: Los Banos


Ang kabanatang ito ay sumasalamin sa labis na pagkahumaling ng mga Pilipino sa pagsusugal. Ang
paglalaro ng tresilyo ng kapitan heneral at mga pari sa mga bahay aliwan ay palatandaan lamang na ang
sugal ay may malaking impluwensya sa buhay ng mga tao noon at maging hanggang sa kasalukuyan.
Katunayan, mas mahabang oras ang ginugugol ng tao sa pagsusugal kaysa sa pagtatrabaho. Ang mga
pusta sa sugal ay kundi pera ay pangako o pribilehiyo. Ang hinihingi ni Simoun na kapalit sa mga prayle
kung siya ang mananalo sa sugal ay ang mga bagay na hindi karaniwang ginagawa ng isang kura tulad ng
pagiging maluho sa buhay at paggastos, kawalan ng awa lalo na sa mga naghihirap, at pagtaliwas sa batas
ng kabutihang asal.
Samantalang ang kanyang hiling sa kapitan ay ang pribilehiyo na magpakulong ng taong nagkasala sa
kanya sa loob ng limang araw. Ang mga pusta na ito ay naging kakatuwa para kina Don Custodio, Padre
Fernandez, at sa mataas na kawani. Kung susuriing mabuti ay kapuna puna na ang mga pusta na iyon ay
puro taliwas sa kung ano ang dapat gawin ng mga namumuno sa bayan. Para sa akin ito ay patama. Nais
lamang ni Ibarra na pagbutihin ng mga parayle at ng kapitan ang pagsusugal upang hindi sila makagawa
ng taliwas sa kabutihang asal at sa kung ano ang inaasahan sa kanila bilang mga lider ng bayan ng San
Diego.
Kabanata 12:Placido Penitente
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng pagkadismaya ng isang matalinong mag aaral matapos na
maibigay niya ang apat na taon sa pag aaral ay hindi nakakuha ni isang pagkilala mula sa kanyang mga
guro. Tipikal na kwento ng mga batang nagsusunog ng kilay upang maabot ang kanilang mga pangarap.
Tulad ng kabataan, kahanga hanga ang pag uugali na ipinamalas ni Placido Penitente. Ang pagkakaroon
niya ng paninindigan sa kung ano ang nais niyang gawin sa buhay ay patunay lamang ng kanyang
pagiging matalino. Gayun pa man, hindi dapat isakripisyo ang pangarap kapalit ng pagkadismaya at
kawalan ng pagkilala.

Sa kabuuan, ang kabanatang ito ay nagtuturo na mahalaga ang edukasyon sapagkat ito ang nagtatakda ng
kinabukasan ng isang tao. Ang pagkakaroon ng maayos na trabaho balang araw ay bunga na rin ng
magandang rekord sa pag aaral. Katunayan, ang bawat unibersidad ay may kanya kanyang
pagkakakilanlan at ang madalas na makakuha ng magandang posisyon sa trabaho ay iyong naging bahagi
ng mga sikat na unibersidad na tulad ng Unibersidad ng Sto. Tomas, Ateneo, Letran, at UST.
Samantalang ang mga nanggaling sa probinsya at hindi gaanong kilalang unibersidad ay madalas na nasa
waiting list ng mga aplikante.

Kabanata 13:Klase sa Pisika


Bilang isang guro dapat tayo ay mayroong pantay na pagtingin sa ating mga mag-aaral mayaman man
lyan o hindi,maramin siyang nalalaman o hindi,dahil ang mga guro ay nandiyan upang gumabay sa mga
mag-aaral,at dapat siya mismo ang magpakita ng magandang halimabawa sa kanyang mga mag-aaral
wala dapat kinikilingan bilang isang guro dapat mayroon kang panatay na pagtingin sa iyoing mga
estudyante.
Sa kabanatang ito ay inilarawan ang kalakaran ng edukasyon ang klase sa pisika ay walang pangganyak
sa interes ng mga mag-aaral,Limot ng mga guro na lugnay an natutuhan ng estudyante sa pang-araw-araw
na buhay. Sila ay naturingang mayroong mga gamit ukol sa eksperimento pero itoy nakaeskaparate lang
para sa mga bumibisita mula sa Europa para masabing mahusay ang pagtuturo ng mga dominiko sa
siyensa. Sakatunayan naman ay wala namang natututunan ang mga estudyante dito sapagkat puro lamang
sila pabalatkayo. Sapagkat takot sila na matuto ng husto ang mga indio.
Ang mga simulain sa pagtuturo ni Rizal ay angkop hanggang ngayon tulad na lamang ng katamtamang
bilang ng mga estudyante sa isang klase, mali ang magpahiya sa mga ito, bilang mga guro dapat ay may
malasakit at kaluguran sa pagtuturo at ang maraming bakasyon ay nakahihikayat sa pagliban ng mga
mag-aaral.

Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Studyante


Ipinapakita dito na mulat ang mga kabataan sa kanilang karapatan, kalayaan at katarungan bunga ng
kaisipang liberal mula sa Europa at Amerika, Upang itaguyod ang kapakanan ng mga Pilipino,
Nagkaroon sila ng lakas ng loob na humingi ng pagbabago sa pamahalaang kastila, sa kabila ng mga
kaapihan na dinaranas ng mga Pilipino may mga tao parin na hindi natatakot na ipakita o iparating ang
kanilang mga nais, pilit silang gumagawa ng paraan kung papaanong maging isang mamamayan na
mayroong magagawa sa bayan, Sila ang ating mga kababayan na mayroong mga paninindigan mga taong
hindi lang iniisip ang mga pansariling karapatan bagkos ito ay para sa lahat kaya sila ay may
ipinaglalaban, kaya naman dapat silang pasalamatan sapagkat natatamasa natin ngayon ang kalayaan
dahil sa kanila.
Ang mga estudyante ay sumasagisag sa mga mamamayang nasa gitnang uri ng panahong lyon. Ninais
nilang magtatag ng Akademya ng Wikang Kastila upang magkaisa ang mga Pilipino at maunawaan ang
mga nagaganap sa lipunan dahil karamihan sa kanila noon ay mga walang alam, Ngunit inisip naman ng
mga paring Kastila na iyon ay makasasama dahil pagnatuto ang mga Pilipino hindi na nila basta
makokontrol ang mga ito takot silang sa kabila ng pagkatoto ng mga Pilipino ay ang pagwawakas ng
kanilang kapangyarihan.
Kabanata 15: Si Ginoong Pasta
Ang talas ng isip ng tao ay nagagamit sa kabutihan ngunit kung minsan ay pinipili na lamang ding
manahimik upang hindi masangkot sa mga gulo.
Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani ang tanggapan ni Ginoong Pasta. Kilala si
Ginoong Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang
manghingi ng payo kung nasa isang gipit na sitwasyon.
Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang balak. Nais niyang kausapin ni Ginoong Pasta si
Don Custodio at mapasang-ayon ito.
Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan. Nakinig naman ang Ginoo
ngunit akala mo ay walang alam at walang pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si
Isagani kung naging mabisa ba ang mga salita niya sa Ginoo.
Pagkatapos ng ilang sandall, sinabi ng Ginoo ang kaniyang pasya. Ayaw niya raw makialam sa plano ng
mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at mas makabubuti raw na ang pamahalaan na lamang ang
kumilos hinggil dito. Malungkot naman si Isagani sa naging pasya ng Ginoo.

Kabanata 16:Mga Kapighatian ng Isang Tsino


Matuto tayong makontento sa kung anong mayroon tayo sapagkat sa kahahangad natin ng mas mataas
gamit ang makasariling intesyon ay lalo tayong napapahamak. Kagaya ni Quiroga na nais maging konsul
subalit naisahan lamang siya ng kanyang mga nakausap.
Sa pag-abot ng pangarap mahalagang dumaan sa tama at malinis na proseso upang maging matatag ang
pundasyon ng tagumpay.

MEMBERS:
RENIEL SUAYBAGUIO
NIÑA JEAN ARANAS
WILMA ROMA
JOANEE CABASA
CHRISTIAN JAY CAÑADA
JANE MARIE CATUBAG
ANNE BERNADETTE TUQUIB
JENALYN MIANO
JANNA GENITA
ALTHEA INGENTE
CARL ANTHONY LIMO

You might also like