You are on page 1of 11

EL FILIBUSTERISMO

Jose Rizal

Buod ng Kabanata 1-10

Ian Melendres
Julian Dimaano
KABANATA I: SA KUBYERTA

Isang umaga ng Disyembre sa Ilog Pasig, nag-usapan ang mga tao sa taas ng kubyerta
habang naglakbay papuntang Laguna ang bapor na kanilang sinasakyan. Lulan nito sa kubyerta
sina Simoun, Ben Zayb, Kap. Heneral, Don Custodio, Donya Victorina, Padre Salvi at Padre
Irene. Sa kabanatang ito, nagmungkahi si Simoun na maghukay ng isang tuwid na daan mula
pagpasok hanggang sa paglabas ng Ilog Pasig at gamitin ang lupang nahukay upang takpan ang
dating ilog.

Pagtatrabahuhin ang mga bilanggo upang hindi mag-aksya ng malaking halaga ng pera at
kung hindi ito sapat ay isama narin ang mga mamamayan ng sapilitan at walang bayad. Hindi
sumang-ayon si Don Custodio sa paraan na inimungkahi ni Simoun dahil ito ay maaaring
magsimula ng himagsikan. Sa halip, pilitin na mag-alaga ng itik ang lahat na naninirahan malapit
sa Ilog Pasig. Sa gayon ay lalalim ang lawa sa kanilang pagkuha ng susong pagkain ng pato.
Hindi rin sinang-ayunan ni Donya Victorina dahil dadami ang balot na pinadidirihan niya.

MGA TAUHAN
Simoun - Tagapayo ng Kapitan Heneral, Matalinong Indibidwal
Don Custodio - Kritikong walang kwenta
Padre Salvi - Hypocrite at Mapalinlang na prayle
Donya Victorina - Asawa ni Don Custodio at lohikal na mag-isip

TUNGGALIAN
Ito ay tunggaliang tao laban sa tao. Ang pag-uusap nina Simoun at Don Custodio ay nagpapakita
ng mga pagtatalo at mga di-pagkakasunduan na nagdudulot ng tensyon sa pagitang ng mga
karakter. Naipapakita rin ang pagkaiba-iba ng pananaw at mga layunin ng bawat karakter sa
pamamagitan ng kanilang pag-uusap ng paksa tungkol sa Ilog Pasig.

PAGKAMATOTOHONAN NG MGA PANGYAYARI


Patuloy parin itong nangyayari sa kasalukuyan, kahit sa iba’t ibang kontektso ng usapan. Ang
ganitong uri ng tunggalian ay bahagi ng kalikasan ng tao, kaya’t patuloy parin itong umiiral.

CONCLUSION
Si Simoun ay nagmungkahi ng mahusay ngunit malupit na ideya para sa ikabubuti ng Ilog
Pasig. Si Don Custodio naman ay isang Kritiko ngunit wala siyang maisip na epektibong paraan
upang makatulong sa sitwasyon ng Ilog. Si Padre Salvi ay isang hypokritiko dahil sa pagbanggut
niya ng mga pangkatwirang pawang katunggakan habang si Ben Zayb ay isang taong ignorate na
hindi maisip kung ano ang totoong epektibong paraan mula sa mga napag-usapan.
KABANATA II: SA ILALIM NG KUBYERTA

Sa ilalim ng kubyerta, nagsiksikan ang maraming Tsino at Indio kahit mainit at maingay
ang makina ng bapor. Kabilang sina Basilio, Isagani, at Kapitan Basilio rito. Sa kabanatang ito,
paksa nila ang pagkakaroon ng Akademiya ng Wikang kastila. Sinabi ni Basilio na magbibigay
ito ng salapi ngunit ang magtuturo ay kalahating Pilipino at kalahating Kastila habang ang bahay
ay magmumula kay Macaraig. Pinaghinaan ng loob ni Kapitan Basilio sina Isagani at basilio
upang hindi maitayo ang akademiya ngunit sila ay nanatiling positibo sa kanilang gawain.
Lumapit si Simoun sa kanila at ipinakilala ni Basilio si Isagani kay Simoun. Nag-aya si Simoun
sa kanila ngunit hindi tinanggap ng magkaibigan ang paanyaya ni Simoun na uminom ng serbesa.
Binanggit ni Basilio na ayon kay Padre Camorra kulang sa lakas ang mga Pilipino dahil ito ay
palainom ng tubig at hindi ng serbesa. Sinagot ito ni Isagani, aniya ang tubig ay matamis at
naiinom ngunit lumulunod sa serbesa at pumapatay ng apoy. Habang nag-uusap ay may dumating
na utusan. Pinapatawag ni Padre Florentino ang kaniyang pamangkin na si Isagani. Ayon sa iba
ay anak daw ito ni Padre Florentino sa dating katipan nang mabalo.

MGA TAUHAN
Simoun - Mahilig sa bisyo
Basilio - Magalang at Masipag na estudyante
Kapitan Basilio - Matandang sagabal sa pangarap ng tao
Isagani - Magalang at Matalino na estudyante

TUNGGALIAN
Ito ay tunggaliang tao laban sa tao, dahil nagkaroon ng maliit na pagtatalo sina Kapitan
Basilio at ang mga estudyante sa pagpapatayo ng Akademiya ng Wikang Kastila. Ang
pagmamaliit ni Kapitan Basilio sa pangarap nina Isagani at Basilio sa halip na tulungan silang
makapagtayo ng Akademiya ay sumisimbolo sa pangkaraniwang isyu ng pagtutol o kawalan ng
suporta mula sa mga nakatatanda o nasa mas mataas na posisyon sa lipunan sa mga ambisyosong
proyekto o pangarap ng mga kabataan.

PAGKAMATOTOHONAN NG MGA PANGYAYARI


Patuloy na nagaganap sa iba't ibang larangan ng lipunan ang tunggaliang ito sa kasalukuyan.
Dahil habang may pag-unlad at pagbabago sa lipunan, hindi maiiwasan ang mga pagtatalo o
tunggalian ng tao laban sa tao dahil sa pagkakaiba-iba ng pananaw, interes, at layunin.

CONCLUSION
Ang pagkakaiba sa pananaw at halaga sa pagitan ng mga henerasyon ay patuloy na nagiging
sanhi ng pagtatalo. Ang mga nakatatanda at mga kabataan ay maaaring magkaroon ng iba't ibang
mga pangunahing mga alalahanin at prioritad sa lipunan, na maaaring humantong sa hindi
pagkakaunawaan at pagtutol. Kaya't mahihirapan ang proseso ng pag-unlad sa lipunan.
KABANATA III: ANG ALAMAT
Bumalik si Simoun sa umpukan sa kubyerta. Dumating din si Padre Florentino habang
pinag-uusapan ng mga prayle and pagtutol ng mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis at bayarin sa
simbahan. Pinanhinayangan ni Don Custodio dahil hindi nakita ni Simoun ang tanawin habang
naglalakbay ang bapor. Ani Simoun walang halaga ang magandang tanawin kung ito'y walang
alamat. Sumagot si Don Custodio at sinabing may alamat ang nasabing ilog. Noong hindi pa
nakakarating sa Pilipinas ang mga Kastila ay sinasamba ng mga tao ang Malapad na Bato na
pinaniniwalaang tirahan ng mga espiritu. Ito ay nagsimulang maging tirahan ng mga tulisan na
humaharang sa mga bangka nang mawala na ang pamahiin na iyon. Ikinuwento naman ni Padre
Florentino ang alamat ng yungib ni Donya Geronima. Si Donya Geronima ay tumandang dalaga
dahil sa pag-iintay nito sa kaniyang kasintahan. Nag-arsobispo ang lalaki at pinatira naman niya
ang Donya sa isang yungib.

Nagsalaysay naman si Padre Salvi ng ginawang himala ni San Nicolas kung saan ay
nagawa nitong maging bato ang isang buwaya. Habang nag-uusap ang lahat ay may nabanggit si
Ben Zayb tungkol sa pagkamatay ni Crisostomo Ibarra. Itinuro ng kapitan ng bapor kung saan
tinugis si Ibarra labing-tatlong taon na ang nakalipas.

MGA TAUHAN
Simoun - Mapanuring tao
Ben Zayb - Mahilig magbigay pansin sa mga taong mataas ang posisyon
Donya Victorina - Chismosa
Don Custodio - Maalam sa mga alamat
Padre Salvi - Maraming alam na impormasyon
Kapitan - Maraming alam na impormasyon
Mga Prayle - Mahilig sa kwentuhan

TUNGGALIAN
Ito ay tunggaliang tao laban sa Kultura. Sa kwento, makikita natin si Simoun na nagpapahayag
ng kaniyang sariling paniniwala na hindi tumutugma sa umiiral na kultura o tradisyon. Ang
pahayag ni Simoun na "walang halaga ang magandang tanawin kung ito'y walang alamat" ay
nagpapakita ng kanyang pagtutol sa pangkaraniwang paniniwala sa halaga ng kalikasan at
kultura.
PAGKAMATOTOHONAN NG MGA PANGYAYARI
Ang mga alamat sa kabanatang ito ay kathang isip lamang at hindi nangyayari sa kasalukuyan ng
ating bansa.
CONCLUSION
Ang mga tao ay likas na mahilig sa mga kwentong kababalaghan, kahit man ito’y totoo o hindi.
Ang pagiging maalam sa mga alamat ay nagreresulta sa pagpapahalaga at paggalang sa kultura.
KABANATA IV: SI KABESANG TALES
Si Telesforo o mas kilala sa tawag na Tales ay anak ni Tandang Selo. Inalagaan niya ang
isang lupain malapit sa kagubatan dahil sa palagay niya ay walang nagmamay-ari nito. Kasama
niya roon ang kanyang ama, asawa, at mga anak. Pinamuhunan niya ito kahit walang
kasiguraduhan ang pag-unlad niya dito. Subalit malapit na sana nilang anihin ang mga unang
tanim nang biglang inangkin ito ng korporasyon ng mga prayle. Hinihingian ng nasabing
korporasyon si Tales ng dalawampu hanggang tatlumpung piso kada taon. Tinanggap ni Tales
ang utos na ito dala narin ng kanyang natural na kabaitan. Habang lumalaki ang kanyang ani ay
lumalaki din ang hinihinging buwis ng korporasyon. Nagkaisa ang kanyang mga kanayon na
gawin itong Kabesa ng barangay dahil kita naman ang naging pag-unlad nito. Plano sana niyang
pag-aralin ang kaniyang dalaga sa Maynila ngunit ito ay di nangyari dahil sa taas ng buwis. Nang
umabot sa dalawang daang piso ang buwis na hinihingi ng korporasyon ay napilitan na itong
tumutol. Ngunit tinakot siya ng nangangasiwa na kung hindi ito makakapagbayad ng buwis ay sa
iba nalang ipapatanim ang lupa. Napiling maging sundalo ang kanyang anak na si Tano ngunit
hinayaan niya ito sa halip na magbayad ng kapalit.

Naubos na ang kanyang salapi sa pakikipaglaban sa hukuman subalit nanatili parin itong
bigo. Madalas siyang may dala-dalang baril sa tuwing pupunta sa bukid upang ipagtanggol ang
sarili kung sakaling may tulisan. Pagkaraa’y ipinagbawal ang baril kaya gulok naman ang dinala
nito. Sinamsam ang dala nitong gulok kaya palakol naman ang sunod na dinala. Nabihag si Tales
ng mga tulisan at ipinapatubos ito sa halagang limang daang piso. Napilitang ipagbenta ni Huli
ang lahat ng kaniyang alahas maliban sa agnos na bigay ni Basilio. Ngunit hindi parin ito sapat
upang matubos si Tales kaya namasukan ito bilang utusan. Nalaman ni Tandang Selo ang
ginawang iyon ni Huli kaya hindi ito nakakain at nakatulog nang gabing iyon. Sa halip ay
umiyak lang ng umiyak ang matanda.

MGA TAUHAN
Kabesang Tales - Masipag at May puso sa kapwa
Tandang Selo - Mapanuri at Mapagmahal na magulang
Juli - Mapagmahal sa magulang
Tano - Anak ni Kabesang tales na naging sundalo
Korporasyon ng Prayle - Korap at walang awa
Tulisan - Makasarili

TUNGGALIAN
Ito ay tunggaliang tao laban sa lipunan. Sa kabanata ay ipinakitang kinukuhanan ng
Korporasyon ng mga korap na prayle ng buwis si Kabesang Tales noong namunga ang kanyang
mga pananim. Ito ay nagpapahiwatig ng sistemang pang-aapi na kinahaharap ng mga karaniwang
tao. Naglalarawan din ito ng mas malawak na tema ng kawalan ng pantay-pantay na pagtrato at
pang-aabuso sa kapangyarihan.
PAGKAMATOTOHONAN NG MGA PANGYAYARI
Ang mga tema ng katiwalian, pang-aapi, at kahirapan ay patuloy na nangyayari sa lipunan sa
kasalukuyan. Bagaman ang konteksto at mga paraan ng pagpapahayag nito ay maaaring
mag-iba-iba depende sa lugar at panahon, ang mga isyu ng katiwalian, pang-aapi, at kahirapan ay
patuloy na nagiging suliranin sa maraming mga komunidad sa buong mundo.

CONCLUSION
Ipinapakita dito ang kakulangan at korapsyon sa mga institusyon at kalakaran ng lipunan, na
nagpapahiwatig ng pangangailangan ng rebolusyonaryong pagbabago upang makamit ang tunay
na kalayaan at katarungan para sa lahat ng mamamayan. Ang kabanatang ito ay nagbibigay-diin
sa mga hamon at suliraning kinakaharap ng lipunan sa panahon ng kolonyalismong Espanyol, na
maaaring magkaroon ng mga paralelismo sa mga isyu at hamon na kinakaharap ng modernong
lipunan.

KABANATA V: ANG NOCHE BUENA NG ISANG KUTSERO

Dumating si Basilio sa San Diego habang kasagsagan ng prusisyon. Naabala ito sa daan
nang bugbugin ang kutserong kaniyang sinasakyan noong dumaan sa kwartel. Nalimutan ni
Sinong na dalhin ang kanyang Sedula. Iniutos ni Basilio na palakarin nalang ang kaniyang
sinasakyan nang makaraan ang prusisyon. Nalibang ito sa mga nakikita niya habang naglalakd
kung kaya’t hindi na niya napansin ang pagkawala ng ilaw sa parol ng karitela. Nang muling
mapatapat sa kwartel ay nabugbog ulit ang kutsero dahilan kung bakit naglakad nalang ito.
Tanging ang bahay ni Kapitan Basilio ang nag-iisang masaya sa lahat ng nadaanan niya. Nagulat
ito nang makita niyang kinakausap ni Kapitan Basilio, kura, at alperes si Simoun. Nagpatuloy ito
sa paglalakad hanggang sa makarating sa tahanan ni Kapitan Tiago na kaniyang tinutuluyan.
Nalaman niya ang balitang pagkabihag kay Tales dahilan kung bakit hindi ito nakakain ng gabing
iyon.

MGA TAUHAN
Basilio - Mapagmahal at may puso sa kapwa
Sinong - Kutsero na iinaapi ng Guwardiya Sibil
Guwardiya Sibil - Walang puso at mapang-api
TUNGGALIAN
Ito ay tunggaliang tao laban sa lipunan. Ang insidente ng pagbugbog sa kutsero ay nagpapakita
ng karahasan at kawalang-katarungan sa lipunan, kung saan ang mga mahihirap at walang
kapangyarihan ay madalas na biktima ng pang-aapi at pang-aabuso.
PAGKAMATOTOHONAN NG MGA PANGYAYARI
Ito ay hindi nangyayari sa kasalukayan ng ating bansa. Bagaman may mga katulad na isyu tulad
ng pang-aabuso sa kapangyarihan, kahirapan, at kawalang-katarungan sa panahon ngayon, ang
kalakaran at konteksto nito ay maaaring magkaiba sa mga itinakda ni Rizal sa kanyang nobela.

CONCLUSION
Ipinakita ng pangunahing tema ang kawalang-katarungan, pag-aapi, at korapsyon sa lipunan.
Ipinapakita nito ang kakulangan sa sistema ng katarungan at ang pangangailangan ng pagbabago
at rebolusyon upang itama ang mga maling kalakaran.

KABANATA VI: SI BASILIO

Si Basilio ay pumunta sa libingan ni Sisa sapagkat anibersaryo ng pagkamatay niya.


Naalala niya ang kaniyang ay namasukan bilang isang alilang-kanin kay Kapitan Tiago at Tiya
Isabel. Iyon bang walang suweldo; pakainin alng siya ay sapat na para lamang mabuhay.
Nagsikap siyang mabuti para mapuna ang kaniyang kasipagan. Nagbunga ito nang payagan
siyang mag-aral ni Kapitan Tiago bilang kapalit ng kaniyang paglilingkod hanggang siya ay
maging manggagamot. Nagtiis siyang libakin o pagtawan ng kaniyang kapwa mag-aaral at
maging ang kaniyang mga propesor dahil sa paraan ng kaniyang pananamit at paggamit ng
bakya.

MGA TAUHAN
Basilio - Magaling na estudyante
Kapitan Tiago - Isang mayamang negosyante
Sisa - Ang mapagmahal na Ina ni Basilio.

TUNGGALIAN
Ito ay isang tunggaliang tao laban sa lipunan. Si Basilio ay naghirap para sa kaniyang
kinabukasan.
PAGKAMATOTOHONAN NG MGA PANGYAYARI
Maraming mga Pilipino ay naghihirap dahil sa ekonomiya, lipunan, at pangkalahatang hirap ng
buhay para lamang may makakain para sa kanila o sa pamilya nila.

CONCLUSION
Wala sa katayuan sa buhay o anyo ang pagiging mahusay. Sabi nga, huwag husgahan ang aklat
ayon lamang sa pabalat. Minsan ang kagalingan ay ikinukubli lamang at inilalabas sa tamang
pagkakataon. Ipinakita dito ang binanggit ni Jose Rizal na: “ Ang kabataan ay ang pag-asa ng
bayan.” dahil sa determinasyon ni Basilio ay may maganda siyang kinabukasan.

KABANATA VII: SI SIMOUN

Dinalaw ni Basilio ang puntod ng kaniyang ina na si Sisa. Nang papaalis na siya ay may
dumating na isang lalaki – si Simoun na may dala-dalang piko at pala. Lumantad si Basilio at
nagpakilala. Binigyan-diin ni Simoun ang kahalagahan ng wika. Bawat bayan ay may sariling
wika, sariling kaugalian at damdamin. Kapag ginamit nga naman ang wikang Kastila ay
mamamatay ang kanilang sariling katutubo, paiilalim sa isipan ng iba at sa halip na maging
malaya ay lalong nagiging alipin.
Naniniwala siya na kailanman ang wikang Kastila ay di magiging wikang panlahat. Sa
pag-uusap nila, isiniwalat ni Simoun ang dahilan kung bakit hindi niya siya pinatay noon. Maaari
raw makatulong si Basilio sa ipinakikipaglaban ng mag-aalahas lalo na’t kung maipluwensiyahan
nito ang mga magsasaka.

MGA TAUHAN
Simoun - Isang misteryosong indibidwal.
Basilio - Magaling na estudyante

TUNGGALIAN
Ito ay isang tunggaliang “Tao laban sa Kultura” at “Tao laban sa Kapwa”. Si Simoun ay
kumikilos para sa kinabukasan ng mga Filipino laban sa pagtupad ng pagturo ng wikang Kastila.

PAGKAMATOTOHONAN NG MGA PANGYAYARI


Totoo pa rin ang pangyayari na ito dahil maraming Filipino na mas marunong pa sa ibang wika
tulad ng Ingles kumpara sa wikang Tagalog.
CONCLUSION
Ang bawat tao sa mundo ay mayroong kanya-kanyang pamamaran kung paano nila makamtam
ang mga layunin at adhikain nila sa buhay. Ipinapkita ng kabanatang ito na may posibilidad
talagang mawala o mabura ang kasaysayan ng isang kultura dahil sa pagtupad ng iba’t ibang
ideya na galing sa iba’t ibang bansa.

KABANATA VIII: MALIGAYANG PASKO

Kung kailan pasko ay wala si Kabesang Tales dahil dinukot ng mga tulisan. Si Juli naman
ay aalis magsilbi bilang kapalit ng pagtutubos kay Kabesang Tales. Sa mag-anak na ito ay
nawalan ng saysay ang kahulugan ng pasko na sana’y sama-sama sila sa okasyong iyo pero
hindi. Sa sobrang kalungkutan na nararamdaman ni Tandang Selo ay naging pipi siya.

MGA TAUHAN
Juli - Anak ni Kabesang Tales na nagbibigay serbisyo kay Hermana Penchang.
Hermana Penchang - Ang madalasing babae. Siya ay pinaglilingkuran ni Juli.
Kabesang Tales - Ang ama ni Juli.
Tandang Selo - ang pamilya ni Juli na naging pipi

TUNGGALIAN
Tao laban sa Kapwa. Ipinakita dito ang panghusga ni Hermana Penchang kay Juli.

PAGKAMATOTOHONAN NG MGA PANGYAYARI


Totoo pa rin ang mga nangyari dito sa kabanatang ito sa ngayong panahon. May mga

CONCLUSION
Ang buhay ay parang isang gulong. Ang mga pangarap sa buhay ang gawing inspirasyon upang
mabilis ang pag-ikot ng mga gulong tungo sa tagumpay.

KABANATA IX: SI PILATO

Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa sa bayan. Ang ilan ay


naawa sa matanda, samantala ang mga Guwardiya Sibil at mga prayle ay nagkibit lamang sa
balikat. Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay mabilis na naghugas kamay
sa narinig na balita. Sinisi pa niya si Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng
korporasyon.
Idiniin pa niya ang matanda na nagtatago ng mga armas.
Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na magdasal sa wikang Kastila. Ito daw
ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw sila marunong
manalangin sa langit.
Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa pananalo nila sa usapin tungkol sa
hasyenda. Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni Kabesang Tales.
Maging ang matanda ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang kanyang sariling
tahanan.

MGA TAUHAN
Tandang Selo - ang matandang pipi
Tenyente - Ang sumunod sa utos ng nakatataas.

TUNGGALIAN
Tao laban sa Kapwa. Ipinakita dito ang hindi makatarungang pagdakip kay Tandang Selo, ang
walang hiyang pagchismisan ng mga mamamayan sa kung anong nangyari kay Tandang Selo, at
ang pa

PAGKAMATOTOHONAN NG MGA PANGYAYARI


Totoo pa rin ang mga nangyari dito sa kabanatang ito sa ngayong panahon. May mga taong hindi
nagbibigay ng simpatiya sa mga taong hindi swerte sa buhay.

CONCLUSION
Ang mga kasawian at pagsubok sa buhay ay hindi dapat inilalagay sa puso at isipan. Labanan ito
at huwag hayaang maging lason na sisira sa iyong pagkatao. Ipinakita dito na lahat sila ay
nagsa-Pilato at walang nanindigan sa katotohanan.

KABANATA X: KAYAMANAN AT KARALITAAN

Si Simoun ay tumuloy sa bahay ni Kabesang Tales. Siya ay may dalang pagkain at ang
kanyang ibang kailangan, at dalawang kaban ng mga alahas. Nagsidatingan na ang mga
mamimili ng alahas ni Simoun na sina Kapitan Basilio at ang kanyang anak na si Sinang at
kanyang asawa, at si Hermana Penchang na kung saan may balak bumili ng isang singsing na
may brilyante para sa birhen ng Antipolo.
Lahat sila ay galak na galak sa dala dalang alahas ni Simoun, sapagkat si Kabesang Tales
naman ay napaisip sa kayamanang dala dala ni Simoun. Inilabas ni Simoun ang kanyang mga
bagong hiyas. Dito naman pumili si Sinang at iba pa. Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at
pinabibili ito sa ama niyang si Kabesang Tales. Ang kuwintas na pinili ni Sinang ay ang kuwintas
ng kanyang naging kasintahan na pumasok sa pagmomongha. Ito ay may halagang limang daang
piso. Paglabas ni Kabesang Tales, nakita niya ang prayle at ang bagong may-ari ng kanyang lupa.
Kinabukasan, nawala si Kabesang Tales, kasama ng rebolber ni Simoun. Naiwan ang isang sulat
at ang kuwintas ni Maria Clara. Sa sulat, humingi ng paumanhin si Kabesang Tales at sinabing
sumapi siya sa mga tulisan. Pinag-ingat din niya si Simoun sa mga tulisan.

Hinuli ng mga gwardiya sibil si Tandang Selo. Natuwa si Simoun dahil natagpuan na niya
ang taong kailangan niya, na may tapang at tumutupad sa pangako. Samantala, tatlo ang pinatay
ni Kabesang Tales noong gabing iyon: ang prayle, ang lalaking gumagawa sa lupa, at ang asawa
nito na putol ang leeg at puno ng lupa ang bibig. Sa tabi ng bangkay ng babae ay may papel na
may nakasulat na “Tales” na isinulat ng daliring isinawsaw sa dugo.

MGA TAUHAN
Simoun - Ang mahusay na mag-aalahas
Kabesang Tales - Ang ama ni Juli na sumali sa mga tulisan at ang kumuha ng rebolber ni Simoun
Sinang - ang kaibigan ni Maria Clara

TUNGGALIAN
Tao laban sa Lipunan. Ipinakita dito ang paniniwalang ang mayaman ang nakaaangat at may
tinatamasa sa buhay, ngunit ang mahirap ay mananatiling mahirap.

PAGKAMATOTOHONAN NG MGA PANGYAYARI


Ipinakita rito ng mga tauhan ang mga katayuan nila sa lipunan. Dahil dito nagkaroon ito ng
kaugnayan sa ating kasaysayan bunga ng pananakop ng mga Kastila.

CONCLUSION
Maging makatao sa iyong mga kakilala at kababayan. Nasa taong namamahala ang isinasama ng
mga mamayanan. Ugali din ng Pilipino ang magbuwi buhay alang-alang sa kanilang karapatan.

You might also like