You are on page 1of 23

ARALIN 4

ANG MGA NAMAMAHALA


Ano ang dapat na magawa ng
pinuno para sa kanyang
bayan?
•Kapag ang pinuno ay
mapag-aruga sa kaniyang
bayan, tiyak siyang biyaya
May kani-kaniyang paraan ang mga
tao sa paglalarawan sa isang
mabuting pinuno. Ayon kay John C.
Maxwell: “A leader is one who
knows the way, goes the way, and
shows the way.”
Mga layunin:
1. Nasusuri ang pananaw ng mga tauhan lumitaw sa mga kabanata.
2. Naipahahayag ang sariling pananaw ukol sa mga pangyayaring
naganap.
3. Nabibiyang-kahulugan ang matatalinghagang pamagat/pangalan.
4. Naipaghahambing ang ilang kaisipang lumabas noon sa mga
pangkasalukuyang tao o pangyayari at sa ibang akdang nabasa
5. Naipaliliwanag ang sariling pananaw sa paraang pasulat.
6. Naipahahayag ang sariling paniniwala gamit ang angkop ng mga
salitag hudyat sa paghahayag ng saloobin.
7. Nakapagsasaliksik ng mga impormasyon ukol sa proyekto
AKTIBIDAD
Pagpupula
•A. Anong salita ang
pinakaangkop sa mga
pahayag? Piliin ang sagot
mula sa mga salita loob ng
kahon
Bana dakpin sasamsamin nakatiwangwang

Kinukutya Nangaso pinaratangan

• 1. Huwag nating ikalat silid-aralan ang mga gamit natin dahil kapag
dumating na ang guro natin, tiyak na ito ay kaniyang ____________.
• 2. Maraming taong nakakita nang ____________. Ng mga pulis ang
magnanakaw sa bahay ng aming kapitbahay.
• 3. _____________ agad ng ilang mamamayan na sakim sa
kapangyarihan ang pangulo kahit wala pa silang katunayan dito.
• 4. Tila _______________ pa ni john si mark nang mang-asar ito ukol
sa balita ito sa dami ng hayop na matatagpuan dito.
Bana dakpin sasamsamin nakatiwangwang

Kinukutya Nangaso pinaratangan

• 5.Maraming __________ sa gubat ng Mindanao dahil


balitang-balitab ito sa dami ng hayop na matatagpuan dito.
• 6. Iniwan ng pamilya ni Luke na ___________ lang ang
kanilang loteng binili kaya tinubuan na ito ng mataas na
damo
• 7. Sa Pilipinas, sa mag-asawa, karaniwang ginagamit ang
apelyido ng ____________
• B. Sagutin ang tanong. Isulat ang sagot sa mga bilog na nakalaan.

Ano ba ang dapat


na katangian ng
isang pinuno?
Kabanata 8 (buod)
Si Huli ay larawan ng isang babae na pilit nagpapakatatag na
balang araw ang kanyang mga panalangin ay masasagot ng isang
himala.
• Kagaya ng nakagawian ni Huli siya ay gumising ng maaga at
buong pusong umaasa na sana ay hindi na sisikat ang araw.
Tinignan niya ang ilalim ng larawan ng Birhen sa
pagbabasakaling nagkaroon na ng himala.
• Huminga nang malalim ang dalagang si Huli at namulat na
lamang bigla na mali pala ang mga sapantaha niya tungkol sa
milagro. Pinagtawanan na lamang niya ang kanyang sarili
habang siya ay abalang nag-gagayak.
• Nagmadali siyang nagbihis upang pumunta sa bahay
ng bago niyang panginoon, si Hermana Pencahang.
Bago siya umalis kinausap at binilin niya ang kanyang
lelong. Nang mapansin iniya ang nangingilid na luha
ng matanda ay dali-dali siyang umalis.
• Sa bahay ni Tandang Selo ay dumating ang kanyang
mga kamag-anak upang mamasko. Sinalubong niya
ang mga ito, ngunit nagulat siya dahil anumang
gawin niyang magsalita o sumigaw ay walang boses
na lumalabas sa kanyang bibig.
Aral – Kabanata 8
Ang buhay ay parang isang
gulong. Ang mga pangarap sa
buhay ang gawing inspirasyon
upang mabilis ang pag-ikot ng
mga gulong tungo sa tagumpay.
Kabanata 9 (buod)
• Sa kabanata na ito ipinakita ni Rizal ang pamamayani ng
kasakiman at pagiging tuso ng mga prayle.
• Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa
bayan. Ang ilan ay naawa sa matanda, samantala ang mga
guwardiya sibil at mga prayle ay nagkibit lamang ng balikat.
• Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay
mabilis na naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa niya si
Kabesang Tales dahil sa pagsuway ng huli sa utos ng korporasyon.
Idiniin pa niya ang matanda na nagtatago ng mga armas.
• Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli
na magdasal sa wikang Kastila. Ito daw ang dahilan kung
bakit napipi at naghihirap ang kanyang ama. Hindi daw
sila marunong manalangin sa langit.
• Buong galak na nagdiwang ang mga pari dahil sa
pananalo nila sa usapin tungkol sa hasyenda.
Sinamantala nila ang pagkakataon upang ipamigay ang
mga lupain ni Kabesang Tales. Maging ang matanda ay
bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang kanyang
sariling tahanan.
•.
Aral – Kabanata 9

Ang mga kasawian at pagsubok sa


buhay ay hindi dapat inilalagay sa
puso at isipan. Labanan ito at
huwag hayaang maging lason na
sisira sa iyong pagkatao.
.
Kabanata 10: Kayamanan At Karalitaan (Buod)
• Si Simoun ay tumuloy sa bahay ni Kabesang Tales. Siya ay may dalang
pagkain at ang kanyang ibang kailangan, at dalawang kaban ng mga
alahas.
• Nagsidatingan na ang mga mamimili ng alahas ni Simoun na sina
Kapitan Basilio at ang kanyang anak na si Sinang at kanyang asawa, at
si Hermana Penchang na kung saan may balak bumili ng isang
singsing na may brilyante para sa birhen ng Antipolo.
• Lahat sila ay galak na galak sa dala dalang alahas ni Simoun, sapagkat
si Kabesang Tales naman ay napaisip sa kayamanang dala dala ni
Simoun.
• Inilabas ni Simoun ang kanyang mga bagong
hiyas. Dito naman pumili si Sinang at iba pa.
Tinuro ni Sinang ang isang kuwintas at pinabibili
ito sa ama niyang si Kabesang Tales.
• Ang kuwintas na pinili ni Sinang ay ang kuwintas
ng kanyang naging kasintahan na pumasok sa
pagmomongha. Ito ay may halagang limang
daang piso.
Aral – Kabanata 10
Maging makatao sa iyong mga kakilala at
kababayan. Nasa taong namamahala ang
isinasama ng mga mamayanan. Ugali din
ng Pilipino ang magbuwi buhay alang-
alang sa kanilang karapatan.
Kabanata 11: Los Baños (Buod)
• Noo’y ika-31 ng Disyembre. Ang Kapitan Heneral kasama
si Padre Sibilya at Padre Irene ay naglalaro ng tresilyo sa
bahay-aliwan sa Los Banos.
• Nagpatalo ang dalawang kura dahil ang nais lamang nila
na mangyari sa panahon na iyon ay kausapin si Kapitan
tungkol sa paaralan ng Kastilang balak ng kabataan.
Ngunit maraming iniisip an Kapitan, kagaya ng papeles ng
pamamahala, pagbibigay biyaya, pagpapatapon, at iba pa.
• Ang paaralan ay hindi ganoon ka-importante sa Kapitan.
Nagalit naman si Padre Camorra dahil sa sinadyang
pagkatalo ni Padre Irene, at hinayaang manalo si Kapitan..
• Pinalitan naman ni Simoun si Padre Camorra. Biniro
naman ni Padre Irene ang binata na ipusta ang kanyang
mga brilyante. Pumayag naman ito sapagkat wala
namang maipupusta ang kura. Subalit sinabi ni Simoun
na kapag siya ang nanalo, bibigyan nila siya ng pangako.
• Sa kakaibiang kondisyon ng binata ay lumapit si Don
Custodio, Padre Fernandez, at Mataas na Kawani.
Tinanong nila ang binata kung para saan ang kanyang
mga hiling. Sinagot naman ng binata ay para ito sa
kalinisan at kapayapaan ng bayan.
• Aral – Kabanata 11
• Pinapakita sa kabanatang ito ang
kaugaliang Pilipino na nasusunod ang
lahat ng utos at gusto ng isang
makapangyarihang tao at dapat natin
respetuhin at suyuin ang taong iyon
THANK YOU FOR
LISTENING!!!

You might also like