You are on page 1of 9

Mga Pilato

Kabanata 9
Talasalitaan
• Nagkibit- balikat– nagwalang bahala
• Ipinasamsam- ipinakuha
• Uldog- tagapamahala ng pari
• Patatamaan- aasintahin
• Nag- antanda- nagkrus
• Tubusin- bawiin
• Gaputok- kaunti

Tauhan
• Kabesang Tales- anak ni Tandang Selo at ama ni Juli
• Huli- alipin ni Hermana Penchang
• Hermana Penchang- matandang babaeng amo ni Huli
• Tandang Selo- ama ni Kabesang Tales na napipi
• Padre Clemante- prayleng pinipilit makuha ang lupain ni
Kabesang Tales
• Basilio- anak ni sisa na kasintahan ni Huli
Bakit ang Kabanata 9 ay
pinamagatang “Mga Pilato”?

Sino ba si Pilato?
Naging balita sa buong bayan ang nangyari kay
Tata Selo. Walang Makita ang mga tao na masisi
kaya naman ang iba ay nagkibit- balikat na
lamang.

Maging ang tenyente ng guwardiya sibil ay


nagsabing napag- utusan lamang daw siya kaya
niya ipinasamsam ang mga sandata, hindi upang
madukot ng mga tulian si Kabesang Tales.
Ang uldog na bagong nangangasiwa sa lupain ni Kabesang Tales
ay wala ring kasalanan sa nangyari samantalang kung hindi siya
ay nagsuplong ay hindi ito madarakip. Nag- iingat din si Padre
Clemante dahil ayon sa kanya si Tales daw ay tila may tinging tila
sumisipat sa parting patatamaan sa kanyang katawan.

Si Hermana Penchang naman ay walang ibang sinisisi kundi si


Tandang Selo na hindi tinuruan ang kanyang anak nf wastong
pagdarasal gaya ng kanyang ginagawa ngayon kay Huli.
Pinababasa niya ito ng aklat na ang pamagat ay “Tandang
Basyong Makunat”. Nag- antanda si Hermana Penchang at
nagpasalamat sa pagkakadukot ng mga tulisan kay Kabesang
Tales. Pinigilan din niya ang dalaga na dumalaw sa kanyang
ingkong dahil kinailangan niyang magtrabaho dahil upang
makabayad sa inutang na salapi.
Ayon kay Hermana Penchang, si Basilio ay masamang tao
sapagkat nais niyang tubusin si Huli sa ppagiging alila nito sa
kanya.

Nagdiwang naman ang mga pari sapagkat sila ay nanalo sa


usapin tungkol sa lupa. Dinukot ng mga tulisan si Kabesang
Tales kaya ibinigay ng mga pari ang kanyang lupain sa bagong
namamahala. Nang bumalik si Kabesang Tales ay iba na ang
nangangasiwa ng kaniyang lupain. At nalaman niyang nagging
utusan si Huli kapalit ng salaping ipinantubos sa kanya. Napipi
ang kanyang ama at tuluyan na siyang pinaalis sa kanyang
tirahan ayon sa utos ng hukuman na siyang ikinatuwa ng mga
pari. Napaupo na lamang si Kabesang Tales sa isang sulok at
hindi nagsalita gaputok man.
Talasalitaan
Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit sa
pangungusap.
• Napag- utusan lamang ang guwardiya sibil kaya ipinasamsam
niya ang mga sandata.
• Nag- antanda si Hermana Penchang dahil sa takot.
• Nais ni Basilio na tubusin si Huli mula kay Hermana Penchang.
• Ang uldog ang siyang bagong nangangasiwa ng lupain ni
Kabesang Tales.
• Si Kabesang Tales ay umupo sa isang sulok at hindi nagsalita
gaputok man.
Pagpapayaman sa Pang- unawa
• Ano ang naging reaksiyon ng mga tao sa nangyari kay Tata
Selo?
• Bakit lumuwas si Basilio ng Maynila?
• Sino- sino ang mga pilatong tinutukoy sa kabanata? Ipaliwanag.
• Paano mo iuugnay ang mga pilato sa sa kabanata sa pilato ng
Bibliya?
• Bakit sinasabi ni Hermana Penchang na “Dakilang
makasalanan si Huli”?

You might also like