You are on page 1of 3

Dinatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan

na ang nangasa kubyerta. Nagdaraingan ang


mga prayle sa pagkamulat ng mga Pilipino at
pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan.
Dumating si Simoun. Sayang daw at di nakita
ni Simoun ang mga dinaanan ng bapor. Kung
wala raw alamat ay walang kuwenta sa kanya
ang alinmang pook ayon kay Simoun.
Isinalaysay ng Kapitan ang alamat ng Malapad-
na-bato. Ito raw ay banal sa mga katutubo
noong una bilang tahanan ng mga espiritu.
Nang panahanan daw ng mga tulisan ay nawala
ang takot sa espiritu, nasalin sa mga tulisan.

Sinabi ng Kapitan na may isa pang alamat na


ukol kay Donya Geronima. Si Padre Florentino
ang nahingang magkuwento. May
magkasintahan daw sa Espanya. Naging
Arsobispo sa Maynila ang lalaki.
Nagbabalatkayo ang babae. Naparito at
hinihiling sa Arsobispo na sundin nito ang
pangako pakasal sila. Iba ang naisip ng
Arsobispo. Itinira ang babae sa isang yungib na
malapit sa Ilog Pasig.

Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit si


Donya Victorina na ibig ding manirahan sa
kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre Salvi: Sa
inyong palagay, hindi ba higit na mainam ay
ilagay sa isang beateryo tulad ni Sta. Clara?
Hindi raw siya makakahatol sa mga ginawa ng
isang Arsobispo, ayon kay Padre Salvi. At
upang mabago ang paksa ay isinalaysay ang
alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang
Intsik sa pagkamatay sa mga buwayang naging
bato nang dasalan ng Intsik ang santo.

Nang datnan nila ang lawa ay nagtanong si Ben


Zayb sa Kapitan kung saan sa lawa napatay ang
isang Guevarra, Navarra o Ibarra.
Itinuro ng Kapitan. Naghanap si Donya
Victorina ng bakas ng pagkamatay ng tubig
labingtatalong taon matapos mangyari iyon.
Nakasama raw ng ama ang bangkay ng anak,
ani Padre Sibyla. Iyon daw ang pinakamurang
libing, ayon kay Ben Zayb. Nagtawanan ng iba!
Si Simoun ay namumutla at walang kibo.
Ipinalagay ng Kapitan na si Simoun ay nahilo
dahil sa paglalakabay.

You might also like