You are on page 1of 15

Banghay Aralin sa Filipino V

PAKIKINIG ( UNANG ARAW )

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa


tekstong napakinggan

I. LAYUNIN: Sa loob ng limampung minutong pagtuturo, ang ma-aaral ay


inaasahang :

A. Naitatala ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tekstong binasa at;


B. Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong binasa

II. PAKSANG ARALIN:

A. Paksang Aralin: Pagkakasunod-sunod ng mga Pangyayari


B. Kagamitan: laptop, projector at manila paper
C. Sanggunian: Bright Minds Read Project, Ikalimang Baitang 185-190

III. PAMAMARAAN :

A. Mga Gawain Bago Makinig:

1. Pagpapayaman ng Talasalitaan

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita.


Gamitin sa pangungusap

Manaka-nakang tahol ng aso matinis na pito


ronda baltik balisong

2. Pagganyak
Mahalaga baa ng pagkakaisa ? Bakit ? Magbigay ng bunga ng pagkaka-isa ? Ilagay ang mga salita sa
loob ng lobo.
3. Pangganyak na Tanong:
Sa tekstong pakikinggan natin, alamin natin kung bakit nagging maayos ang
pamumuhay ng mga taga nayong Maytubig ?

B.Pakikinig ng Tekstong Lunsaran


1. Pag-alala sa isa sa pamantayan sa pakikinig
Bago natin pakinggan ang teksto dapat nating tandaan ang mga panuntunan sa
pakikinig. Handan a ba kayo ?
2. Pakikinig sa Kuwento

NASA PAGKAKAISA ANG LAKAS


Tahimik na tahimik ang gabi. Walang maririnig maliban sa mga ingay ng kuliglig
at manaka-nakang tahulan ng mga aso. Nahihimbing na ang lahat ng mga tao sa
nayon ng Maytubig. Wala silang agam-agam kaya patuloy ang kanilang pagtulog.
Ngunit walang ano-ano ay isang matinis na pito ang gumuhit sa katahimikan.
Tila iisang taong sabay-sabay na bumangon ang mga lalaki sa nayon. Tahimik na
nanaog sa bahay ang mga lalaking may mga dalang pamalo. Humanda na rin ang
mga babae upang tumulong kung kinakailangan.
Ilang sandali pa at naaninag ang mga aninong dahan-dahang gumagapang sa
pinaggalingan ng hudyat. Biglang nagliwanag sa lugar sa lugar na ito dahil sabay-
sabay na pagpapailaw ng mga bagong dating sa mga dala nilang flashlight . Hindi
makakilos ang dalawang lalaki magnanakaw ng kalabaw. Napapalibutan sila ng
mga lalaking may dalang pamalo. Ilang magbubukid ang lumapit sa dalawa at
kinapkapan sila. Mga balisong at isang paltik ang nakuha sa mga ito.
Hindi sinaktan ng mga magbubukid ang dalawang magnanakaw. Isinakay sila ng
mga taga-nayon sad yip at dinala sa munisipyo sa bayan. Ang batas ang hahatol at
siya rin ang magpaparusa sa kanilang pagkakaisa.
Ganyan sa nayon ng Maytubig. Gabi-gabi ay may mga rondang nagbabantay sa
nayon. Hali-halili ang mga lalaki sa pagbabantay . At hindi lamang iyan. Kapa gang
proyektong para sa ikabubuti ng mga taga-nayon, nagtutulong-tulong sila para
maisagawa ang nasabing proyekto. Ito ang dahilan kaya maayos ang pamumuhay
ng taga-Maytubig.

C. Gabay ng mga Tanong


1. Bakit nagging maayos ang pamumuhay ng taga-nayong Maytubig ? ( Kaalaman )
2. Tungkol sa ano ang paksa ng sanaysay ( Pang-unawa )
3. Bilang isang mag-aaral, kung ikaw ang nakahuli sa mga magnanakaw , Ano ang
gagawin mo ? ( Paglalapat )
4. Sa inyong palagay, nahatulan kaya ng tama at binigyan ng karampatang parusa
ang mga magnanakaw ? Bakit ? ( Ebalwasyon )

D. Pagpapalinaw sa Nilinang na Kasanayan:


Panuto: Tumawag ng mag-aaral at ipaulat sa harap ng mga kaklase ang tamang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa sanaysay na napakinggan.
Paano mo nagawang maiulat ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga
pangyayari sa napakinggang teksto ?

E. Pagpapatibay sa Gawain
Panuto: Pakinggan ang babasahin kong talata. Unawaing mabuti at tandaan ang
mga pangyayari.

Ang Pag-unlad ng Bayan


“ Inay ! ” Ang sabi ni Noel’’ Hindi po maaaring tumawid diyan.’’ “ E saan ba ? Ang
tanong ng ina. Dito po sa tamang tawiran, ’’ ang sagot ni Noel. “ Hindi nap o tulad sa
dati ngayon. Ayan pinipituhan kayo ng pulis. ”
“ Sus’’ ang sabi ni Nanay. Noong araw ay ganyan din bawal tumawid sa hindi
tawiran ng tao. Pagkaraan ay ganoon din ang nangyari. Kahit saan ay maaaring
magdaan.”
“ Hindi po Inay, “ ang paliwanag ni Noel. “ Isinasaayos nap o ang lahat ng bagay.
Hindi ba magandang tignan kung sa tamang tawiran tumatawid at sa bangketa
naglalakad ang mga tao ? Sa ganitong paraan ay maiiwasan pati ang mga sakuna.
Para po sa pag-unlad ng bayan disiplina ang kailangan. ”

Halimbawa:
Patawid ang mag-ina sa kalsada
Napansin ng anak ang ina na hindi tumatawid sa tamang tawiran
Ipinaliwanag ng anak na dapat tumawid sa tamang tawiran sapagkat iba na ang
patakaran ngayon kaysa noon
Sinabi ng ina babalik din sa dati na di susunod sa tamang pagtawid ang mga tao.
Ang sabi ng anak para sa pag-unlad ng bayan disiplina ang kailangan.
F. Pangkatang Gawain
Panuto: Ang bawat pangkat ay makinig nang mabuti upang mailahad muli sa
tamang pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa napakinggan talata o teksto.

Panuto: Pakinggan at unawain ang kuwento. Pagkatapos mapakinggan, Isulat ang


buod ng tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Gumamit ng hanggang
limang pangungusap lamang.

SI SAMUEL
Walang anak si Ana kaya nagdasal siya ng ganito: “ Diyos ko, bigyan po Ninyo
ako ng isang anak na lalaki at maglingkod po siya sa Inyo habambuhay. “ Bilang
kasagutan ng Diyos kay Ana, ibinigay Niya rito si Samuel. Maliit pa si Samuel,
dinadala na siya ni Ana sa templo upang maglingkod sa Diyos. Si Hele, ang pari sa
templo ay may dalawang anak na lalaki na hindi nagpapangaral sa Diyos. Marami
silang ginagawang pagkakasala at hindi nakikinig sa pangaral ng kanilang ama.
Isang gabi, habang natutulog si Samuel, tila narinig niyang tumatawag sa
kanya. Noong una, ang akala niya si Hele ito, ngunit hindi ito tumawag sa kanya.
Nalaman ni Hele na ang Diyos ang tumawag kay Samuel .Ito ang sinabi ng Diyos
kay Samuel .
“ Parusahan ko ang paring si Hele. Alam niyang masama ang kanyang
dalawang mga anak ngunit hindi niya pinarurusahan ang mga ito.
Nang maglaban ang mga Israeli at Pelestino, nasawi ang dalalwang anak ni
Hele. Nang marinig ito ni Hele, nahulog siya sa kanyang pagkakaupo at nabali ang
kanyang leeg, Ito ang kanyang ikinamatay.

G. Pag-uulat
Pag-uulat ng mga bata sa kanilang ginagawa
Pagpapahalaga sa Pamamagitan ng Rubrics o ayon sa Pangangailangan atbp.
4 3 2 1
Kriterya Naisasagawa Naisasagawa Di tama ang
ang ang Naisagawa pangkakasunod-
pagkakasunod- pagkakasunod- ang sunod
sunod… sunod ngunit pagkakasunod-
Kumpleto at may maling isa sunod ngunit
tama lahat ang 1 may maling 3
sagot

H. Paglalahat
Ang wastong pakikinig ay susi upang lubos na maunawaan ang mga pangyayari at
upang maitala nang wasto ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
tekstong napakinggan.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Sagutin ng mga pagkakasunod-sunod sa tekstong narinig.

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw


Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon
niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw.
Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang- hihina ang
kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo.
Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang
kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko.


Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito
katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng
kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang
kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan
ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging
napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang
pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

PAGSUNOD-SUNURIN ANG MGA PANGYAYARI SA PABULA (1-5):


___________ Namatay ang kalabaw.
___________ Humingi ng tulong ang kalabaw sa kabayo.
___________ Kinuha ng magsasaka ang gamit sa kalabaw at inilipat sa
kabayo.
___________ Naglakbay ang magsasaka kasama ang kanyang kalabaw at
kabayo.
___________ Nakaramdam ng pagod ang kalabaw.
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Sumulat ng sanaysay o teksto. Magtala ng limang pangungusap na
pinakabuod ng pangyayari sa teksto ayon sa pagkakasunud-sunod nito.
Banghay Aralin sa Filipino V
PAGSASALITA ( IKALAWANG ARAW )

KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nakabubuo ng mga tanong matapos


mapakinggan ang isang sanaysay

I. LAYUNIN: Sa loob ng limampung minutong pagtuturo, ang ma-aaral ay


inaasahang

a. nakabubuo ng mga tanong sa binigay na salaysay


b. nakasasagot sa mga tanong na binigay sa salaysay

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksang Aralin: Nakabubuo ng mga tanong sa naibigay na salaysay


B. Kagamitan: laptop, projector at manila paper
C. Sanggunian: , Sino ang aking Inspirasyon sa Buhay ? Isang Salaysay

III. PAMAMARAAN

A. Panlinang na Gawain
1. Balik-aral

Ano ang dapat tandaan para malaman ang pagkakasunod-sunod sa


kuwentong napakinggan ?

2. Pagganyak
Bakit kailangan mag-aral ng mabuti ?
Sino ang inyong inspirasyon sa buhay ?
3. Talasalitaan

Ano ang dapat nating gawin upang makapagtapos ka sa pag-aaral ?


Ilagay sa ma salita sa mga cartoon character.

______________________

____________________________

_______________________

4. Pagbasa sa Tekstong Lunsaran

Sino ang Aking Inspirasyon sa Buhay ?

Isinulat ni Angela, isang maybahay na ALS Learner sa Maynila. Nais niyang


makapagtapos ng pag-aaral para mabigyan ng mas magandang buhay ang
kanyang dalawang anak.
Maraming dahilan kung bakit tayo ay kailangang magkaroon ng inspirasyon sa
buhay. Ang isa sa mga dahilang ito ay ang katotohanang sila ang ang nagbibigay
ng ibayong lakas sa atin upang malampasan ang mga hamon sa araw-araw.

Ang aking dalawang anak ang itinuturing kong inspirasyon sa aking


buhay. Pareho silang nasa elementarya ngayon. Si Angelo , ang aking panganay
ay kasalukuyang nasa ika-anim na baitang. Samantalang si Salvador, ang aking
bunso ay kasalukuyang nasa ika-limang baitang. Sila ang dahilan kung bakit nais
kong makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System
(ALS). Sa kasalukuyan ako ay nag-aaral ng mabuti upang makapasa sa darating na
Accreditation and Equivalency Test (A&E). Naniniwala ako na kapag ako ay
nakapasa sa pagsusulit na ito, magkakaroon ako ng mas malaking tsansa na
makahanap ng magandang trabaho.

Walang kaparis na kaligayahan ang aking nararamdaman sa tuwing nakikita


at nakakasama ko ang aking dalawang anak. Nawawala ang pagod ko sa mga oras
na kapiling ko sila. Sila ang nagbibigay lakas sa akin ngayon. Sila ang aking
inspirasyon.

5. Gabay na mga Tanong

1. Sino ang gusting makapagtapos ng pag-aaral ? ( Kaalaman )


2. Sino-sino ang kanyang inspirasyon sa buhay ? ( Pang-unawa )
3. Bilang isang mag-aaral, kung ikaw si Angela, Tutuparin mo ba ang
iyong pangarap ? ( Paglalapat )
4. Sa iyong palagay, tama baa ng ginawa ni Angela sa kanyang
salaysay ? ( Ebalwasyon )

Meron pa ba kayong puwedeng maidagdag na mga tanong sa nasabing salaysay.

6. Pangkatang Gawain
Panuto: Basahin ang ibinigay na salaysay at pagkatapos ay magsulat
ng mga tanong na puwedeng iakma sa nasabing salaysay.

Pangkat I at Pangkat II

Pangkat III at Pangkat IV


IV. PAGTATAYA

Panuto: Bumuo ng mga tanong sa ibinigay na sanaysay

Ang Aking Paglalakbay

Ang buhay ay isang mahabang paglalakbay.

May mga nakatagong sorpresa sa bawat araw na daraanan,

mga di inaasahang pangyayari, masaya, malungkot, mahirap, masarap at masakit.

Ito ang mga bagay na kailangang suongin ng isang manlalakbay

upang malaman niya kung ano ang tunay na kahulugan ng buhay,

mga pagsubok na siyang magpapatatag sa kanya

o di kaya nama’y magpapabagsak

kapag ito ay hindi niya napagtagumpayan.

Sa dalampu’t pitong taon ng aking paglalakbay

ay unti-unti ko ng nalalaman ang tunay na kahulugan ng aking buhay,


ang buhayin, mabuhay at magbigay ng buhay.

Marahil ito ang misyon na dapat kong gawin

para maging ganap na makahulugan itong aking paglalakbay.

Sa bawat paghakbang ay kailangang maging maingat,

maging matalino at maging matibay sapagkat

sa bawat maling hakbang ay may nakalaang parusa

at kailanma’y hindi na maaaring ulitin ang hakbang na yaon

dahil ang aking mga paa’y kasabay ng mga kamay ng orasan sa paghakbang.

Sa daang maliwanag ay sinasalubong ako ng mga ngiting matamis,

mga halakhak na hanggang ngayo’y tila umaalingawngaw pa sa aking pandinig,

mga makukulay na tagpo na tila naiguhit na sa aking isipan

at mga salitang tila nagpapagaan ng mabigat na pakiramdam.

Sa paglakad ko’y sinasalubong ako ng mahalimuyak na simoy ng hanging

humahalik sa aking mga pisngi.

Ito ang mga panahong puno ng pag-ibig….

ang panahon ng aking kamusmusan.

Habang ako’y patuloy sa paghakbang

ay tila nagiging makitid ang daan na aking nilalakaran.

Ang dating maliwanag na paligid

tila ngayo’y unti-unting binabalot ng karimlan

na tulad ng pagtatakip-silim.

Ang mahalimuyak na simoy ng hangin ay nagiging malamig

at kapag ito’y dumadampi sa aking mga pisngi

ay nagdudulot ng kaunting hapdi.

Ang aking kalooban ay tila nadaganan


ng lupang rumagasa galing sa mataas na bundok

dahil hindi ko namalayan ang pagpatak ng ulan sa tuktok nito.

At ngayo’y paparating na sa akin ang unos.

Nasa harap ko na ang maiitim na ulap,

nakakasilaw na kidlat at nakakabinging kulog.

Sa lakas ng pagbuhos ng ulan ay tila halos malunod ang aking mundo.

Bumaha ng mga pagsubok.

Pero sa halip na ako’y manghina ay lalo akong naging matibay

sapagkat ako’y kinupkop ng Maykapal.

Yaon ang mga daan sa buhay.

Minsan maliwang, madilim, maluwang at makipot.

Dumating man ang araw na kailangan kong

bagtasing muli ang alinman sa mga landas na iyon,

baon ko na sa puso at isip ang tibay at katatagan,

karunungan at kahandaan sa panahon ng unos.

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Maghanap ng isang salaysay at bumuo ng katanungan

You might also like