You are on page 1of 4

KABANATA 1: Sa Kubyerta

Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay ang pagiging “MAKASARILI”, ang bawat isa’y gustong umunlad ngunit ayaw
humingi ng tulong sa iba. Kaya ang lipunang Pilipino ay walang direksyong pinatutunguhan dahil mabagal at
maraming balakid ang pag-unlad ng Pilipinas. Lalo na ang pamahalaan noong panahon ng Kastila, maraming taksil
sa bayan at korupsyon. Hindi nila iniisip ang kapakanan ng ibang tao nawa’y lubos nilang ginagamit at sinasagad
ang kanilang kapangyarihan nila dahil alam nilang ang mga taong nasa ibaba ay walang kalaban laban sa kanilang
mga matataas. Ipinakikita dito ang hindi pagkakapantay-pantay na karapatan ng bawat tao. Kung mapapansin ang
mga taong nasa ibabaw nito ay yaong mga espanyol at mga may kayang tao. Samantala ang mga nasa ibaba nito
ay ang mga Pilipinong kung ituring ay mga indio. Ito ang kalagayan ng lipunan noong mga panahong isunulat ito ni
Rizal.

KABANATA 2: Sa Ilalim ng Kubyerta


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay”HINDI PANTAY ANG TINGIN SA ISANG TAO”. Sa panahon ng mga Kastila
ang mga Pilipino ay tinatawag na Indiyo. Ang mga Indiyo ay hamakin lamang at tinuturing na iba sa kanilang mga
mayayaman at Europeano. Ang kubyerta ay nahahati sa dalawa and itaas at ang ilalim nito, sa itaas naririto ang
mga makapangyarihan, mayaman at kinikilala sa lipunan kabilang na rito ang mga prayle at kastila. S a ibaba naman
naririto ang mga Indiyo, mestiso at intsik kasama ang mga bagahe ng mga nasa itaas.

KABANATA 3: Mga Alamat ng Ilog Pasig


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “KASAYSAYAN”. Dahil ito ay mahalagang papel sa ating lipunan, ito’y
maaring maging isang alamat dahil sa mga sunod na henerasyon at nagsasaad ng pinagmulan ng isang bagay. Ang
layunin nito’y magbigay ng aral at mapanatili ang mga kwento-kwento ng ating mga ninuno. Maraming naging alamat
ang Kabanata 3, una na rito ang “Malapad na Bato” sapagkat ito ay sinalaysay ni Kapitan Basilio, Ito ay nalulubog o
tumataob ang mga Bangka. At ang pangalawang alamat naman ay “Donya Geromina”, Nagpupukol siya sa ilog ng
mga kasangkapang pilak na ginagamit niya sa mga masasaganang bangkete. May isang lambat sa ilalim na
sumasalo nito. At ang huling alamat naman ay ang “Milagro ni San Nicolas”, Isang dimonyo na nag-nayong buwaya
ang nagpalubog ng Bangka upang makain at dalhin sa impyerno, Noong araw ay napakaraming buwaya ang ilog at
lawa. Ito ay malalaki at masisisilog, suisiyab sa mga Bangka.

KABANATA 4: Kabesang Tales


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay ang “KARAPATAN NG ISANG TAO”. Dahil lahat tayo’y may karapatan sa
mundong ito, sa kabanatang ito ipinapakita na inaabuso ng mga may kapangyarihan ang mga mahihina at walang
laban. Pinagbantaan nila ang mahirap at pilit na kinuha ang kaniyang pagmamay-ari na ilang taon niyang
pinaghirapan, ngunit sinubukan niyang ipaglaban ang kaniyang sarili at sa huli siya’y nabigo at nakulong kahit na ang
kanyang ginawa ay tama.

KABANATA 5: Ang Noche buena ng Isang Kutsero


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “PAGBABAGO”. Dahil hindi natin mapipigilan ang pagbabago ng isang tao o
pangyayari, wala tayong alam sa mga mangyayari sa kinabukasan at hindi natin akalaing iba na sa dati ang mga
nangyayari ngayon at sa susunod. Kaya matuto tayong pahalagahan ang mga taong narito ngayon at maging
masaya sa kung anong mayroon ka. Dahil hindi mo masasabi ang oras at panahon, baka sa susunod na araw ay
bigla nalang magbago ang lahat. Kaya’t mahalin natin ang ating mga mahal sa buhay dahil hindi palagi na nariyan
sila sa tabi mo. At huwag mo rin kalimutang mahalin ang sarili mo, isapuso palagi natin iyan. Sabi nga ni Gregorio
"Goyo" del Pilar, Huwag mong ikumpara sarili mo sa iba dahil nag iisa ka.”
KABANATA 6: Si Basilio
Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “PAGSISIKAP”. Dahil Ginawang inspirasyon ni Basilio ang kanyang
namayapang ina at ang lalaking tumulong sa kanya. Nagsumikap siya sa kabila ng mga diskriminasyon at panghihila
pababa sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa huli, nakamit niya ang kanyang mga pangarap dahil sa kanyang
pagsisikap at pagtitiis. Alam naman natin sa panahon ngayon ay maraming nagsisikap upang makamit ang kanilang
pangarap. Maging Malaya tayo sa pagpili ng ating pangarap dahil ayan ang sagot sa problema mo. Dahil bago mo
makamit ang pangarap mo ay dapat mong pagsikapan at paghirapan, hindi nakukuha iyan sa mabilis na panahon. M

KABANATA 7: Si Simoun
Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “PANINIWALA”. Dahil ang bawat isa’y may iba’t ibang paniniwala, sa kabila
nito ay dapat nating irespeto ang kanilang mga desisyon sa buhay at kung ano ang nais nilang gawin. Sina Basilio at
Simoun ay magkaiba ng paniniwala sa kung paano babaguhin ang bayan, si Simoun ay gustong maghimagsik at
pagbayarin ang mga taong umapi sa kanila noon bilang Ibarra at si Basilio naman ay sa mapayapang paraan. Maari
na rin natin ito ikumpara sa sarili natin, bagkus sa panahon ngayon ay iba iba ang ating paniniwala. Tulad na rin ni
Simoun na kaya siya bumalik ay maghihiganti siya sa mga nang api sa kaniya bilang isang Ibarra. Respetuhin natin
ang paniniwala ng isa’t isa, wala rin naman mawawala sa atin kung irerespeto natin ang paniniwala nila at ang
paniniwala natin.

KABANATA 8: Maligayang Pasko


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “KABILANIN”. Bagkus may mga pagkakataon na hindi patas ang mundo
sa’tin, minsan tayo’y nasa ibaba at malungkot sapagkat ang iba’y masaya’t nagtatawanan ngunit minsan din tayo’y
masaya at sila’y malungkot. Sa kabanatang ito ay malungkot ang pasko ni Tandang Selo dahil ilang oras na siyang
nag aantay sa bintana ay hindi niya parin ramdam ang kapaskuhan dahil sa simpleng pagbati ng “Maligayang
Pasko!” ay nakalimutan ni Huli, Kahit pamasko ay walang natanggap si Tandang Selo. Ngunit sa kabila ng lahat, ay
nagkagulo nang malaman ng mga panauhin ni Tandang Selo ay hindi na nagsalita ang matandang ito. Dahil
naniniwala ako na tuwing kapaskuhan ay kaarawan ng ating Panginoon, at dapat sa araw na ito ay masaya tayo at
nagbibigayan, Ang hindi ko lang matanggap sa kabanatang ito ay bakit nila kailangang gawin kay Tandang Selo ang
mga iyon?. Dahil ang simpleng pagbati sa atin tulad ng “Maligayang Pasko!” ay tanda ng pagpapasalamat dahil
naalala tayo ng mga mahal natin sa buhay. Matanda man o bata.

KABANATA 9: Mga Pilato


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “KASAKIMAN”. Ngunit nabanggit sa ika-walong kabanata na napipi si
Tandang Selo, marami ang nagwalang-bahala maliban na kay Hermana Penchang. Ang sabi niya'y kaparusahan
daw ito sa isang taong makasalanan o ang kaniyang mga kamag-anak ay makasalanan at dinamay pa niya si Huli na
anya'y hindi ito marunong magdasal. Sa kabila ng pinagdadaanan ng matanda nagawa pang husgahan ni Hermana
Penchang ang mga nangyayari sa kanila. Dahil nilulubos ni Padre Clemente ang kaniyang kapangyarihan na itakwil
o isisi sa kaniya ang lahat ang kaniyang maling nagawa.

KABANATA 10: Kayamanan at Karalitaan


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “HINANAKIT O POOT”. Ang agwat sa pagitan ng mga mahihirap at
mayayaman ay maaaring magdala ng sama ng loob, himagsik at trahedya. Sumisimbolo rito ang ginawang pagpatay
ni Kabesang Tales sa paring tagapangasiwa at sa mag-asawa katabí nilá'y kapilas ng papel na nagsasaad na
"Tales." Nasusulat ito sa dugo. Ipinapakita ng kabanatang ito na ang buhay ng tao sa mundo ay may dalawang
katawagan, ito ay ang pagiging mahirap at mayaman. Marami ang naglalayon na makarating sa tagumpay ang ilan
batayan o sukatan ang kayamanan upang masabing tagumpay.
KABANATA 11: Los Baños
Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “KASINUNGALINGAN”. Dahil ang kapitan-heneral ay nagsinungaling sa
kanyang mga kasamahan upang hindi mabunyag ang katotohanang hindi siya asintado. Sinabi nyang naawa raw
siya sa mga hayop kaya hindi niya ito binaril ngunit may iba pang dahilan bukod rito. Ang pamahalaan noon ay
abusado at sakim sa kapangyarihan at sila mismo ang tumututo ang mga tao. sapagkat kinatatakutan nila at pinipigil
ang pag usad at pagbabago dahil ayaw nila mawalan ng kapangyarihan sa mga Pilipino noon. Dahil pilit nilang
kinukunsinte ang mali at ang pagsisinungaling ang kanilang pinaparating sa atin.

KABANATA 12: Si Palacio Penintente


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “LAYUNIN”. Dahi matagal nang nag-aaral si Placido Penitente at noon pa
man ay hindi pa siya napapansin ng kanyang mga guro. Ngunit siya’y huli na sa klase at naglakad papasok sa silid-
aralan na pinatutunog ang takong ng sapatos at naglalakad nang patiyad upang mapansin ng kanyang guro.

KABANATA 13: Ang Klase ng Pisika


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “HUSGA” o ang tinatawag na”JUDGEMENT”. Dahil hindi natin kailangang
manghusga ng kapwa, kaya tayo nag - aaral ay para may matutunan hindi mamahiya ng mga kapwa estudyante.
Hindi natin maiiwasan ang pagkakamali sa ating mga kasagutan bagama’t igalang pa rin natin ang kaniyang
kasagutan dahil sinusubukan natin magsagot upang maitama natin ito. Walang taong perpekto sa buhay at lahat
tayo ay nagkakamali.

KABANATA 14: Sa Bahay ng mga mag aaral


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “PANGARAP”. Dahil ang mga mag-aaral ay nais magpatayo ng akademya ng
wikang kastila dahil alam nilang makakabuti ito para sa lahat. Nagpaplano sila kung paano nila ito maisasagawa at
kinailangang humingi ng tulong sa iba. Libre lamang ang mangarap, kahit sa tingin mong imposible at mahirap itong
abutin magtiwala ka lang sa iyong sarili.

KABANATA 15: Si Ginoong Pasta


Ang sumisimbilo sa kabanatang ito ay “PAGSUBOK”. Dahil hindi sumang- ayon ang heneral at si Ginoong Pasta sa
layunin ng mga mag-aaral. Ayon kay G. Pasta, ayaw niya raw makialam at hayaan na ang gobyerno ang kumilos.
May mga bagay tayong dapat pag daanan bago natin makamit ang ating mga pangarap, ngunit huwag tayong
sumuko't mawalan ng pag-asa.

KABANATA 16: Mga Kapighatian ng Isang Tsino


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “MAYABANG” o “PAGHAHAMON SA ISANG TAO”. Dahil si Quiroga ay isang
negosyanteng Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa bansa kaya siya’y gumawa ng piging para sa mga kilalang
tao sa lipunan. Ngunit noong siningil na siya ni Simoun sa kanyang utang, napag alamang siya pala ay nalulugi na at
hindi makakapagbayad ng buo. Hindi lahat ng nakikita natin sa mundong ito ay totoo dahil hindi natin alam ang
buong istorya ng isang tao.
KABANATA 17: Ang Perya sa Quiapo
Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “KULTURA”. Dahil ang peryahan ay kadalasang nakikita kapag may piyesta o
pagdiriwang dito sa Pilipinas, ito’y parte na sa kulturang Pilipino. Ang piyesta ay minsan lang idinadaos kada-taon
kaya naman maraming mga tao ang dumadalo at naglalaro sa peryahan. Dahil dito ay ang mga pagkakaparis nito sa
nangyayari sa isang perya pag may pista. Ang perya ay naglalaman ng mga tinda, lauran, mahika, ilaw, at mga kung
anu-anu pang kagamitan. Ang perya ay puno ng mga bagay na nkakaaliw sa paningin ng mga mamimili. Sa mga
nagpunta sa perya, may simbolo sa mga kaparis na larawang nakita sa perya. Gaya na lamang ng isang larawan na
halintulad kay Padre Camorra. Ang isa pang larawan ay nagpapakita ng pagkakahawig kay Simon. Halos maraming
larawan ang paris ng mga prayle. Nakakatawa rin ang reaksyon ni Padre Camorra sa mga magagandang dilag na
nagdadaan sa perya. Sinisimbolo nito na ang Pilipinas ay parang isang perya na naglalaman ng maraming kultura.
Nabubusog ang mga mata ng mga dayuhang Kastila sa mga likas yamang natatamasa sa bansa.

KABANATA 18: Mga Kadayaan


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “NAKARAAN”. Sa perya, isinalaysay ng ulo ang kanyang kwento at ito’y
parehong pareho sa kwento ni Ibarra kaya naman na-alala ni Padre Salvi ang mga ginawa nyaong pagkakamali
noon. Kung mayroon man tayong pagkakamali na nagawa sa nakaraan mas mabuti kung ito’y ating pagsisihan at
humingi ng tawad sa ating mga nasaktan. Hinding hindi tayo titigilan ng ating konsensiya kung may nagawa tayong
mali sa ating kapwa at mananatili ito sa atin magpakailanman.

KABANATA 19: Ang Mitsa


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “PAGMAMAHAL NG ISANG INA”. Sapagkat sa kabanatang ito makikita
nating dumaan sa maraming emosyon si Placido Penitente dahil sa mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay.
Iniisip niyang tumigil na sa pag-aaral at itapon nalang lahat ng kanyang pinaghirapan dahil hindi natupad ang
kanyang gusto ngunit hindi sumang-ayon ang kanyang ina. Sa katagang “Mother knows best”, alam nating
kadalasan sila’y tama at ang may alam kung ano ang makakabuti para sa atin.

KABANATA 20: Si Don Custodio


Ang sumisimbolo sa kabanatang ito ay “KATOTOHANAN”. Dahil Ipinagmamalaki ni Don Custodio na sinusunod
umano ang kaniyang mga payo sa Madrid at siya’y pinapakinggan. Ngunit ang totoo ay ang lahat ng ito’y
kasinungalingan lamang at mababa ang tingin ng mga tao sa kaniya roon. ‘Wag tayong maniwala kaagad sa mga
salitang binibitawan ng iba dahil maaring ito’y walang katotohanan.

You might also like