You are on page 1of 11

LOS BAÑOS

KABANATA 11
BALIK ARAL
Kahulugan ng Pamagat
• Dito umikot ang kwento at sinabi Na makikita ang lawa at mga katangian
nito na matatanaw ang lawa na humahalik sa paanan ng gusali, sa
kalagitnaan ng lawa katapat nito ang isang pulo na halos luntian dahil sa
mga halaman nito na kung ito din ay ang karatig na lugar ng Los Baños ang
Calamba
Mga Tauhan :
• Kapitan Heneral - Pinipilitan niyang gawin ang kanyang mga trabaho habang
siya ay naglalaro ng baraha. Dahil sa paglalaro niya ng baraha, hindi niya
nabigyan ng pansin ang kanyang trabaho. Hindi niya gaanong pinag-iisipan
ang mga desisyon na kanyang ginagawa. Madali din siyang mabuyo sa
mungkahi ng ibang tao.
• Padre Camorra - Laging mainit ang ulo at di niya gusto na malamangan na
kanyang mga kalaro.
• Padre Sibyla - Kasama ni Padre Irene sa pakikipagtalo kay Kapitan Henral sa
tresilyo.
• Padre Irene -  Kagaya ni Padre Sibyla nais niya rin magpatalo kay Kapitan
Heneral para pumayag ang heneral sa kanyang mga kahilingan. Sang-ayon sa
pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila kasi sinuhulan siya ng kabayo
ng mga mangangaral para kampihan sila. Pero nang lumaon ay tumutol rin.
Napaka-gahaman sa pera at kayamanan.
• Simoun - Nakilahok sa laro ng baraha pero iba ang nais na hinging
kapalit sa halip na pera. Ang hiningi niya ay pabor para maiba naman
ang takbo ng kanyang mga kalaro. Pero ang totoo ay gusto niya lang
na mas maipakita ng mga kalaro niya ang kabuktutan nila.
• Don Custodo - Nagbigay siya ng mungkahi na ilipat ang paaralan
malapit sa sabungan dahil walang sabong tuwing Lunes hanggang
Biyernes.
• Padre Fernandez - Siya ay matalino at laging iniisip ang makakabuti
sa mga tao. Siya ay sumang-ayon sa pagtitindig ng Akademya ng
Wikang Kastila dahil hindi naman lingid sa kaalaman niya na may
kakayahang mag-aklas ang mga mangangaral kung sakaling ang mga
ito ay hindi nila payagan na magbunsod sa pagbagsak ng mga kastila.
Ang kanyang paboritong mag-aaral ay si Isagani.
• Kalihim - Sa kanya ibinibilin ang mga desisyon
ni Kapitan Heneral.
• Ben-Zayb - Kasama niya si Simoun sa
pagbibilyar.
Talasalitaan :
• tresilyo – isang uri ng sugal gamit ang mga baraha.
• karalitaan – kahirapan
• kawani - manggagawa o empleyado
• parunggitan - pangungutya o panlilibak
• brilyante - isang uri ng mamahaling hiyas na
karaniwang ginagamit sa paggawa ng alahas.
BUOD
Natakot ang mga hayop sa Dalang Musika ng Kapitan Heneral Sa Boso-boso nang minsan itong mangaso na
naging sanhi kung bakit wala itong nahuli sapagkat wa ni isang lumabas na hayop. Sa totoong buhay ay ayaw ng
Kapitan Heneral na malaman ng mga kasamahan niya na hindi siya marunong mangaso kaya’t ikinatuwa niya
nang hindi nagpakita ang mga hayop. Kaya naman sila ay umuwi na lamang sa bahay  ng nasabing Kapitan.
Samantalang sina Padre Irene, Padre Sibyla at ang Kapitan ay nagpaiwan sa isang bahay aliwan. Hindi nagtagal
ay pinalitan ni Simoun sa paglalaro si Padre Camora dahil lagi itong talo. Sa kondisyong magpapakasama sa
loob ng limang araw ang mga prayle ay napapayag si Simoun na itaya ang kanyang alahas. Samantalang ang
kapitan Heneral naman ay nangakong  bibigyan niya ng kapangyarihan si Simoun na magpakulong at
magpatapon ng kahit na sinong naisin niya. Napalapit na lamang bigla sina Don Custodio, Padre Fernandez at
ang Mataas na kawani dahil sa kakaibang kundisyon nina Padre Irene, Padre Sibyla, ang Kapitan at Simoun sa
pagsusugal. Naitanong ng mataas na kawani kung ano ang mapapala ni Simoun. “Para maalis ang masasamang
damo at luminis ang bayan” ang naging tugon ni Simoun. Dahil sa pagkakaharang ng mga tulisan kay Simoun
kaya iyon ang nasabi ni Simoun na iniisip ng mga nakarinig. Ayon kay Simoun maliban sa mga rebolber at bala
ay wala nang ibang kinuha sa kanya. Ayon pa sa kanya ay marangal ang mga tulisan sapagkat sila lamang ang
kumikita ng ikabubuhay nila, sila lamang ang natatanging marangal. Ang mga tulisan ay hindi matatagpuan sa
kabundukan dahil ang mga tulisan ay makikita sa bayan at mga siyudad. Kaya’t  tinuro siya ni Padre Sibyla “
tulad ninyo” wika nito, “gaya natin” ganting wika ni Simoun “ nga lang tayo ay mga di hayagang tulisan”
dagdag pa nito. Bukod pa rito ay marami pang suliraning panlipunan ang kanilang napag-usapan ilan na rito ang
baril, gawing paaralan ang sabungan na mariing tinutulan ng kapitan heneral at iba pa. Kabilang pa sa natalakay
ang Akademya na tinutulan din dahil umano ito ay kahina-hinala. Hanggang sa dumating si Juli at pagbigyan
ang hiling nito.
Simbolismo
• Edukasyon dahil ito ang kumakatayo sa isang tao upang umunlad ito
at ang pagoginng edukado ay sagot sa mahirap na suliranin na kayang
magpabago ng antas o uri ng isang tao kaya naging simolbolismo ito
ng kabanata namin. Dahil takot ang mga prayle na baka mahigitan sila
ng kabataan kung mabibigyan ang mga kabataan na sapat na
edukasyon.
Aral
• Dito makikita na ang pamahalaan ay abuso at sakim sa kapangyarihan
dahil sila mismo ang tumututol na matuto ang mga tao. Kinakatakutan
nila at pinipigil ang pag usad ay pagbabago dahil ayaw nila  na
mawalan ng kapangyarihan sa mga Pilipino. Natutunan ko din dito na
si Simoun ay matalino sapagkat ang kanyang mga plano ay hindi lang
para maghiganti ngunit para rin sa kabutihan ng ibang tao.

You might also like