You are on page 1of 41

KABANATA 1- SA IBABAW NG

KUBYERTA
Nagsimula ang paglalakbay ng Bapor Tabo sa pagitan ng Maynila at Laguna.
❖ Ang kubyerta ay kumakatawan sa
katayuan ng mga mayayaman sa
panahon ng mga Espanyol.
❖ Ang literal na ibig sabihin ng
kubyerta ay ang palapag sa ibabaw
ng isang barko. Ginamit ni Rizal na
talinhaga ang kubyerta bilang ang
pananaw ng pamahalaan sa mga
mayayaman.
Bakit nga ba tinatawag na “tabo” ang Bapor
Tabo?

Dahil hugis tabo ang hitsura kung


pagmamasdan, na nagiging sanhi ng
kaniyang mabagal na pag-usad.
Ano-ano nga ba ang sinisimbolo ng Bapor
Tabo?
1. Ito ay sumisimbolo sa pamahalaan. Ito
rin ay inihahalintulad sa pamamalakad ng
mga kastila at sa kalagayan ng bansa sa
kanilang pananakop.
2. Ang mabagal na pagtakbo ng bapor
sa ilog Pasig ay simbolo ng mabagal na
takbo ng kaunlaran sa Pilipinas. Higit
pa rito, ang pagunlad ay mabagal dahil
natatakot ang mga nakatataas na kung
uunlad ba ang bansa at mawawala rin
ang kapangyarihan nila.
3. Ang mga tao na nasa itaas ng
kubyerta ay kinabibilangan ng mga
mayayaman at kilala sa lipunan mga
prayle na karamiha’y may dugong
Kastila.

Samantala, ang mga Pinoy naman ay


nasa ilalim ng Kubyerta ay nagtitiis sa
init ng singaw ng makina ng barko.
4. Ang bapor tabo ay may pabilog na hitsura.
Sa unang tingin, hindi mo malalaman kung
alin ang unahan sa likuran. Katulad lamang
nito ang hindi kasiguraduhan kung alin ang
susundin, gobyerno o simbahan.

Ito ay dahil ang dalawa ay may kanya-


kanyang interest para sa ating bayan.
Subalit, hindi lahat ng interest nila ay
nakakabubuti.
Bakit inis na inis si Donya Victorina?

Dahil hindi siya pinapansin ng tatlong


prayleng kasama sa kubyerta.

Don Custodio, Ben Zayb, Padre Irene


Kasalukuyang dumaraan ang bapor sa
“Puente del Capricho”, ito ang
pinakamatandang tulay na matatagpuan sa
Laguna. Tinatawag itong “Tulay na Pige”
Para kay Simoun, ano ang ikabubuti ng
pagkakaroon ng malalim na kanal na mag-
uugnay sa lawa ng Laguna at Look ng Maynila?
a. Makakatipid sa lupang gagamitin at
iikli ang pa ang oras ng paglalakbay
b. Maiiwasan ang mga putik at burak sa
pampang ng Ilog Pasig na siyang
nagpapatagal sa paglalakbay nito.
Bakit sinalungat ni Don Custodio ang mga
plano ni Simoun?
a. Malaking salapi ang kakailanganin sa mga binabalak ni
Simoun
b. Mapipilitang makasira ng mga kabayanan, maraming
matatapakang mga karapatan ng mga tao sa lupain.
c. Pagawain ang mga bilanggo, bihag, matatanda, binata,
at batang lalaki nang walang sahod.
d. At kapag ipinagpatuloy ang plano ni Simoun
himagsikan ang magiging kahihinatnan kadahilanang
hindi pagsangguni sa mga taong matagal nang
naninirahan sa Pilipinas.
Ano ang mga ibinidang plano ni Don Custodio
sa kanyang mga kasama?
a. Pag-aalagain ng itik ang lahat ng mga naninirahan
sa baybayin upang mapalalim ang tubig dahil
kasama ng mga buhangin sa lawa ang mga susong
kinakain ng itik.
KABANATA 2- SA ILALIM NG
KUBYERTA
Ano-anong mga uri ng pasahero ang
matatagpuan sa ilalim ng kubyerta?
a. nagmamasid ng tanawin

b. nagsusugal

c. nagkukuwentuhan

d. mga estudyanteng natutulog, nahihilo, at namumutla

❑ Sa ilalim ng kubyerta naghahalo ang singaw ng tao at ang


amoy ng langis.
Ang pagiging negatibo ni Kapitan Basilio tungkol sa Akademya
Ipinapakita lamang nito na isa sa mga sakit sa lipunang
tinutuligsa ni Rizal sa ating mga namamahala sa gobyerno ay
ang kawalang suporta sa mga programa, gawain at mga
patakarang may kinalaman sa kabutihan ng mga mamamayan.
Ito rin ay sumisimbolo sa mga taong tumutuligsa sa mga
pangyayari, sitwasyon, mga usapin ng bansa sa halip na ito ay
tulungan at suportahan ay tuwirang sumasalungat kaya’t
walang nangyayari sa bayan dahil sa pagkakaroon ng dibisyon.
Akademya ng Wikang Kastila
Ang patunay ng pagnanais ng mga kabataan na magkaroon ng
edukasyon, umunlad sa buhay at maging marunong at lumaya
mula sa pagiging mangmang sa pamamagitan ng pagkatuto.
MGA IBINIDA NILA ISAGANI AT BASILIO KAY KAPITAN BASILIO
1. Tutulungan sila ni Padre Irene dahil binigyan nila ito ng
dalawang kabayo
2. Sila ay may propesor nang nakuha, kalahati ay Pilipino, at ang
iba’y Kastila.
3. Gagawing bahay-paaralan ang bahay ni Makaraig
Ang sapilitang pagiging pari ni Padre Florentino
Nakita natin dito noong unang panahon ang kapangyarihan ng
mga magulang sa anak. Sa mga desisyon, sa mga kukuning
bokasyon sa buhay at kung sino ang mapapangasawa. Kung ano
ang sinabi ng magulang ay karaniwang itong sinusunod ng anak.

-matinding dagok sa buhay ang nangyari kay Padre Florentino


dahil napagalaman niyang nag-asawa na ang dati niyang
kasintahan bago ganapin ang kanyang unang misa.
KABANATA 3- MGA ALAMAT
NG ILOG PASIG
Unang Alamat: Alamat ng “Malapad na Bato”

a.Isinalaysay ni Kapitan Basilio


- Tungkol sa isang sagradong batumbahay na
naging tirahan umano ng mga espiritu bago pa
man dumating ang mga Espanyol. Kalaunan ay
nawala ang paniniwala sa bato at sa mga pamahiin
hanggang sa naging pugad ng mga tulisan.
Ikalawang Alamat: Alamat ni “Donya Geronima”

a.Isinalaysay ni Padre Florentino


b. Tungkol sa isang binata na nangakong
papakasalan ang dalaga na nagngangalang
Donya Geronima. Isang araw nabalitaang ng
dalaga na naging Arsobispo na sa Maynila ang
dating katipan. Bilang pambawi pinagawaan na
lamang ng yungib ang dalaga kung saan siya
nakatira hanggang sa mamatay
Ikatlong Alamat: Alamat ng “Milagro ni San Nicolas”

a. Ikinwento ni Padre Salvi


b.Patungkol naman sa malalaki at masisibang
buwaya na sumusugod sa mga bangka upang
palubugin. Isang araw, may isang Tsino na
nagdaan sa lawa at sinalakay ng isang
demonyong nag-aanyong buwaya. Dahil sa
pananampalataya ng Tsino humingi siya ng
tulong kay San Nicolas at sa isang iglap,
naging bato ang buwaya.
Sa pagtatapos ng usapan sa mga alamat ay nailipat
ang usapan kaugnay sa isang taong napatay sa lawa
na nagngangalang Ibarra na tinutugis ng mga
kawal. Nang malapit nang abutan ay tumalon mula
sa bangka at sumisid sa tubig na pinaniniwalaang
sumama sa bangkay ng kaniyang ama na isang
pilibustero.

Ano kaya sa tingin niyo, bakit natahimik si


Simoun habang pinag-uusapan iyon?
KABANATA 4- SI KABESANG
TALES
Ano-anong mga magagandang katangian ang
ipinakita ni kabesang Tales sa kuwento?
Ang pagiging matiyaga
Katulad ni Kabesang Tales, ng dahil sa kanyang
pagtitiyaga ay nagbunga ang kanyang pinaghirapan at
siya'y naging mayaman
Ang pagiging matapang
Dahil mayaman na si Kabesang Tales at umunlad ang kanyang
bukid, ito'y inangkin ng mga prayle ngunit sa kabila nito,
ipinaglaban pa rin ni Kabesang Tales ang kanyang bukid kahit na
ito ay magiging rason upang siya at ang kanyang pamilya ay
maghirap
Sa pagmamatigas ni Kabesang Tales siya ay hinuli
ng mga armadong tulisan
Ano ang ginawang paraan ng maglolong Selo at
Huli?
Ibenenta ni Huli ang kanyang mga alahas maliban sa mga
brilyanteng ibinigay ng kasintahan na si Basilio.

Natagpuan nila si Hermana Penchang na siyang


nagpahiram ng salaping kakailanganin upang tubusin si
Kabesang Tales, kapalit ng paninilbihan ni Huli sa kanya
hanggang sa mabayaran ang utang.
KABANATA 5- ANG NOCHE
BUENA NG ISANG KUTSERO
Bakit naabala ang kalesang sinasakyan ni Basilio?

❑ Nalimutan ng kutsero ang kaniyang sedula kaya hinuli


at binugbog siya ng mga Guwardiya Sibil.
❑ Naantala ang kanilang biyahe sapagkat walang ilaw
ang parol ng kalesa kaya hinuli muli ng Guwardiya
Sibil ang kutsero.

Bumaba na lamang si Basilio at naglakad


patungong San Diego.
Sa kanyang paglalakad, sino-sino ang kanyang mga
nakita sa daanan?
a. Simoun
b. Kapitan Basilio
c. Alperes
d. Kura

Nagpatuloy sa paglalakad si Basilio hanggang sa


marating ang bahay ni Kapitan Tiyago. Natigilan at
nag-isip nang malalim si Basilio
KABANATA 6- SI BASILIO
Dahil sa malalim na pag-iisip ni Basilio ay palihim
na nagtungo si Basilio sa gubat ni Kapitan Tiyago.
Ano-ano kaya ang mga naalala ni Basilio sa lugar
na iyon?
a. Lahat ng mga pinagdaanan at paghihirap ni
Basilio, dahil si Basilio ay naging ulilang lubos.
b. Ang nakahimlay na labi ng kaniyang inang si
Sisa.
Sa mapait na nangyari sa kanya, siya ay lumuwas
nang Maynila upang magpaalila at makapag-aral.
Ano-ano kaya ang mga naging karanasan ni Basilio
sa Maynila? Naging maganda ba ang kanyang
buhay?
a. Walang tumanggap agad sa kaniya sapagkat napakababa
ng kaniyang ayos at hindi marunong ni isang Wikang
Espanyol.
b. Nakilala si Kapitan Tiyago, ngunit siya ay naging utusan
nang walang sahod kapalit ng pagpapaaral sa San Juan
de Letran.
Ano-ano naman ang mga pangyayari sa kanyang
pag-aaral sa Maynila?

UNANG TAON PAG-AARAL:


a. Hindi naging maganda ang karanasan sa
unang taon sapagkat malimit siyang iwasan ng
mga kamag-aral at guro dahil sa kaniyang
pananamit.
IKALAWANG TAON
Bumuti kaunti ang kanyang buhay ng
magpabuya si Kapitan Tiyago nang Manalo ang
kanyang inaalagaan. Ngunit sa pag-aaral
malungkot pa rin siya dahil hindi parin siya
pinapansin ng mga guro.
IKATLONG TAON
a. Naging guro niya ang isang palabirong
Dominikano. Layunin ng guro na siya maging
isang katatawanan sa pamamagitan ng
pagtatanong at panlilito kay Basilio.

b. Dahil sa pagpapahiya nito, nagawang sagutin


at ipahiya ni Basilio ang guro. Sanhi upang
magdamdam ang guro at hindi muling tatawagin
sa klase.
c. Bago matapos ang kanyang Ikatlong Taon,
dumating ang kanyang magandang pagkakataon
nang ipaglaban niya ang isang Propesor laban sa
kagalit nitong kadete. Dahil dito napansin na
wakas ang kanyang talento at talino at nakamit
ang markang sobresaliente.

Nagpatuloy ang kasipagan sa huling taon ng pag-


aaral at naging ganap na siyang doktor.
KABANATA 7- SI SIMOUN
Ang kabanata 7 ng El Filibusterismo na
pinamagatang "Simoun" ay nagsisimbolo ng
dalawang adhikain na namamayagpag sa
damdamin at kaisipang ng ating mga kababayan sa
panahon ng panankop laban sa Kastila.
Una, sinisimbolo ng karater ni Simoun ang kalupitan na dinanas ng mga
Pilipino sa kamay ng mga mapang- aping kastila. Marami sa ating
kababayan ang nawalan ng ari-arian, pamilya, komunidad dahil sa pang
aagaw ng mga kastila tulad sa nangyari kay Jose Rizal at sa kanyang
pamilya. At naniwala si Simoun na ang tanging solusyon lamang sa
ganitong pangyayari ay ang paghihiganti. Ganito rin ang naging
pamamaraan ng mga kababayan natin na gustong lumaya sa kamay ng
Espanya.
Ikalawa, Sa kabanata 7 sa El Filibusterismo inilalarawan
naman ang karakter ni Basilyo bilang isang tao na
marunong maghintay sa magiging mangyayari sa kanyang
bayan. Hindi siya pabor sa hakbang ni Simoun ngunit
ginagalang niya ito. Katulad ng ilang mga kababayan
natin. Na ang ilang ay ipinagpatuloy ang kanilang
pangarap sa kabila ng kapaitang dinanas sa kamay ng
Espanya
KABANATA 8- MALIGAYANG
PASKO
Mahahalagang Pangyayari:

1. Napilitang manilbihan si Huli kay Hermana Penchang


upang magkaroon ng sapat na halaga na pantubos kay
kabesang Tales na kanyang ama.

2. Araw ng pasko. Unang araw ng paninilbihan ni Huli kay


Hermana Penchang.

3. Napipi si Tandang Selo sa sobrang sama ng loob sa


pagdakip kay Kabesang Tales ng mga tulisan at pagpasok
ni Huli bilang katulong kay Hermana Penchang.

You might also like