You are on page 1of 16

El Filibusterismo

Kabanata 11:
Los Baños
By: Kimberlyn M. Juanino &
Trisha May Galamgam
BALIK ARAL:
Balikan muna natin ang tinalakay natin sa
Kabanata 10. Hindi kailanman magiging
solusyon ang pagkitil ng buhay o ang pagpatay sa
isang taong mayroon kang matinding galit o
pagkamuhi. Maging makatao sa iyong mga
ginagawa, isipin ang mga bagay na mas
makabubuti sa kakilala at kababayan nagawan ka
man ng mali o hindi, lagging piliin ang gumawa
ng kabutihan para sa kapwa. Ugali din ng
Pilipino ang magbuwis ng buhay alang-alang sa
kanilang karapatan at minamahal.
HULAAN ANG SALITA
SURIIN at AYUSIN ang mga TITIK upang mabuo ang
bagong salita.
1. TLIRSEOY - TRESILYO
2. GTAINKA -KATIGAN
3. TAAKGY - KAGYAT
4.AGP-AAASL - PAG-AALSA
5. OYDIIN -INDIYO
TALASALITAAN
SURIIN at SABIHIN kung ano ang kasingkahulugan ng
mga sumusunod na salita:
1.TRESILYO - Sugal na baraha
2. KATIGAN - Sang-ayunan/sang ayon
3. KAGYAT - Kaagad agad
4. PAG AALSA -Paghihimagsik
5. INDIYO - Walang pinag aralan/bobo
MGA TAUHAN NA NABANGGIT
 Kapitan Heneral
 Padre Irene
 Padre Sybila
 Padre Camorra
 Simoun
 Don Custodio
 Padre Fernandez
 Mataas na Kawani
 Kura ng Los Baños
 Juli
BUOD (KABANATA)
Nangaso ang heneral sa Busu-buso kasama ang
isang banda ng musiko at kaalakbay ng mga kawal,
mga prayle, opisyal at mga kawani ng
pamahalaan.Sa kasamaang-palad, wala ni isa mang
hayop sa gubat ang mahilig sa musika kaya't ang
mga nangaso ay wala ni isa mang dagang nabaril.
Lingid sa lahat nasisiyahan ang heneral sa
nangyaring iyon, sapagkat alam ng heneral sa hindi
siya marunong mangaso at di hamak na mas
magagaling pa mangaso ang mga indiyo.
Magtatapos na ang Disyembre. Habang
naghihintay ng agahan, naglalaro ng tresilyo ang
kapitan Heneral kasama sina Padre Sibyla, Padre
Irene, Padre Fernandez, at Simoun. Tinanong ni
Simoun sina Padre Irene at Padre Sibyla kung
ano ang kanilang itataya.
Sinabi ni Simoun na itataya niya ang kaniyang mga
brilyante sa halip na kuwalta. Pumayag si Simoun
subalit silang mga prayle ay magbabayad naman
ng mga pangako. Maging ang Kapitan Heneral
naman ay magbabayad sa kaniya ng mga
blangkong kasulatan ng pagpapabilanggo,
pagpapabaril o pagpapadakip.
Hanggang sa nakarating ang usapan tungkol sa
pagtuturo ng Wikang Kastila at ang balak ng
mga mag-aaral tungkol sa pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila. Nagmungkahi pa
si Don Custodio na maaring gawing paaralan
ang mga sabungan.
Tanging ang Mataas na Kawani lamang ang tila katigan
sa kahilingan ng mga mag-aaral. Makikita na hindi ito
pinagsasang-ayunan ng mga prayle. Ayon nga kay Pari
Sibyla, iyon daw ay tahimik na pag-aalsa. At isa-isa
nilang binanggit o kinilala ang mga pangalan ng mga
kabataan katulad ni Basilio at Makaraig. Sa mga prayle,
si Padre Fernandez ay nagwika nararapat lamang na
ipaglugod ang kahilingan ng mga kabataan, at patuloy
padin ang pagtanggol ng mga Mataas na Kawani sa
kabataan
Nang tumindig na ang lahat, lumapit ang mataas
na kawani sa Kapitan Heneral, ibinulong na ang
anak na babae ni Kabesang Tales na si Juli ay
nagmamakaawang palayain ang kaniyang
nunong dinakip ng mga sibil, at kagyat itong
sinabi ni Padre Camorra na kaya siya naroon ay
upang ipakiusap ang kaso ni Juli. Sukat ito at
sinabihan ng heneral ang kalihim na sulutan ang
tenyente ng mga sibil upang palayain ang
matanda.(wakas ng kabanata)
ARAL

 Ang kapangyarihan ay maaaring magamit sa


mabuti o masama, at ito ay maaaring maging
sanhi ng pagkakaroon ng labis na tiwala sa
sarili o pag-abuso sa kapwa.
 Ang paglalahad ng iba’t ibang pananaw sa
isang usapin ay mahalaga upang maunawaan
at maresolba ang mga problema ng lipunan.
ARAL

 Ang kahalagahan ng edukasyon ay hindi


dapat mawalan ng saysay dahil sa mga
personal na interes o paniniwala ng iilan.
 Ang pagtuklas sa totoong pagkatao ng isang
tao ay maaaring maging sanhi ng pagbabago
sa pagtingin ng iba sa kanya, tulad ng kung
paano nila nakita ang tunay na Simoun.
ARAL

 Ang pagiging matapat sa sarili at sa iba ay


mahalaga upang mapanatili ang tiwala at
paggalang ng kapwa..
Maraming saLAMAT
SA inyong pakikinig!

You might also like