You are on page 1of 3

El Filibusterismo Kabanata 3: Ang mga Alamat

• Talasalitaan

• Yungib – kweba o cave sa ingles


• Beateryo – ito ang tawag sa bahay na tinitirhan ng mga madre o mga babaeng iniuukol
ang panahon para sa kabanalan
• Tulisan – tumutukoy sa taong hindi sumusunod sa batas.
• Nagbalat-kayo – nangangahulugang pagtatago ng sariling anyo upang pagtakpan ito o
Hindi maisiwalat ang tunay na kaanyuan sa ibang tao.
• Kubyerta – isang istruktura sa isang sasakyang pandagat tulad ng bapor na karaniwang
nasa mataas na parte nito at bukas sa hangin

• Pagpapakilala Sa Kabanata

Ang pangkat na nasa ibabaw ng kubyerta at nagsasayahan nag-uusap. Pinag-uusapan nila


ang ilang alamat hanggang mapunta ang usapan sa pagtalon sa ilog ng isang Crisostomo
Ibarra na binaril at hindi na muling nakita.

• Tagpuan

Sa ibabaw ng kubyerta ng Bapor Tabo.

• Tauhan

• Simoun – ang mayamang mag-aalahas


• Don Custodio – tagapagpasya sa usaping Akademya ng wikang Kastila
• Kapitan – Kapitan ng bapor
• Padre Florentino – ang amain ni Isagani
• Padre Sybila – paring Dominiko at nagkwento tungkol sa Alamat ni Donya Geromina
• Padre Camorra – ang mukhang artilyerong pari.
• Padre Salvi - ang paring Franciscano
• Donya Victorina – ang babaeng nais ring manirahan sa isang yungib
• Donya Geronima – ang tauhan sa alamat
• Ben-Zayb – isang manunulat sa pahayagan
• Crisostomo Ibarra – ang napatay sa lawa

• Banghay

• Simula
Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang mga nasa kubyerta.
Pinag-uusapan ng mga pari ang pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa
mga bayarin sa simbahan.

• Papataas na Aksyon

Dumating si Simoun at sinabi sa kanya ni Don Custodio na sayang daw dahil


hindi niya nakita ang mga dinaanan ng bapor. Sabi naman ni Simoun kung
wala raw itong alamat ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook na
kanyang makikita.

• Kasukdulan

Kaya nagsalaysay ng mga alamat ang Kapitan at si Padre Salvi. Nang datnan
nila ang lawa ay natanong ni Ben-Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay
ang isang Ibarra at Itinuro ito sa kanya.

• Kakalasan

Ayon kay Padre Salvi, nakasama daw ng ama ang bangkay ng kanyang anak.
Dagdag naman ni Ben Zayb, ‘yon daw ang pinakmurang libing kaya
nagtawanan ang iba.

• Wakas

Si Simoun ay namumutla at tila walang kibo. Ipinagpalagay na lamang ng


Kapitan na nahihilo ito dahil sa paglalakbay.

• Mensahe

May mga bagay o kwento na maaring pinaniniwalaan ngunit maari ding hindi totoo, nasa
desisyon pa din ito ng tao kung maniniwala o hindi.

Hindi lahat ng alamat ay maaring paniwalaan dahil kung minsan ang ating
pinaniniwalaan ay isa lamang palang kasinungalingan at kathang isip lamang, Ngunit
hindi rin natin pipiliting ang ibang tao na maniwala sa ating pinaniniwalaan.

• Kultura na Makikita

Isa sa makikitang kultura sa kabanatang ito ay ang alamat kung saan ipinapaliwanag kung
papaano nagsimula o bakit ganoon ang kalagayan ng tao. Pangalwa ay ang
pananampalataya sa Panginoon at pangatlo ay ang paniniwalang ang arsobispo ay laging
tama.

• Mga Katungan

• Bakit naisipan ng Kapitan na magkwento ng mga Alamat?

Sapagkat wala daw kwenta kay Simoun ang alin mang pook na kanyang makikita
kung wala itong alamat.

• Ano ang pinag-uusapan ng mga pari sa taas ng kubyerta?

Ang pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan.

• Sa alamat na isinalaysay ni Padre Florentino, bakit nagbalat kayo ang babeng si


Donya Geronima?

Dahil gusto niyang tupadin ang pangako ng kanyang kasintahan na naging isang
Arsobispo sa Maynila.

• Sa alamat na isinalaysay ni Padre Salvi, bakit naging bato ang buwayang umatake
sa Intsik?

Dahil pinakinggan ni San Nicolas ang dasal ng Tsino.

• Bakit namutla at tila walang kibo si Simoun nang mapagusapan ang tungkol kay
Ibarra?

Dahil siya si Ibarra na kanilang pinag-uusapan.

You might also like