You are on page 1of 1

ANG MGA ALAMAT

Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan na ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang mga
prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Dumating si
Simoun. Sayang daw at di nakita ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung wala raw alamat
ay walang kuwenta sa kanya ang alinmang pook ayon kay Simoun. Isinalaysay ng Kapitan ang
alamat ng Malapad-na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo noong una bilang tahanan ng mga
espiritu. Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, nasalin sa mga
tulisan.

Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino
ang nahingang magkuwento. May magkasintahan daw sa Espanya. Naging Arsobispo sa
Maynila ang lalaki. Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at hinihiling sa Arsobispo na sundin
nito ang pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng Arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na
malapit sa Ilog Pasig.

Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si Donya Victorina na ibig ding manirahan sa
kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi: Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay
ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara? Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng isang
Arsobispo, ayon kay Padre Salvi. At upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang alamat ni San
Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging bato nang dasalan
ng Intsik ang santo.

Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang
isang Guevarra, Navarra o Ibarra.

Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig


labingtatalong taon matapos mangyari iyon. Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak, ani
Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba! Si
Simoun ay namumutla at walang kibo. Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo dahil sa
paglalakabay.

You might also like