You are on page 1of 18

MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

Kabanata I: Sa Ibabaw ng Kubyerta

1. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao, karaniwa’y Kastila.

2. Ang Noli ay nagtapos sa buwan ng Disyembre; ang Fili ay dito nagsimula. Ngunit ang Disyembre sa Noli at ang Fili
ay may 13 taong nakapagitan.

3. Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan. Si Ben Zayb (Ibanez) ay isang mamahayag.

4. Ang tabo ay isang katutubong batalan. Ang tabo sa kasalukuyan ay karaniwang latang pinagbasyuhan ng gatas,
kape o ano man. Mula sa abang batalan hanggang sa makabagong banyong may gripo at dutsa sa Pilipinas ay
may tabo. Noon ang tabo ay karaniwang pang-ilalim na bahagi ng bao ng niyog.

5. Pinaghahambing ni Rizal ang Bapor Tabo at ang Pamahalaan sa pamamagitan ng:

a. Sa pagkakaroon ng 2 lugal ng tao sa kubyerta at sa ilalim ng kubyerta, tulad ng paglalagay ng pamahalaan na


may mga taong mataas ang uri, tulad ng mga Kastila, mayayaman at prayle: at mga abang mamamayang tulad ng
mga mestiso at indiyo.

b. Sa mabagal nguni’t mapagmalaking palakad tulad ng pamahalaan na halos hindi nakausad sa may 300 taong
pamumuno sa Pilipinas.

c. Sa pagkulapol na pinturang puti - nagpapanggap na malinis at marangal ngunit’t makikita ang mga dumi sa
likod ng pinta tulad ng mga walang katarungang pagpatay at pagbilanggo, ng mga kabulukan, katiwalian at iba pa
sa pamahalaan at simbahan.

d. Sa bilog na anyo ng bapor - nagpapakilalang ang pamahalaan ay walang malinaw na kaanyuan; walang plano
ng pagiging unahan, hulihan, tagiliran na tulad ng pamahala noon na walang yaring plano ng pagpapalakad.

e. Sa paggamit ng makina at tikin tulad ng pamahalaan, may namamahalang sibil, tulad ng Kap. Heneral at iba
pang taong pamahalaan at ang prailesya o mga kura. Noon ay may union of church and state o pagiging
magkatulong ng pamahalang sibil at ng simbahan sa pagpapalakad ng mga suliraning pampulitika at
pangkabuhayan ng bayan. Alin ang makina at alin ang tikin? Ang makina na siyang tuwirang nagpapatakbo sa
bilog na bapor ng pamahalaan, bilog sapagkat walang plano at di alam kung saan ang patungo at saan ang
pabalik, ay siyang pamahalaang sibil, samantalang ang mga tikin ay siyang mga kura na nagsasabi kung saan
dapat patungo ang bapor ng pamahalaan. (Dapat mabatid kung ano ang tikin.)

6. Inis na inis si Donya Victorina dahil iniwasan siya ng mga lalaki sa itaas ng kubyerta.

7. Ang ibubuti ng malalim na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at look ng Maynila ayon kay Simoun ay:

a. Makapagtitipid ng lupa. Ang liku-likong Ilog Pasig ay mahalinhan ng tuwid na kanal.


b. Iikli ang paglalakbay; uunlad ang negosyo.
k. Maiiwasan ang mga putik at burak sa mga pampangin ng Ilog Pasig.
d. Giginhawa ang paglalakbay.

8. Tutol dito ni Don Custudio dahil:

a. Malaki ang gugulin


b. Maraming bayan ang kakailanganing sirain
k. Walang ibabayad sa mga manggagawa

9. Ang tugon ni Simoun ditto ang mga sumusunod:

a. Kung maraming bayan ang kailangang mawasak, sirain ito.


b. Kung walang ibabayad sa gagawa, gumamit ng mga bilanggo.
k. Kungdi sapat ang mga bilanggo pagawain ng walang bayad ang taong-bayan na magdadala ng sariling pagkain
at kasangkapan. Sa ganito raw paraan natayo ang piramide sa Ehito at koliseo Sa Roma na hinahangaan ngayon
kaugnay ng pangalan ng mga paraon at mga pinuno ng Roma gayong limot na natin ang libu-libong nagamatay na
mangagawa roon. Ang mga patay ay patay na ang tanging malakas ang binibigyang katwiran at panahon;
d. At di raw maghihimagsik ang bayan tulad ng mga Ehipsio.
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

10. Dahil sa mga panukala ni Simoun at kanyang tandisang patutsada kay P. Sibyla at Don Custodio, ang naging
palagay sa kanya ng nasa itaas ng kubyerta ay:

a. Siya ay isang mulatong (mestisong) Amerikano.


b. Mestisong taga-India at Ingles naman daw.

11. Nangingilag ang mga prayle at sina Don Custodio kay Simoun dahil: Ito’y kaibigan ng Kapitan Heneral, doon pa sa
Habana, Kuba.

12. Mararahas ang mga balak ni Simoun. Lahat ay makakapagpahirap sa mga mamamayan.

13. Si Don Custodio ang ipinalalagay na pinakamatalinong tagapayo ng mga puno sa Pilipinas.

14. Si Padre Sibyla ay pangalawang rektor ng UST.

Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta

1. Kalakaran sa matanda, tulad ni Kap. Basilio na nakatatagpo ng balakid sa lahat ng dako samantalamg ang
kabataan ay masigasig sa mga balak, tulad nina Isagani dahil: Marami nang kabiguang naranasan ang matatanda
kabiguan sa sarili nilang mga pangarap at balak noong kanilang kabataan samantalang ang mga bata ay may
maapoy pang damdamin na gatong sa kanilang mga balak at adhikain. Di pa sila nakararanas ng maraming
kabiguan. Dahil dito, kahit papaano, ang daigdig ay sumusulong, umuunlad.

2. Nangiti si Simoun nang matigas tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas ang kanyang mga kababayan ay
dahil hindi nila ito kailangan: Kung ang ngiting iyon ay palibak o patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di totoo.
Mahiligin sa alahas ang mga Pilipino. Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating dahil sa nakita ni Simoun
kay Isagani ang isang katangiang hinahangaan niya at hinahanap lalaking matapang at nakikipaglaban para sa
karangalan ng bayan.

3. Ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon: Ang pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang
paroko; pag Kastila naman mayaman. Kung pagsisimula pa lamang ang isang paroko di pa malakas ang kita,
Pilipino ang inilalagay dito; pag-umunlad na ito, pinapasok na ng mga prayleng Kastila.

4. Hindi totoo ba ang sabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil hindi ito nagsisiinom ng
serbesa dahil: Para sa bayang malalamig nguni’t di sa Pilipinas na totoo nang mainit kadalasan ang panahon.
Tingnan ang palainom ng tuba. Pagkainom ano? Bulagta!

5. Ang tugon ni Isagani kay Simoun: Na kung si Padre Camorra at mga kasama nitong kastila ay nagbabawas sa pag-
inom ng alak, titino sila ng kaunti at ang mga alingasngas nila, lalo na sa kababaihan, ay mabanawasan kundi man
maalis. (Ito kaya ay di tuwirang pangagaral ni Rizal ukol sa alak?)

6. Ang ibig sabihin ni Isagani sa pagiging sulak ng tubig? sa mumunti at watak-watak na ilog: Ang sulak (steam) ay
pag-init at pagkulo ng malamig at matimping damdamin ng mga Pilipino; pagsulak, himagsik! Ang mumunti at
watak-watak na ilog ay ang kawalang-kaisahan ng damdaming Pilipino na may matinding gawi ng pag tatangi-
tangi (regionalism). Kung ang mga puta-putaking himagsikan lamang sa Pilipinas na mula kay Lapu-lapu hanggang
kaina Diego Silang ay walang tigil nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi sa iisang dagat o nagkaisa-isa at
nagkasabay-sabay sa isang pamumuno, matagal na sanang gininaw ng dagat ng tubig na ito ang Moong ng Kastila
sa Pilipinas.

7. Ang diwa ng tula ni Isagani na bibigkas ni Basilio: Pagtutulugan ng tubig at ng apoy sa isang makina (steam
engine). Pagtutulungan ng Pilipino at Kastila sa mahusay na sistema ng pamamahala.

8. Pangarap lamang daw ito ayon kay Simoun dahil Hahanapin pa raw ang makina. Ibig sabihin may apoy nga at may
tubig nguni’t walang makina. Walang makikitang pag-asa si Simoun sa pagkakasundo ng mga Pilipino at Kastila.

9. Nagkakilala sina Simoun at Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago ay isa sa madalas dumalaw si Simoun na
pinaghihinalaan ng lahat, pati si Basilio, na isang naghahangad makamana sa yaman ng Kapitan.

Kabanata III: Ang mga Alamat

1. Dito’y makikitang naalis ang paniwala ng ating mga nuno sa mga espiritu at pamahiing lalo pang nakaiinis ang
pangrelihiyon.
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

2. Nauwi sa mga alamat ang usapan sa ibabaw ng kubyerta : Binatak dito ni Simoun ang alamat sa Ilog Pasig at isa
ang inaasahan niyang mapag-uusapan ang kay Donya Geronima na siya niyang magagamit sa pagbabawas ng kulo
sa kanyang dibdib laban sa nagbabanal-banalang si Padre Salvi na batid ni Ibarra ay lumalapastangan sa
kapurihan ni Maria Clara sa kumbento ng Sta. Clara.

3. Ang pagkakahawig ng alamat ng Malapad-na-Bato sa kasaysayan ng Pilipinas: Noong una ang Malapad-na-Bato ay
pinaniniwalaang lugal ng mga espiritu at maligno, isang pugad ng pamahiin. Gayon din ang Pilipinas na noong
bago dumating ang mga Kastila ay pinamamayanihan ng mga pamahiin Kapre, tiyanak, tikbalang aswang, at iba
pa. Nang ang Malapad-na-Bato ay pagtaguan ng mga tulisan, nabatid ng mga tao na walang katotohanan ang
masasamang espiritu sapagka’t walang nangyaring sa mga tulisan. Mga tulisan naman na nanghaharang at
pumapatay sa mga napapadpad sa Malapad-na-Bato ang pinagkakatakutan ng mga taong namamangka sa Ilog.
Ang Pilipinas sa tulong ng Kristiyanismo, ay di na naniniwala sa mga espiritu at pamahiin na pinatunayan ng mga
prayleng Kastila’y walang katotohanan. Sila’y tulisang Kastila naman natatakot ngayon.

Kabanata IV: Kabesang Tales

1. Ang agnos ni Huli ay agnos ni Maria Clara na ipinagkaloob sa isang ketongin na napagaling ni Basilio. Ibinayad ng
ketongin kay Basilio ang agnos at ito naman ay inihandog ni Basilio kay Huli. Mahirap maging cabeza de barangay
noon dahil: Siya ay isa lamang tagapaningil ng buwis at kung may di magbayad ay siya pa ang nagpapaluwal.

2. Ang ibig sabihin ni Kabesang Tales sa magiging lupa rin tayo at hubad tayong talaga nang ipanganak ay
Hindi dapat matakot sa kamatayan dahil tayo namang lahat ay mamamatay at ano ang ikatatakot sa karalitaan ay
nagsimula tayo sa kahirapan sa walang damit

3. Ang batas ang pumanig sa mga paring korporasyon upang makuha ang lupa ni Kab. Tales ay Wala kundi ang
batas ng pansariling kaligtasan ng mga eskribano at hukom na takot sa korporasyon ng mga kura. Kaya silang ialis
sa tungkulin ng mga prayle. Ang totoo, mabuti ang mga batas ng mga kastila na dapat ipasunod ngunit
pinasasama ito ng mga namamahala. Gayong walang naipakitang katibayan ang korporasyon, nakuha nilang
masaklit ang lupa ni Kabesang Tales. Isa ito sa mga nakatulong sa katamaran ng mga Plipino. Bakit ka pa
magsasakit na gumawa at umunlad kung ito ay kakamkamin lamang sa iyo pagkatapos?

4. Matagal na di kinausap ni Tandang Selo ang anak ni Kabesa dahil pinayagang magkawal si Tano at di ibinayad ng
kapalit na maaaring gawin noon. Noon ay sadyang nangunguha ng kabataang pinagkakawal nguni’t maaaring
kumasundo sa isang sadyang napauupang kapalit at ang isang anak ng maykaya ay maaaring di na magkawal.

5. Sinabi ni Kab. Tales na kung siya’y matatalo sa usapin ay di na niya kailangan ang anak dahil Kung matatalo siya sa
usapin wala na rin siyang maibibigay na kinabukasan sa kanyang anak at kaya puspusan ang ginagawa niyang
paglaban ay sa kapakanan din ni Tano ang kanyang hangad ito ang magiging tagapagmana ng kanyang lupain.

6. Inihambing ng ilan si Kab. Tales sa kanyang pakikipag-asunto sa mga prayle sa Palayok na bumangga sa kaldero;
langggam na kumakagat kahit na siya’y titirisin
lamang.

7. Kung kailan pa walang makalapit na tulisan sa lupain ng dinukot ng mga tulisan dahil Noong una’y walang
makalapit na tulisan sa lupain ng kabesa dahil sa siya’y may baril noon at siya’y magaling mamaril. Nang
ipagbawal ang baril, nagdala naman siya ng gulok at siya’y balita sa arnis. Kaya nang palakol na lamang ang dala
niya saka siya napangahasang lapitan at dukutin ng mga tulisan upang ipatubos.

8. Ginawa ni Huli ang pinintasan ni Rizal dahil Ang pag-sa sa mga milagro. Inilagay ni Huli ang perang napagbilhan ng
kanyang mga alahas sa ilailim ng imahen ng Birhen at umaasang iyon ay magiging doble kinabukasan. Sinana’y ng
mga prayle noon ang mga Pilipino sa ganitong pag-asa sa mga milagro upang matuto pang magtiis ang mga
katutubo at iasa ang kanilang bukas sa pagmimilagro ng kanilang mga patrong santo sa halip na gumawa sila ng
mga paraang maaaring sa pag-uusig sa maykapangyarihan ay humantong sa himagsikan. Ito kaya ang nakatulong
sa ating pagpapaubaya ng lahat ky Bathala o ang kaisipan natin na bahala-na?

Kabanata V: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

1. Si Basilio ay katiwala ni Kap. Tiyago.

2. Ang mga pag-aari nina Ibarra ay sinasamsam ng pamahalaan (at ng simbahan) at ipinagbili ang ilan. Si Kap. Tiyago
ang nakabili ng gubat nina Ibarra. Iyonang tinatanuran ng matandang namatay
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

3. Nasabi ng kutserong si Sinong na noong panahon ng mga santo ay walang guwardiya sibil dahil sa mga pahirap na
tinatanggap niya sa mga sibil, nasabi ni Sinong na walang sibil noon sapagka’t di maaaring tumanda nang gayon si
Metusalem at di maaaring maging pari na papagitna pa sa dalawang haring puti si Melchor na isa sa tatlong
Haring Mago. Tiyak daw na mabibilanggo si Haring Melchor.

4. Naging kapani-paniwala sa mga mangmang na Pilipino noon ang alamat ni Bernardo Carpio dahil Ito ay
pinalaganap na talaga ng mga Katila. Si Bernardo Carpio ay isang likhang guniguni na hango sa isang alamat na
hiram sa Mehiko, dumating dito bilang tauhan sa isang awit o isang korido, at sa nilakad-lakad ng mga taon ay
ginawang katutubo at kinilalang hari ng mga mangmang na ring Pilipino. Sinasabing sa pamamagitan ng lalang ng
mga kastila ay naipit ng nag-uumpugang bundok sa Montalban {sa Rizal} si Bernardo Carpio nguni’t unti-unti nang
nakakawala at sa panahon ni Sinong ay kanang paa na lamang ang di naiaalpas. Pagnakawala raw si Bernardo
Carpio ay siya ang mamumuno sa mga Pilipino sa paghihimagsik laban sa mga Kastila.

Kung isang katutubo o mga kura na rin ang nagsimula ng ganitong alamat ay di natin matiyak nguni’t ay
pinabayaan ng mga Kastila, at tinulungan pang yumabong sa isipan ng mga Pilipino sa pamamgitan ng mga aral
na ang pagtitiis at pagpapakasakit ay nagtatamong kaluwalhatian sa langit. Dahil sa mga kuwentong tulad nito,
nawawala o mababawasan ang paghahangad ng mga Pilipino na ihanap ng lunas ang kanilang mga kapihan.
Hihintayin na lamang nila ang paglaya nila ang paglaya ni Bernardo Carpio, ng kanilang hari, at saka na sila
magbabagon.

5. Ang mga sibil ay karaniwang mga Pilipino rin noong panahon ng Hapones, higit daw na mahigpit magparusa ang
mga Pilipinong naglilingkod sa garison kaysa mga Hapones na rin. Ang mga gerilyo ay gumagamit ng maraming uri
ng pagpatay na totoong nakapanghihilakbot. Noong kalaganapan ng kilusan ng Huk (1946-1956), ang mga
pagpapahirap at pagpatay ng Huk at mga kawal na rin ng pamahalaan ay nakapangingilabot din. Bakit
nagkaganito ang mga Pilipino? Ibatay ang tugon sa mga paglalarawan ng buhay sa Noli at Fili at sa ating mga ulat
na pangkasaysayan. Makakabangon kaya tayo bilang isang lahi?

Kabanata VI: Si Basilio

1. Totong malaki ang bilang ng mga mag-aaral sa klase noong panahon nina Rizal – 300 hanggang 400 sa isang klase.
Paano magiging mabisa ang pagtuturo.,

2. Dito’y inilarawan ni Rizal ang higt na kaunlaran ng mga Hesuwita sa Ateneo kaysa mga Dominiko na siyang halos
namamahala sa pagtuturo sa Pilipinas.

3. Kailangang palihim pa ang pagtungo ni Basilio sa gubat na ari ni Kap. Tiyago dahil ayaw na niyang maungkat nino
man ang kanyang kahapon. Siya’y pinaghahanap pa rin ng bats sa likod ng may 13 taon nang nakakalipas.
(Alalahaning buhay pa si Padre Salvi na bahagi ng pamahalaan).

4. Ang kapuna-na sa pagkakapagaling ni Basilio sa ketonging nilimusan ni Maria Clara ng isang agnos na mamahalin
dahil Kahit nitong mga panahon ito ay may ilan pang naniniwala na ang ketong ay nakakahawa at di
napapagaling. Sa sandaling magkaketong ang iasng tao siya ay ibinibilang nang patay nabubuhay na patay walang
pag-asa at kadalasa’y pinatitira sa mga malalayong kabundukan upang hindi makahawa. Lalo pa noong panahon
nina Rizal. Maalaala na ang ketonging ito na nilimusan ni Maria Clara ng agnos ay sumagip ng isang bata na
nalulunod sa knal. Sa halip na pasalamatan ay pinagpapalo at pinarusahan. Mabuti pa raw nalunod na ang bata
kaysa mahawa. Nguni’t noon pa man ay naniwala na si Rizal na ang ketong ay mapapagaling. Kung totoong may
katibayan si Rizal sa mga pangyayaring inilarawan niya sa Noli at Fili isang estudyante lamang nguni’t masigasig at
palaaral na tulad ni Basilio ay nakapagpagaling ng isang ketongin.

Kabanata VII: Si Simoun

1. Matatanto sa pag-aakala ni Basilio na ang Kastila ay wikang siyang mag-uugnay sa mga Pilipinong may iba’t ibang
wikain na isa si Rizal sa mga unang nag-isip sa pangangailangan natin ng isang pambansang wika.

2. Si Ibarra kailanma’y di nakita ni Basilio kundi nang dumating ito sa gubat at makatulong niya sa paglilibing sa
kanyang ina. Nang dumating si Ibarra. Di pa nakikita ito ni Basilio, ay nangyari na ang pagtatago niya sa mga
guwardiya sibil. Katapusan ng Oktubre nang dumating si Ibarra sa Pilipinas mula sa Europa. Ika-23 ng Disyembre
nang maganap ang habulan sa lawa. Dalawang buwang maysakit si Basilio sa gubat sa pagkakandili nina Tandang
Selo. Bisperas ng Pasko nang maisipan niyang hanapin ang ina at sila’y magkita ni Ibarra sa unang pagkakataon.
Nang magkita sila uli ay sa bahay na ni Kap. Tiyago nguni’t si Ibarra ay nagbabalatkayo nang isang Simoun at di
nakilala ni Basilio. (Si Basilio ay kilala ni Simoun). Palagi si Simoun kina Kap . Tiyago sa pagkukunwaring isang
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

ganid na nag-aabang ng mamamana sa maysakit na Kapitan nguni’t sa totoo’y upang makasagap ng balita ukol
kay Maria Clara.

3. Tatlo ang pinag-aalayan ni Simoun ng kanyang paghihiganti

a) Si Don Rafael
b) Si Maria Clara
c) Si Elias-pawang mga sinawing-palad ng lipunang nais niyang iwasak.

4. Si Elias at Ibarra ay kapwa di kilala ni Basilio noong siya ay isa pa lang sakristan. Natiyak ni Basilio na si Simoun ay
si Ibarra nang makita sila sa gubat makaraan ang labimpitong-taon dahil Si Basilio ay matalino at pinag-ugnay
niya ang mga pangyayari:

a. Bago namatay ang sugatang lalaki ay nagbilin sa kanya na kung walang darating sa gubat na iyon ay ariin niya
ang kayamanang nakabaon sa puno ng balite. Ang dumating ay isang mestiso na ngayo’y siyang humukay sa lugal
na pinagbaunan ng kayamanan.

b. Alam ni Basilio na mestiso ang anak ni Don Rafael; ang namatay sa gubat ay kayumanggi.

c. May sugat na taglay ang lalaking namatay. Noon ay nabalitang napatay sa lawa si Ibarra. Nguni’t ang mestiso ay
walang sugat. Samakatuwid, iyong kayumanggi ang hinabol at pinagbabaril sa lawa, hindi ang mestisong si Ibarra.

5. Hindi hinukay ni Basilio ang kayamanan sa puno ng balite gayong lagi siyang nasa libingan ng kanyang ina sa loob
ng 13 taon dahil Bilin ni Elias na hukayin niya ang kayamanan at ariing kanya kung walang darating na iba. May
dumating-si Ibarra. At nakalimutan na ito ni Basilio. Tangi sa rito, malayo nang kaunti sa puno ng balite ang libing
ni Sisa at gabi kung magtungo roon nang palihim si Basilio.

6. Ibinaon ni Ibarra si Sisa nguni’t sinigan ang bangkay ni Elias dahil Ibig ni Basilio na maibaon ang ina. Bilin naman ni
Elias na sunugin ang kanyang bangkay.

7. Ani Simoun ay nakabatid si Basilio ng dalawang lihim ukol sa kanya na maaaring magpahamak sa kanya kung
ibubunyag ng estudyante. Ang mga lihim na ito ay:

a. Na si Ibarra ay buhay pa.


b. Na si Ibarra’t si Simoun ay iisa. Ito ay maaaring magpahamak sa kanya at sa balak niyang paghihiganti.

8. Hindi pinatay ni Simoun si Basilio upang pangalagaan ang kanyang lihim dahil:

a. Si Basilio ay katulad din niyang sawimpalad sa pamahalaan at simbahan.


b. Si Basilio ay di makapagsusuplong dahil pinaghahanap din ito ng mga sibil.
k. May mga utang na loob si Basilio kay Simoun tulad ng inamin na rin ng estudyante-pagkapagamot ni Ibarra kay
Sisa at pagkahukay ng pinaglibingan nito.
c. Higit na paniniwalaan ng pamahalaan si Simoun kaysa kay Basilio.
d. Kailangan ni Simoun ang kabataang tulad ni Basilio sa balak niyang paghihimagsik. At sa kabataan ay si Basilio
ang higit sa lahat na makauunawa kay Simoun.

9. Nakapang-aalipin ang isang wika dahil Kung ang wikang ito ay dating sa isang mananakop, ito ay nagiging sagisag
ng kapangyarihan kaya’t ito ay pinaghahangaran ng mga sakop dahil katutubo sa tao ang maghangad na tumaas,
o tumayog. (Ito’y isa sa mga mikrobyo ng isipang-alipin o Colonial Mentality). Mamaliitin na ng dating sakop ang
sariling kanya hanggang sa ito ay tuluyan naising inisin o patayin at buhayin at payabungin ang sa dayuhan. Mga
aklat, babasahin, at sineng dayuhan ang kanyang pamumuhay sa pamumuhay ng dayuhan na nababasa at
napapanood niya. Pananamit, pagkilos, pagkain, kasangkapan at iba pa. Pagsusulit-sulit: Dayuhan sa sariling
bayan.

Sa ngayo’y alipin ng Ingles ang sangkapilipinuhan. Ang salitang imported ay ipinagmamalaki; ikinahihiya ang lokal.
Payabangan sa mga ternong Amerikano na di angkop sa klima natin. Pagandahan ng kotse na di kayang gawin sa
Pilipinas at gasolina’y tiyak na sa angkat lamang daraan. Paglulupit-lupit: Ang ating angkat (Import) ay laging
ibayong malaki kaysa lumalabas na paninda(Export) kaya’t unti-unting namumulubi ang bansa at ang kinabukasan
ng ating mga susunod na salin ng lahi ay ating ipinaaanod sa baha ng kasalukuyan nating mga bisyo at di
maiwasang hilig na masasabing buhat sa pang-aalipin sa atin ng wikang Ingles.

10. Ang kapuna-puna sa mga inilarawan ni Rizal na mga tauhang ayaw magsalita ng Tagalog at pangangastila ang
pinag-iigi sa Mga hindi mahusay magsalita ng kastila. (Donya Victorina, Donya Consolacion).
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

11. Ayon kay Simoun ay hindi magiging wika na ng kapuluan ang kastila dahil: Anya-ang kulubot ng kanyang
isipan at mga pintig ng kanyang puso ay walang akmang katugon sa wikang Kastila. (Paano nga naman masasabi
sa ibang wika ang ganito halimbawa: Huwag mong itapon ang lamang gugo at panghilod ng tabo na nasa sulok ng
batalan.

12. Ang makabagong kaisipang ukol sa pandaigdig na pulitika ang ipinahayag ni Rizal noon pa man sa pamamagitan ni
Basilio dahil Ang diwa ng Nagkakaisang Daigdig o United Nations. (Ani Basilio ay magiging maligaya lamang ang
tao kung ang buong sangkatauhan ay ay ituturing nang mamamayan ng daigdig at ang magtatalumpati ukol sa
kagitingan at pagmamahal sa bayan ay ipalalagay na baliw o fanatico) Dahil dito masasabi nating isa si Rizal sa
mga unang may diwang pandaigdig o internationalist. Malaki ang pagkakauna niya sa kanyang panahon.

Kabanata VIII: Maligayang Pasko

1. Nakatulong ng malaki ang mga prayle sa matagal na pagkakaalipin ng Pilipinas dahil Itinuturo ng mga kura na isa
sa mga mabtuing katangian ng mga Katoliko ay ang pagtitis at pg-asa sa mga milagro ng Santo (o ng lilok ng
larawan). Si Huli halimbawa, ay umaasa o nagbabasakali sa pagmimilagro ng Mahal na Birhen. Ngunit ng di
matupad ito, natuto siyang magtiis at inihanap ng katwiran ang kanyang kasawian.

2. Sa halip na hintayin ng mga bata na may tuwa ang araw ng pasko ay kinatatakutan pa nga nila ito dahil sa:

a) maaga silang ginigising para magsimba;


b) binibihisan sila ng mga magagara (ayaw ng mga bata ng matitigas na damit dahi lsa almirol at mga bagong
sapatos na masakit sa paa);
k) isinisimba sila sa misa mayor na matagal;
d) pinaluluhod sila sa lahat ng kamag-anakan upang humalik sa kamay.

Kabanata IX: Ang mga Pilato

1. Ang nilalaman ng Tandang Basyong Makunat? na isinulat ng isang prayle. Ito’y kuwento ng isang mag-anak ni
Tandang Basyong Makunat na nagpaaral ng anak na lalaki na naging suwail kaya’t ang payo sa aklat ay huwah
magpapaaral ng anak na lalaki sapagkat pag ang lalaki raw ay nawalay sa kanyang kalabaw ay kinukubabawan na
ito ng demonyo. Ito’y naglalayon na huwag matuto ang mga Pilipino, manatiling mga mangmang na magsasaka at
nang patuloy silang mapagsamantalahan ng mga prayle. Ang anak na dalaga naman ay pinapayuhang laging
pasasakumbento ano mang oras upang mangumpisal kura at ang mga magulang na di susunod dito ay tutungo sa
impiyerno.

2. Ang kaugnayan ng pamagat na Mga Pilato sa laman ng kabanata : Si Pilato ay siyang naggawad ng hatol na si
Kristo ipako sa krus gayong batid niyang walang kasalanan si Hesus. Sinunod niya ang hiling ng mga tao
nasulsulan ng mga tauhan ng tulisang si Barabas. Pagkatapos ay naghugas siya kamay at sinabing wala siyang
kasalanan.

Ito rin ang katwiran ng iba-ang gumagawa ng lupa ang kura Clemente, si Hermana Penchang ng nagsamantala sa
katangahan at kawalang-kaya ng isang dalaga upang gawin itong busabos sa araw pa naman ng pagsilang ng
Panginoon, siya pa namang isang manang na manang at katolikong-katoliko. Silang lahat ay may kasalanan ngunit
nagsabing wala.

Kabanata X: Kayamanan at Karalitaan

1. Kina Kabesang Tales nanuluyan si Simoun dahil sa ayon sa sabi ng mag-aalahas, iyon ang pinakamaliki at
pinakamasinop na bahay sa pook na iyon. Ang tunay na layunin ni Simoun ay makilala nang lubusan si Kabesang
Tales na sa balita niya sa mga nangyari rito ay maaaring isang taong akma para sa balak niyang maghiganting
paghihimagsik.

2. Natuwa si Simoun sa ginawa ni Kabesang Tales ng pagkuha ng kanyang baril dahil Nakilala niya ang pagkalalaki
ang pagkamaginoo ni Kabesang Tales. Ipinalit pa sa rebolber ang agnos na ayaw sanang pakialaman dahil walang
pahintulot ang anak. Nakita niya sa kabesa ang isang taong hinog ang dibdib sa init ng kanyang paghihiganti. Ito
ang kailangan niyang makasama sa kanyang paghihimagsik.

3. Natuwa pa si Simoun ng dakpin ng mga guwardiya sibil si Tandang Selo dahil Lalong maglalatang ang galit ni
Kabesang Tales at lalong mapapadali ang paghimok niya rito upang maghimagsik.

Kabanata XI: Los Baños


MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

1. Ang pagtuturo noon ay nasa kamay halos ng mga Dominiko. Magkagalit ang mga Dominiko at ang Hesuwita.
(Basahin ang pagkapatapon sa mga Hesuwita sa Pilipinas sa mga aklat ng ating kasaysayan.)

2. Si Padre Sibyla ay isang rektor ng Unibersidad ng Santo Tomas at tutol ang mga Dominiko sa balak na paaralan. Si
Padre Irene naman ay siyang inupahan ng kabataan na maging tagapagtanggol o tagatangkilik ng balak.

3. Di nakabaril ng usa o ibon sa gubat ang Kapitan Heneral dahil May kasama siyang banda ng musiko na
tumutugtog saan man siya paroon.

4. Ang sakit ng lipunan ang inilarawan ni Rizal sa pamamaril ng Heneral ay ang paglalangis sa may kapangyarihan.
Halos nangyari ang balak na pagbihising usa ang isang tao para may maipabaril lamang sa Kapitan Heneral. Ang
pag-gamit ng banda ay isa pa.

5. Nagagalit si Padre Camorra sa pakikipagsugal sa dalawang kura at sa heneral dahil Di niya batid na sadyang
nagpapatalo ang dalawang pari upang ilagay sa pagiging masaya ang heneral sa pananalo nito para maging
madali ang kanilang pagkuha sa kalooban ng heneral ukol sa usapin ng paaralan ng kabataan.

6. Sa lawa ipinamangka ni Simoun ang kanyang mga alahas na dala ng utusan samantalang siya, dala pa ang higit na
mga mamahaling alahas ay sa pampang nagdaan dahil Balak niyang talaga na makipagkita sa mga tulisan. Buo
ang kanyang pananalig na kung ang mga tulisan ay tulad ni kabesang Tales ay mga maginoo ito at kaya niyang
kausapin ng marangalan. Di niya ikinatakot ang kanyang mga alahas sapagkat alin sa dalawa : dinala niya iyon
upang ang ilan ay ipagkaloob sa puno ng pangkat o upang gawing katunayan ng kanyang pagtitiwala sa mga
tulisan tulad ng mag-isa niyang pagkakalakbay.

7. Ang institusyon sa Pilipinas ang napag-ukulan ni Rizal na patawang pamumuna nguni’t dapat na matalim na pag-
iwa sa damdamin ng mga Pilipino ay ang sabong. Samantalang ang mga sabungan noon ay magagara’t malalaki,
ang paaralan ay nasa kahabag-habag na kalagayan. Kahit sa kasalukuyan, maraming Pilipino ang
nakapagsasabong at nakapupusta ng malaki nguni’t ang pagpapaaral at pagdadamit sa mga anak, ang
pagkumpuni sa sariling tahanan, at iba pa ay di mahirap. Kung minsa’y maganda pa ang kulungan ng sasabungin
kaysa bahay nila. Sa mga sabungero, una muna ang bisyo bago ang sandang pangangailangan.

8. Ang tinatawag ni Rizal na mga pagnanasang balintuna sa kabanatang ito dahil Nais ng kabataang Pilipino na
ipaturo sa kanila ang wikang Kastila sukdang ikaalipin ng kanilang lipi samantalang ang sadya namang mang-
aaliping kastila ay napapakatangi- tangi sa hiling na ito.

9. Sang-ayon si Padre Fernandez, isa ring Dominiko, sa paaralang binabalak ng kabataan dahil Si Padre Fernandez ay
naiiba sapagka’t siya’y matalino. Sa kanyang pagtuturo sa unibersidad ay nakatagpo siya ng mga estudyanteng
may katalinuhan at wala sa kanya ang asal panginoon ng maraming prayle. Dilat ang mga mata niya sa
katotohanan.

Kabanata XII: Placido Penitente

1. Ang Unibersidad ng Santo. Tomas noong panahon ng kastila ay nasa Intramuros (Walled City) sa malapit sa
kolehiyo ng San Juan de Letran sa ngayon. Panahon na ng mga Amerikano nang ang UST ay ilipat na sa Espanya,
Maynila. Lahat halos ng paaralan noon ay nasa Intramuros-Letran at Ateneo.

2. Mga pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa tatlong kolehiyo noon.

Ateneo: Nangakadamit Europeo (Amerikana), mabilis lumakad, maraming dalang aklat at kuwaderno.

Letran: Nakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong paladala ng aklat.

UST: Malinis manamit maayos, makisig at sa halip na aklat ay baston ang dala.

Paaralang Normal: Mga tahimik , makukulay ang damit, sinusundan ng mga utusan, walang biruan at mapagdala
ng aklat.

3. Katatapos noon ng bakasyong para-Pasko kaya bagong balik sa paaralan ang mga estudyante.

4. Nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral dahil Apat na taon nang siya’y nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at
napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

siya’y walang hangad kundiang pumasa. Ngunit siya’y matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa katalinuhan
sa kanilang bayan.

5. Ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente = Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay nagdurusa.

6. Ayon kay Pelaez ay walang hindi nangyayari sa mga kagustuhan ni Padre Camorra sa mga babae sa Tiyani (liban
kay Huli?) Tinatakot ng prayle na ang mga kapatid o magulang ng babae ay maipabibilanggo o maipapatapon
kung di masusunod ang kanyang kagustuhan. At iyon ay alam ng mga dalaga na totoong nangyayari.

7. Ssi Huli man ay babagsak din dahil Kilala ni Pelaez ang kahayupan ni Padre Camorra at naniniwala siyang di
magtatagal at makakagawa ng paraan ang kura na makuha ang ibig kay Huli.

8. Ang puna ni Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon ay Karamihan noo’y walang natutuhan dahil:

a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala ng aklat, lalo na sa UST.


b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante.
k. May mahabang pagpapalagay ang mga guro sa estudyante.
d. Madalas ang araw na walang pasok.

Kabanata XIII: Ang Klase sa Pisika

1. Si Padre Millon:
a. Tapos sa pilosopiya at teolohiya at mahilig sa metapisika (mga teorya) ay nagturo ng kimika at pisika,
magkaslungat na mga asignatura.
b. Pasulyap sulyap lamang sa mga aklat ng kimika at pisika (A little knowledge is a dangerous thing) na
karamihan ay di pinanaligan at kalabas labas ay magtuturo ng mga asignaturang ito sa paraan ng pilosopiya.
(Siya’y di pa makapaniwala na ang mundo ay bilog at ito’y umiinog at umiikot sa araw.)
c. May paglahi sa itinituro at tinuturuan mga makamandag na kasarian ng isang guro.
d. Siya lamang ang nagtatanong at ayaw magtanong. (Ikinatutuwa ang katangahan ng tinuturuan at kinaiinis
ang tamang pagtugon sa kanyang mga tanong.)
e. Ipinasasaulo nang walang labis at walang kulang ang mga aralin di ipinaliliwanag.
f. Nagtutungayaw at nagmumura ng istudyante.

2. Sampay-bakod na kastila ang ginagamit ni Padre Millon sa klase dahil Wala siyang paggalang sa mga tinituruan na
ipinalalagay niyang mga tanga lamang.

3. Sa pagtingin na lamang sa silid aralan sa pisika ay masasabi kaagad na sadyang walang matutunguhan ang mga
estudyante dahil Ang pisika ay di maituturo ng sa bibig lamang. Kailangan ang mga larawan, kasangkapan at mga
halimbawa’t paliwanag sa pisara. Ni isang larawan ay wala sa buong silid. Nakasusi ang mga kasangkapan. At mga
pisara ay di ginagamit. Doo’y may sumulat ng VIVA! (Mabuhay!) noong unang araw ng pasukan. Enero na’y di pa
nabubura. Dapat, iyon ay magiging klase ng pilosopiya, di ng pisika.

4. Ang masasabi natin sa mga tukoy ni Rizal ukol sa pagtuturo dahil Ang mga principle ni Rizal sa pagtuturo ay hindi
naluluma hanggang ngayon. a.) di dapat maging malaki ang bilang ng mag-aaral sa isang klase b.) di dapat
inaaglahi at kinagaagalitan o hinihiya ang istudyante k.) ang guro ay di lang dapat matalino at saklaw ang kanyang
itinituro kundi dapat ay may malasakit o lugod siya sa pagtuturo at sa isignaturang itinituro d.) ang maraming
bakasyon ay nakakatabang ng pag-aaral at nakahihikayat sa pagliban.

5. Ang masasabi natin kay Placido, sa ugali niyang inilalarawan sa kabanata: Siya’y naglalarawan sa karaniwang
Pillipino. Mapagtimpi tayo’t mapayapa. Hangga’t maaari’y nagtitiis tayo lamang sa gulo. Nguni’t kung tayo’y
napapasubo na, marunong din tayong sumbog na parang bulkan.

Kabanata XIV: Sa Bahay ng mga Mag-aaral

1. Sii Sandoval ayIsang empleyado at estudyanteng taga-Espanya na tinatapos ang pag-aaral sa Maynila.

2. Ang uri ng tauhan ang inilarawan ni Rizal sa tauhang si Juanito Pelaez ay Isang Pilipino na takot manindigan para
sa bayan.

3. Ang ugali mayroon ang mga intsik na naging dahilan ng kanilang tagumpay ayon sa inilarawan sa kwento ay Sila
ay mapagkumbaba.

Kabanata XV: Si Ginoong Pasta


MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

1. Si Ginoong Pasta ay Isang bantog na mananaggol ng Maynila.

2. Ang klaseng mamamayan ang inilarawan na Rizal sa pagkatao ni G. Pasta ay Siya ang sumasagisag sa mga
Pilipinong nagnanais na manatiling sakop ng mga Kastila ang Pilipinas.

3. Ang katauhan ang ipinahiwatig sa papel ni Isagani ay Siya ay simbulo ng mga kaisipan na naglalaman ngmga
idealismo ng mga pangarap tungo sa pagkakaroon ng demokrasya at kalayaan.

Kabanata XVI: Ang Kasawian ng Isang Intsik

1. Naghanda ng isang malaking hapunan si Quiroga dahil Siya ay naghahangad na magkaroon ng konsulado ang
Tsina sa Pilipinas.

2. Iginalang ni Quiroga si Simoun Dahil sa pagiging malapit nito sa kapitan-Heneral.

3. Nagkautang si Quiroga kay Simoun ng siyam na libong piso dahil Kumuha siya ng tatlong pulseras kay Simoun na
ibinigay niya sa isang babaeng kaibigan ng isang makapangyarihang lalaki.

Kabanata XVII: Ang Perya sa Quiapo

1. Ang perya ay hindi iisang tindahan ng mga laruan o pabaril na tulad ng kasalukuyang gamit ng taguring ito. Ito ay
Fair o mga kubol ng siriko, mahika (magic), mga tindahan ng laruan ,paninda mga ari, at iba pa.

2. Noo’y Enero.

3. Tandaan uli ang pagkawala ni Simoun gayon siya ang nagyaya sa panonood sa espinghe ni Mr. Leeds.

4. ang kalinangan Pilipino ang binigyan diin ni Rizal sa Kabanatang ito Ang palilok ng mga anyo o larawan. Isa itong
talakay sa sining ng paglilok ng mga Pilipino na pinuri ni Rizal.

5. Ang inilalarawan sa kathang La Filipina ay Ang pamamahayag sa Pilipanas (state of Filipino press or journalism):
matanda (makaluma); pisak ang isang mata ( di katotohanan ang pagbabalita at iyong lang ibig paksain ang
pinapaksa ): marumi, at lugami ang pamamahayag noon. Ang nakakatawa rito ay isa pa si Ben Zayb sa nagtatawa
sa larawan at wala siyang kamalay-malay na sila ang inaatake sa larawang iyon lalo si Ben Zayb. ( Animo ito ng
pagkakapahintulot ng sensor sa pagpapalathala ng Florante at Laura ni Balagtas na atake ng kumatha laban sa
pamahalaan.)

Mas malinaw rito ang panunuligsa sa ikalawang larawan, ang bayan ng Abaka. Inilalarawan dito na ang Pilipinas
ay bayan ng abaka na ang karaniwang gamit ay panggapos sa mga dinarakip ng guwardiya sibil. Nguni’t ito man
ay di nasakyan ng matatalino’t magagaling na pangkat nina Ben Zayb.

(Nasakyan naman kaya ito ng mga indiyo? At sino ang nakaisip ng gayong mga larawan sa perye?)

Kabanata XVII: Ang mga Kadayaan

1. Hinimatay si Padre Salvi Dahil sa takot sa tinawag na ulo.

2. Inahalintulad ang buhay ni Imuthis Kay Ibbara.

3. Ang ipinahihiwatig ng naging reaksyon ni Padre Salvi pagkatapos ng salaysay ni Imuthis na Ito ay nagpapakilala ng
pagtanggap ng mga prayle sa kanilang kasamaan at pagpakasal.

Kabanata XIX: Ang Mitsa

1. Nakita ni Placido na kasama ni Padre Sibyla si Don Custodio, na magpapasiya ukol sa balak na paaralan ng
kabataan.

2. Ang salita kayang Ingles na amok (huramentado) ay galing sa hamok ng Malay.

3. Si Kabesang Andangay halimbawa ng isang ignoranteng ina noong panahong iyon na kaya lamang nagpapaaral ng
anak ay sa pagkakagaya-gaya o kaibigang mapagmalaki bilang ina ng isang nakapag-aral at nagkatitulo. Kung alam
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

niya na ang ibubunga ng pag-aaral ni Placido ay bilangguan o bibitayan, na siyang tiyak na ibubunga ng masikhay
at matining na pag-aaral noon ay papag-aralin pa kaya niya ito?

4. Ang paghihimagsik ni Simoun ay magsisimula sa mga arabal (kanugnog-pook ng Maynila o suburbs na noon ay
mabugat pa tulad ng Balintawak, Sta Mesa. Makati, La Loma at atbp.) na binubuo ng :

A. Pangkat ng mamamayang naaaping ibig maghiganti;


B. Pangkat ng mga tulisang tulad ni Kabesang Tales ay naging gayon sa udyok ng paghanap ng katarungang di
naging kanila sa pamahalaan;
K. Mga kawal na kanyang pinaniwalaang ibig ng Kapitang Heneral na manggulo sila sa mga sibil at sa mga prayle
upang magkaroon ng dahilan ang heneral na magtagal pa sa Pilipinas;
D. Mga manong na pinaniwala niyang sasalakay sa kumbento ang mga kawal at sibil.

Dahil dito, ang mga sibil at mga manong ay makakalaban ng mga kawal na may mga pagkakautang kay Simoun at
ang mga tulisan kakampi ni Simoun, at ang mga mamamayang sasapi sa kanya ay malayang makalulusob sa
Maynila (Intramuros ngayon) at maluwag niyang makukuha ang siyudad na walang magtatanggol

5. Nasabi ni Placido na wala na siyang pagkakataong mag-aral dahil Iisa ang unibersidad noon para sa karera ang
unibersidad ng Sto. Tomas. Ayaw na siyang tangapin doon.

6. Ang lintik na ibig nang sumabog ni Placido upang maipakilala nga ngitngit ng kanyang paghihiganti ay Ang
himagsikang tulad ng naganap noong 1872 na kinasangkutan nina P.Burgos. makikita ritong ang diwa ng 1872 ay
nananatiling buhay sa isip at damdamin ng mga Pilipino pagkatapos noon. Umaasa sila sa muling pagsabog ng
malaking himagsikan.

7. Napatapon ang dating guro sa San Diego dahil Ninasa niyang makapagturo nang mabuti. Naging kalaban niya ang
simbahan at ang pamahalaan na sadyang ayaw na ang mga indiyo ay matuto ng husto.

8. Umanib kay Simoun sa balak niyang paghihimagsik ang Kastilang may rayuma dahil It'y nagkaasawa ng maganda.
Pinagnasaan ng mga prayle ang babae. Para maiwasan ang ganti ng Intsik, ito ay ginawan ng lalang ng mga prayle
upang mapabilanggo hanggang magkaramdam. Ibig ng Kastila na makapaghiganti.

9. Napaaga ang pagbubunsod sa himagsikang binalak ni Simoun dahil kay Maria Clara na ayon sa balitang tinanggap
ni Simoun ay nasa bingit na halos ng kamatayan.

10. Inihalintulad ni Simoun si Maria Clara sa isang ibon na Fenix (Phoenix). Iisa lang ang ibong ito. (Tulad ni Maria
Clara na iisang babae sa buhay ni Ibarra.) nabubuhay ito mula sa 500 hangggang 12,954 taon. Pagkatapos ay
sinusunog nito ang sarili sa sariling pugad at ang abo nito’y nagiging bagong Fenix. Kung makuha na ni Simoun si
Maria Clara sa mga kuko ng bulag na paniniwala, bibigyan niya ng bagong buhay ang mongha. Ani simoun
patungkol kay Maria Vlara: Isang paghihimagsik ang naglayo sa akin at sa iyo; isa ring pagbangon ang magsasauli
sa akin sa iyo.

11. Nakita ni Simoun sa kanyang balintataw na tila galit ang anyo ni Don Rafael at ni Elias. Ang dalawa`y di sang-ayon
sa pamamaraang kanyang ginamit. Si Don Rafael ay kabutihang lagi ang panuntunan sa pakikitungo sa bayan. Kay
Elias ay di siya karapat-dapat sa tungkuling kanyang ginaganap; di na siya karapat-dapat dahil ang nag-uudyok sa
kanya sa paghahangad na mapalaya ang bayan ay di ang diwang makabayan at makatarungan kundi payak na
paghahangad ng paghihiganti.

12. Ipaliwanag ang biglang pagbabago ng loob ni Placido nang kausapin siya kinabukasn ng kanyang ina. Sa
ipinabatid sa kanya ni Simoun noong sinundang gabi ay naisip niyang isa ng kalabisan ang makipagtalo sa kanyang
ina. Kunwa’y payag na siya sapagka’t batid niyang sa mga araw na iyon ay ibubunsod na ang madugong
himagsikan kaya’t wala nang tanging hiling sa ina kundi umuwi kaagad sa lalawigan upang makaiwas sa labanan.

13. Ang mitsa ng paghihimagsik ni Simoun: Ang paghihimagsik ay parang bomba na handa na ngunit wala pang mitsa
na sisindihan upang pasabugin ang bomba. Ang paghihimagsik ni Simoun ay may layon: pagbawi kay Maria Clara.

Kabanata XX: Si Don Custodio

1. Nabigyan ng bansag na “Buena Tinta” si Don Custodio at Siya ay naging laman ng mga pamahayagan sa loob ng
ilang lingo at sakanyang walanghabas na pakikipagtalo kung kani-kanino.
2. Siya nagkaroon ng pagkakataong makahawak ng napakaraming tungkulin sa tulong ng salapi ng kanyang
mayamang asawa, siya ay nangalakal at tumanggap ng mga paggawa ng pamahalaan.\
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

3. Ang palagay ni Don Custodio sa mga Pilipino ay ipinanganak upang maging utusan.

Kabanata XXI: Mga Anyo ng Taga-Maynila

1. Si Camarroncocido ay may pangalang ang kahulugan ay halabos na hipon dahil mapulang-mapula siya. Siya ang
isang Kastilang hindi nagpapahalaga s kanyang pagiging Kastila. Gayong may pagkadugong bughaw, nang
dumating sa Pilipinas ay naging isa lamang upahan sa pagdidikit ng mga paskil sa dulaan at mga gawaing kauri
nito. Isa siyang kabaligtaran ni Don Custodio na isa lamang layak sa Espanya na nang maparito ay nagsamantala
sa pagiging Kastila at naging mayaman at makapangyarihan.

2. Salin ng Les Choches de Corneville: Mga Kampana sa Corneville. Ito’y nagpapahiwatig ng mga mananayaw na
babaing may mga sayang maluluwang na parang kampana na titikwas-tikwas samantalang sumasayaw at pasipa-
sipa sa itaas ang mga paa.

3. Ang kasamaang ugali ang pinulaan ni Rizal sa mga taong tulad ni Camarroncocido ay Ang pagwawalang-bahala sa
mga panayayari o mga mangyayari kung ito ay walang tuwirang kaugnayan sa kanya kahit mangahulugan ito ng
kaguluhan sa bayan o maging ito ay matuklasan niyang may pipinsalaing ilan. Ito ay sakit ng lipunan hanggang
ngayon. Maraming kabulukan at katiwalian o krimen ang nasassaksihan nguni’t di isinusuplong sa mga
maykapangyarihan sapagka’t wala namang tuwiran o biglaang samang nagagawa sa mga nakakita dahil di nila
nais masangkot sa gulo. Di nila nais na maabala sa pagsaksi sa paglilitis. Nguni’t sa di paggawa ng karampatang
hakbang ng mga nakapunang ito, ang katiwalian o ang krimen ay lalaganap at balang araw ang nangapabaya sa
pangyayari ay siyang tatamaan niyon. At sa katiwaliang nangyari sa bayan, di man tuwiran, lahat ay nagdurusa.
(Maipaliliwanag pa ito ng guro).

4. Nahati sa dalawa ang lipunan sa Maynila Dahil sa mahigpit na pagtutol dito ng mga prayle, lalo na si Padre Salvi,
at sa pagsang-ayon dito ng mga taong pamahalaan, napukaw ang pansin ng mga taga- Maynila. Nangagtanong
sila kung bakit ipinagbabawal ito ng simbahan? Lahat halos ay ibig manood: Una, iyong ibig manood upang
malaman kung bakit bawal; at ikalawa, iyong ibig manood kung bakit dapat ipagbawal. Kung hindi ipinagbawal ng
mga prayle, hindi dadami ang manonood.

Ito ay isang magandang paglalahad ukol sa tinatawag na ban o pagbabawal sa pagbabasa sa isang aklat. Dahil
ipinagbabawal ang Noli at Fili, noon, halos lahat ng marunong-runong bumasa ng Kastila noong panahon ni Rizal
aaaaay nagnais makabasa ng mga nobelang ito. Ipinagbawal ng simbahan ang Pride of the malay Race ni Rafael
Palma. Ito ay naging mabili. Kapag nilalagyan ng For Adults Only ang paskil ng palabas sa sine lalo itong
pumapasok;ipinagbabawal ang isang sine, ito ay dudumugin ng tao. Dahil sa ito’y katutubo sa tao ang pagtanggi
sa pagbabawal. Bawalan mong hipuin ang isang bagong kapipintang bagay sa paglalagay ng pansin na Huwag
Hipuin .Sariwang Pintura, at ito ay mapupuno ng mga bakas ng daliri ng mausisa.

5. Ang mga taong napuna ni Camarroncocido sa dilim sa paligid ng dulaan: Mga tauhan ni Simoun. Ang mga kawal
ay pinagsabihan niyang ibig ng Kapitan Heneral na magkaroon ng gulo upang mapigil ang pagbabalik nito sa
Espanya at di kaagad matapos ang panunungkulan nito sa Pilipinas. Sa makatuwid sumalakay man ang mga
kampon ni Kabisang Tales ay aakalain ng mga militar na iyon ay bahagi lamang inihandang pagkakagulong sa
kagustuhan ng Kapitan Heneral. At ang haharapin ng mga kawal ay hindi ang mga tulisan kundi ang mga manong
na magtatanggol sa mga prayle. Dito’y gagamitin ni Rizal ang theory ni Machiavelli: Paglaban-labanin mo ang
iyong nasasakupan at sila’y madali mong mapaghaharian. Kung magpapatayan ang mga marinero at militar laban
sa mga manong at confradia magiging malaya ang pangkat nina Kabesang Tales at ang mga mamamayan sa
pagsasalakay sa nais nilang salakayin.

6. Nakapasok din sa dulaan si Tadeo dahil Di sumama kina Macaraeg si Basilio dahil ang huli ay magrerepaso para sa
nalalapit niyang pagsusulit. May tiket para kay Basilio. Ito’y ipinagamit nina Isagani kay Tadeo.

Kabanata XXII: Ang Palabas

1. Ang tinawag na Filipino time ay pag-aglahi sa ating ninuno. Ito’y hindi oras Pilipino. Nagaya lamang ito ng ilan sa
ating totoong isip-alipin sa mga Kastilang namuno sa atin nang may tatlong daang taon. Ang manonood, makikita
sa ano mang palabas, ay maagang nagsisidating. Tanging panauhing pandanmgal ang huling dumarating at ito ay
ipamamata nang oras-Pilipino . Hindi tumpak na ang maling ginawi ng isa ay ipaari sa maraming hindi naman
gumawa niyon. Ang tunay na oras-Pilipino ay makikita sa mga nayon. Bago pa sumikat ang araw at wala pang
nakikita sa paligid ay nasa pilapil na ng bukid ang magsasaka, nakasulong na sa dagat ang mamamalakaya. Ibando
mong may pasine sa liwasan sa ika-8 at ika-6 pa lamang ng gabi ay marami nang naghihintay na bata at matanda
sa pagpapalabasan. Pag sinabing oras-Pilipino ito’y mga minuto o oras na una kaysa takdang tipanan.
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

2. Ang bisa ng pag-ibig. Si isagani na pinakamasipag at tagapagtaguyod ng paaralan ay di pumansin sa pagkakatuwa


at pagtalakay ukol dito ng mga kasamahan dahil sa malaki niyang panibugho at galit kay Paulita. Ito ring
damdaming ito ni Isagani ang sisira sa tagumpay na balak ni Simoun sa dakong huli.

3. Hindi magkasama sa palko sina Don Custodio at Pepay. Mahalay para sa Don ang makitang kasama ang
mananayaw.

4. Sina Tadeo at Pelaez bilang manonood. Si Tadeo ay isang uri ng manonood na di dapat natatagpuan sa dulaan.
Wala siyang nakikita o nais makita kundi ang kapintasan at kasiraan ng kanyang pinapanood. Si Juanito Pelaez
naman ay halimbawa ng isang ungas na ginagamit ang kaunting kaalaman (sa Pranses) na lalong nagpapatingkad
sa kanyang katangahan. At sina Paulita at Donya Victorina naman ay mga lalong tanga na nakipatol sa
nagdudunung-dunungang si Tadeo. Sila’y parang mga bulag na napapaakay sa kapwa bulag.

5. Si Ben Zayb ay isang kritikong hangal. Walang kaalaman sa sining ngunit nagdudunung-dunungan. Siya’y
mapanganib dahil marami siyang maihahawang hangal ding mambabasa sapagkat siya’y manunulat at
manunudling (columnist).

6. Usapan ni Padre Irer at Serpolotte nang makita ng babae ang kura sa karamihang nagsilapit sa artista.
Sinunggaban sa bisig si Padre Irene at:

S-Naku, lapit, lapit dito, aking kuneho (pet o alaga).


I-Huwag kang maingay (nagnasang lumayo).
S-Bakit? Ikaw na higante rito at akong sumasamba sa iyo.
I-Huwag kang maingay rito, Lily ako’y isang Papa rito.

Si Serpolette pala at si Padre Irene ay dati nang magkakilala sa Europa pa lamang. Si Padre Irene ay isang lalaking
makamundo. Ayon sa isang palasaliksik na naging propesor ko, si Prof. Teodoro A. Agoncillo, si Padre Irene ay
hinuwad ni Rizal sa isang hudyo na nagpapanggap na pari at nakapagturo pa sa UST. Nang may malaking halagang
napailalim sa kanyang pag-iingat, siya na di naman talagang pari at kalaban pa nga sa pananalig (Hudyo) ay
nawala. Sinasabing bumalik sa Europa at nagbuhay Don Juan doon.

7. Punahin ang wika ni Donya Victorina nang mapg-usapan ang mabait at salbaheng utusan sa pamaling pagsasalin
ni Juanito: At akong naniniwalang sa Europa ang lahat ay mababait! (Isip-alipin talaga)

8. Masaya si Pepay gayong hindi maganda ang kanyang balita para kina Makaraig dahil Isa siyang tanga. Hindi niya
nasakyan ang ibig sabihin ng pasiya ni Don Custodio na akala niya ay sang-ayon sa paaralan kayat ikatutuwa nina
Makaraig

9. Ang palko na walang tao na nkita ng babaing namayagpag sa pagdating niya ngng hulisa lahat ay Kay Simoun.

10. Hindi nasiyahan si Sandoval sa palabas dahil Paano di siya nakauunawa ng Pranses. (Daig pa siya ni Juanito.

11. Hhinagisan ni Pecson ng medyas na mabaho si Sandoval dahil Si Sandoval ay isang Kastilang estudyante na
kasang-ayon nina Isagani sa pagtatayo ng paaralan ng kabataan. Nasabi niya minsan, nang sabihin ni Pecson na
walang mararating ang balak nila sapagkat lalabanan ng simbahan at pamahalaan, sinabi ni Sandoval na pag
nabigo ang mga Pilipino, siya na isang kastila, ang magpapatuloy ng magandang balak na iyon. Ang medyas ay
pinagsagisag ni Pecson sa isang paghamon kay Sandoval na magsabi ng totoo sa kanyang salita.

12. ikinalulungkot ng mga estudyante ang pasya ukol sa balak nilang paaralan dahil Ang paaralan ay ipaiilalim sa mga
dominikano sa Unibersidad ng Sto. Tomas samantalang ang lahat ng gugol ay sa mga estudyante. Samakatuwid,
wala ring pag-iiba sa pagtuturo sa unibersidad sa ilalim ng mga dominikano. Bakit magbubukas pa ng paaralan
ang kabataan? E, di papasukin na rin lamang nila sa unibersidad ang sino mang nais mag-aral kahit hindi matuto.

Kabanata XXIII: Isang Bangkay

1. Ninasa pa ni Basilio na gamuting mahusay si Kapitan Tiyago gayong siya’y hirap na hirap ditto at pabayaan
lamang niyang mamatay ay tapos na ang hirap niya ay May marangal na budhi si Basilio. Nasa isip niyang lagi ang
kinabukasan nila ni Huli na ayaw niyang mabahiran ng maruming kahapon.

2. inihambing ni Simoun si Kapitan Tiyago sa pamahalaan ng Pilipinas dahil sa Tulad ni Kapitan Tiyago na ang lason
ng apyan ay laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na sa buong katawan, dahil sa laganap na kabulukan
sa bayan, ay malapit nang “maglagot” ang bayang Pilipinas.
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

3. Kailangang-kailangan ni Simoun si Basilio sa kanyang paghihimagsik dahil Si Basilio lamang ang tangi kay Simoun
at Kapitan Tiyago ay siyang naka-kikilala kay Maria Clara na kailangang ilabas sa Sta. Clara. Si Basilio lang dahil
kailangan ni Simoun na pangasiwaang maigi ang mga pangkat ng kanyang pag-aalsa.

4. Ang mapupuna sa inihandang paghihimagsik ni Simoun na wika nga niya, kung buhay si Elias, ay isa sa mga
tututol ay Hindi para sa bayan ang layunin ni Simoun sa paghihimagsik na ito. Ito’y ginawa lamang niyang
kasangkapan sa isang makasariling layunin---ang maka-paghiganti at mailigtas si Maria Clara sa mga pagdurusa sa
kumbento.

5. Napablis ang pagkalason ng katawan ni Kapitan Tiyago dahil Kung wala si Basilio ay binibigyan ni Padre Irene ng
maraming apyan ang may sakit; tulad ng pagpapalala ni Simoun sa sakit ng bayan. Si Padre Irene ay may hangad
sa lalong madaling pagkamatay ni Kapitan Tiyago dahil nagawa niyang siya ang mapamanahan ng lahat ng ari-
arian ng matanda.

Kabanata XXIV: Mga Pangarap

Kabanata XXV: Tawanan at Iyakan

1. Nagdaos ng piging ang mga estudyante para Patunayang pagsang-ayon sa mungkahi ni Don Custodio, ayon kay
Padre Irene, upang ipagdiwang ang pagkakasang-ayon ng Don sa mungkahing paaralan. Maging ang paskin ukol
sa kaluwalhatian para kay Don Custodio ay tigib ng panunuya at pagdaramdam.

2. Lahat ang nagdiwang na mga estudyante: Una’y labintatlo ang mga Pilipino at isa ang Kastila, si Sandoval.
Dumating si Isagani, kaya naging labinlima. Labing-anim sana sila nguni’t di dumating si Basilio. Naroon sina
Makaraig, Tadeo, at Pecson.

3. Ang ibig sabihinni Pecson sa bahagi ng kanyang talumpati na: “...ang langit ay ipinipinid sa mayayaman, kaya’t sila
(ang mga prayle), mga bagong sasagip at mga tunay na alaga ng Manunubos ay gumagawa ng iba’t ibang uri ng
mga lalang upang gampanan ang inyong mga kasalanan...” Paano pinagagaan ang kasalanan ng mayayaman?
Karaniwang itinuturo ng mga pare noon na ang mayayaman ay di nakapapasok sa pinto ng langit at mga prayle
lamang ang makapagbubukas niyon para sa mayaman. Paano? Pamisa, panobena, abuloy, at higit sa lahat,
pagpapamana ng mga ari-arian ng isang prayle o sa simbahan.

Kabanata XXVI: Mga Paskil

1. Si Basilio ay isa nang nagsasanay sa panggagamot sa ospital.

2. Noon ay walang titulong Doktor ang mga Pilipinong nagtatapos ng medisina. Licienciatura lamang ang
pinagkaloob. Ngunit sila’y nakapanggagamot din.

3. Pinakaiiwasan ni Basilio ang pagkasangkot sa pulitika dahil sa kanyang mga karanasan noong bat pa siya. Ngunit
ngayo;y dina naiwasan ang pagkasangkot.

4. Di makautang si Basilio kay Kapitan Tiyago dahil Baka sabihin ng Kapitan na iyon ay paghingi niya ng pauna sa lagi
nang ipinangangaking pamana;nahihiya na siya nang gayon.

5. May kinalaman kaya si Simoun sa mga paskin. Ayon na rin sa katedratikong nakausap ni Basilio, wala. Si Simoun
ay nahihiga dahil sa kapahamakang inabot dalawang araw na.

6. Walang nagkakita sa mga nagbabalita. Maaga raw itong ipinabakbak ng Bise Rektor (Sibyla) at ipinadala sa
pamahalaang sibil upang gawing patibay sa pagsusuplong laban sa mga estudyante na siyang tiniyak na may
kagagawan niyon.

7. Ang ibig sabihin ng katedratiko na si Kapitan Tiyago ay nangangamoy bangkay na Napapadalas na raw ang dalaw
ni Padre Irene at ni Simoun na siyang nagbabalitang lalong makikinabang sa pagkamatay ni Kapitan Tiyago parang
mga uwak at buwitre (vulture).

8. Namumutla si Isagani sa kanyang pagtatalumpati Sa galit sa mga pangyayari at hinanakit sa mga kasamahang
nangawala ang ulo sa takot sa mga pangyayari.

9. Ang may kagagawan sa mga paskil ay sina:


MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

a. Si Simoun? Hindi magagawa ni Simoun dahil nahihiga sa karamdaman. Hindi kaagad makakikilos ang mga
kasamahan ni Simoun ukol doon. Nagkatiwa-tiwalag sila. Hindi magagawa iyon ng mga kawal o ng mga manong.
Di rin ng mga tulisan o Penitente kaya. Kung iyon ay noong gabi ng himagsikan mismo natagpuan, maaari pang si
Simoun. Ngunit isang araw pa ang nakalipas bago nagkaroon ng mga paskin.
b. Ang mga prayle? Wala nang iba pang magnanasang magbagsak sa mga estudyante kundi ang mga kura lalo na
ang bise-rektor o si Padre Sibyla. Sila ang may palakad ng resolusyon laban sa paaralan ng Wikang Kastila na di
nilagdaan ni Placido.

10. Nasabi ni Makaraig na si Basilio ay isang marangal na kaibigan dahil Akala kasi ni Makaraig ay nakikisama sa kanila
si Basilio nang malamang pinaghuhuhuli na ang mga estudyanting kasapi sa kapisanan. Si Basilio ay di nila
maisama sa mga lakad na pangkasaysayan o noong wala pang gulo at ngayon nagkakagulo ay saka nakikisama si
Basilio, sa akala ni Makaraig.

Kabanata XXVII: Ang Prayle at ang Estudyante

1. Ang ibg sabihin ni Isaganina na walang ginagawa ang mga prayle kundi magrasyon ng kaisipang luma. Huling-huli
sa takbo ng panahon ang itinuturo ng mga prayle — bukod sa kakatiting pa. Batid ito ng kabataan dahil sa may
ilang nanggaling sa Europa ang matapos maghambing-hambing ay nakapagsabing huling-huli ang Pilipinas sa
panahon.

2. Ang puna ni Rizal sa pagkakaroon ng ordeng Dominiko ng tanging karapatan sa pagtuturo sa mga Pilipino AY
Parang isinubasta raw ng pamahalaan ang pagpapaturo sa mga Pilipino at hindi man ginagawa ng Dominiko ang
tungkulin ay di pinapansin ng pamahalaan dahil kapwa sila nakikinabang. Inihambing ni Rizal ang paraan ng
pagtuturo ng Dominiko at ibang orden sa pagpapakain sa bilanggo na isinusubasta sa mga komersiyante.

3. Ang kahuluganng kasabihang latin na “Vox populi ,vox dei” AY Ang tinig ng bayan ay tinig ng Diyos. Kung bayan
na ang humihingi ng isang bagay ipinalalagay na iyon ay Diyos na rin ang may kahilingan. Ang paghihimagsik ng
bayan ay paghihimagsik na rin ng Diyos laban sa may masamang pamamahala.

4. Walang mangahas sa mga estudyante na gawin nang harapan ang pamumuna sa mga prayle ayon kay Isagani
dahil Baliw raw ang sino mang gumawa nang sapagka’t pag-uusigin.

Kabanata XXVIII: Pagkatakot

1. Ang palatandaan na takot ang mga prayle sa mga pangyayari ay Ni isa’y walang sumipot sa tindahan ni Quiroga
gayong may mga bagong dating na panindang "nabibili" ni (nang walang bayad) sa intsik.

2. Ayon kay Ben Zayb ay nakasisira ang pagtuturo sa Pilipinas dahil Natututo raw na maging rebelde ang mga
Pilipinong dumudunong. Iisa sila ng katuwiran ni Padre Damaso (Noli Me Tangere)

3. Ang balak ni Simoun sa mga baril at kartutsong ipinatago niya kay Quiroga ay Ipamamahagi iyon sa mga taong
bayang sasanib sa kanyang paghihimagsik.

4. Ayaw makipagkita si Simoun kahit kay Quiroga dahil Siya ay sugatan. Ayaw niyang mausisa ukol doon. Masama
rin ang kanyang loob sa mga pangyayari. Namatay si Maria Clara. Nasira ang balak na paghihimagsik. Mainit ang
kanyang ulo. Kailangan niya ang mapag-isa , makapagisip-isip.

Kabanata XXIX: Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago

1. Lahat ng tadhana ng testamento ni Kapitan Tiyago ay gawagawa ni padre Irene Sa ganitong paraan nagkakamal
ng malaking lupa at kayamanan ang mga orden, at ang simbahan at kadalasan ang mga anak ng namatay na
mayaman ay nangauulila maging sa pamana.

2. Pati sa damit na isusuot ay nagtipid si Padre Irene. Mababawasan pa ang kanyang makakaparte.

3. Ang kahulugan ng tanong ni Quiroga kay Primitivo: Sigulo puede contalata aliendo galela con kilisto, ja? Cuando
mia muele mia contalatista, ha? Ay Ito’y nagpapakita ng kataliman ng intsik sa negosyo, mapagkakakitaan;
walang bawal-bawal. Ito ri’y nagpapakitang ang intsik na ilan, kaya nagkristyano ay di dahil sa pananampalataya
kundi sa lalong ikaluluwalhati ng kanilang nagosyo. At totooito sa karamihan ng mga intsik na nagsisikuha ng
pagmamamayang pilipino-sa ikaluluwag lamang ng kanilang kabuhayan. Ito ang kahulugan o salin ng pagagong
kastila ni Quiroga: Kung mamatay ako, maaari marahil na ako’y makipagkontrata kay kristo sa pagtatayo ng
sabungan sa langit, ha?
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

Kabanata XXX: Si Huli

1. Hindi totoong pinaalis no Herman Penchang si Huli. Masama ang loob niya nang tubusin ni Basilio ang dalaga.
Ayaw niyang kasamaan siya ng loob ng mga prayle. May kaunting katwiran siya. Noo’y madaling madawit sa isang
suliraning pampulitika at pangsimbahan at dahil dinakip si Basilio, at kasintahan ni Basilio si Huli, maaring
madawit si Hermana Penchang na siyang pinaglilingkuran ng dalaga.

2. Ang hiningi ni Padre Camorra na kapalit ng pagtulong nito sa pagkapalaya kay Tandang Selo ay Ang pagkababae ni
Huli, ang puri ng dalaga na malaon nang pinagmimithian ng kura.

3. Sa simula pa lamang ay alam na ni Huli na magiging kabayaran ni Padre Camorra sa paglaya ni Basilio dahil Tulad
ng hiling ni Padre Camorra nang tulungang palayain si Tandang Selo – ang katawan at puri ng dalaga.

4. Nagtungo pa rin sa kumbento si Huli dahil Una, sa malaking pag-ibig at utang na loob kay Basilio. Nais niyang
lumaya ang binata. Ikalawa, ang pagtiyak ni Hermana Bali na walang masamang mangyayari.

Kabanata XXXI: Ang Mataas na Kawani

1. Matanglawin ang naging bansag kay Kabesang Tales dahil Sinasabing ang lawin ay may napakatalas na mga mata.
Parang lawin naman ang mga mata ni Kabesang Tales sa likod ng kanyang baril.Bawat matingnan, napatatamaan.

2. Sa tulong ng kanyang salapi, una sa lahat ng nakalabas sa bilangguan ay si Makaraig. Huli si Isagani dahil sa
malayo ang kanilang bayanat natagalan bago dumating ang amaing pari. Si Basilio ang tanging naiwan sa
kulungan. Wala siyang padrino o ninong na nagmalasakit.

3. Nagiging tila maka-Pilipino ang Mataas na Kawani dahil sa Una, siya’y isang taong marangal at may puso. Ikalawa,
naniniwala siyang ang pagbibigay ng katarungan sa mga Pilipino ay higit na nakapagpapadakila sa bansang
Espanya.

4. Ang kahalagahan ng Mataas na Kawani sa nobelang ito : Sa tulong ng paglalarawan sa Mataas na Kawani ay
naipakita ni Rizal ang kanyang kawalang–pagkiling sa pamumuno niya sa mga sakit ng bayan. Binatikos niya ang
masamng Kastila; Pinuri niya ang marangal at dakila.

Kabanata XXXII: Ang Bunga ng mga Paskil

1. Ang pangunahing pangyayari ang ibinunga ng mga paskil sa mamamayan ay Pagkakatakot, pambayang
pagkakatakot.

2. Ang nangyari kay Isagani, Makaraig, at Basilio matapos silang dakpin: Si Isagani ay nakapasa sa asignatura ni Padre
Fenandez lamang, si Makaraig ay kumuha ng pasaporte at nagtungo sa Europa at si Basilioay nanatili sa
bilangguan.

3. Nabalitaan ni Basilio ang nangyari kay Huli Sa tulong ng kutserong si Sinong na dumalaw sa bilangguan.

4. Nalimot ni Paulita si Isagani dahil Natakot siya sa kagitingan ni Isagani. Maaring may nakatulong pa si Donya
Victorina sa pagsulsul sa dalaga na limutin ang kasintahan at si Juanito na ang ibigin. Magkalayo ang daigdig ni
Isagani na tinagurian ni Paulita na rin, na “mga pangarap “ samantalang ang kawalang isip at pagkamakasarili ni
Paulita ay kataliwas sa pagmamalasakit ni Isagani sa ibang tao at sa bayan.

Kabanata XXXIII: Ang Huling Matuwid

1. Ang paniwala ng maraming mapamahiing Pilipino ukol kay Simoun at sa Kapitan Heneral ay: Si Simoun daw ay
isang demonyong nagkatawang tao at siyang kumukubabaw sa Kapitan Heneral at nang-uupat sa huli sa paggawa
ng kaimbihan. Kaya sa pag-alis ng Kapitan Heneral ay kasama ring aalis si Simoun.

2. Ang malaking ipinagbago ng anyo ni Simoun sa loob ng dalawang buwan ay Nawalan siya ng sigla dala ng
malaking pag-aalinlangan sa katuwiran ng kanyang paghihiganti. Hindi tulad ng una, may layunin siya sa
paghihimagsik—pagbibigay ng bagong –buhay kay Maria Clara. Nguni’t ngayon ay wala na iyon. Isa na lamang
payak na pagnanasang pumatay at magsabog ng lagim upang mabawasan ang matinding hapdi ng awa niya sa
sarili na lagi niyang ipinagkakamaling para sa kapakanan ng bayang naaapi.

3. Nasabi ni Simoun na nasa mga imbi natatagpuan niya ang kanyang mga katulong Ang pinakamalaking tulong na
nakuha ni Simoun ay mula sa imbing pamahalang sibil at sa simbahan. Ang kasamaang ipinakita ng mga ito, sa
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

tulong na rin ng kanyang panunulsol, ay siyang lalong nagpabulok sa bayan., lalong naghanda sa bayan sa di-
maiiwasang paghihimagsik.

Nakatulong din niya ang imbing kawal dahil sa kanyang imbing pagsisinungaling na pagtangkilik kunwa sa imbing
heneral. Naroon din ang mga imbing manong sa kanilang mga kamangmangan.

4. Ang sinabi ni Simoun na kailangang baguhin ang lahi. Ang amang duwag ay magkakaanak lamang ng alipin. Ang
ibig sabihin ni Simoun , hindi dapat magkaanak ang mga amang hindi sasama sa paghihimagsik niya sapagka’t
duwag ang mga itoat ang amang duwag ay mananatili sa pagkaalipin, samakatuwid , maging alipin din ang mga
anak nito. Dahil dito,kailangang pagpapatayin ang lahat na ayaw sumapi sa himagsikan dahil ang mga iyon ay mga
duwag na kailangang mamatay upang di magbunga ng marami pang alipin.

Kabanata XXXIV: Ang Kasal ni Paulita

1. Naroon si Isagani at wala sa pinangangaserahan. Ito ay Mababasa ito sa kasunod na kabanata.

2. Ang katunggakan at pagka-isip alipin ni Don Timoteo sa sining ang ipinakita ni Rizal: Ang tungkol sa pinturang
larawan na tinutulan niyang ilagay ni Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago bilang kapalit ng mga inalis na mga
santo. Baka raw pagkamalan siya na tumatangkilik sa mga pintor na Pilipino pagkat kaya ng mga ito ang gumuhit
ng larawan na wala naman siyang kamuwangan. Inibig pa niya ang mga palamuting kromo dahil hindi gumagawa
nang gayon ang mga Pilipino.

3. Ang kahalagahan sa pag-unawa ng mga pangyayari ng pagiging kutsero ni Simoun si Sinong: Lalong lumilinaw na
may kinalaman si Simoun sa matagal na pagkapiit ni Basilio. Si Sinong ang laging dumadalaw sa estudyante sa
bilangguan at nagiging taga-hatid balita, lalo na ang ukol kay Huli.Ang tangang si Sinong , sa sariling kusa, ay hindi
makapangahas dulaw sa bilangguan ng isang may’malaking’ pagkakasalang tulad ni Basilio. Maari siyang idawit ng
mga may kapangyarihan. Ang pagdalaw niyang iyon ay isang misyon para kay Simoun – upang dagdagan ng pait
ang pagkabilanggo ni Basilio at tuluyang lasunin ng ngitngit ang isip nito at damdamin.

Kabanata XXXV: Ang Piging

1. Ang kahulugan ng Mane Thacel Phares: Tulad ng pamagat na Noli Me Tangere, ito ay hango rin sa Bibliya, sa
Lumang Tipan, Daniel, Kapitulo 5, bersikulo 25-28. Ayoin dito, ang Haring Belshazzar ng Babilonya ay nagdaos ng
isang malaswan pagtitipon. Samantalang nagkakatuwa sa kalaswaan ang mga tao ay nakita nila ang isang kamay
na buong hiwagang sumusulat sa pader ng: Mane, Mane, Thacel, Upharsin , isang babalang nagsasabing
Tinakdaan na ng Diyos ang Babilonya at nabibilang na ang mga araw ng kahariang ito. Di nagtagal at ang
Babilonya ay sinakop ng ibang kaharian at pinaghatian ng mga Mane at mga Persiyano.

Sa kabanatang ito, ang pakahulugan marahil sa isinulat ni Ibarra o Simoun ay: Hinukuman na na ang paghahari
ninyo rito at napagpuang nagkasala at kayo’y nahatulan ng kamatayan.

2. Naianyo ni Basilio si Simoun samantalang dala niyon ang ilawan ng kamatayan sa isang demonyo o kay Satanas na
naliligid ng apoy.

3. Si Padre Salvi lamang ang nakakilala sa lagda ni Ibarra: Siya lamang ang nakakita na ng lagda ni Ibarra sa sulat
ng binata kay Maria Clara na ibinigay sa kanya ng dalaga bilang kapalit ng 3 liham ng ina nito kay Padre Damaso.
Ito ay kaniyang hinuwad sa mga kasulatang nagdawit kay Ibarra sa himagsikang kagagawan nila ni Lucas.

4. Di sumabog ang ilawan dahil Hindi nagalaw ang pihitan ng mitsa na siya sanang magpasabog sa lalagyan ng
nitroglisirina.

5. Nakapasok sa bahay si Isagani dahil Maayos ang kaniyang bihis. Inakala ng mga tanod na siya ay isang panauhin.

6. Ang kumuha ng ilawan at naghagis noon sa ilog ay Si Isagani.

7. Hindi nakita ni Basilio si Isagani sa bahay ng huli nang kanyang paroonan ang kaibigan dahil Tulad ng di iilang
nabigo nang napakapait sa isang tapat at matinding pag-ibig, si Isagani marahil ay nagtungo sa isang lugar na
mag-isa ay malaya siyang makapagmumuni-muni ukol sa kanyang kalagayan. Saka siya nagtungo sa pagdarausan
ng piging upang makita man lamang si Paulita sa mga huling sandali nito sa pagkadalaga.

Kabanata XXXVI: Mga Kapighatian ni Ben Zayb


MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

1. Ayon kay Ben Zayb, nagtungo sa ilalim ng mesa si Padre Irene nang pumasok ang umagaw sa ilawan ni Simoun
Para raw mabilis at walang sagabal na mahabol ang di kilalang tao. Ang totoo: para magtago dahil sa takot. Doon
niya nakita ang mga balutan ng pulbura sa ilalim ng mesa.

2. Hinimatay si Padre Salvi Dahil daw hindi nagbunga ng mabuti ang mga sermon niya sa mga indiyo. Sa likod ng
mga sermon niya sa mga indiyo. Sa likod ng mga sermon niya sa pagpapakabuti, may mga indiyo pang nagiging
pangahas at masama.

3. Ang ibang laman ng balita ni Ben Zayb ukol sa handaan sa kasal nina Paulita at Juanito ay Pawang pagpuri sa
“kagitingan at katapangan” ng mga Kastila - taong pamahalaan mula sa Kapitan Heneral hanggang sa mga prayle.

4. Ang naging parusa kay P. Camorra dahil sa ginawa niyang paghalay kay Huli sa Tiyani ay Inilayo siya.
Pinapagpahinga siya sa bahay-liwaliwan ng mga prayle sa Pasig. Higit na paglalayo lamang sa kanya sa
kapahamakan ng paghihiganti, lalo na ni Kabesang Tales, ang gayon kaysa isang pagpaparusa.

Kabanata XXXVII: Ang Hiwagaan

1. Pinapagtatago ng mga kasamahan si Isagani dahil May hinalang siya ang naglagay ng mga pulbura sa bahay ni
Kapitan Tiyago upang paghigantihan si Juanito. Ito’y hindi totoo. Napatunayan ding si Simoun ang may
kagagawan niyon.

2. Hindi nailihim sa sambayanan ang kaguluhan sa bahay ni Don Timoteo at ang kaugnayan dito ni Simoun dahil
May mga manggagawa, mga kawani sa pamahalaan, nangakakita’t nagakasaksi sa mga pangyayari sa gabi ng
hapunan at nang magtanggalan na ng mga gamit sa piging. May pakpak ang balita; may tainga ang lupa.

3. Si Isagani ang kumuha ng ilawan at nagtapon nito sa ilog sa katunayan:

a. Siya ang huling kausap ni Basilio na tanging nakababatid ng layunin ng ilawang iyon. Ang hindi niya naisisip ay ang
layunin ni Simoun sa pagpapasabog sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang tanging nasa isip niya nuon ay si Paulita. Si
Isagani ang pumasok sa bahay nang makaalis na si Basilio.
b. Sa salita na rin niya na kung ang magnanakaw ay nakababatid lamang ng layunin ng pagsabog ng ilawang iyon o
kung makapaglimi lamang ito ng bahagya . Hindi sana ginawa ng ginawa ng magnanakaw na iyon ang gayon! At
sa salita niyang Pantayan man ako ng kahit ano ay di ako lalagay sa tayo ng magnanakaw! ay isang paghihiwalay
niya sa katauhan ng lito at baliw sa pag-ibig na Isagani at ng Isaganing nagsisisi at nalason na ng poot at pait ng
pagkabigo at paghihiganti. Sa katauhan niya ngayon, ang ibig sabihin ni Isagani, ay hindi niya gagawin ang
kanyang gingawang pagkuha sa ilawang iyon.

Kabanata XXXVIII: Kasawiang-palad

1. Noon pa man ay isa nang parusahan o tapunan ng bilanggo ang Siberya sa Rusya. Ayon ka Rizal, ang kalamigan
ng Siberya ay mainam pa marahil kaysa parusang tinatanggap ng mga dinarakip ng mga sibil gapos na pinalalakad
nang walang pandong at walang sapin sa paa sa kainitan maalikabok na lansangan sa kaparangan kasaby ng mga
paglait at paghagupit.

2. Dito’y inilalarawan ni Rizal di lamang ang katangahan ng mga sibil kundi ang kanilang kalupitan sa mga
kababayan. Basahin ang sinabi ng sibil ka Tano kung bakit daw pinagmamalupitan nila ang mga bihag. At ang wika
ng bihag sa sibil: malupit ka pa kaysa sa mga kastila. Katutubo kaya sa atin ang ganitong kalupitan? Makatutukoy
ang mga kalupitan ng Pilipino noong panahon ng Hapones.

3. Ang mga guwardiya sibil, liban sa mga puno nito ay karaniwang mga Pilipino rin. (Ang bumaril kay Rizal ay isang
pangkat ng mga sibil na Pilipino.)

4. Si Tano, tulad ng hula ng marami, sa simula pa lamang kanyang pagkakawal ay naging guwardiya sibil. Matapos
ang kanyang paglilingkod sa Carolinas ay nagsibil na siya at tinawag siyang Carolino o galing sa Carolinas.

5. Ang kabanatang ito ay maihamahambing sa kabanatang Noche Buena sa Noli Me Tangere sa taglay na
damdamin pagkikita ng matagal na nagkawalay na mag-anak na humantong sa trahedya. Sa kabanatang ito ay
may parikala o irony ng Tadhana. Si Carolino o si Tano na rin ang nakapatay sa kanyang ama, kay Kabesang Tales.

6. pinatay ni Matanglawin ang hukom sa Tiyani dahil Ito ang humatol na pag-aari ng mga Dominiko ang lupain ni
Kabesang Tales.
MAHALAGANG PUNTO O KAISAPAN SA BAWAT KABANATA NG EL FILI

7. Naging mapanagumpay ang panunulisan ni Kabesang Tales dahil Walang pananggol ang bayang hindi
pinagkatiwalaan ng sandata. Walang ginagawa ang mga tao noon kundi umalis sa kanilang bayan at pabayaan
ang kanilang mga bukid at kabuhayan sa sandaling mabalitang sumalakay si Kabesang Tales sa malapit na bayan.

(Ganito rin ang nangyari ngayon. Ang mga mabuting mamamayan ay sumusunod sa utos na bawal ang pag-iingat
ng baril. Samantala, hindi masamsam ng pamahalaan ang mga baril ng mga gangster at mga tulisan, kasama rito
ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon, kaya’t ang mga mamamayan ay laging nasa anino ng lagim at
pangamba sa mga sandatahang pangkat na ito.)

8. Ang mga ibinunga ng panunulisan ni Kabesang Tales: Tulad ng nais mangyari ni Simoun, ang bnayan ay
lalong naging lugami. Natitiwangwang ang mga bukirin, nagkakamatay ang mga hayop sa pagsasaka,
namamayani ang madudugong pagpatay at nagkatakot ang sambayanan. Namamatay ang negosyo o kalakalan sa
bawa’t pook na litawan ni Matanglawin. Lumilitaw ang kawalang kaya ng pamahalaan. Mga dukha at mangmang
at walang salang magbubukid ang madalas na dinarakip ng mga sibil upang pagbintangang tulisan o kinaalam ng
mga tulisan dahil di nila inaabutan at madakip sina Kabesang Tales. Lalong nahihinog ang bayan sa paghihimagsik.

9. Pinahihirapana ng mga sibil ang nangabihag na magsasaka: Ayon ka Mautang ay upang magsilaban at tumakas at
nang pagbarilin na lamang nila.

10. Kaya Mautang ang ipinangalan ni Rizal sa guwardiya sibil na ito dahil Marami nga marahil ang utang nito.

11. Ang itinuturo ni Tandang Selo kay Tano: Si Kabesang Tales. Mapupunang nang bumagsak ang unang lalaki sa
talampas ay nagpulasan na ang mga kasamahan nito. Nangangahulugang puno nila ang napatay. Walang taong
lalantad nang gayon sa mga kalaban liban na lamang kung dala ng matinding damdaming sandaling
nakapagpawala ng matinong muni o isip. Naging gayon si Kabesang Tales sa di-inaasahang pagkakakita sa anak.
Tangi sa rito, may isinigaw ang lalaking iyon na nakatulig kay tano. Marahil ang sigaw ay Tano o anak ko!

Kabanata XXXIX: Katapusang Kabanata

1. nagtungo si Simoun kina Padre Florentino dahil Siyang inaakala ni Simoun na makauunawa sa kanya ng higit sa
iba.

2. Ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni Simoun nang mabatid niyang siya ay darakpin
kinagabihan dahil Buo na isipan niya ang pagpapatiwakal.

3. Nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan Upang ituring na
ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal. Kung sa gayon, hindi siya mapipilit ng sino mang
kapangyarihan na ibunyag ang mga nabatid sa mag-aalahas sapagkat yaon ay lihim ng kumpisalan.

4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makaitlong nabigo ang mga balak ni Simoun. Alin ang una, pangalawa at
pangatlong pagkabigo? Una ang kabiguang bunga ng di-inaasahang pagkamatay ni Maria Clara. Nalito si Simoun.
Hindi niya naisagawa ang hudyat ng pagbabangon. Ang ikalawa ay sa kawalan ng ingat sa maaring mangyayari.
Ang ikatlo ay dahil sa kaparaanang lubhang mahiwaga.

You might also like