You are on page 1of 8

[Type text]

FILIPINO
(Quarter 2-Week 7)
Learning Activity Sheets (LAS) School-Based

Pangalan________________________ Lebel___________________________

Seksyon_________________________ Petsa___________________________

MELC: Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto ( F5EP – II – a – f – 10 )

I. Mga Layunin sa Pagkakatuto:


A. Kaalaman: Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di – pamilyar sa pamamagitan ng
paggamit nito sa pangungusap;
B. Kasanayan: Nasasagutan ang tanong sa binasang tekstong pang – impormasyon gamit ang graphic
organizer;
C. Saloobin: Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng pagpapakita ng
interes sa pagbasa.

II. Pagtatalakay

Ang pagbabasa o pakikinig ay kakambal na ng ating buhay. Mula pagkagising ay


binabasa mo na ang oras.
Ikaw ba ay mahilig magbasa ng mga tula o maiikling kuwento, mga sine o teleserye o
ng mga balita? Marahil pagkatapos mong magbasa ay may magtatanong sa iyo kung tungkol
saan ang iyong nabasa. Naibibigay mo ba ang mga detalyeng ninanais nila? Nasagot mo ba
sila?
Kailangang unawaing mabuti ang binasa upang makuha ang mga impormasyon mula
sa binasa. Isang mahalagang paraan ay ang pagtatala ng mga ito upang higit na maunawaan
at matandaan. Mahalaga din na malaman ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar
upang mas higit na maunawaan ang binasang teksto.
Ang Pamilyar na salita – ito ang mga salitang madalas mo marinig o palagi mo itong
sinasabi.

Halimbawa:

1. Palikuran – banyo o kubeta 6. Mag – aaral - estudyante


2. Silid tulugan o pahingahan – kwarto 7. Guro - titser
3. Paminggalana – lalagyan ng plato 8. Lapis – panulat na may
kasamang pambura
4. Aklat – libro 9. Bahay – tahanan o tirahan
5. Damit – kasuotan 10. Kasambahay – katulong

Ang Di – Pamilyar na salita - ito yung mga salitang bihira mo marinig o hindi mo pa
naririnig.
[Type text]

FILIPINO
(Quarter 2-Week 7)
Learning Activity Sheets (LAS) School-Based

Halimbawa:
1. Salumpuwit – upuan 6. Batalan - lababo
2. Pagtahak – paglakad 7. Nagkukumahog - nagmamadali
3. Tampayan – lalagyan ng tubig 8. Durungawan - bintana
4. Kampit – kutsilyo 9. Naapuhap - nahanap
5. Balintataw – guni – guni 10. Katoto – kaibigan

Ang Tekstong Pang - Impormasyon - ay isang uri ng teksto na nagbibigay kaalaman


sa mga mahahalagang pangyayari. Ito ay may laman na tiyak na impormasyon sa
isang pangalan. Ito ay walang halong opinion ng manunulat.

III. Kasanayang Pagkatuto


Gawain 1

Panuto: Hanapin sa loob kahon ang katumbas na mga salitang may salungguhit sa pangungusap

Eroplano bintana mag – asawa


Guhit sa palad kutsara o tinidor dumi sa mukha
kaibigan lababo upuan kutsilyo

1. Tanaw sa himpapawid ang salipawpaw na lumilipad


2. Parating nkadungaw si Juliet sa durungawan tuwing gabi.
3. Paparating na ang magkatipan
4. Tiningnan ng manghuhula ang badhi sa kamay ni Judy.
5. Ang mga kubyertos ay dapat nang hugasan
6. Ang mga batang naglalaro sa kalye ay nagmistulang pulubi dahil sa gamol sa mukha.
7. Si Cath at Shaira ay matalik na magkatoto.
8. Ang mga hugasin ay nakalagay sa batalan.
9. Ang batang maliit ay inilagay ng ina sa salumpuwit.
10. Ang kampit ay dapat ilagay sa tamang lagayan para hindi maka disgrasya ng mga bata.

Gawain 2
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at punan ang graphic organizer sa ibaba.
Maliit Man ay Nakatutulong Din
Pagod na pagod si Leon sa kanyang paglalakbay sa kagubatan. Minabuti niyang
magpahinga muna sa tabi ng isang malaking puno ng nara. Ito naman si Daga ay sinumpong
ng gutom. Umalis siya ng kanyang lungga at naghanap ng makakain. Sa hindi inaasahang
pangyayari nasagi ni Daga si Leon. Nagising si Leon at ito ay umatungal nang ubod lakas.
Mangiyak-ngiyak na humingi ng paumanhin si Daga kay Leon. Nangatog siya sa nerbiyos.
Dahil dito naawa sa kanya si Leon. Lumipas ang maraming araw, lingid kay Leon ay
[Type text]

FILIPINO
(Quarter 2-Week 7)
Learning Activity Sheets (LAS) School-Based

naglagay ng bitag ang mga mangangaso upang ito ay masilo. At nabitag nga ito! Hindi
makawala si Leon. Dahil sa napakalakas na hagulgol ni Leon ay natawag ang pansin Daga.
Dahan-dahang nginatngat ni Daga ang mga taling nakagapos kay Leon hanggang sa tuluyang
makalaya si Leon.
Maraming salamat, Kaibigan. ” ang sabi ni Leon. “Ngayon ko lang mapatunayang ang
maliliit ay nakatutulong din.Mula noon ay naging magkaibigan si Leon at daga sa gubat.

Pamagat

Lugar na pinangyarihan

Tauhan 1 Tauhan 2

Pangyayari 1

Pangyayari 2

Pangyayari 3

Pangyayari 4
Gawain 3

Panuto : Basahin ang maikling kwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.

ANG ALAMAT NG LANGAW

Noong unang panahon, mayroong isang bayang kahit saan ka lumingon ay may basura. Ang mga
tao ay masasayang namumuhay sana ngunit hindi sila marunong maglinis ng kanilang mga bakuran. Ang
mga bata ay laging marurumi at hindi marunong maligo. Ngunit walang gumagawa ng hakbanag para
luminis ang lugar. Kuntento lamang ang mga tao sa kanilang buhay hanggang isa – isang nagkawalaan ang
mga tao.

Natakot ang mga mamamayan ng bayan. Napadalas kasi ang pagkawala ng mga kababayan.
Iniutos ng hari na magkaroon ng mga grupo ng tao na mag – iikot araw at gabi upang magbantay. Doon nila
Nakita ang higanteng si Angaw.

“ Masarap talaganag kumain ng tao lalo na kung ito’y marumi,” narinig pa nila itong sinabi ni
Angaw habang nag – iikot sa kadiliman ng gabi. Isinumbong ito ng mga mamamayan sa hari.
Dahil doon, ipinagutos ng hari magtulong – tulong ang lahat na maglinis ng kanilang bayan. Tinuruan din
[Type text]

FILIPINO
(Quarter 2-Week 7)
Learning Activity Sheets (LAS) School-Based

nila ang mga batang maglinis ng katawan. Bumango at luminis ang bayan.

Natigil ang pagkawala ng mga tao mula sa bayang ito. Nagtaka sila kung anong nagyari kang
Angaw. Sa kanilang paghahanap, Nakita nilang ito’y namatay na sa gutom dahil wala nang makitang
maruruming tao. Inihagis nila ang bangkay nito sa isang malalim na bangin kung saan nila itinapon ang mga
basura ng kanilang bayan.

Pagkatapos ng ilang linggo ay Nawala ang bangkay ni Angaw at nagkaroon ng maraming lumilipad
– lipad na insekto dito. Tinawag nila itong Langaw upang maalala ang higanteng si Angaw. Tinabunan nila
ang basura ng lupa at Nawala ang mga langaw na lumilipad – lipad.

Magmula noon ay hindi na pinabayaan ng mga mamamayan ang kalinisan sa kanilang lugar at mga
katawan. Ayaw na nilang bumalik ang mga langaw sa kanilang lugar.

1. Ano ang pangyayaring nagdulot ng takot sa mga mamayan ng bayan?


2. Ano ang pangalan ng higanteng kumakain ng tao sa kanilang lugar?
3. Bakit gustong kainin ng higante ang mga tao sa kanilang bayan?
4. Ano ang ginawa ng mga tao upang mapuksa ang higante.
5. Ano ang kanilang natagpuan sa bangin kung saan nila itinapon ang bangkay ng higante?

IV. Pagtataya:
Panuto: Basahin ang maikling kuwento at sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

Iba si Chacha
Ni Enswinda A. Hornedo

Laging tumutulong sa mga gawaing bahay si Chacha. Hindi siya mahilig


makipaglaro. Tuwing naglilinis ng bawang ang kanyang lola Ines pinanunuod niya ito. Pinag-
aaralan niya ang ginagawa ng kanyang Lola Ines. Maya-maya tumabi si Chacha sa kanyang
lola at kinuha niya ang maliit na kutsilyo at nagsimula siyang tumulong dito. Pasulyap sulyap
sa kanya ang kanyang Lola sa takot na baka masugatan si Chacha.
Patapos na sila sa isang sakong bawang na nililinis nang biglang may umiyak, nahiwa
ni Chacha ang kanyang daliri. Dali-daling ginamot ito ng kanyang Lola Ines habang
pinagsasabihan si Chacha. Ayon naman kay Chacha, hindi baleng nasugatan basta nakatulong
siya.
1. Ano ang nakahiligan ni Chacha?
a. Maglaro
b. Mahilig sa gawaing bahay
c. Manunuod

2. Siya ay nakatira sa kanyang .


a. Tita Ines
b. Lola Ines
c. nanay Ines
[Type text]

FILIPINO
(Quarter 2-Week 7)
Learning Activity Sheets (LAS) School-Based

3. Ano ang pinanunuod ni Chacha?


a. paglilinis ng bawang
b. paglilinis ng Palay
c. paglalaba

4. Bakit siya biglang umiyak?


a. kinagat ng langgam
b. nahiwa ang daliri
c. natusok ng bawang

5. Ano ang katangian ni Chacha na iba sa mga ibang bata?


a. matapat
b. magalang
c. matulungin

Mga Sanggunian:
. Retrieved from; https:www.slideshare.net>mobile., Alab Filipino 5.
Gawain 1

1. Eroplano 6. Dumi sa mukha


2. Bintana 7. kaibigan
3. Mag – asawa 8. lababo
4. Guhit sa palad 9. upoan
5. Kutsara o tinidor 10. Kutsilyo

Gawain 2
Maliit man ay Nakakatulong

Kagubatan

Daga
Leon

Nagpapahinga si Leon

Nasagi ni Daga at nagising

Nagmakaawa si daga kay Leon

Pinakawalan ni Leon si daga


FILIPINO
(Quarter 2-Week 7)
Learning Activity Sheets (LAS) School-Based
Gawain 3

1. Nang mapadalas ang pagkawala ng mga tao sa kanilang bayan.


2. Si Angaw.
3. Dahil sa sila’y marurumi at di marunong maglinis.
4. Naglilinis na sila sa kanilang kapaligiran at tinuruan din nila ang mga
kabataan na maglinis ng katawan.
5. Maraming lumilipad- lipad na mga insekto.

Prepared by:
GERELYN B. SUMABAT
T-I/Class Adviser

Quality Assured by:


NELFE A. TOLENTINO
Head Teacher III
FILIPINO
(Quarter 2-Week 7)
Learning Activity Sheets (LAS) School-Based
FILIPINO
(Quarter 2-Week 5)
Learning Activity Sheets (LAS) School-Based

You might also like