You are on page 1of 5

EL

FILIBUSTERISMO
Kabanata I: Sa Ibabaw ng Kubyerta
 Umaga ng Disyembre. Sa Ilog Pasig ay sumasalunga
ang Bapor Tabo. Lulan nito sa kubyerta sina Don
Custodio, Ben Zayb, P. Irene, P. Salvi, Donya
Victorina, Kap. Heneral at Simoun.Napag-usapan
ang pagpapalalim ng ilog Pasig. Mungkahi ni Don
Custodio: mag-alagang itik. Ani Simoun namang
kilalang tagapayo ng Kap. Heneral: Gumawa ng
tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at
sa look ng Maynila. Nagkasagutan silani Don
Custodio at ng ilang pari. Ayaw ni Donya Victorina
na matuloy ang pag-aalaga ng pato dahil darami ang
balot na pinandidirihan niya.
Kabanata III: Ang mga Alamat
 Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na
ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga prayle
sapagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga
bayarin sa simbahan. Dumating si Simoun. Sayang daw
at di nakitani Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung
wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya ang
alinmang pook ayonkay Simoun. Isinalaysay ng kapitan
ang alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga
katutubo noong unabilang tahanan ng mga espiritu.
Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot
sa espiritu, nasalin sa mgatulisan.Sinabi ng Kapitan na
may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si
Padre Florentino ang nahingangmagkuwento.
May magkasintahan daw sa Espanya. Naging
arsobispo sa Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo
angbabae. Naparito at hinihiling sa arsobispo na
sundin nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip
ng arsobispo.Itinira ang babae sa isang yungib na
malapit sa Ilog Pasig.Nagandahan si Ben Zayb sa
alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding
manirahan sa kuweba. Tinanong niSimoun si Padre
Salvi. Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam
ay ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara?Hindi
raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang
arsobispo, ayon kay padre Salvi.
At upang mabago ang paksa ayisinalaysay ang alamat ni
San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa
mga buwayang naging bato nangdasalan ng intsik ang
santo.Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben
Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang isang
Guevarra,Navarra o Ibarra.Itinuro ng Kapitan. Naghanap
si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig
labingtatalong taon mataposmangyari iyon. Nakasama
raw ng ama ang bangkay ng anak, ani Padre Sibyla. Iyon
daw ang pinakamurang libing , ayon kay Ben Zayb.
Nagtawanan ng iba! Si Simoun ay namumutla at walang
kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil
sa paglalakabay

You might also like